Akihihihihi!
30.03.2009
One time, my friend and I were having lunch sa Mcdo downstairs.
When we had finished, we stood up to leave but before we were able to take two steps away from our table, we saw someone enter the door.
Someone whom we recognized immediately because of his tall stature and delicious good looks.
It was Akihiro Sato.
Hindi niyo kilala? He's a model. A very good-looking model. Japanese-Brazilian yata siya.
Napa-upo kami uli ng friend ko.
"OMG, si Akihiro Sato ba yun?" tanong ko.
My friend nodded fervently, "Oo, si Akihiro Sato nga yata." Sadyang full name lagi ang pagbanggit namin sa kaniya.
We were about five tables away from him and I couldn't take my eyes off of him.
My friend, who had his back to Akihiro, kept going to the CR just so he could take a look at him over and over again as he walked back to our table.
"Magpapicture tayo sa kaniya!" sabi ng friend ko, na medyo naglalaway na.
"Eeee, nahihiya ako," sabi ko, pa-demure.
"Buquir! Si Akihiro Sato yan! Wala nang hiya-hiya pa!" sabi ng friend ko.
"Hindi ko yata kaya, makita ko palang siya naiihi na ako!" sabi ko.
"Sige na sige na sige na!" pilit ng friend ko.
"Naiihi talaga ako dahil sa kaniya!" sabi ko. He was really good-looking kasi sa mga print ads niya eh.
Pero after 15 minutes of cajoling, napilit din ako ni friend.
So, lumabas muna kami ng Mcdo para hintayin si Akihiro Sato na lumabas. Ang plano namin, paglabas niya, saka namin siya lalapitan para humingi ng picture. Yung friend ko ang tatabi sa picture. Hindi ko talaga kaya eh. Dyahe. Ako na lang makikipag-usap at kukuha ng pic.
Paglabas namin, sabi ng friend ko, "Kaninong camera ang gagamitin natin?"
Natulala ako, "Ano ba? 8210 lang ang phone ko!" During that time, that is.
My friend had a motorola that had a not-so-good camera. So, pumunta muna siya uli sa loob ng PeopleSupport para manghiram ng camphone.
Habang wala siya, naghihintay pa rin ako sa labas. Mga twenty minutes din kaming naghintay. Ewan ko ba dito kay Akihiro Sato parang super bagal yata kumain ng chicken nuggets.
Bumalik yung friend ko, "Wala akong nahiraman."
Fine, so phone niya ginamit namin.
Sa loob ng Mcdo, nakita kong tumayo na si Akihiro Sato.
"Ayan na siya!" impit kong sigaw.
Hinihingal ako habang naglalakad siya palabas.
Paglabas ni Akihiro Sato, lumapit ako agad. Napraktis ko na sa utak ko kung ano sasabihin ko.
So ang sabi ko sa kaniya, "Excuse me, Mr. Sato, can my picture have a friend with you?"
Natigilan ako slightly sa narinig kong sinabi kong katangahan.
Bawi ako, "I mean, can my friend have a picture with you?"
Ngumiti si Akihiro Sato, at sabay sabi ng "Blaabeeboo blehbleh."
Hindi ko naintindihan talaga yung sinabi niya. Para siyang utal. Apparently, hindi marunong magtagalog ang lolo mo.
Pero mukha naman siyang game magpapicture. So tumabi na yung friend ko, at kinunan ko na sila ng pic.
At eto ang resulta:
Si Akihiro, obviously, yung nakapula.
I know, I know, mukhang di gaanong may itsura si Akihiro dito sa pic nato. Ang chaka kasi nung phone nung friend ko eh.
At oo nga pala, tinakluban ko yung fez ng friend ko kasi nahihiya siya.
Pagkatapos makunan yung pic, sabi ko, "Thank you!"
Sabi ni Akihiro Sato, "Plek plooploo."
Ewan.
In fairness, ang gwapo niya in person. Pero iba itsura niya sa mga print ads niya eh.
Tignan niyo:
Devah?
Posted by callboi 12:33 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (12)