Isang Eksena Sa Yosi Area...
24.10.2009
5AM, Sunday morning, my station:
"Pwede mo ba akong samahan mag-yosi?" ang tanong niya sa akin, nakatayo sa may tagiliran ko.
I didn't need to look at him to know who he was. I easily recognized his voice, plus, alam ko ang pabango niya. Benetton Cold. One of my favorite scents.
We haven't talked in quite a while, and now inaaya niya akong mag-yosi. Weird.
"You don't smoke," ang sagot ko, nakatingin pa rin sa monitor ko, not looking at him.
He laughed a little, and said, "I know. Pero I like to pretend I do."
Aaminin ko, my heart stopped the second na nabosesan ko siya. He has that effect on me.
Thirty seconds later, nasa yosi area na kami.
Malamig sa yosi area, parang mas malamig pa kesa sa loob ng office. Malakas kasi ang hangin. O baka dahil magpapasko na. O baka naman dahil kabado lang ako.
Nagsindi ako ng yosi ko.
"Nagyoyosi ka pa rin pala," sabi niya.
Bumuga ako ng usok, "Pag natetense lang."
Tumawa siya, "So tense ka ngayon?"
Tumango ako.
"Bakit?" tanong niya.
Tumingin ako sa kaniya, "Dahil sa iyo."
Natahimik siya.
After a moment, nagsalita siya, "Bakit ka ba galit sa akin, Books?"
Hindi ako sumagot. Nakatingin ako sa Buendia, pinapanood ang mga nagmamarathon ng madaling-araw sa kalsada. Iniisip ko kung nararamdaman din nila ang lamig na nararamdaman ko ngayon.
Kinalabit niya ako, "Huy. Bakit ka galit sa akin?"
Nagkibit-balikat ako, "Hindi ko alam eh."
Huminga siya ng malalim, at humalukipkip, "I don't like us not talking."
"Ako rin," sagot ko, pero sa isip ko, sana di ko na lang sinabi yun.
"Galit ka ba talaga?" tanong niya.
Umiling ako, "Hindi."
"Eh bakit ganito na tayo?"
Ilang beses kong pinaraktis sa ulo ko ang mga linyang sasabihin ko sa kaniya kapag nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap siya. Alam na alam ko ang dapat kong sabihin. Memorado ko na ang bawat syllable na dapat mamutawi sa bibig ko, ang mga kilos ng mga kamay ko for emphasis. Pero ngayong kaharap ko na siya, di ko magawa. Di ko magawang sabihin sa kaniya na kulang ang mga salitang pwede kong sabihin para i-explain sa kaniya ang nararamdaman ko.
Gusto kong sabihin sa kaniya na kulang ang lahat para sa akin. Pero di naman niya kasalanan yun eh. Tanga lang talaga ako.
Wala talaga akong masabi sa kaniya. Kasi nahihiya ako. Kaya mas maganda nang magkunyari akong galit kesa sa aminin ang totoo.
"Miss na ki-"
Pero bago pa niya natapos ang sasabihin niya, binuksan ko na ang pinto ng yosi area, at nagmadaling lumabas.
I didn't want to hear that from him. Anything but that.
Hindi siya sumunod sa akin. Hindi niya ako pinigilan.
.
.
.
.
.
.
"In the end, we will remember not the words of our enemies, but the silence of our friends."
- Martin Luther King Jr.
Posted by callboi 15:06 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (26)