A Travellerspoint blog

August 2009

Shoutouts...

sunny

comments.jpg

This blog has received a total of 2,855 comments.

Na-inspire ako na gayahin ang goodtimesmanila.com, and pick out the comments in my blog, that I've found both funny and... well, amusing, to say the least.

P.S. This is also a nice way of reminiscing about the old entries I wrote back then...

.
.
.
.

"maitim ang waistline..."

- by Q_Amidala in response to my entry "Ehem".
.
.
.
"AS IN LINIS MO MO MUNA ANG SARILI MONG DUMI BAGO KA PUMANSIN NG DUMI NG IBANG TAO!!! NYETA KANG BABAE!!! to callboi, lelang and all the other "matitinong readers" please pardon my french for this super kupal agent is really sooooooo damn kupal to the MAX!!!!!!!!"

- by gmgigi2 in response to my entry "Naughty Little Girl".
.
.
.
"“Putang ina ka!” – Aiko Melendez, Maalaala Mo Kaya The Movie “Ay, putangina ka!” – Claudine Baretto, Natapilok sa ASAP"

- by NYBraces in response to my entry "And the nominees for favorite local movie quotes are..."
.
.
.
"SASAMPALIN KO! MAG KANO SYA?!"

- by Mrs. B in response to my entry "The Truth And Nothing But..."
.
.
.
"Stop dragging dogmas in this topic after all, we are not bible experts."

- by missindia in response to my entry "Conflict of Interests".
.
.
.
"SIGE PARE, GO AHEAD, PARA MAKITA MO KATAPAT MO AT MATAGAL NG NAG-AANTAY SAYO! HANTING PALA HA???...GUDLAK!!! - DIKO"

- by maybelle in response to my entry "Where are you, Ian???"
.
.
.
"OMG!!!!! SINO NAGGPATAY NG AIRCON!?!?!?!?!? BAKIT ANG INIT?!?!?!?! nahimatay kame ng mga co-agents ko.... SHETNESS!!!!! WE LOOOOOOOOOOOOVE BILLLLLLLLLLYYYYYYY!!!!!!!"

- by observer in response to my entry "TTM '09"
.
.
.
""oooooohhhhh biiillllyyyyy.. aaaannggg saaaarrraaaappp moooooo..."

by baogers in response to my entry "TTM '09"
.
.
.
"masama bang i-kiss ang friend? haha!"

- by Palaboi in response to my entry "The Taste of Her Cherry Chapstick".
.
.
.
"hi!! ask ko lang kung may avail pa. i want to know how much. cant afford 1mon dep/ i advnace will do. am with P.S btw// plz keep me posted- 0915 *******"

by gio in response to my entry "Single White Male".
.
.
.
"i big hand to the dialogue, but i have to say it would be best of this remained as a fiction.it saddened me though that a number of people here who commented here would commend such actions. being a a chickboy or boychick, whatever that means, for me is a sign of insecurity. trying to prove ourselves that we are "saleable". nothing would differ from a person who would snatch a man/woman from his/her partner. it could be that the "snatcher" is somehow afraid of not finding the right guy/gal. and seeing a couple in a good relationship makes this person envy. Envy in a sense that he/she should get one of the couple, or would just wanna prove himself/herself that he/she is better than the one who's into that relationship(the object of enviousness). let it be noted though that i am not judging the subjects of the story, i am just trying to point out our attitude towards these kinds of action. commending these kinds of actions could be a sign that we ourselves would like to be in that position. The Snatcher. And what we want to avoid is to be the victim."

- by RY in response to my entry "Sampal".
.
.
.
"at oo nga pala thetruth, sa ginawa mong ito, lalong naging sosyal si buquir sa paningin namin. dahil pinakita mo na para kang isang kiddie pool na binebenta sa SM department store. Mababaw na, cheap pa."

- by loraandblu in response to my entry "The Truth And Nothing But..."

And my all-time favorite...

"you and the man on the picture looks very much alike. pero tingin ko di nagpapangap na sosyal yung nasa picture unlike you. you know what? nakakaawa ka, kase people talk on your back... pinaplastik ka lang nila... kawawa ka namang baboy ko. may papatol sayo dahil sa pera mo, pero may pera nga ba? you keep on kissing ass just to stay on your dream society na di ka bagay. kahit kailan di ako napunta sa blog na ito kaya di wala ako galit sayo, nagagalit ako sa mga tao na pinerwisyo mo ang buhay dahil sa mag tsismis mo na dapat tinago mo na lang sa mataba at maasim mong katawan. ginawa mo ito to gain popularity... pero naisip mo ba na kailangan mo apakan ang privacy ng ibang tao para makuha mo ang popularity na gusto mo? bakit pag may kagalit ka kailangan mo i-blog? di mo ba kaya na harapin sya at duraan harap harapan? mas pinili mo pa na duraan siya ng maraming tao. Sana bawian ang pamilya mo sa mga ginagawa mo. Di mo alam ang epekto ng blog mo sa mga kaibigan kong nasaktan, nawalan ng gana magtrabaho dahil sa mga bagay na tinago mo na lang. walang langit o kahit impyerno ang tatangap sayo ryan. wala. "

by thetruth in response to my entry "The Truth And Nothing But..."

