A Travellerspoint blog

February 2010

How To Deal With Insomnia...

Or How I Spent Valentine's...

sunny

Nasa Cabanatuan na naman ako, kina Renz. It's five minutes till midnight, and I can't sleep.

Maaga din kasi akong nagising. Kanina kasing umaga, nasa loob pala ng kuwarto namin si Lola Castro.

Nagtutupi siya ng damit ni Renz or something. Tapos, bago siya lumabas, hinampas ba naman ako sa binti tapos sinabing, "Kaputi ng binti eh!" I am not kidding. She really did that. And that was only the second time we've met.

So anyway, eto nga, di pa rin ako makatulog. Bata pa lang ako, I suffered na from insomnia. Siguro kaya rin ako nahilig sa pagbabasa kasi andami kong oras sa mga kamay ko.

Si Renz, mukhang walang problema sa pagtulog:

renz.jpg

In this pic, he looks like the gayest suman ever. Checkout his powerpuff pillow. Gusto ko siyang hampasin kanina pa para magising. Bored na kasi ako.

Anyway, I decided to write an extra-long entry para naman may magawa ako, at para na rin makabawi kasi antagal rin natigang ng blog ko.

I-kwento ko na lang kung anung ginawa ko nung Valentine's Day.

Super busy ang Valentine's Day ko. Nope, not with my lovelife (what lovelife? hahaha! tumatawa ako pero umiiyak ako deep inside hehe)

First off, nagpunta kami nung umaga sa Chinatown, kasi nga Chinese New Year din noon.

renz_gracie_marl.jpg

Ang kasama ko noon ay si Dancer Gracer, si Mabentang Renz, at si Trainer Marlon.

Masaya ang atmosphere.

Andaming dragons dancing around.

gracer_dragon.jpg

Tapos nagkalat pa yung mga ganito:

dragons1.jpg
dragons2.jpg

which aaminin ko, is kinda scary for me. Parang mumu eh.

fried_siopao.jpg

Sa wakas, natikman ko rin ang Fried Siopao! Sarap! Although sabi ni Trainer Marlon madumi daw yung kuko nung cute chinito na nagbebenta nito. Sabi ko, "Paki ko sa kuko niya, di naman yun ang kakainin ko eh."

Kumain rin kami sa Wai Ying, which for me has the best (and cheapest) chinese food anywhere. Di na nga namin nagawang kunan ng pics eh dahil nisinghot na lang namin lahat ng food pagkalapag ng waiter. We were very hungry.

After Chinatown, humiwalay na sa amin si Dancer Gracer at itong dalawa na lang ang kasama ko sa Greenbelt Five:

marl_and_renz.jpg

Curious ako, sino para sa inyo, dear readers, ang mas cute sa pic na ito? Paki-comment na lang sa comments section please. If you're for Renz, pakisulat "Team Renz!", for Marlon, eh di siyempre "Team Marlon!" Kung yung babaeng nakaputing damit sa likod, then type "Team-Babaeng-Nakaputing-Damit-Sa-Likod" then send to 2333 for Globe subscribers. Che!

Please? Thanks! Please be advised that anything offensive posted will not be approved and/or deleted.

Anyway, nilibot namin ang buong Greenbelt 5 para lang maghanap ng artista or kahit na sinong celebrity para makapag-pa-picture kami. BTW, ugali naming maghanap ng sikat para makapag-pa-photo-ops kami. Jologs noh?

After a few hours, and some frozen yogurt at Red Mango, iniwan na kami ni Trainer Marlon.

Kami naman ni Mabentang Renz, we had to meet a couple of friends for dinner sa Greenbelt 3.

recipes.jpg

We had dinner sa Recipes.

Have you eaten there? Only a few dishes are good, but they're good enough for us to keep coming back.

crispy_tilapia.jpg

Their Crispy Tilapia is their bestseller and truly delish.

lechon_macau.jpg

Eto naman ang Lechon Macau nila with uber-chewy kangkong. Chewy not in a good way ha.

general_chan_s_pork.jpg

Eto naman ang Something-Something Pork. Can't remember eh.

tokwa.jpg

At ang forgettable tokwa.

