A Travellerspoint blog

October 2008

Gabi ng Lagim...

sunny

Every year, excited ako pag halloween na sa Peoplesupport. Kasi naman, laging effort ang drama ng mga agents dito sa account ko.

Palibhasa maraming bading dito, super creative ang mga hitad.

To quote Lindsay Lohan in Mean Girls, "Halloween is the one night a year when girls can dress like a total slut and no other girls can say anything about it."

alou.jpg

This is one of our Team Sups, si Alou. Game na game ang lola niyo. Very obedient sa mga poses na pinagawa ko sa kaniya.

DSC02451.jpg

And these are our fabulous Peer Mentors, Alvin, Katie, and Billy, dressed in costumes na may or may not have been inspired by the Aegis-Peoplesupport merger. :)

DSC02460.jpg

And here we have supervisor Jerome, dressed as a pregnant Ugly Betty.

DSC02476.jpg

Ang mga nagagandahang trainers namin...

DSC02513.jpg

This is Sancho, isang straight na guy who apparently is dressed as a gay Mario Brother.

DSC02573.jpg

Sunny, a team manager dressed as a witch, is addressing her tribe... anlabooo.

DSC02577.jpg

Ang taraaaay!

DSC02589.jpg

Suportahan ang sariling kultura ang drama!

DSC02594.jpg

"A Tale of Two Sisters" meets "The Hulk/s"

DSC02599.jpg

This is how supervisor Miki punishes agents with long AHT's!

DSC02612.jpg

The rumoured white lady sa floor, white badet pala...

DSC02615.jpg

Here we have sweet little Danni, hindi siya masyadong prepared for the event.

DSC02614.jpg

Ito ang dala niyang make-up kit. Sabi ko sa inyo hindi siya prepared, eh.

DSC02625.jpg

And here is the finished product! I love it!

DSC02649.jpg

At ito naman si Gian, pinilit ipagsuot ng pakpak ang bata, umiyak tuloy...

Posted by callboi 03:12 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (13)

Starstruck...

all seasons in one day

gimik.jpg

Pagsakay ko ng elevator kanina sa ground floor, may nakasabay akong isang guy na pamilyar ang fez.

Well, pamilyar siya kasi dati siyang artista. Sa ABS-CBN tsaka sa GMA.

Si Diego Angelo Kiethley Castro.

Or simply put, si Diego Castro. Miyembro na siya ng HR department namin.

Remember him? From G-mik? Tsaka sa TGIS? Siya si Jigs Mercado sa G-mik? Ka-loveteam niya si Raven?

Eto o, tignan niyo ang Wikipedia entry about him:

diego.jpg

Ang nakalagay sa entry: "Si Diego Castro ay isang artista sa Pilipinas." Yun lang.

I wasn’t a fan of the shows pero die-hard fan ako ni Rico Yan dati.

Back then, I thought Diego looked pretty bland to be in a show with My Rico.

I heard from a friend na si Red Sternberg naman, nasa HR daw ng Convergys. Ganyan pala kapag wala ka nang showbiz career noh? Nagiging HR officer ka. Dyosko, sana mawalan na ng career si John Lloyd para dito na lang siya sa PeopleSupport.

Nung nakasabay ko sa elevator si Diego, medyo na-starstruck pa rin ako.

Ta-artits pa rin kasi ang tingin ko sa kaniya. Kahit di na siya sikat. May itsura naman pala siya, pero mas cute pa rin si My Rico. Wag niyo akong ikakahiya ha, pero I had an urge to ask for his autograph. Ganyan ako pag may artista in my presence eh, nagiging jologette ako. Pero urge lang naman eh.

Napigilan ko rin. Thank God.

gmik2.jpg

Nung nasa elevator kami, I smiled at him, kaso di niya yata napansin.

Pagdating sa second floor, may pumasok na cute na girl, nginitian niya agad kahit parang di naman sila magkakilala.

Hmpf.

I miss My Rico.

