A Travellerspoint blog

By this Author: callboi

Ang Huling El Bimbo

Dearest Readers,

In about six or seven days, my blog will be turning 4 years old.

Wow.

To those who've read this blog in its younger days, or those who've read the whole thing, you'll know that the movie that is my life has been through its share of ups and downs.

And almost all of it, I've written down here in my blog.

Nung nagsisimula pa lang ako, halos lahat ng mga sikreto ko, nilagay ko sa blog na ito, kasi naman, akala ko ako lang at ang malalapit kong mga kaibigan ang nagbabasa nito.

Naalala ko pa yung mga panahon na sobrang tuwang-tuwa ako (na halos mapaihi na) kapag may nagcocomment sa mga entries ko.

Marami-rami din akong naisulat tungkol sa mga personal na bagay, tulad ng pangungulila ko sa pamilya ko, at ang aking mala-teleserye na lovelife.

Well dear readers, just an update, wala na kami ni Schoolboi, pero okay naman kami.

And I guess, it's true what they say, when one door closes, another one opens.

Alam niyo bang kasama ko na uli ang pamilya ko? Yes, after more than five years of estrangement and living alone and spending the holidays by my lonesome and being alone in the hospital, I am now finally, finally, with my mother and father again.

Sinasanay ko pa ang sarili ko na mamuhay uli ng may patnubay ng mga magulang, pero I don't think it will be a problem.

Which brings me to my point. My final point in this blog.

I have decided that this will be my last entry in this blog.

My reasons? I'll be honest: I'm in a point in my life wherein family is my first and only priority.

I want to help them see that I am willing to give up a lot of things in order for whatever animosity (if any) exists amongst us to just simply fade away.

I know that a lot of entries in this blog will be left unfinished, a lot of stories left untold, a lot of views left unsaid.

And for that, I ask for your understanding and forgiveness. Please allow me this time to be with my family.

I owe them a lot.

I am reminded of a quote from one of my favorite child characters, Annie, "How lucky I am to have something that makes saying goodbye so hard."

I do have plans, however, of blogging again. And soon. But this time, under a pseudonym.

Under a different name, but same style of writing.

Hopefully, you can find me. :)

Jologs moment: Feel free to add me on Facebook, my name there is Bookie Buquir. And sige na nga, sa Twitter na rin @bookiebuquir.

That's where I'll be posting updates about the extremely-delayed book launch.

You can also still reach me at [email protected] if you wanna make chika.

So, finally, goodbye, dear readers.

It's been fun.

I'll miss you all.

But what can I say?

I'm finally home.

xoxo,

Bookie

09me.jpg

Posted by callboi 04:10 Comments (0)

Hello and Goodbye

sunny

Nakahiga ako sa kama ko, nakatingala sa kisame.

Alas-sais ng umaga ng Linggo, kaya medyo malamig pa sa kuwarto ko.

Kakatapos ko lang mag-floorwax kaya nagpapahinga muna ako bago ako magsimulang mag-bunot ng sahig.

Malakas ang hangin na pumapasok sa kuwarto ko mula sa bintana sa may ulunan ng kama.

Pinagmamasdan ko ang berde kong mga kurtina na dinadala ng hangin paitaas.

Kakalipat ko pa lang sa pension house na ito sa may Mayapis, kaya medyo naninibago pa ako.

Maganda naman ang lugar. Malinis.

Maganda ang puwestong kuwarto ko. Sa second floor at sa dulo ng hallway.

Tahimik ang two-storey na building. Bihira kong makita ang mga kasambahay ko.

Medyo may katarayan ang landlady, pero keri naman. Mas mataray ako.

Maliit lang ang kuwarto ko pero hindi masikip.

Tamang-tama lang sa isang single na tao.

Iniisip ko kung paano ko pagkakasyahin ang marami kong libro sa katamtaman na bookshelves sa pader, nang may kumatok sa pinto ko.