Pero promise, the Crispy Tilapia makes up for everything. Plus, mura pa dun at maganda naman ang ambience.

  • *********************

INTERLUDE:

While I was typing this entry, dumaan sa likod ko yung mom ni Renz.

"Oh Ryan, gising ka pa?" ask niya sa akin.

"Opo Tita, insomniac po kasi ako eh," sagot ko in my straight-ako-dahil-deep-ang-voice-ko tone, habang pinipilit kong itago ang black pouch ko, kasi baka magtaka si Tita Castro kung bakit eto ang gamit ko:

pouch.jpg

Don't judge. Regalo sa akin yan ni Ianne and I love it.

Anyway, nagulat si Tita Castro nung malamang insomniac ako.

"Ah ganun ba? Naku, pag tumatanda talaga ganyan ang nangyayari," sabi ni Tita Castro.

Ouch, isip ko.

"Eh ilang taon ka na ba?" ask niya.

"Twenty-nine po, mag-thirty na po ako this December."

Tumaas ang mga kilay niya, "Ah talaga?"

I don't think she believes me. Dinalhan niya kami ni Renz ng pizza and pastries para kainin. Sweet!

Kaso tulog pa si Renz. Ubusin ko na lang kaya yung pizza? Wag na, baka umiyak yung bata.

BALIK SA ISTORYA!

  • *********************

Eto nga pala ang mga ka-dinner namin:

matchan_and_renz.jpg

Ang aking beautiful benefactor (na lagi akong dinadalhan ng pagkain), si Matchan.

Naalala niyo ba siya? Na-post ko na siya dito before.

Eto oh:

undas4.jpg

I know, I know, what a difference a few months makes. Iba talaga pag-na-regular ka sa trabaho mo, gumaganda ka.

At ang aming sponsor for the evening's events:

me_and_simon.jpg

Si Simon a.k.a. Porter. Thanks Simon! Sa uulitin!

nakpil.jpg

After dinner, we headed out to Malate, were we met up with another character...

nikki.jpg

On the far right, si Sexy Nikki! Na na-link kay... secreeet!

dragondancemalate.jpg

Akala namin tapos na ang Chinese New Year events, yun pala meron din sa Malate.

And then we saw them setting up something near our table:

judas_belt.jpg

Judas Belt! Kami naman, kalmado lang. Siguro medyo lasing na kami.

Pero nawala yung tama namin nung magsimulang pumutok na, at tumalsik yung ibang paputok sa table namin!

boom1.jpg

What a day, what a night.

At least this year, my Valentine's ended up with fireworks:

boom2.jpg

Kayo? Nakapagpaputok ba kayo ngayong Valentine's? :-)

Haaay. Di pa rin ako inaantok.

Don't forget to vote sa comments section!

Posted by callboi 08:45 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (45)

Love ko na ang Century Tuna!

sunny

onix.jpg

My dearest readers, I would like you to meet Onica, the sexiest and prettiest, and very much single, QA supervisor ng account namin.

4110.jpg

Last Sunday, she woke up at 3AM to join the Century Tuna-sponsored marathon.

011.jpg

Sa 3KM run siya sumali, pero sabi niya sa akin, mga .5km lang ang tinakbo niya.

So bakit talaga siya nagpunta ng madaling araw dun?

59.jpg
Dahil ba itong mga Superbod Models ang nagbabantay ng mga water stations?

714.jpg
Dahil ba andun sina Victor Basa at Jon Avila?

No, no, no.

She was there because of this person:
313.jpg

Nakikilala niyo ba kung sino yan? No, not the guards, silly.

She was there because she was one of the few girls who won this contest:
372.jpg

At sino ba namang babae (or bading) ang hindi gugustuhing ma-meet si Papa Derek, di ba?

543.jpg

437.jpg
Ayan silang lahat, ang mga girls na nanalo, onstage with Papa Derek.

But wait, there's more!

688.jpg
94.jpg
65.jpg
666.jpg

Nanalo rin si Onica ng one-month supply ng Century Tuna. Wala nang ihahaba pa ang hair ng lola mo.

Pero kung one-month supply ng Derek Ramsey ang price, malamang kahit 10KM sasali ako. Mmmf si Papa Derek, anoh?

