
Bata pa lang si Rica, pinagsabihan na siya ng kaniyang ina na huwag masyadong magdidikit sa mga kalaro niyang lalake.
"Tandaan mo, walang mabuting idudulot ang mga lalakeng yan sa buhay mo, Ica," pabulong na babala ng kaniyang ina, habang sinusuklay ang basa niyang buhok sa tapat ng electric fan.
"Pero bakit po?" tanong niya habang isinusuot ang kanyang Hello Kity na hairband at Hello Kitty na pajamas.
"Basta!" ang sagot ng kaniyang ina, na paminsan, sa kalagitnaan ng gabi, ay naririnig niyang umiiyak ng mag-isa sa kaniyang kuwarto, malamang nagdadalamhati pa rin sa asawang iniwan siya para sa tiyahin nya na mas mataba sa kaniya at ngayon ay nakatira na pareho sa Estados Unidos.
Nasanay na si Rica na nakadungaw lang sa bintana, yakap-yakap ang Hello Kitty doll niya, habang pinapanood ang mga ka-edad na kapitbahay niya na naglalaro ng patintero at "Cops and Robbers" sa kalsada.
Pinilit niyang iwaksi ang lungkot sa pamamagitan ng panonood ng Maricel Drama Special at That's Entertainment (Wednesday Group ang favorite niya).
Ilang taon ang lumipas bago naintindihan ni Rica ang babala ng kaniyang inay.
Willie ang pangalan ng unang boyfriend niya. Isang linggo siyang niligawan nung nasa parehong section sila ng high school. Binigyan siya ni Willie ng "love bracelet" daw. Isang bracelet na galing sa Baguio. Kilig na kilig siya kahit limampiso lang ang halaga nito at halos malusaw agad ng minsang mabasa ito sa paghuhugas niya ng pinggan.
A week later, pinagpalit na siya ni Willie sa bestfriend niyang si Vicky. Hanggang ngayon, nang-gagalaiti pa rin siya sa alaalang kaibigan niya ang naging mitsa ng unang heartbreak niya. Mas matibay pa pala ang love bracelet na suot niya kesa sa feelings ni Willie. Kinalimutan niya ang nararamdaman para kay Willie.
Ang tanging ganti ni Rica sa kaniyang kaibigan ay ang pag-vandalize sa girls' bathroom ng linyang "Green ang pekpek ni Vicky!"
Sophomore year sa college ng makilala niya si Chris.
"Para akong naging baliw noon kay Chris," alaala ni Rica, habang kumakain kami ng jumbo siopao sa Kowloon, "Lahat ng sabihin niya sa akin, batas ko noon. Patay na patay talaga ako sa kaniya. Kulang na lang kumanta ako ng Alleluia everytime mag-do kami. Ewan kung anung meron ang hayop na yun, pero parang may gayuma yata ang mga patilya niya eh."
Isang taon ding nagtagal ang relasyon nila. Away-bati-sex-away-bati-sex ang naging drama nila.
"Paminsan nga, nag-aaway pa kami habang nagsesex," tawa niya, "Ganun ka-intsense ang relationship namin. Nagmumurahan kami kahit magkapatong kami."
Sabi ni Rica, nabuntis daw siya ni Chris habang nag-"aaway" sila sa kotse.
"Paano mo naman nalaman na sa kotse ka nabuntis?" tanong ko, "Eh sa mga kuwento mo, kung saan-saan kayo nag-do-do."
"Babae ang anak ko, pero mahilig siya sa mga kotse," simpleng sagot ni Rica, habang pinagmamasdan ang kaniyang anak na si Madison, na naglalaro ng mga matchbox cars sa sidewalk.
"May communication pa ba kayo ni Chris?" tanong ko.
Umiling siya, "When Madison celebrated her third birthday, we kinda lost touch. At pareho tayo, Buquir, ayoko rin maghabol ng mga taong ayaw sa akin, kahit na mahal ko pa sila. Nung tumigil siya sa pagpapadala ng pera para sa anak namin, tinigil ko na rin ang pagkwento ko kay Madison tungkol sa daddy niya."
Tahimik lang ako. Minsan lang mag-senti si Rica.
"Pero, I don't have any grudges towards Chris. Alam kong mahirap din sa kalagayan niya na magkaroon ng anak with me," sabi ni Rica.
"Bakit? Dahil sa parents niya?" tanong ko.
Ngumiti siya, at nakita kong kumikinang ang mga piercings niya sa labi, "Nope, dahil sa asawa niya."
Tumaas ang mga kilay ko.
"Nung magkakilala kami ni Chris, may asawa na siya at anak. Childhood sweetheart daw niya," paliwanag ni Rica, "Ano naman ang laban ko sa chilhood sweetheart di ba?"
Tumahimik kami pareho.
After a moment, tinanong ko siya, "Is this why you act the way you are?
Tumingin siya sa akin, "Why? Paano ba ako kumilos?"
I hesitated before answering, "Well... you're kinda flirty."
Tumawa siya ng malakas, "Ang ibig mong sabihin pokpok akong kumilos? Kaya Slightly-Pokpok Rica ang tawag mo sa akin sa lintek mong blog?"
I nodded.
Huminga siya ng malalim, "Nung malaman ng nanay ko na buntis ako, yan din ang tingin niya sa akin: pokpok. Malandi. And at the time, it really hurt."
Tumingin siya uli kay Madison, "Pero tignan mo ang baby ko, anlaki na. Ang ganda. Manang-mana sa mommy. I know, in the future, she'll be a heartbreaker. Kung pagiging "pokpok" ko ang naging dahilan ng pagkakabuo niya, aba diyosko, wala na akong pakialam kung anung sabihin pa ng mga tao tungkol sa akin."
Lumapit sa amin si Madison, "Mom, can I have some water?" Ang water niya, british ang accent, "wa-tuh" ang tunog. Kumakalog pa ang mga bilugang pisngi niya. Ang cute.
Napangiti ako, "Bilib rin ako sa anak mo ha, pwedeng-pwede sa call center."
"Marunong mag-tagalog yan, pero mas sanay sa English," sabi ni Rica, habang pinapainom ng tubig yung bata.
Kamukhang-kamukha ni Madison si Rica. Ngayon, si Madison naman ang naka-Hello Kitty na hairband at clothes.
"Do you think you'll still get married in the future?" I asked her, "Kaya mo pa kayang makipag-relasyon?"
She shrugged, "Ewan ko, parang nakakapagod lang mag-invest ng emotions eh."
Hinawi niya ang buhok niya, tapos nagsalita uli, "May mga panahon na sobrang nalulungkot ako, at namimiss ko ang magkaroon ng ka-partner. You know, for sex and shit."
Tumawa uli ako, "Nalulungkot? Or nalilibugan?"
"Pareho na yun," sagot niya, "Pero as flirty as I may seem, believe me, I'm all talk. Di ako talaga madaling makuha, no matter what the boys say."
She continued, "Masaya lang makipag-flirt with boys. I'm sure you know that. Besides..."
"Yes? Besides what?" tanong ko.
Umakbay siya sa akin, at ang sabi, "Pareho lang tayong pokpok, Buquir."