A Travellerspoint blog

June 2008

So long, farewell, auf wiedersehen, goodbye...

rain

plane.jpg

Bukas, aalis na si Pumpkin papuntang Davao. Dun na siya magtatrabaho.

Bukas, aalis na si Enchong papuntang Dumaguete para mag-goodbye sa family niya. In a couple of weeks, aalis na siya for Dubai. Kasama niya boyfriend niya. Dun na sila magtatrabaho.

Bukas, magsisimula na si Heart Evangelista sa GMA. Kapuso na siya. Dun na siya magtatrabaho.

Lahat na lang ba lilipat ng trabaho???

Seriously, I just realized that I've said goodbye to too many friends this year. Nakakapagod na.

Mamimiss ko silang lahat. Promise. Naiiyak nga ako eh. Except for Heart. I never liked her. And nagtext siya sa akin kanina. Hindi rin niya daw ako like. Kebs.

"Nakakalungkot noh?" Sabi ko kay Gian, "Lahat ng friends natin umaalis na."

"Tayo na lang natitira, Bookie," malungkot na sabi ni Gian.

"Maiiyak ako pag tayong dalawa na lang," I said with a slightly horrified look.

"Gago!" ang sabi naman ni Gian.

Posted by callboi 12:45 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (13)

Petra and Pilar and Callboi

sunny

petrandpilarbyanton.jpg
(stole this pic from blogger Anton of ourawesomeplanet.com, thanks po!)

Have you guys tried eating sa Petra and Pilar diyan sa may likod lang ng Burgundy?

In fairness ha, I really thought it was going to be expensive, pero kering-keri ng budget. Their dishes are really quite reasonably priced, and most of them are really tasty.

food_bar.jpg

This is their food counter. Ala sosyal na carinderia ang style ng resto na ito. The interior had minimalistic design kaya parang ang lamig sa paningin.

Parang gusto ko na lang biglang mag-move in sa place na ito.

Affordable naman ang mga dishes. I ordered chicken curry and it was about a hundred pesos. Umorder din ako ng Bombas, which was a whole potato stuffed with ground pork. Lasa siyang bomba. As in bomba star na lalake. Ansarap eh, malaman pa! Ahehehe.

dining_area.jpg

This is their dining area. Parang cafeteria lang sa school noh?

sinkandtoilet.jpg

Ito yung lababo at kubeta sa CR nila. Di ko alam kung bakit pati ito pinityuran ko. Tama si Gian, baliw nga ako madalas. Pero di ba nakakatuwang makita na malinis at maluwag ang CR nila? Ah ewan.

deli.jpg

Ito naman ang deli section nila. Dito ka makakakita ng mga bagay tulad ng Iberian Chicken Mix, Chocolate Fondue, at Ranch-Style Corned Beef na di mo mabibili or makakain sa Sukina or 7-11.

Nakikita niyo ba yung guy sa pic. He works there. Mukha siyang may-ari ng place. Cute siya. Promise. Matangkad. Maporma. Makisig. At mukhang magaling... magaling magbenta ng pagkain.

Tapos ang cute pa ng accent niya ng sabihin niya sa amin ang "Ma'm, Ser, corned bip po?"

Haaay. So kilig. Visayans are so adorable.

Nung nag-CR ang mga BFF's kong sina Zue Anne, na pansin ko ay tumataba, at si Clang, na pansin ko ay tumataba rin (ako lang ang pumapayat), bumalik ako sa deli section para bumili ng corned bip, i mean beef, dahil masarap talaga siya.

"Dalawang corned beef po," sabi ko kay Cute Vendor.

"Ah ok, sige po," sagot sa akin ni CV, biglang tinanong niya ako ng ganito, "Ser, baka gusto niyo subukan yung sausage namin, masarap po yun."

Napataas ang kilay ko. Napaka-suggestive naman ng offer ni Kuya. Sabi ni Zue Ann, bastos lang daw talaga ang utak ko.