Posted by callboi 08:47 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (7)

Winner Ever!!!

sunny

iisa.jpg

One of my bosses sent me an email about this ABS-CBN show, "Iisa Pa Lamang", featuring the show's best lines.

And mga marse, sobraaang napatawa ako sa mga linyang ito.

I have to see this series. May dvd na kaya nito?

Paborito ko ang "corned beef" expression!

Check out the lines below:

WINNER: Isadora – Cherry Pie Picache

RUNNER UP: Scarlet – Angelica Panganiban

RUNNER UP: Katherine – Claudine Barretto

Sophia – Melissa Ricks

Estelle – Laurice Guillen

Aura – Susan Roces

============

"Anak ako. Dugo't laman." - Scarlet

"Anak ka lang. Asawa nya 'ko. Lahat ng pag-aari ni Martin, pagaari ko na ngayon." - Katherine

"You're just a gold digger in red!" - Scarlet

"Damn you!" - Scarlet

"Same to you anak. Same to you." - Katherine

============

"Anong nangyayari dito? Magsuswimming ka lang, nakadiamonds ka pa?! “ - Scarlett

"Siyempre, diamonds are forever, like me!" - Katherine

============

"Ang ganda-ganda mo na ngayon Katherine, sarap mong patayin!" - Isadora

============

"Kung gaano ka katayod lumipad, ganun ka rin kabilis lalagapak. Ouch!" - Isadora

============

"Look who's here, my favorite step-mother. Ang dating gold digger in red, isa na ngayong merry widow in black." - Scarlet

'Ha! Kung sa bagay mas bagay sayo yang itim, kakulay ng budhi mo!' - Scarlet

"Bakit ka nga ba nakaputi? Para pagtakpan ang mas maitim mong budhi?" - Katherine

============

"Ikaw ba, totoong nagdadalamhati ka? Kasi napansin ko, kaya mong mag-biro. Kaya lang ang corny mo! Anyway, gusto ko lang malaman mo na lahat nang 'to, hindi 'to permanente. Lahat nang iyan, babawiin ko iyan sa 'yo!" - Scarlet

"Sige! Maglaro tayo, agawan ng yaman! Pero kung ako sa'yo, kakabahan ako, kasi ako sanay sa hirap. Eh ikaw?" - Katherine

============

"Gusto mo ikaw ang itali ko? Pasweet sweet ka pa diyan, ganid ka rin pala!" - Isadora

"Ang bigat naman ng salitang 'yon Isadora, pero totoo, oo ganid ako! At gusto ko, ni singko walang matira sa'yo! Kaya manginig ka na Isadora, dahil uubusin ko ang lupang tinatapakan mo!" - Katherine

============

"Iba na ang sitwasyon ngayon Isadora. Marami akong pera, kaya ko nang bilhin ang kahit na ano. Kahit ikaw, magkano ka ba?" - Katherine

"Hayop ka! Kahit kelan hindi mo ako mabibili, at hindi mo ako kayang bilhin!" - Isadora

"Sabagay, ayoko sayo. Mumurahin ka eh, pero yung anak mo ibenta mo ha. Sige na, promise hindi ako tatawad. Kahit used goods na, ok lang. Pag-isipan mo." - Katherine

============

"Pagod ako. Huwag kang loloko-loko. Baka gusto mo ihampas ko tong bag kong mas mahal pa sa'yo!" - Katherine

"Sabagay, ako rin eh, pagod makipaghampasan. Next time, ok? In fairness ah, ang ganda ng damit mo. Pahiram minsan ha." -Isadora

============

"Pero hindi ako susuko, kahit anong mangyari, babawiin kita Miguel. Dahil alam kong naging una kang naging akin. Dahil alam kong hindi kita kayang kalimutan." - Katherine

============

"Anak ka nga talaga ni Isadora, nakuha mo lahat sa kanya. Mata-pobre, mayabang, at higit sa lahat, bastos!" - Katherine

"Don't you dare say bad things about my mother, kumpara sa 'yo. anghel ang ina ko!" - Sophia