Whew!!! Acidic!

Posted by callboi 06:34 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (11)

The Problem With Pasha...

sunny

... is pinapaliit niya ang mundo ko.

Kasama ko si Schoolboi and Pasha the other night sa Starbucks around the corner of our building, when in walks this famous hunk-of-a-team-manager and his equally-hunky-friend na taga-Peoplesupport din.

Tinanguhan ko si Team Manager ng pagbati. Tumango rin naman siya at ngumiti.

Tumingin siya kay Pasha, at tumango din ng nakangiti. Tumango din naman si Pasha. At tumango rin ang friend ni Team Manager. Apparently, uso ang tanguhan ng gabing yun.

Nagtanguhan na ang lahat maliban kay Schoolboi.

"Kilala mo siya?" tanong ko na super-shocked.

Tumango uli si Pasha, at ngumiti ng nakakaloko.

OMG.

"You mean... ?" tanong ko na di ko na nakumpleto.

Pasha wiggled his eyebrows in response, "Both of them. Him and his friend."

Tumingin ako kay Schoolboi, checking out his response.

"I knew about it," sagot niya, na mukha namang ok lang sa kaniya.

"Did you... join them?" I asked.

Umiling si Schoolboi, "Nope."

I breathed a sigh of relief.

"I just watched," dagdag na sagot niya, nakangiti rin ng nakakaloko.

Ayus. Hindi pala si Ina Magenta ang dapat na tinawag kong "Slightly-Pokpok".

pasha_and_schoolboi.jpg

Posted by callboi 07:56 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (6)

Sampal...

sunny

0catfight.jpg

Newsflash!!!

May nag-away sa pantry natin kagabi. Dalawang babaeng agent na iisa ang target na lalake sa Operations Floor.

Well, maybe "nag-away" is too strong a word. Nagkasagutan na lang.

Tawagin nating si Agent Ipis yung isa, dahil maliit siya at may pagka-intrimitida. Isa siya sa mga taong kung mag-makeup ay parang bawal nang mag-makeup bukas. Kumbaga inubos niya na ang laman ng kikay kit niya sa fez niya. Or nadapa siya at napasubsob sa make-up counter. I'm sure kilala niyo siya, 5th-floor folks.

Yung isa naman, si Agent Hermosa, dahil maganda siya at nasa kaniya na yata ang pinaka-winner na ID photo na nakita ko. Newbie pa yata ito sa floor eh, pero nagulat ako ng mapansin kong nasa Facebook ko na pala siya. I don't remember her adding me, nor me accepting her.

Anyway, nagkaharap daw sila sa pantry kagabi. And the overheard conversation by my sources went a little something like this:

Agent Ipis : Well at least ako sa bahay pa rin niya umuuwi. At lagi kaming magkasama sa labas ng office.

Agent Hermosa: ... (tahimik lang, nakangiti, well-poised).

Agent Ipis : So most likely, kami ang totoo, kung anuman yung sa inyo, wala lang yan.

Agent Hermosa: ... (tahimik pa rin, nakangiti, well-poised).

Agent Ipis : Kaya kung pwede lang, stop sending him emails and text messages.

Agent Hermosa: ... (tahimik pa rin, nakangiti, well-poised, pero lumalabas na ang mga ugat sa noo).

Agent Ipis : It's sad how some girls cling to someone who's obviously attached.

Agent Hermosa: (Di na nakapagpigil) Bakit? Maganda ka ba?

Bravo! Bravo! Clap! Clap!

Ganyan dapat ang mga hirit! Maganda ang timing at parang sampal lang ang dating!

Posted by callboi 02:54 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (76)

Ang Last Class Sa Sunken Garden...

sunny

garden1.jpg

1130PM, Tuesday:

Nakasakay kami ni Ina Magenta sa kotse ni Schoolboi, papunta sa Sunken Garden sa UP.

Ang last class namin, according kay Prof, ay doon magaganap.

"Bakit sa Sunken Garden?" tanong ko kay Schoolboi, na parang baliw kung mag-drive. Ambilis. Pero suwabe, hehehe.