"Uhm, no thanks, next time na lang," sagot ko, at siyempre di ko na napigilang itanong ito, dahil kiri ako, "Masarap ba talaga sausage niyo?"

Ngumiti siya, "Yes ser."

Di ako bumili. Mahal eh.

Pero ito ang pic ng sausage ni kuya.

schublig.jpg

Anlaki noh? May cheese pa yan ha. Ummph.

Posted by callboi 11:59 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (10)

My Upcoming Gay Weekend...

all seasons in one day

gayballoon.jpg

Anong itinerary ni callboi for this weekend?

1) Team Lunch sa Dampa sa Parañaque.

- Meron kaming team budget amounting to, OMG, P2800!!! At ilan kami? Twenty agents!!! That's a whopping P140 each! Sa dampa! Kulang pa yata sa taxi yun. May budget meal ba dun?

2) Sales Party

- I was also invited to attend this party this Sunday sa Gerry's by the Sales Department of my account. Shet! Libreng food at may Ms. Gay pa sila! Fabulous! Excited ako as in. Sana may digicam talaga ako.

3) Gay Pride Saturday Night sa Malate

- Sa wakas, makaka-attend na rin ako ng Gay Pride sa Malate. I'll be sure to take pics for you guys. Kelangan ba talaga naka-puti dun?

Balak ko kasi magcostume ng ganito:

gayme.jpg

In fairness ha, kamukha ko talaga yung nasa pic. Kitakits tayo sa Malate ha? So girl, boy, bakla, tomboy, butiki or tulad kong baboy, go na sa Malate!!!

Happy Gay Pride, mga badets! World Peace achuchuchu!!!

Posted by callboi 04:22 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (21)

And the nominees for favorite local movie quotes are...

storm

114.jpg

1) "Noong una hinangaan kita, pero ng makilala kita, sinabi ko sa sarili ko na hindi lang kita papantayan, lalampasan pa kita!"

- Sharon Cuneta, Bituing Walang Ningning

24.jpg

2) "Gusto mo ng lipstick...madami ako nyan! Isang box! Galing Japan!"

- Roderick Paulate, Bala at Lipstick

33.jpg

3) "Breeding, breeding! Aanhin ko ba yang breeding na yan? Ano ba ako? Aso?"

- Assunta de Rossi, Jologs

43.jpg

4) "Nakakita ka na ba ng tsubibo?"

- Rosanna Roces, Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga

53.jpg

5) “Sino ba yang babaeng mababa ang lipad?”

- Celia Rordriguez, Lipad, Darna Lipad! (fyi, Celia Rodriguez is known as "Dr. Valentina Vrandakapoor", with a Ph.D. in Reptilian Zoology from the University of New Delhi; oh devah!!)

63.jpg

6) "What are beetches for but to beetch around with other beetches?"

- Deborah Sun, Temptation Island

73.jpg

7) "Iniwan kita para mag-isip, hindi para ipagpalit ako hayup ka!"

- Maricel Soriano, Soltera

83.jpg

8) "Talent ba yung kaya kong sumubo ng dalawang t*** ng sabay?"

- Klaudia Koronel, Live Show

9_1.jpg

9) "Sukob ang kasal niyo! Sukob!"

- Maja Salvador, Sukob

103.jpg

10) "Hello? Hello?... Is it me you're looking for?"

- Ai Ai delas Alas, Shake Rattle and Roll number ewan ko na andami na eh

And the Gawad Ari-Arian goes to...

113.jpg

11) ""Libog ka lang, Bobby!"

- Rosanna Roces, Ang Lalaki Sa Buhay Ni Selya

Posted by callboi 13:35 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (18)

Bad Bad Baaaad Girl...

all seasons in one day

bad_girl.jpg

Good morning, Peoplesupport!!!

As usual, nanahimik akong kumakain sa pantry ng nilapitan ako bigla ng isa sa mga paborito kong informants, si Dama de Noche.

