Everytime You Go
The Conclusion
28.09.2010
"Wasn't Pasha your anything a few months ago?" tanong ko.
"Jealous?" Schoolboi smiled.
"Cautious," sagot ko.
"Scared?" tanong niya.
"Sobra," sagot ko.
"Me, too," sagot niya.
"Talaga?" tanong ko.
"Oo naman," sabi niya.
"Why?" tanong ko.
Huminga siya ng malalim, "I'm scared that I'll never be over him."
Huminga din ako ng malalim, "I'm scared na I'll never be over Roman as well."
Tumawa si Schoolboi, "See? Bagay talaga tayo."
Tahimik lang ako.
"You really love Roman that much?" he asked.
Tumango ako.
"Sige nga, sino mas pogi, me or him?" he asked, joking.
"Mas pogi ka," sagot ko ng walang hesitation.
"Yes!" sabi niya.
"Pero mas matimbang siya," dagdag ko.
Nagkunyari siyang nanlumo sa sinabi ko.
"What's with him anyway? Why are you so into him?" he asked.
"Ewan, ganun talaga eh. Weird nga eh, everytime I'm with him, sumasakit ang tiyan ko. Alam mo yun, pag magkikita kami, sobrang excited ako, sumasakit ang tiyan ko. Makita ko palang ang medyo may kabaduyan niyang mga damit, sumasakit ang tiyan ko. Marinig ko lang jokes niya, ayan na naman ang tiyan ko. Pwede pala na sobrang love mo yung isang tao, masakit na yung dating. Mali pala sila, ang love, hindi sa puso nararamdaman, sa tiyan pala," I explained, "He's just a friend pero yun nga, I fell for him. Sakit ko naman yata yan eh. Ganun eh. Tanga ako eh. Mahal ko talaga eh."
"So hihintayin mo siyang mahalin ka niya?" tanong ni Schoolboi.
Umiling ako, "Nope, hihintayin kong ma-over ako. Mali yung feelings ko for him eh. I never should have allowed myself to fall for him."
Uminom ako ng tubig kasi naubusan yata ako ng laway sa explanation ko.
"You okay?" tanong ni Schoolboi.
"Yup," ngiti ko.
"Eh bakit naiiyak ka?" tanong niya.
"Sumasakit na naman tiyan ko eh," biro ko.
Tumahimik siya.
"Sorry ha, emo ako," sabi ko.
"S'okay," sabi niya, "I feel the same exact way with Pasha. That's why I was thinking maybe we could help each other out. You know, parang support group."
"Wow, and here I thought deds na deds ka na sa kaseksihan ng mga bilbil ko," biro ko.
Tumawa siya.
"Honestly, I like you, Schoolboi, pero we both know na what we have here, it's just two less lonely people in the world ang drama," sabi ko.
He nodded, "Misery loves company."
Bumuntung-hininga ako, "Akala ko nung high school ako, pagdating ko ng ganitong edad, alam ko na kung paano i-handle ang mga ganitong eksena, pero yun pala, it just gets more complicated. Parang status lang sa Facebook."
"We're nothing but overgrown children, I guess," sabi niya.
"Mas madali ang buhay mo, you're gorgeous, you can have anyone you want," sabi ko.
"Except Pasha's commitment," sabi niya, mahina, "And apparently, kahit ikaw ayaw mo sa akin."
"Ututan kita diyan eh," sabi ko," Alam mong hindi tayo ganyan. Aaminin ko, kinikilig ako sa flowers and dinner and everything, tao lang ako. Pero aminin mo rin, both of us would rather be with someone else tonight."
He smiled sadly.
"Ihatid mo na ako pauwi," sabi ko, tumatayo from my seat, "May pasok pa ako in a few hours."
On the way to my apartment, tahimik kami pareho. Tumutugtog ang kantang "Everytime You Go Away" sa radio niya, one of my favorite songs.
Hinatid niya ako sa pinto ng apartment ko. Malamig ang hangin.
"Thank you for a most wonderfully enlightening evening," sabi ko sa kaniya.
He leaned closer to me, "I believe I owe you a kiss."
Napalunok ako, "Friends lang tayo."
Umatras siya, "If that's how you feel..."
Hinila ko siya pabalik, "Ang ibig ko sabihin, friends tayo kaya dapat ang kiss natin, walang malisya."
"Yes, sir," sabi ni Schoolboi, leaning towards me again, smiling.
Good night, folks.
Posted by callboi 04:26 Archived in Philippines Comments (40)