Nagmamahal, Ina Magenta
18.02.2011
May sasabihin ako sa inyong secret.
Simula nang maging si Bookie at si Schoolboi, lagi na lang silang busy.
Busy sila sa work, busy rin sila sa isa't-isa.
Lagi silang nakakulong sa office, lagi rin silang nakakulong sa kuwarto ni Schoolboi.
Siguro nag-ba-bible study silang dalawa. Sa kama. Ng hubad.
Kaya siguro madalas nanginginig ang mga bilbil ni Bookie. Kilig na kilig ang leche.
Lalo na nung Valentine's!
Hay naku, kulang na lang pumutok ang mga taba ni Bookie sa kilig!
At dahil inggitera ako, pinilit ko silang dalawa na isama ako sa Valentine date nila. Kebs kung epal ang dating.
pic from OAP
We started with dinner sa Chelsea's sa Bonifacio High Street.
Andaming bading.
PDA galore ang mga hitad. Pero si Bookie, pa-demure.
Wiz niya raw feel ang PDA.
Insecure siguro si Taba kasi mukha siyang tiyuhin ni Schoolboi.
"You're the cutest one here, believe me," ang sabi ni Schoolboi.
"Sheynk hyoo," ang sabi ni Taba. Pa-virgin.
"Pero mas maganda ako sa kaniya, di ba?" ang tanong ko kay Schoolboi.
Binato ako ni Tabachoy ng breadroll.
After dinner, nanuod kami ng dalawang movie sa Powerplant.
The Rite tsaka Burlesque.
Parehong boring.
Dehins nakakatakot ang The Rite.
Mas natakot pa ako sa itsura ni Cher sa Burlesque at parang lugaw na matabang ang storya ng movie.
Si Christina feeling pa-cute thru out the movie. Sarap sabanutan sa keps. Pasalamat na lang siya maganda ang boses niya.
At pasalamat na lang sila na kasama sa movie si Cam. Kundi dahil sa abs niya at biceps, baka nagwalkout na ako.
Borlogs nga si Bookie at Rich habang inuubos ko ang popcorn, siomai, at Jamaican patties na binili namin for the movie.
And take note, holding hands pa rin ang dalawa habang tulog sa sinehan. Kinailangan ko pang ilawan ng cellphone ko ang kamay ni Taba just to make sure na kamay lang ni Schoolboi ang hawak niya; alam niyo naman si Bookie, mabilis ang kamay.
After the movie marathon, pumunta kami sa isang 24-hour coffeeshop to make tambay.
Nag-frappe lang ang dalawa.
Ako, light snack lang:
May inabot na regalo si Schoolboi kay Taba:
Tuwang-tuwa ang keps ni Taba kasi matagal na pala niyang hinahanap yung mga librong yun (ang totoo, before Valentine's, madalas siyang magparinig kay Rich na itong mga librong to ang gusto niyang gift. Hindi ko maintindihan kung bakit surprised na surprised pa ang potah nung matanggap ang books).
Actuaaaally, may isa pang gift si Schoolboi kay Bookie pero Tabachoy made me promise na di ko na isama yun dito. Private daw eh.
No, dear readers, di po etits ni Schoolboi ang regalo, ang green-minded niyo lang.
Habang nagbubulungan yung dalawa sa cafe, naglalaro naman ako ng Angry Birds sa Ipad ni Schoolboi.
Mahilig talaga ako sa galit na ibon.
Nung mag-a-alas singko na ng umaga, nagsabi si Schoolboi na ihahatid na raw nila ako sa bahay ko.
"San kayo pupunta?" tanong ko, nakataas ang isang kilay.
"Uuwi na rin," sagot ni Taba, "Matutulog."
"Uh-huh, suuuure," sagot ko, "Matutulog. Okay."
I'm sure natulog sila. Sa kama. Ng hubad.
Posted by callboi 05:20 Archived in Philippines Comments (18)