A Travellerspoint blog

July 2011

Hello and Goodbye

sunny

Nakahiga ako sa kama ko, nakatingala sa kisame.

Alas-sais ng umaga ng Linggo, kaya medyo malamig pa sa kuwarto ko.

Kakatapos ko lang mag-floorwax kaya nagpapahinga muna ako bago ako magsimulang mag-bunot ng sahig.

Malakas ang hangin na pumapasok sa kuwarto ko mula sa bintana sa may ulunan ng kama.

Pinagmamasdan ko ang berde kong mga kurtina na dinadala ng hangin paitaas.

Kakalipat ko pa lang sa pension house na ito sa may Mayapis, kaya medyo naninibago pa ako.

Maganda naman ang lugar. Malinis.

Maganda ang puwestong kuwarto ko. Sa second floor at sa dulo ng hallway.

Tahimik ang two-storey na building. Bihira kong makita ang mga kasambahay ko.

Medyo may katarayan ang landlady, pero keri naman. Mas mataray ako.

Maliit lang ang kuwarto ko pero hindi masikip.

Tamang-tama lang sa isang single na tao.

Iniisip ko kung paano ko pagkakasyahin ang marami kong libro sa katamtaman na bookshelves sa pader, nang may kumatok sa pinto ko.

Nagpunas ako ng pawis bago ko binuksan ang pinto.

Natulala ako sa lalaking nakatayo sa harap ko.

"Your landlady let me in," ang sabi niya, hindi nakangiti.

Hindi rin ako nakangiti, hindi ako nagsasalita.

Iniwan kong nakabukas ang pinto at naupo lang ako sa kama.

Pumasok siya, sinarahan ang pinto.

Napansin kong may dala siyang malaking paper bag na medyo basa.

"Pandesal," alok niya sa akin. Everytime may away kami, dinadalhan niya ako ng pandesal the morning after.

Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa sahig.

After a moment, naupo rin siya sa tabi ko.

Naamoy ko ang pabango niya, suot niya yung paborito ko.

Tahimik kami pareho.

Walang kibuan.

Pero sa totoo lang, ang lakas ng tibok ng puso ko.

Kaba at galit. Pero nananaig ang kaba.

Iniisip ko sa sarili ko, "Thirty years old ka na, Buquir, wag na wag kang magda-drama. Have some dignity."

Sa utak ko, dinuduro ko ang sarili ko. Wag kang iiyak. Wag kang magpapaka-tanga.

So, hindi ako umiyak. Wala akong salita.

Hinihintay kong siya ang mag-salita.

Hinihintay kong sabihin niya na hindi ako ang tanga, na siya ang tanga.

Lahat ng kadramahan na napanood ko sa mga sine at teleserye, tumakbo sa utak ko.

Kung anu-anong eksena ang na-imagine kong mangyayari.

Pero...

"I don't know what to say," sabi niya, humihinga ng malalim.

Pero ako, alam ko kung anong gusto kong sabihin.

At alam kong di ko mapapatawad ang sarili ko pag di ko sinabi sa kaniya.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kaniya.

"I have no right to be angry, even if I am, because what you did, I did, too," sabi ko.

Nalito siya sa sinabi ko, pero after a second, naintindihan niya.

"Are you saying that just to get back at me? Because of what I did?" tanong niya, halatang nagpipigil.

Parang gusto niya akong suntukin.

Hindi ako sumagot. I guess alam na niya ang sagot.

Tumayo siya, "Well, I guess that makes us even."

Lumabas siya ng kuwarto at ibinagsak pasara ang pinto.

Nang mag-isa na ako sa kuwarto, iniisip ko, bakit ganon lang? Bakit hindi katulad ng mga eksena sa movies o sa tv o sa mga librong nabasa?

Bakit walang sigawan? Bakit walang iyakan?

It wasn't supposed to be like this. It wasn't supposed to end this way.

Dapat magsisigawan kami tapos magsusumbatan, tapos after the furious fight, marerealize namin na mahal pa rin namin ang isa't isa at di namin kayang maghiwalay kaya magyayakapan kami at mag-ma-makeup-sex.

Tapos, we'd vow to be loyal to each other from now on.

Tapos, tutulungan niya akong mag-bunot ng sahig.

Pero ganun eh.

Tapos na.

Sa ngayon, anyway.

The end muna.

Posted by callboi 15:01 Archived in Philippines Comments (23)

(Entries 1 - 1 of 1) Page [1]