A Travellerspoint blog

November 2008

Manong John Lloyd...

sunny

parkinglot.jpg

This is our second floor parking lot. Napadaan kami ni Clang nung isang araw dito, kasi gusto naming panuorin ang dance practice ni Gracie and others.

2dancers.jpg

Ito sina Gracie and others. Halata bang mainit sa parking lot? Pero in fairness, magaling silang lahat, lalo na si Gracie, na everytime sumasayaw sa stage, tinatawag ng mga tao na "Aiza Siguerra". Tsk tsk. Pag sumayaw si Gracie, parang possessed ni Gary V.

Mas matangkad nga lang si Gary. :)

manongs1.jpg

May napansin din kami ni Clang na isang grupo ng mga tao sa may sulok ng parking lot.

They seemed to be listening to one particular guy who was, apparently, teaching them karate or something.

Nung lumapit ako, saka ko nalaman kung sino sila.

manongs2.jpg

Ang mga manong at manang guards pala natin!

manongs4.jpg

It's nice to know na marunong din naman pala ng some sort of defense ang mga guards natin, just in case may mga teroristang bigla na lang sumulpot dito sa PS. Malay mo, di ba?

Ito nga pala si Manong John Lloyd, in action. Sya ang source ko ng maraming tsismis.

This is not his best shot.

manongjohnlloyd.jpg

This is his best shot.

Posted by callboi 04:38 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (9)

Ambenta ko pala sa Cebu...

all seasons in one day

metro.jpg

dear callboi,

kumusta?

I'm from PS cebu at nagpunta ako sa manila last week para wala lang.. Nagpunta ako dyan sa 5th floor last week pero di kita nakita. Mgpapa-autograph pa naman sana ako or magpapicture kasama ka. Hinanap ko din yung friends ko dyan at makikipagkita sana din ako sa mga email pals ko na taga Elite kaya lang nag ka training daw sila nung time na pumunta ako sa office. So maybe next time na lang.

Nung pumasok ako sa building, kinakabahan ako kasi baka naman di ako papasukin ni manong guard. Mula sa ground floor, nagkukunwari akong confi para di malaman ni manong guard na di pala gumagana ang access card ko dyan. So may-I-sunod na lang muna dun sa agent na naunang pumasok sa office para hindi na ako mg eexplain sa guard. At yun na, nung nasa loob na ako ng office, feeling ko pumasok ako sa ibang account kasi mga nakabitin na kulay orange lang ang nakikita ko na may nakalagay na coaching2x something. Akala ko nasa loob ako ng Von***. Kaya hinanap ko na lang ang airplane na logo. Far-sighted pa naman ako. Kaya nghanap ako ng avaya para tumingin sa directory at hanapin ang friends ko. Nung makita ko ang avaya, nataranta pa ako kasi parang 48 years nang hindi ako nakagamit ng ganyang phone kasi iba yung avaya namin dito sa Skyrise. Kaya parang ngreview pa ako kung pano sya gamitin at finally, after all the pushing of the buttons, nakita ko ang directory at ang phone log in ng friend kong tawagin natin sa name na si Miss CR. Nagkita rin kami at sinabayan ko syang mglunch sa baba.

Napaisip tuloy ako kung papalipat na talaga ako dyan or not. Pero ang saya ha kasi nung araw na pumunta ako ng office, may sumalubong sakin sa Glorietta na nakakagulat na pretty girl representing UNICEF at ini-encourage nya akong mgdonate sa kanila thru credit card. Eh, Im not a big fan of cc kaya sabi ko, pwede cash na lang. Sabi nya hindi daw sila tumatanggap ng cash kasi iniiwasan nilang ma-involve sa corruption or something kaya donation thru cc lang talaga. Sosyal naman si ate. Kaya I invited them na lang to come here to Cebu para dito sila manggulat. Yun din yung araw na may tumalon sa 15th floor ng PLDT bldg. dyan sa may Makati Ave. ba yun? Napadaan kami sa tapat ng PLDT nung nag-abang kami ng jeep. Hindi ko na nakita ang hitsura nya. Nakita ko lang yung puting damiit na may dugo. Ano kaya problema ni ate at lunchbreak na lunchbreak sya tumalon?

