A Travellerspoint blog

Philippines

Hello and Goodbye

sunny

Nakahiga ako sa kama ko, nakatingala sa kisame.

Alas-sais ng umaga ng Linggo, kaya medyo malamig pa sa kuwarto ko.

Kakatapos ko lang mag-floorwax kaya nagpapahinga muna ako bago ako magsimulang mag-bunot ng sahig.

Malakas ang hangin na pumapasok sa kuwarto ko mula sa bintana sa may ulunan ng kama.

Pinagmamasdan ko ang berde kong mga kurtina na dinadala ng hangin paitaas.

Kakalipat ko pa lang sa pension house na ito sa may Mayapis, kaya medyo naninibago pa ako.

Maganda naman ang lugar. Malinis.

Maganda ang puwestong kuwarto ko. Sa second floor at sa dulo ng hallway.

Tahimik ang two-storey na building. Bihira kong makita ang mga kasambahay ko.

Medyo may katarayan ang landlady, pero keri naman. Mas mataray ako.

Maliit lang ang kuwarto ko pero hindi masikip.

Tamang-tama lang sa isang single na tao.

Iniisip ko kung paano ko pagkakasyahin ang marami kong libro sa katamtaman na bookshelves sa pader, nang may kumatok sa pinto ko.

Nagpunas ako ng pawis bago ko binuksan ang pinto.

Natulala ako sa lalaking nakatayo sa harap ko.

"Your landlady let me in," ang sabi niya, hindi nakangiti.

Hindi rin ako nakangiti, hindi ako nagsasalita.

Iniwan kong nakabukas ang pinto at naupo lang ako sa kama.

Pumasok siya, sinarahan ang pinto.

Napansin kong may dala siyang malaking paper bag na medyo basa.

"Pandesal," alok niya sa akin. Everytime may away kami, dinadalhan niya ako ng pandesal the morning after.

Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa sahig.

After a moment, naupo rin siya sa tabi ko.

Naamoy ko ang pabango niya, suot niya yung paborito ko.

Tahimik kami pareho.

Walang kibuan.

Pero sa totoo lang, ang lakas ng tibok ng puso ko.

Kaba at galit. Pero nananaig ang kaba.

Iniisip ko sa sarili ko, "Thirty years old ka na, Buquir, wag na wag kang magda-drama. Have some dignity."

Sa utak ko, dinuduro ko ang sarili ko. Wag kang iiyak. Wag kang magpapaka-tanga.

So, hindi ako umiyak. Wala akong salita.

Hinihintay kong siya ang mag-salita.

Hinihintay kong sabihin niya na hindi ako ang tanga, na siya ang tanga.

Lahat ng kadramahan na napanood ko sa mga sine at teleserye, tumakbo sa utak ko.

Kung anu-anong eksena ang na-imagine kong mangyayari.

Pero...

"I don't know what to say," sabi niya, humihinga ng malalim.

Pero ako, alam ko kung anong gusto kong sabihin.

At alam kong di ko mapapatawad ang sarili ko pag di ko sinabi sa kaniya.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kaniya.

"I have no right to be angry, even if I am, because what you did, I did, too," sabi ko.

Nalito siya sa sinabi ko, pero after a second, naintindihan niya.

"Are you saying that just to get back at me? Because of what I did?" tanong niya, halatang nagpipigil.

Parang gusto niya akong suntukin.

Hindi ako sumagot. I guess alam na niya ang sagot.

Tumayo siya, "Well, I guess that makes us even."

Lumabas siya ng kuwarto at ibinagsak pasara ang pinto.

Nang mag-isa na ako sa kuwarto, iniisip ko, bakit ganon lang? Bakit hindi katulad ng mga eksena sa movies o sa tv o sa mga librong nabasa?

Bakit walang sigawan? Bakit walang iyakan?

It wasn't supposed to be like this. It wasn't supposed to end this way.

Dapat magsisigawan kami tapos magsusumbatan, tapos after the furious fight, marerealize namin na mahal pa rin namin ang isa't isa at di namin kayang maghiwalay kaya magyayakapan kami at mag-ma-makeup-sex.

Tapos, we'd vow to be loyal to each other from now on.

Tapos, tutulungan niya akong mag-bunot ng sahig.

Pero ganun eh.

Tapos na.

Sa ngayon, anyway.

The end muna.

Posted by callboi 15:01 Archived in Philippines Comments (23)

Hot Hot Hot!

sunny

h1.jpg

h2.jpg

h3.jpg

h4.jpg

Hot, right?