"Anghel na may sungay!" - Katherine

"Oo, may sungay. Para suwagin ka! Para mauna ka na sa impyerno!" - Sophia

"Hmm. Matagal-tagal na kayong inaantay dun. In fact, balita ko, si satanas mismo ang sasalubong sa inyong mag-ina!" – Katherine

============

Panandaliang donya, habang buhay na busabos." - Lola Aura

============

“Luluhod ka sa harapan ko at magmamakaawa ka na tanggapin kita ulit!” - Scarlet

“Kumain ka na. Gutom lang yan!” - Miguel

============

“Oh aren't you excited to see me?” - Isadora

“Excited? Alam mo bang mas excited pa akong magpunta ng dentista at mag pa root canal kesa ang makaharap ka?” - Scarlett

“Ikaw naman, nagpapaka-funny. Kung ang lahat ng bulok na ngipin ay kasing ganda ko, o di wala ng bibili ng toothpaste… I'm so witty” - Isadora

“Ano ba talagang pakay mo? I'm sure hindi naman ang kapakanan ng dental industry ang pinunta mo dito di ba? Business? Monkey business?

“Oo, at napaka disenteng monkey business. Politics.” - Isadora

============

“Ba't mo ko sinampal, biyanan mo ko!” - Isadora

“Di lahat ng biyanan, pinagbibigyan, Di lahat ng biyanan pinapatulan! para yan sa mga biyenang bakulaw tulad mo!” - Scarlet

============

"Tapos ka na sa gold digger in red. Tapos ka na rin sa merry widow in black. Ngayon, baka pwede ka ng dirty mistress in dirty brown.” - Scarlett

“Same to you anak, remember? Pareho na tayong nasasadlak ngayon. Damn you, damn me. Karma's a bitch, and so are we…” – Scarlett

============

Miguel: Ipapakulong mo si Catherine. Anu ba mapapala mo dito?

Scarlet: Eh di makukulong si Catherine and that will make me the happiest person in this whole wide world! Ahaha.

“Or else, ang dating GOLD DIGGER ay jailbird in orange na ngayon... hahaha” – Scarlet

============

Sophia: You're unbelievable

Isadora: Of course! I'm unbelievably good...

============

Isadora: "Oh! maganda din naman pala eh, minimalist" (referring to silyang kahoy sa haus nla hahaha)

============

SCARLET: sabi ko sayo mas imported yung cornedbeef sa bahay eh.. anu nakatikim kana ng imported?

MAID: opo ma'am

isadora: kung nagtagal ako sau vernon at d ako nagpakasal kay (mr dela rea?)..baka hanggang ngaun dpa ako nakabili ng kahit isang panty!

============

ang significance ng corned beef sa iisa pa lamang…

isadora (to katulong): aalis ka? sige, wala kang utang na loob, matapos kita ibaba ng bundok at patikimin ng corned beef?

isadora(to sofia ): mamalengke ka ng ulam...teka, parang may hinahanap akong ...hmmm...ayun, bumili ka ng corned beef.

scarlet: o di ba imported ang mga corned beef dito? nakatikim k n ba yaya?

============

---bibinyagan nalang kita ng bago mong pangalan....

KATHERINE MAPERANG MAPERA HUTHUTERA BYUDA DE IMPOSTORA!

---ISADORA

============

“ang yabang mu na ngayon ha porket ba ang apilyido mo noon eh mrs. katherin dela rhea at future mrs rafael toralba,,. alam mo bibinyagan na lng kita ng bagong pangalan "mrs katherine maperang mapera y huthutera byuda de impostora ! oh diba mas maganda sosyal hahaha” – ISADORA

“papatayin kita!” – Catherine

“pumila ka muna, dahil sa dami ng gustong pumatay sakin, baka maunahan ka…” - Isadora

Posted by callboi 06:35 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (9)

Dear PeopleSupport...

all seasons in one day -17 °C

skel.jpg

Dear PeopleSupport,

Musta ka na?

Ako? Ok naman. Medyo bad trip lang kasi ang liit na naman ng sinuweldo ko.