Nag-kibit-balikat lang siya.

Si Ina Magenta ang sumagot, "May seremonyas siguro tayong gagawin. Alam mo naman si Prof, pagdating sa ganito, ma-drama."

Napatingin ako sa kaniya, kahit madilim sa loob ng kotse ni Schoolboi, kitang-kita mo ang suot ni Ina Magenta, isang loud na loud na neon green tanktop at neon orange na pedal pushers.

Napansin niya ang pagtitig ko sa damit niya.

"May issue ka sa suot ko?" tanong niya, nakataas ang isang kilay.

"Wala po," sagot ko, "Good idea nga yang suot mo eh, baka sakaling mawala ka sa dilim, madali ka naming mahahanap. Mukha kang higanteng Frutos."

Natawa si Schoolboi, pero mukhang malungkot siya. Hmmm... siguro nag-away na naman sila ni Pasha.

Lately, mukhang laging wala siya sa mood.

Hating-gabi na ng makarating kami sa Sunken Garden.

Nakita agad namin kung saan naka-puwesto sina Prof.

Sa malapit sa gitna ng field, may isang grupo ng mga tao na napapaligiran ng marami-raming kandilang naka-garapon.

The effect was both beautiful and creepy.

"Sheeet, parang kulto ang pinasok natin," sabi ni Ina Magenta.

Pag-lapit namin, sinalubong kami ng isang kaklase namin, si Mark.

"Kayo na lang ang kulang, antagal niyo naman!" bati niya, "Na-late ka na naman siguro ano, Rica?"

Tumingin sa kaniya ng masama si Ina Magenta, hindi nagsasalita.

Sa liwanag ng mga kandila, nagmukha siyang baliw na mamamatay-tao.

Tumatakbong umatras si Mark pabalik sa klase.

"Supot," bulong ni Ina Magenta.

Lumapit kami kay Prof, na kasalukuyang nag-aabot ng kape sa styro sa mga students niya.

"Sa wakas," simula niya, "andito na kayo, na-late ka na naman ano, Rica?"

Ngumiti ng matamis na ngiti ang lola niyo, "Sorry talaga, Prof, may inasikaso akong problema eh."

Tumango lang si Prof, at inabutan ako ng isang malaking banig at mga unan.

Lumapit ako kay Ina Magenta, binulungan ko siya, "Bahag pala ang buntot mo kay Prof eh."

Natawa siya, "Kelangan sa buhay, pumili ka ng kakataluhin mo."

Sa may kalayuan, nakita kong nagsindi ng yosi si Schoolboi. Lumapit ako sa kaniya.

"I thought you quit smoking?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin, tapos binigay sa akin ang yosi niya, "This is yours."

Kinuha ko naman, pero nagsindi rin siya ng panibago para sa sarili niya.

Tahimik pa rin siya, nakatingin sa malayo.

Umubo ako, tapos nagtanong, "Let me guess... Pasha?"

He smiled weakly, sabay tango.

"Wanna talk about it?" I asked.

Inakbayan niya ako, tapos nilakad palapit sa class. "Maybe later," sagot niya, "Magsisimula na si Prof eh."

I don't have the words to describe that night.

Imagine it, a midnight class, wherein Prof picked seven stories from seven students in the class to read out in the dark. There were about twenty-five of us in the class.

Napili niya ang "Bakit Niya Ako Iniwan?" na entry ko.

"Ang gusto ko sa pagsulat mo, Buquir," sabi ni Prof, "hindi ka takot mapahiya sa mga mambabasa mo. You really let everything out in this piece."

Blush naman ako.

Pag napili niya ang sinulat mo, you're supposed to read it in front of the class.

Napili rin ang mga sinulat ni Ina Magenta at ni Schoolboi.

Nung si Ina Magenta na ang nagbasa ng piece niya na ang title ay "Saging Lang Ang Katapat Mo", nabulabog ang gabi sa lakas ng mga tawa ng mga kaklasmeyt namin. May kasama pa kasing interpretative dance ang lola mo eh.

When it was Schoolboi's turn, pinagmasdan ko ng husto ang mukha niya na bahagyang naliliwanagan ng mga kandila.

Mukha talaga siyang malungkot. Guwapo, oo, pero malungkot.

"Baka matunaw si Schoolboi sa kaka-titig mo," sabi ni Ina Magenta sabay siko sa akin.

Ngumiti lang ako.

Inabot kami ng bukang-liwayway sa Sunken Garden. By that time, nag-kaniya-kaniyang usapan na kami.