Nagpunas ako ng pawis bago ko binuksan ang pinto.

Natulala ako sa lalaking nakatayo sa harap ko.

"Your landlady let me in," ang sabi niya, hindi nakangiti.

Hindi rin ako nakangiti, hindi ako nagsasalita.

Iniwan kong nakabukas ang pinto at naupo lang ako sa kama.

Pumasok siya, sinarahan ang pinto.

Napansin kong may dala siyang malaking paper bag na medyo basa.

"Pandesal," alok niya sa akin. Everytime may away kami, dinadalhan niya ako ng pandesal the morning after.

Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa sahig.

After a moment, naupo rin siya sa tabi ko.

Naamoy ko ang pabango niya, suot niya yung paborito ko.

Tahimik kami pareho.

Walang kibuan.

Pero sa totoo lang, ang lakas ng tibok ng puso ko.

Kaba at galit. Pero nananaig ang kaba.

Iniisip ko sa sarili ko, "Thirty years old ka na, Buquir, wag na wag kang magda-drama. Have some dignity."

Sa utak ko, dinuduro ko ang sarili ko. Wag kang iiyak. Wag kang magpapaka-tanga.

So, hindi ako umiyak. Wala akong salita.

Hinihintay kong siya ang mag-salita.

Hinihintay kong sabihin niya na hindi ako ang tanga, na siya ang tanga.

Lahat ng kadramahan na napanood ko sa mga sine at teleserye, tumakbo sa utak ko.

Kung anu-anong eksena ang na-imagine kong mangyayari.

Pero...

"I don't know what to say," sabi niya, humihinga ng malalim.

Pero ako, alam ko kung anong gusto kong sabihin.

At alam kong di ko mapapatawad ang sarili ko pag di ko sinabi sa kaniya.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kaniya.

"I have no right to be angry, even if I am, because what you did, I did, too," sabi ko.

Nalito siya sa sinabi ko, pero after a second, naintindihan niya.

"Are you saying that just to get back at me? Because of what I did?" tanong niya, halatang nagpipigil.

Parang gusto niya akong suntukin.

Hindi ako sumagot. I guess alam na niya ang sagot.

Tumayo siya, "Well, I guess that makes us even."

Lumabas siya ng kuwarto at ibinagsak pasara ang pinto.

Nang mag-isa na ako sa kuwarto, iniisip ko, bakit ganon lang? Bakit hindi katulad ng mga eksena sa movies o sa tv o sa mga librong nabasa?

Bakit walang sigawan? Bakit walang iyakan?

It wasn't supposed to be like this. It wasn't supposed to end this way.

Dapat magsisigawan kami tapos magsusumbatan, tapos after the furious fight, marerealize namin na mahal pa rin namin ang isa't isa at di namin kayang maghiwalay kaya magyayakapan kami at mag-ma-makeup-sex.

Tapos, we'd vow to be loyal to each other from now on.

Tapos, tutulungan niya akong mag-bunot ng sahig.

Pero ganun eh.

Tapos na.

Sa ngayon, anyway.

The end muna.

Posted by callboi 15:01 Archived in Philippines Comments (23)

Bathroom Confessions

4ina.jpg

6pm, Lunes, Antipolo, Mansion ni Ina Magenta, sa bathroom:

About two hours earlier, naka-receive ako ng text from Ina Magenta:

"Emergency. Pumunta ka sa bahay. Now na. Magdala ka ng chicharon."

Two hours later, nasa bahay na niya ako. Kahit umuulan ng malakas, nagpunta pa rin ako. Ganun kami eh.

Si Pearlee, ang dakilang yaya, ang nagbukas ng gate.

"Yung amo mong lukaret?" tanong ko.

"Nasa chee-arr," ang sagot niya.

Hangos akong pumasok sa loob ng bahay.

Binuksan ko ang pinto ng banyo.

Andun sa loob si Ina Magenta, nakaupo sa tabi ng lababo, nakasando, panty, and for some reason, shiny silver heels.