Pansin ko lang ha, laging tama yung bawas na withholding tax sa akin, pero parang laging may maling absent o deduction na ibinawas din sa sweldo ko. Sa laki ng tax deduction ko every year, I'm sure somewhere in EDSA, an overpass is named after me.

Haaay. Halos anim na taon ko ding nararanasan yan. Pero hanggang ngayon, di pa rin ako sanay.

Sabi ng Finance Dep, lagi daw kasi mali yung logs ko. Marami daw akong "Failure to log-in or log-out" na incidents.

Pero alam mo ba, PeopleSupport, imposible yun. Kasi lagi naman akong on-time mag-log in and out. Everytime mag-lologout nga lang ako sa PC, "In" pa rin ang status ko.

Siguro kasi laging lampas sa sampung oras ako nandito sa loob mo, PeopleSupport.

Alam mo ba, kanina, pag-pasok ko sa lobby, sabi ni Manong John Lloyd Guard sa akin, "Hello Ryan! Ang aga mo ah! Di ka na naman makatulog noh?"

Ngumiti lang ako. Gusto ko sanang tanungin si Manong John Lloyd kung totoo ba yung balitang narinig ko na rumarampa daw siya sa mga Gay Beauty Pageants sa probinsiya nila. Kaso baka ma-offend siya.

Nung isang araw, dyan sa may ground floor lobby, may babaeng naka-cocktail outfit (!) ang namimigay ng free samples ng Axe perfume. Inalok niya ang lahat ng dumaan except for me.

Bakit kaya? At bakit Axe ang napili mo, PeopleSupport? Eh di hamak namang mas mabango ang Johnson's Baby Cologne kesa sa Axe na paminsan ay amoy pawis ng Arabo?

Sana next time, pagkain naman ang mga freebies na ipamigay sa lobby, PeopleSupport. Yung pampagising ba? Ok na yung libreng kwek-kwek.

Matanong ko nga pala, saan kaya ang Company Year-End Party mo ngayong December? Sana sa magandang lugar naman. Hindi katulad nung last year, sa Folk Arts Theater. Ang init!

Although last year, nasa backstage ako kasi inaasikaso ko si Marife, yung representative ng account namin sa company singing contest (nanalo nga pala siya).

Ang chaka nung dressing room. Butas yung kisame tapos may tumutulo na tubig. Nakakahiya tuloy kay Kyla (isa sa mga guest singers) nung pumasok siya. Muntik na siyang madulas. Curious ako: anung apelyido ni Kyla? Wala lang.

Sana this year, mas maganda. Mas magarbo. Mas fabulous ang party. Tsaka sana mas masarap ang food. Last year kasi may kasamang rainbow tasty bread sa menu. Yakeee.

Naku, PeopleSupport, pag-daan ko nga pala sa lobby kanina, andami kong nakitang nag-aapply. Sikat ka pa rin talaga. Pero marami sa nag-aapply eh bading.

At malamang, sa account namin sila mapupunta. Requirement na yata ng account namin na bading ang mga aplikante eh. Siguro, without any hint of exaggeration, mga 60% ng kalalakihan dito sa account namin eh bading. Bakit nga kaya dumadami ang bading sa mundo? Not that I don't like it, it's just that I'm curious.

Lahat na yata ng klase ng bading andito sa account namin sa 5th floor. May bading na paminta. May bading na parlorista. At meron ding bading na maskulado. Ang saya-saya talaga dito sa 5th. Para ka lang nasa Malate. Without the alcohol and the bookable boys.

Paminsan, naiisip ko kung hanggang kelan ba ako dito sa piling mo, PeopleSupport. Andami ng nangyari sa akin dito sa poder mo. Maganda at pangit, nangyari ng lahat.

Feeling ko naman, as long as you'll have me, dito muna ako.

Naks. Kilig ka naman.

Pero favor lang ha, ayusin mo naman yung payslip ko. Andaming maling bawas eh.

Love,

callboi♥

Posted by callboi 04:00 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (15)

Bi Now, Gay Later...

