"Bakit Niya Ako Iniwan?"
29.06.2009
Prof. Macaraig stood in front of the class, scratching his bare shoulders (he was wearing yet another sando), and casually said, "Next week, emo ang theme natin."
Emo? Uh-oh, I thought, habang pilit na di tinitignan ang buhok sa kili-kili ni Prof.
"Makinig kayo ha! Ngayon ko lang kayo pagbibigyan na magsulat ng emo, kasi, sa totoo lang, ayaw ko muna makarinig ng kahit na anong emo," ang paliwanag ni Prof, "Sa totoo lang, heartbroken ako, kaya ayoko ng emo. Nadadala ako eh."
Tameme lang ang class.
Umubo si Prof at sinabing, "Ang title ng piece niyo next week ay, Bakit Niya Ako Iniwan?"
Nasamid yata ako.
Nagtaas ng kamay ang red-haired slightly-pokpok kong ka-klase na si Rica, bibo as ever, "Sir, pipili lang ako ng isang tao lang sa lahat ng mga lalakeng umiwan sa akin?"
Ngumiti si Prof, "Oo, baka kulangin tayo ng oras pag nilahat mo, Rica."
Napatawa ang class. Pero maraming mga kamay ang sumunod na tumaas.
"Pwede po ba ang happy ending?"
"How many words po this time?"
"Pwede po ba dalawang tao na lang instead ng isa?"
"Sir, paano po pag wala pang nang-iiwan sa akin?"
To most of the questions, "bahala na kayo" ang sagot ni Prof. Dun sa huling tanong, ang sagot niya ng pabiro, "Ulol! Wag ka mayabang, halata namang hindi ka pa nagkakadyowa!"
Bakit niya ako iniwan? naisip ko, Sino sa kanila ang pipiliin ko???
After the class, nagyaya si Prof na uminom kami sa malapit na lugar lang.
Hindi na ako nakatanggi. Besides, kasama si Richard a.k.a. SchoolBoi eh. Curious ako kung ano itsura niya pag nalasing.
Suplado si SchoolBoi. Di siya masyadong nakikimix-in sa class, mas gusto niyang nagtatake-notes at nagbabasa ng libro.
Sa mga yosi breaks namin, di siya lumalabas ng room. Nakaupo lang, at nagmumuni-muni.
Nung binasa niya yung piece niya last week, nagulat ako sa sinulat niya. His writing is very... intense.
Habang binabasa niya ang mga salitang nag-lalarawan sa pagkatao niya, parang medyo galit siya. Hindi naman siya mukhang mahiyain, mukha lang siyang medyo bad trip sa mundo.
Pasalamat na lang siya cute siya. Feeling ko nga mas crush ko siya lalo. Lalo pa nang napansin ko na mas kamukha niya pala si Atom Araullo.
Mabalik tayo sa inuman.
Nagulat ako sa lugar na pinuntahan ng class namin.
Para siyang pubhouse sa kanto na tinatambayan ng mga jeepney and tricycle drivers.
Lupa ang sahig. At ang specialty nila ay tapang kabayo.
In fairness, ang mura ng pulutan.
Medyo na-haggard lang ako na san miguel pale ang in-order ni Prof para sa lahat.
Masayang kasama pala ang mga taga-UP ano? Ang saya nilang kausap, and very kalog.
Tinanong ako ni slightly-pokpok Rica, "May boyfriend ka ba ngayon, Bookie?"
Napatingin sa akin ang grupo, panandaliang natigil ang mga usapan.
Namula yata ako, "Wala eh."
Tumango sila, parang di sila nagulat sa sinabi ko.
Tinanong naman ako ng kaklase kong si Matt, isang lalakeng parang alambre sa payat, "Nagka-boyfriend ka na ba?"
Tumango ako.
"Ilan?" tanong ni Prof.
"Mga apat na, I think," sagot ko, definitely blushing. Di ako sanay na pinaguusapan ang lovelife ko with people whom I barely know.
Pero keri lang, kasi medyo may tama na rin ako sa beer.
Sumingit naman si Rica, while flicking her hair, "Nagkagirlfriend ka ba?"
Tumango ako uli, "Nung highschool."
"Talaga?" gulat na gulat ang talipandas na si Rica, "Ilan??"
I shrugged, "Mga lima."
Nun ko napansin na nakatingin si SchoolBoi, nakikinig sa usapan namin.
I held my breath.
Nagsalita si SchoolBoi, nakangiti, nagtanong sa akin, habang gulat na nakatingin sa kaniya ang grupo, "Don't you miss being straight?"
Ngumiti ako. He's definitely... intense.
"No, not really, not when there are cute boys like you around," I teased him.
Nagulat siya sa sagot ko, tapos napatawa ng malakas.
Tumabi si Rica sa akin sa upuan, at pabirong bumulong sa akin, "Flirt!"
Ngumiti ako sa kaniya, at bumulong din, "It takes one to know one."
"Totoo ka diyan, ate!!!" tawa niya habang nag-apir kami.
Hay...
I love my class.
Posted by callboi 04:18 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (21)