Anyway callboi, masaya naman ang experience ko while nandyan ako sa Manila. Namimiss ko na tuloy ang LRT at MRT. Kahit siksikan most of the time, lingaw gihapon. (masaya pa rin) Parang gusto ko na bumalik dyan kasi namimiss ko na yung female voice over sa tren.

Sana magkita na tayo sa susunod na pagpunta ko dyan.

Stay gay and beautiful!

Cebu babe

the_one.jpg

Dear Cebu Babe,

Sayang di tayo nagkita. Ang cute ko pa naman.

Next time, pag pumunta ka rito, dumaan ka sa fifth floor. Imposibleng di mo ko makita sa laki kong ito. Andun lang ako sa pinaka-corner.

Pag sinusuwerte ka nga naman, minsan ka na nga lang pumunta ng Manila, makakakita ka pa ng suicide.

Bakit nga kaya sa lunchbreak tumalon si ate? Ang sad naman.

I've never contemplated suicide. Ever.

I admit, I do get depressed a lot of times pero never naman nag-stray ang thoughts ko towards suicide.

Madalas kasi naiisip ko, kung magpapakamatay ako, hay naku, mahihirapang ang mga taong maghanap ng kabaong na kasya ako.

Magpapapayat muna ako. And then, saka na ako magcocontemplate ng suicide na yan. :)

love, lust, and lechon,

callboi♥
akosicallboi@gmail.com

Posted by callboi 12:07 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (4)

Goobye Liempo...

rain

7goodbye.jpg

"Friend, samahan mo akong kumain sa pantry," sabi ko sa isang kabarkada ko, "nagpareserve ako ng liempo kay Manong Food Provider and I am soooo hungry."

"Ok," ang nakangiting sagot ng kaibigan ko.

Totoo, gutom na gutom na ako. Hindi ako makapagconcentrate sa trabaho. Puro pagkain ang nakikita ko. Oddly enough, kahit busog ako, pagkain pa rin ang lagi kong nakikita.

Matakaw talaga ako eh.

Pagkatapos kong painitin ng 2 minuto ang liempo and monggo sa microwave, naupo na ako sa tabi ng friend ko.

Sabik akong naghiwa ng karne at akmang isusubo ko na ng biglang nagsalita ang friend ko:

"Magreresign na ako sa January," sabi niya, nakatingin sa akin ng diretso.

Natigilan ako. Hindi ko naisubo ang pagkain.

Inisip ko, "Please please please Lord sana nagbibiro lang ang luka-lukang to."

Pero halata ko sa mga mata niya na seryoso siya.

"Bakit?" tanong ko na medyo pumipiyok ang boses.

"Ako na ang mag-aasikaso ng negosyo namin eh," sabi niya, "Hindi na kaya ni Mama eh."

Napatingin ako sa liempo sa lamesa.

Kadramahan man pero napaluha na lang ako talaga.

Kasi naman, andami ko ng ka-close na kaibigan ang umalis at iniwan ako dito. Lagi nilang sinasabi na "we'll keep in touch" pero wala rin namang nangyayari.

Tapos, ito pang lukaret na to, na sobrang mahal ko, ang isa pang aalis din.

"Ano ba, wag kang umiyak," sabi niya, naiiyak din siya, "Ayoko ng ganyan. Matagal pa naman eh. Wag na muna nating isipin."

Tahimik lang ako, sumisinghot.

Nakatingin pa rin ako sa liempo.

"Nakakainis ka naman eh," sabi ko, may kasama pang nginig sa boses.

"Bakit?" tanong niya, nagtataka.

"Gutom na gutom na ako tapos ngayon mo pa sinabi sa akin to," sabi ko, na nanlalambot, "hindi ko tuloy makain to."

Natawa na lang ang kaibigan ko.

Haaay.

I'm so tired of saying goodbye to people I love.

Posted by callboi 10:35 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (6)

Kainis...

sunny

Ok ok ok.

So we all know it, right?

It's public knowledge.

Walang tao sa loob ng building natin ang hindi nakakaalam na Aegis-Peoplesupport na ang name ng company natin.

