
Again, before reading this, please make sure you've read this: clickclick!
.
.
.
.
.
.
.
.
I smiled... and said...
Actually, before pa ako nakapag-reply kay Pasha, sumingit si Slightly-Pokpok Rica.
"You don't like reading blogs?" ang tanong ni Slightly-Pokpok Rica, nakataas ang kaliwang kilay.
Pasha nodded, smiling that delicious smile of his, "It's not that I don't like reading them, it's just that the blogs I've seen have nothing interesting for me to read."
Sasabat na sana ako pero mukhang di pa rin tapos si Slightly-Pokpok Rica.
"And because of this, you refuse to read other blogs, on the basis of your initial impression?" sabi ni Slightly-Pokpok Rica, na mukhang tense na tense ang fez, "Don't you think generalizations are somewhat fallacious?"
Napatanga kami ni Schoolboi. At first I thought she said fellatio, fallacious pala.
Sumagot uli si Pasha, while brushing back his longish black hair from his face, uber-charming pa rin, "Maybe, but that, of course, is my opinion. I'm sure eventually I'll come across a blog that's sure to catch my attention. As of the moment, wala pa."
Di na sumagot si Slightly-Pokpok Rica. Ako naman, napaisip. Bruhong ito, medyo maangas siya pagdating sa opinion niya about blogs, pero parang mas lalo siyang naging desirable para sa akin. Lalo na pag nafeflex niya ang biceps niya na parang jumbo siopao sa Kowloon. Yumyumyum...
Napansin yata ni Schoolboi na nakatitig na ako sa bf niya. Habang nagdidiscussion pa rin si Pasha at si Slightly-Pokpok Rica, nakareceive ako ng text from Schoolboi.
"Are you okay?" text niya.
Tumingin ako ng pasimple sa kaniya, nagreply ng text din, "Oo naman, bakit?"
"You look a little weirded out," reply niya.
I replied, "Nabubulag ako sa kaguwapuhan ng boyfriend mo. Pwedeng pahiram minsan? Dalhin ko lang sa office. Kunyari boyfriend ko."
Napatawa ng malakas bigla si Schoolboi nung mabasa yung text ko.
Napatingin sa kaniya sina Pasha at Slightly-Pokpok Rica.
Umubo si Schoolboi, "Umm... wrong number."
Tumayo si Slightly-Pokpok Rica, "Weewee lang ako."
Sinenyasan ako ni Slightly-Pokpok Rica na sumunod sa kaniya.
Pagdating namin sa labas ng CR, nag-vent out agad si Slightly-Pokpok Rica.
"Tangina nakakalalake siya ha!" she blurted out.
Natawa ako, "Bakit ba affected ka?"
"Ulol, blogger ako noh! Syempre nakakairita ang sinabi niya," sabi ni Slightly-Pokpok Rica. Hmm, akalain mong blogger din pala ang bruhang ito. Pero since ayokong mabalik ang usapan tungkol sa blogs (remember, they have no idea about this blog), I changed the topic.
"In fairness ha, may pa-fallacious-fallacious ka pang nalalaman diyan," biro ko, "Wag mo na pansinin, opinion naman niya yun eh."
Tumingin siya sa akin ng matalim, "Dinedefend mo ba siya dahil sa itsura niya?"
Namula yata ako, "Hindi noh!" Pero di na ako makatingin ng diretso sa kaniya.
Biglang sumulpot si Schoolboi sa likod namin, "Huy! Anong pinagbubulungan niyong dalawa dito?"
Humarap sa kaniya si Slightly-Pokpok Rica, at walang kagatol-gatol na sinabi kay Schoolboi, "Actually, curious daw si Bookie kung sino sa inyong dalawa ni Pasha ang top and bottom?"
"GAGA! WALA AKONG SINASABING GANYAN!" sigaw ko, sabay hampas sa braso niya.
Natatawa si Schoolboi.
"Why? Aren't you curious?" sabi ni Schoolboi, habang lumalakad pabalik sa lamesa.
Tumingin sa akin si Slightly-Pokpok Rica, "Maaaaay ganun? Dahil diyan, close na kayo!"
"Yuck!" sabi ko.
Pagbalik namin sa lamesa, nagtatawanan sina Schoolboi and Pasha. Yung tawa ni Pasha, parang music, parang choir, parang binubulungan niya ako sa tenga habang minamasahe ang malaki kong batok habang pinagtitimpla niya ako ng matamis na hot chocolate with whipped cream on top. Tapos may cherry pa. Mmmf.
Pag dating ng food namin, super lafang mode ang drama ni Slightly-Pokpok Rica. Kulang na lang, itaas ang isang paa sa lamesa.
"Miss, gutom ka?" tanong ko sa kaniya.
"Sawang-sawa na ako sa Lucky Me, kaya sasamantalahin ko na ito," sabi niya habang ngumangasab, tapos sinutsutan niya si Pasha, "Sanay ka na bang pinagtitinginan ng mga tao?"
"Excuse me?" asked Pasha.
"Siguro naman napapansin mo na karamihan sa mga bakla dito sa resto eh sayo nakatingin?" tanong ni Slightly-Pokpok Rica, nginungusuan pa niya yung mga tumitingin. It was true, every gay guy (and there were a lot, that night) was looking at Pasha. Natakluban si Schoolboi.
"Ah, hindi ko na napapansin," sabi ni Pasha, medyo hirap siyang mag-Tagalog.
Sumimangot si Slightly-Pokpok Rica, "Ano namang say mo dun, Schoolboi?"
Ngumiti lang si Schoolboi, "Sanay na ako eh. Basta ba at the end of the night, kaming dalawa ang magkatabi sa kama."
"Or the both of us, plus one more hot guy," biro ni Pasha, habang naka-akbay kay Schoolboi.
"Or two," dagdag naman ni Schoolboi, tumatawa, "Or three or four or five. We're not choosy at all.
Hihimatayin yata ako sa dalawang ito.