Mainit na nga sa labas, mainit pa dito sa blog.

Meet Hideo. My uber-favorite Japanese-Brazilian supermodel.

To make a long story short, he's agreed to do an online interview with me for my blog!

Yay! (Actually, when I saw that he responded to my message, muntik na akong mag-orgasm.)

The only problem is, kilala niyo naman ako, kapag nahaharap sa laman na sobrang hotness, nawawala ang IQ ko.

I have no idea what to ask him!

So, I turn to you, dear readers. Help me out, please!

What questions would you like me to ask the supermodel-of-my-wet-dreams?

Let's keep the questions as PG-13 as possible, please? Do try to restrain yourself from asking yung masyadong R-18 questions, as much as I would also want to hehehe.

:)

Post na sa comments section!

P.S. Best question gets a prize! A free copy of my book!

Posted by callboi 00:59 Archived in Philippines Comments (42)

Eyeball Part 2

overcast

mark.jpg

Magaan agad ang loob ko kay Mark.

Siguro dahil may itsura siya, ewan ko. Mababaw talaga ako eh.

Halata kong nahihiya siya sa akin, pero pilit niyang tinatago.

"Tell me about your boyfriend," sabi ko.

Napataas ang kilay niya, "Si Brian? Ayun. Mahal ko. Mahal na mahal."

Napamaang ako. Walang halong bitterness or sarcasm ang mga salita niya.

Napansin niya ang reaksiyon ko.

Natawa siya, "Totoo, mahal ko yun. Even after knowing what he did, hindi mabura eh."

Sinimulan na niya ang istorya ng buhay nila.

"We met during training sa isang call center. Hindi ko naman siya napansin agad noon eh. Siya yung nagpapapansin sa akin. I guess may pagka-suplado ang dating ko kaya di ko masyado naging ka-close noon yung mga ka-batch mates ko, pero si Brian, dikit ng dikit sa akin. Saka ko lang siguro na-realize na may itsura pala yung mokong na yun."

"Hindi ako pala-kaibigan na tao, pero kay Brian, nag-open up ako."

"Tapos, after shift, lagi kaming sabay umuwi. Aayain niya muna akong gumala sa mall or manood ng sine. Natutuwa naman ako sobra sa atensiyon kaya sumasama ako. Plus, masarap talaga siya kausap."

"Kinakausap ko pa nga sarili ko noon eh, kasi mukha siyang player. Sabi ko sa sarili ko na huwag masyadong mahulog ang loob sa kaniya kasi masasaktan lang ako. Takot ba. Pero di ko pa rin mapigilan maging close sa kaniya."

"Minsan, during lunch, sinabi niya sa akin na may dala siyang pagkain para sa akin. Sabay na raw kami kumain. Siya daw ang nagluto for me. Na-touch naman ako."

"Tinanong ko siya, nanliligaw ka ba sa akin?"

"Sabi niya, ano sa tingin mo?"

"Hindi kakaiba ang panliligaw ni Brian sa akin. Gaya rin ng sa iba, I guess. Pero siyempre, lahat tayo, feeling natin ang lovestory natin, mas special. Ganun naman talaga eh. That night, pinagluto niya ako ng dinner sa apartment niya. May candlelight pa. Tapos, nagulat ako kasi may mga ibang bisita. Isang babae, isang lalaki. Yun pala, mga barkada niya. Humingi siya ng pabor sa kanila. Singer yung babae, gitarista yung lalaki. Kinakantahan nila kami habang nagdidinner. Corny pero, alam mo na. Kilig pa rin, siyempre."

"Tapos ayun, nahulog na yung loob ko sa kaniya. Sweet talaga eh. Dinaan ako sa karinyo. Hindi naman kasi ako nagkaroon ng matinong relasyon before him kaya siguro sobrang na-fall ako sa kaniya. Naging kami. Mahal niya ako, mahal ko siya. Ganun ka-simple. Sabi ko sa kaniya, kung sakaling mawalan na siya ng love para sa akin, sabihin na agad niya ng maaga sa akin. Kasi ayaw kong magmukhang tanga. At pag niloko niya ako, at nalaman ko, uupakan ko siya. Never daw, sagot niya."

Tumango ako.

"About three months after maging kami, napansin ko na lagi siyang balisa. Parang di matahimik. Inisip ko, siguro may ginagawang kalokohan siya. Baka may third party. Hindi na rin ako bigla matahimik. Feeling ko mababaliw ako pag nalaman kong may iba siya. So one night, I confronted him."