Tahimik lang siya, kinakagat ang mga kuko ng kaliwang kamay niya, nakatingin sa tiles sa sahig.

"Don't tell me your big emergency is diarrhea?" tanong ko, pabiro.

Wala siyang imik.

Pumasok ako sa malaking banyo niya, at saka ako may natapakan na maliit na kahon sa sahig.

Pinulot ko. Binasa.

Napatingin ako kay Ina Magenta.

Napatingin sa kahon.

Napatingin uli kay Ina Magenta.

Nakatingin siya sa akin. Namumutla.

Binababa ko sa sahig uli ang kahon, dahan-dahan. Parang bomba.

Wala akong maisip sabihin.

Naupo ako sa malinis na tiles. Binuksan ko ang chicharon na dala ko.

Bumaba ng lababo si Ina. Naupo sa harap ko.

Sinimulan naming kainin ang matabang chicharon.

"Say something," sabi ni Ina Magenta, ngumunguya, "Anything na walang kinalaman sa kahon na yan."

Nag-isip ako.

After a moment, "Kamusta ka na?"

Umiling siya, "Wag tungkol sa akin. Tungkol sayo dapat ang pagusapan natin."

"O di ikaw na ang magtanong sa akin," sagot ko.

Nag-isip siya, "Kamusta si Schoolboi?"

Kumagat ako ng chicharon, "Okay naman. Nasa bahay. Pogi pa rin."

Tumango siya, "Madalas ba kayong mag-sex?"

Binato ko sya ng chicharon, "That is none of your fucking business."

Tumawa siya, "Siguro araw-araw noh? Warat na warat ka na siguro."

"Eeew! Gross mo!" sabi ko, tumatawa din.

"May parte pa ba ng katawan mo ang hindi nadadampian ng ano niya?"

"Yuck! Kadiri!"

"Wag kang pa-virgin please lang!" sabi ni Ina.

Kaunting katahimikan uli.

Pumasok si Pearlee, naglapag ng inihaw na liempo at sawsawan sa tabi namin. Lumabas uli.

liempo.jpg

"This is not the most hygeinic place to have dinner, don't you think?" tanong ko.

"Huwag kang maarte, kayo nga ni Schoolboi eh nagkakainan," sagot ni Ina Magenta.

Binato ko siya uli ng chicharon.

Inisnab ako ni Ina. Inabutan niya ako ng plato. Napilitan ako kumain.

Nagtanong si Ina ulit, "Bakit antagal mo nang di nag-bo-blog?"

"Nawalan ako ng gana eh," I answered, truthfully, "Or maybe, nawalan ako ng inspirasyon sa pagsusulat. Maarte man pakinggan pero totoo."

Tumango siya, "Eh kamusta naman ang libro mo? Matatapos na ang June wala pa ang launching?"

Lumagok ako ng softdrinks, "Mahabang istorya, basta delayed ang launch for the meantime. Legal matters with the publisher achuchuchu."

"Pero lalabas pa siya," tanong niya.

"Oo naman," sagot ko, "Hopefully, before mag-August."

Tumango siya.

"Kamusta naman ang imaginary boyfriend ko na si Trainer Marlon?" tanong niya.

marlon.jpg

"Okay naman, nasa Davao, pogi pa rin," sagot ko.

Tumango siya.

Tahimik ako.

"May problema ba kayo ni Schoolboi?" tanong niya, nag-aalangan, "Masyado bang malaki yung kanya? Hindi mag-kasya?"

"Bastos, hindi noh!" sagot ko.

"So kasyang-kasya ang kaniya sa yo?" kulit pa niya.

"Would you stop asking about his penis size, please???" sagot ko.

"Fine fine fine!"

Tahimik uli kami.

"Kilala kita eh, pag ganyan tahimik ka, may iniisip kang tao," sabi ni niya, "Kung hindi si Schoolboi, eh sino?"

