A Travellerspoint blog

April 2009

Sorry...

rain

I know, I know.

I promised you the Top Ten List today.

And, all I can say is, sorry. Hindi pa talaga siya tapos.

Ganito kasi, there's this guy I'm working really hard on including in the list.

He's from the fourth floor. And I have the strongest feeling that he should be number one in the list.

Unfortunately, he's a little hard to reach.

Bawal kasi ang mga ibang tao sa fourth floor. So...

I know it's not much of an excuse, and that this thing has been long delayed.

I really am sorry for keeping you waiting.

If you feel bad about this, how do you think I feel?

If all goes according to plan, by next week. Sana.

Sorry talaga. :-(

Posted by callboi 00:46 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (25)

Mr. Palawan...

sunny

beach1.jpg

Some friends of mine went to Palawan recently. I just looked at the pictures they took, and I must say, mukhang panalo talaga sa Palawan ha.

beach2.jpg

Although, they did mention na magagandang beaches and islands lang ang meron sa Palawan, and not to expect a taste of their culture kasi, well, beaches and islands lang ang ma-i-o-offer nila.

beach3.jpg

I prefer to travel to places wherein I would really get a taste of the local flavor. Cultural flavor ha, hindi local men.

marl-cute.jpg

Marlon was one of my friends who went there. May pagka-photogenic pala itong Sales Trainer na ito.

marl-boat.jpg

He's single, by the way, so consider this my advertisement for him.

marl-boat2.jpg

To be honest, ito na yata yung mga pinakamatinong pictures niya na nakita ko. Yung iba kasi para siyang sinto-sinto.

marl-bangkero.jpg

He was also recently promoted, so this adds to his pogi-points.

marl-girl.jpg

He likes to run marathons and do video-documentaries.

marl-sleep.jpg

Yun nga lang, pag nakakatulog siya, ganito ang itsura niya.

Posted by callboi 17:05 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (17)

Must-See...

sunny

slumdog_millionaire.jpg

Delayed telecast na ang reaction ko, dear readers, pero I just watched Slumdog Millionaire last night, and I still haven't gotten over it.

YOU MUST SEE IT.

It was beautiful, sad, funny, disgusting, dirty, happy, romantic, painful, and all the other adjectives you can think of.

Danny Boyle, the director, is a genius.

Promise, friends, ang ganda. I simply cannot stop raving about it.

Go out na. Watch it. Mag-call in ka na. It's worth it.

Posted by callboi 18:43 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (9)

An Homage To Last Year's Number One...

sunny

The list is done!

My top ten list is complete!

It's going to take me sometime to gather as much information as I can about these people so, again, I beg for your patience.

Mark your calendars, folks, the top ten list will be released next week, April 24, at exactly 6:00 PM MNL time.

Hay! Nakakapagod maghanap ng guwapo!

Since I will be releasing the list next week, I thought it apropos to pay homage to last year's number one candidate, the one and only, Mr. Steven Cinco.

I asked his permission to use his latest pics in Facebook, and he gave me carte blanche access to all the pictures.

There's only one thing I can say: There's a reason why this guy was number one last year.

Girls, feast your eyes on these:

sc1.jpg
sc3.jpg
sc4.jpg
sc5.jpg
sc6.jpg

Sigh. So, bid adieu to Mr. Cinco. May he visit you in your dreams!

I hope you like this year's number one. I sure do.

Posted by callboi 22:03 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (14)

I Heart Bob Ong!

sunny

love.jpg

Good morning, Peoplesupport!

The first email I read this morning was from a friend of mine in Cebu, si Lionel (salamat, bai!).

I don't know if this really was written by Bob Ong, but it really made me laugh.

Hope you enjoy it as well.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Dear Mr. Bob Ong,

Matagal ko na pong nililigawan itong ramp model na stage actress na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.

Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula ? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?

In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one.

Lubos na gumagalang,

- Bartolome -

- ANG REPLY -

Dear Bartolome,

Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao at kalachuci mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Ano’ng era ka ba pinanganak?

Pero don’t worry. It’s not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa’yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na natin, iyon na lang talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo ‘to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa’yo. Mga medyo more than your usual regalong panligaw:

1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.

Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na “Omega 8.” Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good for my heart.”

2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: “I miss hanging out with you.”

3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”

4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, “natunaw na kakatitig sa’yo.”

6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka.”

7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit. (para sa mga hindi maka-“gets”, kapag tinanong ka, ang sagot mo ay, “sapagkat, ikaw lamang ang tanging ilaw at liwanag sa buhay ko”, o kaya naman ay, “you light up my life”…

8. I-text mo siya ng: “Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!”

9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo “para pag nagkabanggaan ang puso natin.”

10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa’kin.”

11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko"

12. Pagatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin, "ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo"

13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng "salbabida", wag payong, o mainit na mami. Pag nagtanong bakit? ang isagot mo ay " ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."


14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na “don’t leave your valuables unattended”


Handang tumulong lagi,

-Bob Ong-

Posted by callboi 14:45 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (13)

(Entries 1 - 5 of 8) Page [1] 2 » Next