Kaming tatlo ni Schoolboi at ni Ina Magenta ang magkakatabi sa banig, nakatingala sa nagliliwanag na langit. Malamig ang hangin at tahimik ang paligid, maliban sa bulungan sa mga ibang banig. Sa kabilang banig, may nagpapatugtog ng ipod niya na may speakers, at ang kanta ay "Linger" ng Cranberries.

Di namin mapigilang maging senti ang usapan.

Kinukuwento sa amin ni Schoolboi kung gaano kahirap magkaroon ng boyfriend na mukhang supermodel.

"Hindi ba mas mahirap kung mukhang basurero ang boyfriend mo?" tanong ng taklesang si Ina Magenta.

Natawa kami pareho ni Schoolboi.

Dagdag pa ni Ina Magenta, "Nakakatawa ano? Kahit pareho kayo ni Pasha na good-looking, hindi ka pa rin masaya sa relasyon niyo? Meron ding selos, merong bitterness, may insecurities. Ang mga problema niyo pala katulad rin sa problema ng mga ordinary-looking people."

Huminga ng malalim si Schoolboi, "Like they say, God is fair."

Pinatong ni Ina Magenta ang ulo niya sa kamay niya, at tumingin sa akin, "Ikaw, Buquir, kamusta naman ang taong pinakamamahal mo?"

Huminga rin ako ng malalim, "Ayun, kumikirot pa rin ang tiyan ko everytime nakikita ko siya."

Umunan si Schoolboi sa braso ko, "Does he know already? Do you think he has any idea of how you feel?"

Umiling ako, "Nope... at least I don't think so."

Nainggit si Ina Magenta, pinatong niya ang ulo niya sa tiyan ko, "Alam mo, dapat sabihin mo sa kaniya. I'm sure litong-lito na yun ngayon sa ikinikilos mo."

Nakiliti ako sa pagkakadag-an niya sa tiyan ko, "I will never tell him, believe me. I've learned my lesson well, it's better if I just keep my mouth closed."

Tahimik silang pareho.

"What? You think I'm making a mistake by keeping silent?" I asked them.

Umalis si Ina Magenta sa tiyan ko, umupo, at tumingin sa akin, "I think, eventually, sasabihin mo din sa kaniya, one way or another. Kilala kita eh, di mo rin mapipigilan yan. Balang araw, Buquir, lalabas at lalabas din yan."

Tumatango sa pag-sang-ayon si Schoolboi.

Bumalikwas ako palayo sa kanilang dalawa, "You're wrong. I will never tell him, believe me."

Pero sa loob-loob ko, may takot at kabang kumikislot sa puso ko.

Balang araw, Buquir, lalabas at lalabas din yan, sabi ni Ina Magenta.

"What are you so afraid of, Buquir?" tanong ni Schoolboi.

"The most common reason, I guess," sagot ko, "Rejection. I'm afraid things will change once I tell him how I feel."

"Rejection isn't something you should fear, really," sabi niya.

"Easy for you to say," sagot ko naman, "You look like a commercial model for Calvin Klein, ako naman mukhang commercial model ng Pigrolac."

Natawa si Ina Magenta, "At least commercial model pa rin!"

"What's Pigrolac?" tanong ng inosenteng si Schoolboi.

"Favorite snack ni Buquir," sagot ni Ina Magenta.

Binato ko siya ng unan sa mukha.

Biglang nag-ring ang cell phone ni Schoolboi.

"It's Pasha," sabi niya, sinagot ang phone habang naglakad palayo sa amin.

Nakatingin kami ni Ina Magenta sa paglayo niya.

"Si Schoolboi ba ang pinoproblema mo?" tanong sa akin ni Ina Magenta, "In love ka ba sa kaniya?"

"Of course not," sagot ko. Honest. Hindi siya.

"So si Pasha?" tanong niya.

Umiling ako. Hindi rin siya.

"Eh sino?" kulit niya, "Ilang araw ka nang hindi matahimik diyan sa lintek na lalakeng yan ah. Ano ba yan? Ginto ba etits niyan?"

"Bastos," sagot ko, "Hindi kami ganun ano?"

"Eh so sino nga?" tanong niya uli.

Ngumiti ako at sinabi ang pangalan ng taong bumabagabag sa akin lately.

Nanlaki ang mata niya, "Siya? Yung guy na pinakita mo sa akin yung pictures?"

Tumango ako.

Kumunot ang noo niya, "Malaking problema nga yan."

Bumagsak ako uli sa banig, tumingin sa langit, huminga ng malalim, isang malungkot na ngiti sa aking mga labi, "Haaaay, sinabi mo pa."

Posted by callboi 11:38 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (16)

I Can Hardly Wait...

sunny

JL.jpg

Posted by callboi 11:37 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (11)

(Entries 1 - 5 of 14) Page [1] 2 3 » Next