Mahal ko na ang Cubao Expo.
If it were nearer to Makati, mas mamahalin ko siya.

At first glance, it really doesn't look like much.


The place kinda reminds me of Harry Potter's Diagon Alley, the Divisoria-ish version of it.

Andito rin yung restaurant kung saan madalas mag-away si Popoy and Basha, Bellini's.
The main reason why I love Cubao Expo are these:





Secondhand books galore!! From P50 to P200 ang price range, at maraming hardbound copies.
And do mine eyes deceive me? Old copies of Glitter magazine! When I was in grade school in Batangas, at patago pa ang aking pagka-beki, sa Glitter magazines ko nakukuha ang weekly dose of local and foreign showbiz news ko.



Si Nanay, nag-mamakinilya pa ng proyekto ng isang mag-aaral. Singkwenta isang pahina yata ang singil.

BTW, kasama ko nga pala noon sina Supervisor Onica and Baker Clang.

At ang ating resident hottie, si Trainer Marlon.
We ate in this small resto/cafe called Halo.

Actually, napahiya pa nga ako kasi akala ko Halo-Halo ang sineserve nila. Yun pala, HEY-LOW ang pronunciation nung name. Please lang.
Super mura naman yung mga prices.
Super liit din ng place.

Siguro, mga three tables lang ang kasya.



Trainer Marlon lost a bet so he had to order and drink this concoction named "Gayuma" (P50).
According sa waiter, gawa ito sa bananas "and other stuff".
Lasa nga siyang bananas, na hinaluan ng Red Bull at cough syrup. Di namin ma-take.
Meron din silang "Gataca" drink. Gawa sa gatas ng cow, tanduay, and carabao's milk.

Calamansi shake na lang ang in-order ko.

May kabagalan ang service, pero naman kasi dalawa lang sila, at medyo queuing ang orders namin.


We wanted to take lots of pictures, kaso this pesky guard was following me around and telling me na bawal mag-picture-taking.


Actually, karamihan sa mga stores dun, bawal rin magtake ng pictures sa loob nila. Kaya patago ang mga kuha ko.
Ka-imbey.
Lalo na ng makita namin na may nagpho-photoshoot sa isang store.

Akala ko nga manekin, yun pala mowdel.

Not a good-looking one at that.

Actually, chaka din yung male mowdel.
Buti na lang maganda yung sofa.
Sana throw pillows na lang ang pinaupo nila sa sofa. Mas may aesthetic achuchu pa.
Anyways, matapos naming magsukat ng mga damit at sapatos sa ukay-ukay nila, biglang umulan.
So, we decided to make tambay muna sa sikat na bar na Mogwai.

(picture from Chuvaness.com)
Mogwai is owned by film director Eric Matti.
Kaya naman parang isang eksena sa isang action/adventure film ang dating ng ambience.
Parang any minute, darating na lang si Indiana Jones at may-I-order ng isang mainit-init na Filipina Prostitute sa bar.
At dahil nga movies ang theme ng resto, meron din silang small "cinema" sa taas. Nagkalat ang mga higanteng unan sa sahig at may ilan-ilan ding mga theater seats.
Mondays to Saturdays ang showing at 9pm, and I'm not sure kung anung klaseng mga pelikula ang pinapalabas dun.

A bowl of delicious crispy dilis for around P50, I think.

And my favorite Chicken Liver swimming in gravy with more crispy dilis.

The best na pulutan, crispy chicken leeg!

Tokwa't baboy at itlog na pula.

Ang favorite soup ng barkada, Pumpkin Soup.
Pwede rin pala kayo sa Cubao Expo na magshopping for Halloween.
They have really cheap and beautiful masks:



And my personal favorite:

In fairness, nakakatangos ng ilong. Wala nang ibabakla pa ang picture kong ito.