Tahimik lang akong ngumunguya.

"Beks, huy, sino iniisip mo?" tanong niya, habang pinapahid ang mantika mula sa kamay niya sa shorts ko.

Sinagot ko siya.

Pero di ko maisusulat dito kung ano ang sinabi ko.

Some things are just too private, even for me whose life is, to you dear readers, an open book.

"Naku, malaking problema nga yan," sabi ni Ina.

"Ako lang ba ang may problema?" tanong ko, "Ikaw? Ano na? Sasabihin mo ba sa akin ang resulta?"

Huminga siya ng malalim. Tumayo, at pumunta sa medicine cabinet sa ibabaw ng lababo.

May kinuhang kung ano sa loob. Bumalik sa sahig sa harap ko at inabot sa akin.

positive.jpg

Tumingin ako sa kaniya, "Hindi ko alam kung paano i-interpret ito."

Ngumiti lang siya, "Okay lang ba sayo maging ninang ng anak ko?"

Ngumiti rin ako, "Matagal ko nang pangarap maging Fairy Godmother."

Posted by callboi 00:06 Comments (25)

Hot Hot Hot!

sunny

h1.jpg

h2.jpg

h3.jpg

h4.jpg

Hot, right?

Mainit na nga sa labas, mainit pa dito sa blog.

Meet Hideo. My uber-favorite Japanese-Brazilian supermodel.

To make a long story short, he's agreed to do an online interview with me for my blog!

Yay! (Actually, when I saw that he responded to my message, muntik na akong mag-orgasm.)

The only problem is, kilala niyo naman ako, kapag nahaharap sa laman na sobrang hotness, nawawala ang IQ ko.

I have no idea what to ask him!

So, I turn to you, dear readers. Help me out, please!

What questions would you like me to ask the supermodel-of-my-wet-dreams?

Let's keep the questions as PG-13 as possible, please? Do try to restrain yourself from asking yung masyadong R-18 questions, as much as I would also want to hehehe.

:)

Post na sa comments section!

P.S. Best question gets a prize! A free copy of my book!

Posted by callboi 00:59 Archived in Philippines Comments (42)

Eyeball Part 2

overcast

mark.jpg

Magaan agad ang loob ko kay Mark.

Siguro dahil may itsura siya, ewan ko. Mababaw talaga ako eh.

Halata kong nahihiya siya sa akin, pero pilit niyang tinatago.

"Tell me about your boyfriend," sabi ko.

Napataas ang kilay niya, "Si Brian? Ayun. Mahal ko. Mahal na mahal."

Napamaang ako. Walang halong bitterness or sarcasm ang mga salita niya.

Napansin niya ang reaksiyon ko.

Natawa siya, "Totoo, mahal ko yun. Even after knowing what he did, hindi mabura eh."

Sinimulan na niya ang istorya ng buhay nila.

"We met during training sa isang call center. Hindi ko naman siya napansin agad noon eh. Siya yung nagpapapansin sa akin. I guess may pagka-suplado ang dating ko kaya di ko masyado naging ka-close noon yung mga ka-batch mates ko, pero si Brian, dikit ng dikit sa akin. Saka ko lang siguro na-realize na may itsura pala yung mokong na yun."

"Hindi ako pala-kaibigan na tao, pero kay Brian, nag-open up ako."

"Tapos, after shift, lagi kaming sabay umuwi. Aayain niya muna akong gumala sa mall or manood ng sine. Natutuwa naman ako sobra sa atensiyon kaya sumasama ako. Plus, masarap talaga siya kausap."

"Kinakausap ko pa nga sarili ko noon eh, kasi mukha siyang player. Sabi ko sa sarili ko na huwag masyadong mahulog ang loob sa kaniya kasi masasaktan lang ako. Takot ba. Pero di ko pa rin mapigilan maging close sa kaniya."

