A Travellerspoint blog

May 2010

Five Slots Left...

rain

3topten.jpg

Posted by callboi 09:15 Archived in Philippines Comments (12)

Sa Totoo Lang...

sunny

I was kinda hesitant to write this entry.

Baka kasi sabihin niyo yumayabang na ako at lumalaki na ang ulo. (some of my close friends would argue na matagal na akong mayabang at malaki ang ulo.)

Ganito kasi, medyo napapadalas na ang mga instances na nakikilala ako sa loob at labas ng Peoplesupport.

In short, may mga readers ng blog ko ang nakakasalubong ko at nakakausap. I'm getting recognized.

I will not call them "fans" because that might drive Gian crazy, hehehe.

The first time I got recognized was more than a year ago. Nakapila ako sa isang atm sa RCBC, dun sa may smoking area nila.

A group of girls were standing a few feet from me, and one of them called out to me, "Callboi!"

At first, I thought they were calling someone else, pero sobrang obvious naman na sa akin sila nakatingin.

So I smiled hesitantly and waved.

They giggled and waved back. Nagmadali akong nagwithdraw at umalis agad. Na-dyahe ako eh.

At sa isip-isip ko, "Shet! Bakit wala akong kasamang kaibigan para may witness?! Nobody's gonna believe me!"

It was so unreal to be recognized.

Another incident was this guy whom I met while going to Mcdo sa groundfloor natin.

Before I was able to enter Mcdo, this guy approached me and asked, "Are you Buquir?"

Kalmado lang ako, pero sa isip ko, "Sheeet! Eto na naman!" Super babaw lang ng ligaya ko ano?

I said simply, "Yes?"

"I'm Arvin (I think), and I love your blog," sabi niya, nakangiti.

I smiled, girlishly, and answered, "Cheynk yu."

I've seen this guy twice ever since. Nung nakasalubong ko siya the first time, may witness na ako. Si Supervisor Moya, na nakatayo sa may labas ng Mcdo.

Paglayo nung Arvin, lumapit sa akin si Supervisor Moya, na matagal ko nang kakilala at friend, tapos tinanong ako innocently, "Are you Buquir?"

Sabi ko, "Che!"

Marami pang eksenang ganun: I've been approached sa CR ng PS, sa mall, but funnily enough, never sa Malate. You'd think nandun ang karamihan sa mga readers ko. Puro mga callboy lang pumapansin sa akin dun eh.

The other week, something funny happened while Trainer Marlon and I were falling in line sa cashier sa Mercury Drug.

May nakita akong isang guy na nakatayo sa labas ng store. Parang familiar. Napansin ko, nakatingin din siya sa akin, at parang iniisip kung san ba niya ako nakita.

And then, naalala ko na kung san ko siya nakita.

Binulungan ko agad si Trainer Marlon.

"Shetshetshet Marl, wag kang titingin ha, pero I think that guy is a reader of mine. I've seen his blog na rin," bulong ko. Although hindi ko alam kung bakit ako bumubulong kasi di naman niya kami rinig. I guess kinakabahan ako.

Totoo yan. Everytime I get recognized, or someone tells me that they read my blog, natatameme ako. Shyness lang.

Kaya ko nakilala yung face nung guy kasi may blog siya where he uploaded some of his pics. He's left comments na rin sa blog ko.

Whenever a reader inputs their blog URL sa blog ko, I always make it a point to follow them.

Anyway, mabalik tayo sa Mercury.

"Sigurado ka?" tanong ni Trainer Marlon.

Tinignan ko siya uli, at napansin kong panaka-nakang tumitingin din siya sa akin.

"Oo," sabi ko.

"Batiin mo," sabi niya.

"Nahihiya ako, baka isipin niya assuming ako at feelingero," sabi ko.

"Pag di mo binati, baka sabihin naman niya suplado ka pala," sabi niya.

Oo nga no.

Huminga ako ng malalim bago kami lumabas.

Tumingin uli sa akin yung guy. Tapos yumuko ang ulo.

Pagtapat sa kaniya, kinawayan ko siya, and binati ng "Hello Anton!"

Nagulat siya and he smiled hesitantly and waved back.

Dire-diretso lang kami ni Trainer Marlon sa paglalakad.

Nung makalayo ng kaunti, sinabihan ko si Trainer Marlon, "Shetshetshet, parang hesitant yung pagbati niya sa akin. Nakakahiya! Ang assuming ko kasi eh!"

Pag-akyat namin, may message akong natanggap sa Facebook ko. Ka-friend ko pala siya dun. At obviously, naka-wifi ang lolo mo.

From Anton:

"Hey, you recognized me! Awesome!"

Sa totoo lang, tuwang-tuwa ako sa message na iyon. Naiintindihan niyo naman siguro.

I really don't want to come off as arrogant in this entry, pero gusto ko lang sana i-share sa inyo.

Nakakataba (lalo) ng puso.