FYI, this is a slightly R-18 entry...

all seasons in one day

bi.jpg

Monday morning, in the office pantry:

I was having breakfast with two of my close acquaintances sa office, si Konichi (not his real name), a twenty-something guy na mukhang commercial model, and si She-ra (not his real name, either), a twenty-something badet agent.

Well, actually, badet kaming tatlo pero si Konichi, nagkakaroon ng identity crisis. Or so he says.

"How come nahihirapan kayong tanggapin na bisexual ako?" Konichi asked us, brushing back his black hair with his fingers. May itsura si Konichi, mukha siyang model ng Bench na di masyadong nasusuwelduhan kaya simple lang manamit. Anlabo ng description ko noh?

I thought for a second before I answered, "Weeell, to be fair, I don't believe in bisexuality in ALL pinoy men. Period. Hindi lang ikaw. Lahat."

"Kurak!" sabat pa ni She-ra.

"Eh bakit?" Konichi asked one more time, blinking those gorgeous eyes of his.

"Eh kasi, pag kumain ka ng saging, saging lang dapat talaga ang kainin mo. Dehins pwede ang vajayjay. You should never mix your sexual food groups. It's unhealthy," She-ra explained.

Konichi looked confused.

I explained some more, "Simple lang. Pag et*ts ang habol mo, et*ts lang forever. Ibig sabihin, ang bakla, hindi tomboy." (Sorry folks, medyo bastos ang usapan, but we're all adults, right?)

Konichi looked unbelieving, "I disagree. Bakit ako, I get attracted to girls?"

"Sexually attracted?" asked She-ra.

"Yes!" Konichi replied.

I thought it over for a second, "Weeeell, maybe you don't wanna do them, you just want to be them."

"Ulol!" Konichi laughed, punching me lightly on the shoulder, "Basta ako, pwede ako sa babae, pwede sa lalake."

"Ang dwapang mo naman, parehong gender ang gusto mo. Hindi bisexuality ang tawag dun," sabat ni She-ra, "Katakawan ang tawag dun. Hayok."

"Gago. Tsaka hindi naman sex lang ang habol ko. And besides," Konichi said, starting look sheepish and blushing a little, "I've never actually done it with another guy yet. Sa girl pa lang ako nagkakaroon ng experience."

back.jpg

Natameme kami ni She-ra. After two seconds, napatawa kami ng malakas.

"CHE! Sinong niloko mo? Ikaw? Hindi pa nakaka-do ng lalake? I don't think so!" She-ra laughed.

I laughed with him, "Honga! Eh mas ma-kati ka pa sa higad na may allergy sa hipon! Tigilan mo kami ha! And anyways, hindi ba may nangyari sa inyo nung isang trainer?"

Namula si Konichi, "Ha? Sinong trainer? Hindi no! I swear, nakakahiya mang aminin, pero it's the honest-to-goodness truth; I've never done it with another guy. I've only had sex with three girls."

Mukha namang sincere si Konichi sa sinasabi niya, pero ang hirap paniwalaan eh. Gwapo si Konichi. At kapag bading ka at gwapo, malamang grade school pa lang hindi ka na virgin sa gay sex. Ganun sa Gay World.

"Hoy Konichi! Wag mo nga akong patawanin! Nakasalubong kita nung isang araw sa Glorietta at may kasama kang newbie agent na guy. Mukhang sweet-sweetan ang drama niyo. Dehins ko nga alam na bading pala yung agent na yun. Oh ano yun? Walang nangyari sa inyo? Eh sabi sa akin nung housemate mo nakita niya kayong magkatabi sa kama mo nung gabi?" ang palatak ni She-ra.

"Natulog lang kami no? Pagod kami dahil maghapon kaming gumala," Konichi defended.

"Woooshooo! Anong ginawa niyo sa kama mag-damag? Nag-bible study?" She-ra teased.

"Natulog nga lang!" he replied.

"CHE!" ang sagot namin ni She-ra.

Posted by callboi 20:03 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (17)

(Entries 1 - 5 of 6) Page [1] 2 » Next