Just Breathe...
22.07.2008
Hello. Kamusta na kayo? Sorry I haven't been posting much lately.
Ako? Eto, medyo busy pa rin. Pero since I have honest-to-goodness missed the blogging world, I decided to update you with what's going on in my life right now (as if you care, ahehehe).
As most of you may not know, I was assigned to help out with our training department. Masaya siya, as in. Oo, true, medyo busy nga lang lagi, pero fulfilling naman. By the end of this month, I'm sure makukukuha ko na ang Best Trainer Award in a Homosexual Category.
This is just a brief stint, mind you. Feeling ko naman babalik pa rin ako sa pagiging email agent.
What's it like to be a trainer, you ask? Hmmm... well, most of the time, pag-nasa class ako, medyo nacoconscious ako dahil lahat ng trainees ko nakatingin sa akin.
I sometimes think: Are they looking at my baktong na nipples? Naiintindihan ba talaga nila kung ano mga pinagsasabi ko dito? Bakit ganun ang suot nung isang trainee ko, sports attire sa bottom, formal sa top? Layered ba talaga ang fashion sense niya? Pucha, alas-kwatro na ng umaga panay ingles pa rin ako sa mga classes ah.
Mga ganung thoughts ba.
Pero let me assure you, masaya talaga sa training. Feeling ko isa akong seryosong guro. Guro as in titser. Kulang na lang magbenta ako ng kakanin or tocino sa klase.
Ang sarap ng feeling pag-ikaw ang trainer ng isang class wherein all your trainees are so intensely involved in the discussion. May mga nagdedebate, may mga nakikinig lang, may mga naglalabas ng sama ng loob sa mga sups nila, at may mga iba namang nagkukunyari na nagegets nila ang usapan pero ang totoo naman iniisip lang nila ang bagong movie ni Sarah Geronimo at ni John Lloyd (eeek!).
Although it does have one drawback. Well, not for me, exactly, but for my close friends. Sabi ni Gian, pinababayaan ko na raw ang friendship namin. Di ko na siya inaasikaso. Everytime lumalapit siya sa station ko sa trainer's area, ang tanong niya agad: Busy ka ba, Bookie? She asks me this while she can clearly see that I am: a) in a conference call, b) plotting training schedules, c) checking my emails, and d) all of the above.
Ngiti lang ang isasagot ko sa kaniya. She would then sigh, and dramatically say, "Hay naku, you've changed. Di ka naman ganyan dati sa email team." Which then makes me think, di siguro talaga ako masyado nagtrabaho nung email agent ako. Panay petiks lang ba ako noon? Hmmm... di ko na maalala eh.
Funny story: The other day, in one of my classes, one trainee asked me, "Bookie, iboblog mo ba itong class na ito?"
Napatawa ako: "Bakit ko naman ilalagay sa blog ang class na to?"
Sumimangot siya: "Aaay, wala lang. Gusto ko sumikat eh."
O ayan, sikat ka na.
Posted by callboi 03:20 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (21)