Anyway, believe it or not, never pa akong nakipag-EB sa mga readers ko na nag-request na makipagkita sa akin (and there have been lots). Mahiyain po ako talaga.

Feeling ko kasi, pag sinamahan ko kayo, you'd expect me to make you laugh all the time.

The truth is, I really really really don't know how to react when meeting my readers. Usually, when they greet me, I just smile, say thank you, and scurry away. Di ko alam ang sasabihin ko eh.

Ayoko namang sabihin na "Salamat po sa pagtangkilik sa aking blog." That's so not me.

Anyway, going against all my hesitations, nakipagkita ako kay Anton that same day, after we exchanged a few messges online.

Pagbaba ko ng opisina, may mga kaibigan pa akong nakasalubong.

Sa kaba ko, dahil first time akong makikipag-meet sa isang reader, nabanggit ko sa kanila kung sino ang kikitain ko.

Kinilig ang mga loka. Akala siguro date ang mangyayari.

So, anyways, ayun ako, nakatayo sa labas ng lobby, nang dumating si Anton.

Di ko na ikukuwento kung ano pinagusapan namin. Basta masaya siyang kausap. At english-spokening to the max ang lolo Anton niyo. Ganda ng accent. Talo ang akin. Pang-call centah talaga. Makalaglag panty ang boses.

Plus, he's really cute.

Sayang... straight siya.

Nung napadaan kami sa may harap ng PS, nakita ako ng mga luka-luka kong ka-opis.

Kinakantiyawan nila ako ng sigaw. Ako naman, nagbibingi-bingihan. Di naman yata napansin ni Anton.

Dear readers, wag niyo pong lalagyan ng malisya ang pagkikita namin, please.

He is as straight and smart as they come.

And girls, he's single.

anton.jpg

Hay nakuuu, Charm!! Straight siya, leche! Hahaha, joke lang Anton.

:-)

Posted by callboi 09:15 Archived in Philippines Comments (30)

Coffeelicious...

sunny

ca.jpg

Love ko na talaga ang wifi ng Coffee Bean sa may Convergys, right across our building.

I like their drinks and food, plus naiinspire akong mag-sulat ng madalas kasi maganda ang view nila, people walking the sidewalks of Ayala.

Dito na ako talaga tatambay forever. Daanan niyo naman ako. Madalas hapon ako andito. Tambay tayo.

Anyway, the other day, may pumasok na hottie dito.

Muntik na malaglag ang brief ko na WaGar ang tatak (Walang Garter).

I oh-so-discreetly took a pic. Siya yung nakatayong naka-white.

c2

c2

Shet, naupo siya sa likuran ko. All alone. Just begging to be eaten, ahekhekhek.

Nung nakaupo siya sa likod ko, di ako matahimik. Parang nilagyan ng siling labuyo ang pwet ko.

Parang gusto kong lumingon patalikod sa kaniya at kantahan siya ng "Pyramid" ni Charice.

Parang gusto kong lumuhod sa harap niya at bigyang pugay ang kaniyang mapuputi at mapupulang mga... siko.

Pero, siyempre, di ko ginawa. Tsura ko lang noh.

Mamaya pa, dumating ang kaniyang hinihintay. Babae. Shets lang.

Lumipat sila ng puwesto, sa may harap ko.

Kinunan ko uli ng pic. Patago siyempre.

c3.jpg

Pinagmasdan ko siya ng mas mabuti. Ang tangkad. Ang puti. Ang guwapo. Nakakawala ng urbanidad ang looks niya.

Kinunan ko uli ng pic:

7c4.jpg

Pagkababa ko ng camera phone, nakatingin siya sa akin.

Patay-malisya ako pero pinagpawisan na ang singit ko.

Tumingin ako uli sa kaniya, kausap na niya ang hitad na kaharap niya, pero nakangiti naman siya ng mabait.

EeeEEeeeeEEEEEeeee! Ang sarap-sarap talaga mag-kape!

Posted by callboi 02:59 Archived in Philippines Comments (9)

Potchi, Pasta, and Panini...

sunny

p1.jpg

Bakit kami nakatingin sa taas?

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

p2.jpg

Balloons for Potchi!

Last Saturday morning, we held a mass sa Sacred Heart Chapel for Potcholo.

p12.jpg

Potchi loved going to mass, in fact, whenever he would kneel to pray, he would almost always end up crying. Ganun siya ka-drama queen, hehehe.

p6

p6

After the mass, all of us went to Cafe Agogo, a small bar/resto at the back of Makati Med.

It was a party/memorial for Potchi.

p20.jpg

We even showed a video created by Supervisor Onica, Special Child Gian, and me, which showed a slideshow of Potchi's fab pics with his closest friends, tapos ang background songs pa ay "True Colors" ng Glee, at Carrie Underwood's "I'll Stand By You", two of his favorite songs.

Aaminin ko, kahit ilang beses ko na nakita ang video, naiiyak pa rin ako.