"Minsan, during lunch, sinabi niya sa akin na may dala siyang pagkain para sa akin. Sabay na raw kami kumain. Siya daw ang nagluto for me. Na-touch naman ako."

"Tinanong ko siya, nanliligaw ka ba sa akin?"

"Sabi niya, ano sa tingin mo?"

"Hindi kakaiba ang panliligaw ni Brian sa akin. Gaya rin ng sa iba, I guess. Pero siyempre, lahat tayo, feeling natin ang lovestory natin, mas special. Ganun naman talaga eh. That night, pinagluto niya ako ng dinner sa apartment niya. May candlelight pa. Tapos, nagulat ako kasi may mga ibang bisita. Isang babae, isang lalaki. Yun pala, mga barkada niya. Humingi siya ng pabor sa kanila. Singer yung babae, gitarista yung lalaki. Kinakantahan nila kami habang nagdidinner. Corny pero, alam mo na. Kilig pa rin, siyempre."

"Tapos ayun, nahulog na yung loob ko sa kaniya. Sweet talaga eh. Dinaan ako sa karinyo. Hindi naman kasi ako nagkaroon ng matinong relasyon before him kaya siguro sobrang na-fall ako sa kaniya. Naging kami. Mahal niya ako, mahal ko siya. Ganun ka-simple. Sabi ko sa kaniya, kung sakaling mawalan na siya ng love para sa akin, sabihin na agad niya ng maaga sa akin. Kasi ayaw kong magmukhang tanga. At pag niloko niya ako, at nalaman ko, uupakan ko siya. Never daw, sagot niya."

Tumango ako.

"About three months after maging kami, napansin ko na lagi siyang balisa. Parang di matahimik. Inisip ko, siguro may ginagawang kalokohan siya. Baka may third party. Hindi na rin ako bigla matahimik. Feeling ko mababaliw ako pag nalaman kong may iba siya. So one night, I confronted him."

"I asked him outright, do you still love me?"

"Umiyak siya bigla. Hagulgol. Yumakap sa akin. Nanlamig yung buong katawan ko. Sa isip ko, putangina meron siyang iba. Niloko niya ako. Pero hindi pala yun. Ngayon, naiisip ko, sana ganun na lang. Sana third party na lang pala yung problema niya."

"I love you, sabi niya. So bakit ka umiiyak? tanong ko sa kaniya. Naiiyak na rin ako. Hinihintay kong sabihin niya na may nangyari with someone else. Na may iba na siyang mahal. Lamig na lamig yung katawan ko noon. Nangingig. Gusto kong marinig ang totoo na parang ayaw."

"Walang iba, Mark, wala promise, sabi niya, umiiyak pa rin."

"Eh bakit ka nga umiiyak? Putangina tinatakot mo naman ako eh."

"Tapos sinabi niya. Sinabi niya sa akin ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Kung bakit takot na takot siyang sabihin sa akin ang totoo."

"Naisip ko bigla, sana may third party na lang pala."

Tumigil si Mark sa pag-kwento. Nakatungo siya.

Umiiyak siya ng tahimik, ayaw magpahalata sa mga ibang tao sa paligid.

At the time, dumami na ang mga umiinom sa Mogwai. Gabi na. Lumalakas pa ang hangin kaya malamig.

Nanginginig na rin ako, actually. Hindi ko alam kung dahil sa lamig o dahil sa kwento ni Mark.

Inabutan ko ng tissue si Mark.

Nagpahid siya ng mata, "Para akong tanga, ano?"

Umiling ako. Di makapagsalita. Kasi alam ko kung ano ang sinabi sa kaniya ni Brian. Sinabi na sa akin ni Mark sa email niya sa akin.

Ang dahilan kung bakit ninais kong makipagkita sa kaniya.

You see, dear readers, may AIDS si Brian.

To be continued...

Posted by callboi 14:04 Archived in Philippines Comments (25)

(Entries 1 - 5 of 476) Page [1] 2 3 4 5 6 7 8 9 10 .. » Next