In fact, almost everyone on the floor started singing local band Aegis' songs the minute the news got out that we got bought out.

Halos masuka na nga ako tuwing maririnig ko ang "Halik" at "Basang-basa sa ulan".

We've all endured the questions from our friends from the outside, asking us if our company is going under.

"Hindi naman," we reply stoically, but deep inside, may kaunting kaba.

Sa totoo lang, para sa akin, hindi kagandahan ang name na Aegis-Peoplesupport. It's too long. It's a mouthful. It sounds clumsy on my tongue when I say it.

Plus, yun nga, pangalan siya ng pang-masa na banda.

The other day, someone whispered a URL to me.

www.aegispeoplesupport.com

I thought, "Hmmmm... may bago na ba tayong home site?"

But no, no oh no no no.

I have no idea what the heck this site is.

Check it out for yourself:

aegis.jpg

Someone please explain.

Posted by callboi 10:19 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (11)

The Cuteness of Redentor...

sunny

hindi_si_redentor_ito.jpg

"Beks," bulong ni She-ra, habang namamasyal kami, arm in arm, sa operations floor.

"Hmmm?" sagot ko naman.

"Sino yung agent na yun?" ngumuso siya sa isang direksiyon.

"Alin?" tanong ko.

"Ayun oh. Yung nakaputi? Yung malapit sa may photocopy room. Yung chinito," sabi niya.

"Ah, yung newbie? Si Redentor yan," sagot ko, "He's a nice boy. And very cute, if I might add."

"May girlfriend ba siya?" tanong ni She-ra.

"Hmm, hindi ko alam," sabi ko.

"Is he gay?" sabi ni She-ra.

"I thought he was, kaso, a friend of mine swears that he isn't," sabi ko.

"Aber? Bakit daw?" tanong ni She-ra.

"Well, according to my very reliable source, he was making ligaw a girl daw sa training batch nila eh," sagot ko.

"Hmmm-kay, eh waitaminutekatawangmainit, di ba yan ding si Redentor na yan ang nakitang may ka-date na badets sa Starbucks sa Glorietta the other week? At nanunuod pa raw sila ng sine?" tanong ni She-ra.

"We-eeell, that's what I heard. Pero malay mo naman di talaga date ang nangyari. Baka naman date lang yun para sa isa sa kanila, and kay Redentor naman, gimik lang between two friends," sagot ko.

"Gimik mo mukha mo!" sabat ni She-ra.

"Hehehe, pero, feeling ko naman straight siya. Madalas nga daw niyayakap niya yung nililigawan niyang girl sa training class habang natutulog sila sa likod ng room eh," sabat ko rin.

"Ay shets, straight nga," She-ra said.

"Yup, we all know a gay guy would never hug a girl whilst sleeping," I added.

"It's just so... yucky... hugging a girl," sabi ni She-ra.

"I know right," sabi ko naman.

Katahimikan.

"Ang unti na ng cute sa floor noh?" sabi ni She-ra.

"Girl, just you wait, may mga new hires kami sa December. Ipagdasal mo na kay Bathala na biyayaan niya ang account natin ng mga cuties," sabi ko.

"Magpapamisa na ako mamaya," sagot ni She-ra.

"Samahan mo na ng nobena..." sabi ko pa.

"Bakit sa fourth floor, andaming cute?" tanong ni She-ra.

"Baka biased ang HR?" sagot ko.

"Oooor, baka bading ang mga managers sa fourth floor at nag-bribe sila sa HR na doon ilagay sa floor nila ang mga "bookable" new hires!" suhestiyon niya.

Katahimikan uli while we ponder kung anung rason ba at maraming cute na boys ang na-a-assign sa fourth floor.

"Puro lalake na lang ba pag-uusapan natin?" tanong ko.

"Eh anong gusto mong pag-usapan?" tanong ni She-ra.

Katahimikan uli.

"Pasyal tayo sa fourth floor?" tanong ko.

"Tara!" sagot ni She-ra.

Posted by callboi 13:45 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (18)

(Entries 1 - 5 of 10) Page [1] 2 » Next