Let's Talk Dirty...
28.08.2008
Dear Ate Bookie,
Una sa lahat, magandang umaga sa'yo at sa iyong mga trainees. Sana'y nasa maaliwalas na kalagayan ang iyong mga baby fats.
Ako po ay isang empleyado ng parehong kompanyang iyong pinapasukan, at sa pareho ding account although nasa isang arm po ako at hindi email po. No, hindi po related sa magiging pagbabago sa pangalan ng kompanya to Aegis PeopleSupport ang problema ko. Pero, hopefully mapagpapayuhan mo pa rin ako.
Hindi ko po alam kung isa itong sumpa o gift na maituturing, pero simula pa po noong magbinatilyo ako (which is a few years ago..... or so) naging lapitin na po ako ng mga bading at mga pokpok (hindi naman yung talagang nagbebenta ng panandaliang aliw kundi yung mga medyo easy to get ba). Wala po akong problema doon, except noong una. Kasi sabi nila pag gustuhin ka daw ng mga bading either gwapo ka daw talaga o kaya bading din ang tingin nila sa'yo; at alam ko namang hindi ako gwapo kaya it sort of bothered me for sometime. Then I got over it as I figured I am confident about my sexuality.
Sa ngayon po ay maligaya ako sa married life at mahal na mahal ko po ang asawa ko. Pero sa mahigit dalawang taon kong pagtatrabaho dito, medyo may mga tukso na paminsan-minsan ay dumarating, at sa kabutihang palad naman ay nalalagpasan ko naman. Alam nyo naman siguro dito sa industry natin ay marami ang mga liberated ang pananaw patungkol sa sex-life. Meron akong ka-team mate na lagi-lagi nang nakikipag-flirt sa akin, which I previously have taken for granted kasi alam naman nila na I am happily married and that I do love my wife so much, at dahil din sa karaniwang she makes a pass on me pag may ibang tao lang.
Ngunit datapwa't subalit, itong mga nakaraang araw, ay medyo nag-iiba na ang ihip ng hangin. Me mga confessions syang inemail sa akin (webmail po, hindi company email) at mga indecent proposals pang kasama. Now, this of course puts her teasing me into new light as she have rather become more aggressive. Meron kasi kaming upcoming team building and she is sort of trying to tell me not to bring my wife for us to have time to be together. Sa ngayon, tinatrato kong parang mga biro pa rin ang mga messages nya despite her insisting that she is serious about it.
Kailangan ko lang po ng payo regarding sa decision na gagawin ko. Kasi po sa kanyang proposal ay one night stand lang daw ito and she also is set to marry her boyfriend comes December. Dapat ko ba syang pagkatiwalaan at pagbigyan? Dahil sa totoo lang ay medyo bumibigay na din ako. Sexy po at maganda ang asawa ko, at ganun din po ang babaeng ito. Habang lumalapit ang araw ng team building namin ay lalo akong nato-torment dahil sa kinukulit nya na ako. I have tried weighing both the pros and the cons, pero nananaig pa rin ang konsensya at moralidad ko. Although minsan naman ay medyo nadadarang na rin ako pag medyo may init akong nararamdaman sa katawan. Isa sa pinagpipilian kong options ay pagbigyan siya na magkasarinlan kami, pero hindi mangyayari ang dapat mangyari; bagkos ay kakausapin ko siya at ipapabatid kung gaano ko kamahal ang asawa ko at ayokong dungisan ang aming pagsasama.
Maraming salamat po sa maipapayo nyo. Sana po ay pagpalain kayo ng Poong Maykapal at bigyan ng one-year supply ng sari-saring talong at hotdogs.
Sumasainyo sa hirap at sarap,
Hotdog Na Nadadarang Sa Bonfire
Dear Hotdog,
Salamat sa pangungumusta mo sa aking mga baby fats. Mabuti naman sila. Lalong lumulusog. Kamusta rin daw.
In a weird sense, pareho tayo. Lapitin ng mga pokpok. Ang pagkakaiba nga lang, sa akin, totoong mga pokpok ang lumalapit. Alam mo ba, dalawang beses na akong nilapitan at inalok ng panandaliang aliw sa Malate ng mga callboy? Isang beses lang akong tumanggi. Joke lang.
Alam mo, pag lapitin ka ng mga bading, dapat matuwa ka. Ibig sabihin mukha kang pumapatol ng bading. Ooops. I mean, ibig sabihin nun may itsura ka. Pero sabi nga nila, lahat naman tayo may itsura eh. May mga iba nga lang na kakaiba ang itsura. Kung confident ka na straight ka, eh di magaling! Ako nga paminsan nacoconfuse pa rin kung bading ba ako o hindi eh. During times like that, I just take a look at a picture of my crush, Victor Basa, and then nawawala lahat ng doubts ko, ahihihi. Nawawala rin ang urbanidad ko.
Your story reminds me of this article I read sa Inquirer which claimed na ang mga call centers daw ay havens of adultery and other illicit love affairs.
Nung nabasa ko yon, naisip ko bigla ang lahat ng mga tsismis na narinig ko about agents and supervisors and yes, even managers having inter-office relationships with each other.
Ang tanong: Bakit, sa call centers lang ba nangyayari ang mga ganito? I’m sure kahit saang office environment may mga ganyang issue, mula sa mga bangko hanggang sa mga kusina ng Mcdo.
Mabalik tayo sa issue mo. You say you have this teammate na kating-kati na sa iyo. And you are starting to weaken against her sexual advances, right? And it all boils down to the team outing na kung saan kinakabahan kang magaganap ang di dapat maganap?
Ang totoo, alam nating lahat na ang sagot ay NO. Kung mahal mo ang asawa mo, makakayanan mong tiisin ang tukso.
Pero ang totoo rin, alam nating lahat na ang sarap matukso. Sino ba namang gago ang magsasabi na hindi masaya at ubod ng sarap ang ma-seduce ng isang taong may karapatang mang-seduce?
Masaya siya pero mahirap. And ultimately, you are but human. Natural na matukso ka. Don’t think too badly of yourself for being tempted. Men are often ruled by that thing between their legs. And I’m not talking about balls here.
Ang hindi natural eh yung patulan ang mga ganyang temptation. We are measured by the temptations we refuse to succumb to, I always say.
Sa environment natin dito sa opisina, madali tayong makalimot. It’s like we’re totally disconnected from the outside world and the people around us become our second family… and in some cases, our lovers.
Hindi mahirap isipin na matutukso ka sa isang taong lagi mong kasama. Pero mahirap isipin na papatulan mo ang ganyang tao kung meron ka namang asawa na maganda at sexy, as you said.
Tsong, siguro nga dapat kausapin mo na ng masinsinan yang babaeng yan. Sa pantry kung saan maraming tao ha. Wag dun sa pribadong lugar. Baka kung ano pa mangyari. Kung kelangan mo ng chaperone, sabihan mo lang ako. Sasama ako, may dala pang notepad. Para makapag-take notes ako, ahehehe.
In regards to your team outing, sumama ka pa rin. Masaya yan. Pero iwasan mo na lang siya. Stick to the group para walang tukso. And DON’T GET DRUNK.
Other than that, I’m sure you’ll do fine. Or I may be wrong and you’ll do her, instead.
Either way, I can only remind you na lust is natural. Nothing to be ashamed of. Pero ang pagpatol sa iba? That’s something totally different.
Yours in lust, love, and lechon,
callboi♥
[email protected]
Posted by callboi 03:57 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (24)