"Hello bayot!" ang mahinhing bati sa akin ng bakla.

"Hello Dama," ang bati ko rin.

"Anong food mo, bayot?" he inquired, while opening his lunch box.

I showed him my dish, "Stuffed squid ni Manong Food Provider. Ikaw?"

Dama de Noche laughed, "Eh di ginasang noches ng kalabaw!"

"Yuck!" I said, while looking into his food container.

"Gagah! Tortang talong lang yan, bayot," Dama teased, "Maarte ka ha!"

We were still laughing when this female supervisor, whom we shall call Kristeta, entered the pantry and headed straight for the water cooler.

Napansin niya kami at ang ate mo ha, bigla na lang akong tinignan ng masama! Sabay tikwas ng buhok habang lumabas siya ng pinto.

Nagkatinginan kami ni Dama at sabay na napatawa lalo ng malakas.

"Ang taraaaay ng bilatsina!!" ang sigaw ni Dama sabay apir sa akin.

"Honga! Pang-afternoon telenovela yung eksena niya ha!" agree ko naman, "Anong problema ng Kristetang yun?"

"Baka akala niya iboblog mo yung nangyari sa team outing nila?" ang sagot ni Dama habang nilalafang na ang talong sa harap niya.

I sat silent while looking at him. Dama looked up, noticing my silence.

He asked me, "Bayot! Wag mong sabihin sa akin na di mo alam kung anong chika tungkol sa nangyari sa team outing nila?"

I smiled wickedly; I sensed a nastily delicious scandal about to be served to me.

"Bayot, nag-team outing nga ang lola mo sa isang beach na di ko alam kung saang lupalop ba yun," Dama recounted, "Dapat kasama ako kaso di ko feel masyado. Ang chaka kasi nung ibang agents niya eh. Para bang pang-special education ang mga bilat."

Dama continued, "Anyway, ito palang si Kristeta, dyowa ang isang agent niya!"

"Oh? Anong bago dun? Eh uso naman ang ganyan ngayon?" tanong ko.

"Haaay bayot, itong dyowa ni Kristeta, may asawa na! At ang misis ay diyan lang nagtatrabaho sa kabilang kanto!" ang balita ni Dama.

I pondered this thought for a second, "Sandali, Dama, paano mo naman nalaman na magdyowa sila?"

"Alam ng buong team, bayot! Nung outing nila, nagsama sa iisang kubo ang Sup Kristeta at ang kaniyang lover-agent. Aaaand, after a few minutes bakla, narinig na ng mga agents niya sa labas ang ungol at halinghing ni Kristeta! Parang pinaglalandakan sa kanilang lahat na may mirakulo talagang ginagawa silang dalawa sa loob!"

I laughed, scandalised, "You mean rinig na rinig ng mga agents niya ang mga... ummm... moans of ecstacy niya? Grabe naman!"

"True, bayot!"

blackcouple.jpg

"Alam mo, dehins ko kilala yung agent niya?" tanong ko.

"Hay naku, wag mo na kilalanin, truly forgettable siya, parang suweldo lang sa katapusan, madaling kalimutan," say ni Dama.

"Cute ba?" tanong ko.

Nag-isip ang bakla, "Hmmm... slight. Medyo balbas sarado."

"That would explain the halinghings," I noted. Dama nodded.

"Baka naman may iba silang ginagawa sa loob ng kubo?" tanong ko.

"Ano naman? Nagpaprayer meeting silang dalawa sa dilim?" sagot ni Dama.

"Malay mo may LBM?" sabat ko.

"Hay naku, bayot! Kung may LBM man si Kristeta, masyado siyang nag-enjoy ha!" ang pagtatapos ni Dama de Noche.

Who_Is_Boss.jpg

Posted by callboi 12:31 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (52)

(Entries 1 - 5 of 7) Page [1] 2 » Next