"I asked him outright, do you still love me?"

"Umiyak siya bigla. Hagulgol. Yumakap sa akin. Nanlamig yung buong katawan ko. Sa isip ko, putangina meron siyang iba. Niloko niya ako. Pero hindi pala yun. Ngayon, naiisip ko, sana ganun na lang. Sana third party na lang pala yung problema niya."

"I love you, sabi niya. So bakit ka umiiyak? tanong ko sa kaniya. Naiiyak na rin ako. Hinihintay kong sabihin niya na may nangyari with someone else. Na may iba na siyang mahal. Lamig na lamig yung katawan ko noon. Nangingig. Gusto kong marinig ang totoo na parang ayaw."

"Walang iba, Mark, wala promise, sabi niya, umiiyak pa rin."

"Eh bakit ka nga umiiyak? Putangina tinatakot mo naman ako eh."

"Tapos sinabi niya. Sinabi niya sa akin ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Kung bakit takot na takot siyang sabihin sa akin ang totoo."

"Naisip ko bigla, sana may third party na lang pala."

Tumigil si Mark sa pag-kwento. Nakatungo siya.

Umiiyak siya ng tahimik, ayaw magpahalata sa mga ibang tao sa paligid.

At the time, dumami na ang mga umiinom sa Mogwai. Gabi na. Lumalakas pa ang hangin kaya malamig.

Nanginginig na rin ako, actually. Hindi ko alam kung dahil sa lamig o dahil sa kwento ni Mark.

Inabutan ko ng tissue si Mark.

Nagpahid siya ng mata, "Para akong tanga, ano?"

Umiling ako. Di makapagsalita. Kasi alam ko kung ano ang sinabi sa kaniya ni Brian. Sinabi na sa akin ni Mark sa email niya sa akin.

Ang dahilan kung bakit ninais kong makipagkita sa kaniya.

You see, dear readers, may AIDS si Brian.

To be continued...

Posted by callboi 14:04 Archived in Philippines Comments (25)

Patikim ng P Niya...

sunny

01.bmp

Huwag niyo akong pagagalitan after reading this post.

Kasi, lingid sa kaalaman ng karamihan sa inyo, na-ospital ako for nine days.

Kakalabas ko lang last Monday.

Sa Manila Adventist Hospital sa may Taft ako na-confine. Wag niyo nang tanungin kung bakit.

Anyway, I love Manila Adventist kasi maganda service nila, lahat sila dun mabait, plus, super-healthy ang food na sine-serve nila sa patients nila.

Vegetarian ang meals at na-perfect na nila ang pagluto ng soy meat and tofu meat.

Pero after nine days of healthy eating, namalayan ko na lang na amoy-tokwa na pala ako.

So the day after kong maka-checkout, sinundo ako ni Baker Clang at ni Chef Ed for a roadtrip.

00781.jpg

For a foodie roadtrip!

Sa may Shell gas station sa Magallanes pa lang, bumili na kami agad ng appetizer.

692.jpg

Dahil summer na, they decided to take me to the nearby probinsya of Bacoor, Cavite.

953.jpg

Apparently, may isang town yata dun na sikat for their halo-halo and empanada.

I don't know kung town yun or isang street yata.

Basta ang name nung place Digman.

574.jpg

Tanghaling tapat na nung dumating kami kaya walang tao sa maliit na resto.

5.bmp
55.jpg
77.jpg

Mura lang ang halo-halo. I think 30p lang. Pero masarap!

Lalo na yung leche flan (I know, I know, it's bad for me, pero last pig-out ko na ito, I hope)

088.jpg

Sikat din daw yung empanada nila kaso wala pa silang naluluto.

Paglabas namin ng resto, may ulam akong nakita. Mas masarap sa empanada.

759.jpg

Mmmmalaman.

After having dessert first, we then decided to go back to Manila, and try out something even more famous.

We set out to Roxas Boulevard, in front of the US Embassy.

910.jpg

Have you heard of Emerald Garden?

I'm sure some of you have.

3011.jpg

Actually, yung una naming napasukan na Emerald Garden mali pala. Ang hinahanap kasi namin eh yung dimsum place nila, which was right next to the first one we entered.

Emerald Gardens is sikat for their gigantic and delicious siopao, also known as taipao.

siopao.jpg

Ito yung siopao na natsismis na dahilan kung bakit umalis sa Manila hostage crisis si Alfredo Lim, para lang bumili nito.