343.jpg

Later on, videoke na ang naging silbi ng TV.

I would like to thank everyone who came. I'm sure Potchi is very happy that you took time out of your busy schedules for him.

p3.jpg
36.jpg
6437.jpg
978.jpg
919.jpg
p18.jpg
p19.jpg
p11.jpg
p5.jpg

Ang anak ni Trainer Aubrey kamukha ni Baby James! But cuter!

p7.jpg

p9.jpg

p8.jpg

Here we have Supervisor Chabels choreographing our dance steps habang pinapatugtog ang "Stop" ng Spice Girls. Chabels was also the commentator during the mass. Chabels, next time, please stick to choreography. :-)

Meron din kaming mga singers:

p10.jpg
594.jpg

Pansin ko lang, andami nagdala ng digicams.

At ang gaganda ng kuha!

p13.jpg
p14.jpg
p15.jpg
012.jpg

I love the food in Cafe Agogo:

Bestsellers nila ang panini and pasta combinations nila.

8221.jpg
p16.jpg
95.jpg

It was a fun day, Potchi would have loved it. Beks, kung may wifi sa langit, at binabasa mo ito, titigil ko na muna ang drama ha. Next time na lang ulit, ok?

Back to regular programming na ako uli.

Posted by callboi 10:20 Archived in Philippines Comments (13)

Something to that effect...

rain

3potch.jpg

Dati, kapag gusto kong asarin ang kaibigan kong si Potchi, tutuksuhin ko lang siya na tumataba yata siya.

He would look at me seriously, and then say, "That is possibly the harshest thing anyone's ever said to me, bitch."

A pause, and then sabay kaming tatawa ng malakas sa ka-OA-yan niya.

"Ohmygeeed, I am so maarte or something to that effect," ang itatawa niya.

Another time, sabi niya sa akin, maglalagay daw siya ng makabagbag-damdaming testimonial sa friendster page ko. Sobrang maiiyak daw ako pag nabasa ko na. Isang linggo daw ang kekelanganin ko para lang maka-get over sa drama ng testimonial niya.

It took him thirty minutes to type it, and then he asked me to edit it before posting it online.

"Beks, ako ang mag-e-edit ng testimonial mo para sa akin? Eh di wala nang surprise or suspense?" tanong ko sa kaniya.

Hinampas niya ako sa braso, "Eeeee, sige na, baka may maling grammar or spelling ako eh. Nakakahiya sa mga supermodel friends ko. I have a reputation to keep, y'know, or something to that effect."

A few years ago, nag-away kami ni Potchi and we didn't talk for the longest time. I was a supervisor back then, and so was he. Around December, nagbunutan ang mga supervisors sa floor para sa Kris Kringle.

Parang nanadya ang tadhana, si Potchi ang nabunot ko. Walang gustong makipagpalit sa akin kasi gusto ng mga supervisors na magka-ayos kami. Fine, sabi ko sa sarili ko. I'll buy his gift and I still won't talk to him, ang naisip ko.

Five hundred pesos ang budget para sa gift. Nung tinignan ko kung ano ang nasa wishlist ni Potchi, nairita ako sa nakalagay.

"Jumprope."

Jumprope? As in lubid na tatalunan mo lang? Anung kaartehan meron ang isang jumprope para umabot ng P500???

Pag tingin ko ulit sa wishlist, nakita ko sa ilalim ng word na jumprope, may P.S. na nilagay si Potchi.

"Please make sure you buy it from Nike Park."

Ah yun naman pala. May mamahaling brand. May chance nga na 500pesos ang presyo kung galing sa Nike.

Pagdating ko kinabukasan sa Nike, nawindang ako sa presyo ng jumprope nila: P800.

Binili ko ang jumprope, at sa inis ko, pinabalot ko sa black na papel. At the last minute, nilagyan ko ng makulay na ribbon ang wrapping.

Nung oras na ng exchange gift, lumapit ako sa station ni Potchi, inabot ang regalo, at sinabi sa kaniyang "Merry Christmas."

Sabay talikod at alis na bago pa siya maka-react.

Later that day, lumapit siya sa akin, bumeso, yumakap at sinabing, "Beks, merry christmas. Salamat sa gift. Ang sushal ng motif ng giftwrap mo. It's so minimalist. Or something to that effect."

"Binagay ko lang ang kulay sa budhi mo," sabi ko.

A pause, and then natawa kami pareho. At ganun lang, ayos na kami uli.

Beks, I can't believe you're gone.

I wasn't much of a bestfriend in your last few days, and I'm really sorry about that.

You know I love you and ikaw lang talaga ang nakakakilala sa akin, totoo yan. Ikaw rin lang ang nakasama ko sa jacuzzi ng hubad.

I will truly truly miss you, Beks. Or something to that effect.

Love you.

Posted by callboi 11:22 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (52)

(Entries 1 - 5 of 9) Page [1] 2 » Next