Ewan ko kung totoo yun, pero according to shootfirsteatlater.blogspot.com, where I stole some of these pics, "You almost have to bow in the presence of this siopao. It weighs 386 grams or 13.6 oz. Imagine eating 4 Quarter Pounders minus a bun. It's not easy getting hold of this baby. You have to call and reserve the minute they open. I think they make a limited quantity and it's always out of stock by the time I call."

28.bmp

She adds, "There is barely any dough. This is an all meat siopao. And what glorious meat. There's the base of bola bola (ground pork) topped with chinese sausage, roast pork and chicken. To break the meat love they added some salted egg."

29.bmp
30.bmp

Everytime binabasa ko yung description niya nung siopao, kasama ang pictures, nag-o-orgasm ako.

414.jpg

And guess what?

913.jpg

Pagdating namin, we were informed by the waiter na ubos na nga. Pakshet very much.

612.jpg

Gusto kong mag-warla nung marinig ko yun.

Lumapit sa amin yung head waitress nila na si Ate Rosie.

722.jpg

She suggested we instead try their newly cooked "Emerald Pie."

Mas bagay daw sa aming tatlo yun.

So go na.

We also ordered:

418.jpg

Chicken Noodles, 80P, keri naman.

917.jpg

Beef Hofan (flat noodles) mga 80+ din yata ito, and masarap siya, in fernez.

0919.jpg

Spareribs na lasang... spareribs.

320.jpg

And steamed dumplings.

kakanin1.jpg
kakanin2.jpg

The pics above are from some other blog, pero they didn't have this available at the time as well.

After ten minutes, dumating na yung Emerald Pie.

315.jpg

Mas malaki pa siya sa mukha ko!

9016.jpg

It was filled with meat, veggies, lotsa potatoes and creamy creamy hot mayo.

Isang subo pa lang, busog na ako. Puno na agad ng sustansya ang isang kutsara pa lang.

Naka isang slice lang ako. Ganun siya kabigat sa tiyan.

Masarap siya. Promise.

Yung table malapit sa amin, um-order din ng isang Emerald Pie.

8821.jpg

Pang-pamilya pala ang putang pie to.

Next month's pig-out, babalik ako sa Emerald Garden para bumili uli ng isang pie.

Kakainin ko mag-isa habang nanunuod ng sine. Hindi ako magpapatalo sa pie na ito.

UPDATE: BTW, I forgot to include here that Emerald Gardens is located in Roxas Boulevard, in front of the US Embassy. Yun lang! Ciao!

Posted by callboi 11:10 Archived in Philippines Comments (10)

CareDivas!

sunny

c2.bmp

I have been reading online nothing but rave reviews about this musical!

I was supposed to watch it last month kaso super hectic ang schedule ko noon, buti na lang may extended show sila sa May 8.

c1.bmp

As per Spot.ph, "Care Divas follows the lives of Chelsea (Melvin Lee), Shai (Vincent De Jesus), Kayla (Jerald Napoles, Ricci Chan), Thalia (Dudz Teraña, Jason Barcial) and Jonee (Phil Noble, Buddy Caramat), five Filipino Overseas Filipino Workers who each try to make ends meet in another country while struggling to search for freedom and acceptance."

c3.bmp

c4.bmp

c5.bmp

I will be seeing it this coming May 8, with a friend of mine and I hope you guys see it, too, kasi this show is just too good to miss.

If you're interested, a friend of mine is selling tickets. Plus, super affordable ang presyo!

The details of how to get tickets are below:

WHEN: Sunday - May 8, 2011 3:00 pm

WHERE: PETA Theater, 5 Eymard Drive, New Manila Quezon City

HOW MUCH: Regular Seats - Php 600.00

VIP Seats – Php 800.00

Contact Details:
Email: [email protected]
Mobile: 0927.282.26.31
Landline: (02) 7256244

Online and email reservations can be sent to [email protected]

You can get more info about the show by clicking here: at http://www.jellicleblog.com/tag/caredivas/.

Remember, that's 3PM, May 8.

If you see me there, please say hi and I'll take your pic and post it on my blog entry about the show! (Feeling artista lang ako!)

-photos from kish.ph and mcvie5.blogspot.com-

Posted by callboi 02:10 Archived in Philippines Comments (3)

(Entries 1 - 5 of 473) Page [1] 2 3 4 5 6 7 8 9 10 .. » Next