Posted by callboi 00:24 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (10)

Wish Ko Lang...

sunny

Dear Constant Reader,

Sorry kung matagal akong nawala.

Valentine's, as usual, has not been kind to me and medyo nawalan ako ng ganang mag-sulat.

Pero siyempre naman, nahihiya din ako sa inyo, dear readers.

Lalo na sa mga cute kong readers.

Tulad ni Lance, from Convergys.

lance2.jpg

I think he's really cute.

lance3.jpg

Parang distant cousin ni John Lloyd and dating niya sa akin.

lance4.jpg

According sa Facebook ni Lance, "It's Complicated" ang relationship status niya.

lance1.jpg

This is Lance and his bestfriend, Gio, who happily enough, is also a reader.

gio1.jpg

Kakaiba ang batang ito, iba't-ibang looks ang meron sa mga pics niya, all of them totally cute.

gio2.jpg

gio3.jpg

Gio is also from Convergys. Hmmm... apparently, kaya pala tag-tuyot sa mga cute na agents dito sa PeopleSupport, lahat pala sila na sa Convergys.

gio4.jpg

gio5.jpg

Naka-chat ko na sa Facebook itong si Gio, and he's very smart. Unfair noh?

Beauty and brains ang lolo mo.

Samantalang ako, bilbil lang labanan.

gio6.jpg

I'm not sure but I think both of them are single right now.

Haaay. Sana sila na lang ang nagpasaya sa Valentine's ko.

Tangina kasi ni ano eh... Shet siya. Maputol sana etits niya. Shet shet shet.

Posted by callboi 23:34 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (28)

Si Lola Castro at ang aking Ocean of Fury...

sunny

Nasa Cabanatuan na naman ako.

Medyo naguguluhan na ako sa office eh.

Naranasan niyo na ba yung feeling na parang ayaw niyo makita lahat ng mga kakilala niyo kaya aalis na lang kayo for a few days? Yung lalayo kayo ng sobrang layo para lang matahimik na ang utak niyo?

Yun ang nararamdaman ko for the past few weeks eh. Lagi na lang mainitin ang ulo ko. I feel like I have an "ocean of fury", katulad nung meron si Catherine Zeta Jones sa "The Rebound".

Kaya ayan, sumama muna ako kay Mabentang Renz para makapag-soul searching kuno sa probinsiya.

SPM_A1449.jpg

Okay dito sa probinsiya, tahimik, presko, alang traffic, at ang sarap matulog.

Wala nga kaming ginawa kundi matulog, kumain, manood ng dvd, mag-surf, matulog, at kumain ulit.

Dinaig ako ni Mabentang Renz sa pagtulog.

SPM_A1450.jpg

Kung matulog siya, halos ten hours straight. Pag gising niya, magang-maga ang mukha niya, parang bibingka.

For three days, ganyan lang ang ginagawa namin. Para akong nalow-batt sa opisina at ngayon lang uli nakapag-charge.

SPM_A1451.jpg

May kubo sa likod ng bahay nila kaso natatakot akong pasukin. Baka magiba sa bigat ko. Remember naman yung nangyari sa monobloc chair ni Baler, di ba?

Ang madalas kong katambay at kahuntahan dito eh si Lola Castro.

Cool siya.

lola.jpg

Eto kasing si Mabentang Renz, since laging tulog, nakakalimutang pakainin ang bisita niya.

Kaya si Lola Castro ang nag-aasikaso sa akin.

Nung isang umaga, nakita niya akong nagsusurf. Ang sabi niya sa akin, "Gising na ba si Wewe?"

Si Wewe si Mabentang Renz. "Tulog pa po, Lola," sagot ko.

"Ay naku ang batang yan, kaya tumataba eh dahil tulog ng tulog," sabi niya.

Tapos tumingin siya sa akin, "Mahilig ka rin siguro matulog ano?"

Natawa na lang ako.

"Kumain ka na at wag mo na intayin si Wewe," sabi ni Lola Castro habang naghahain sa lamesa.

Napatingin ako sa nakahain.

pex_008.jpg

"Lola, ano po ito?" ang magalang kong tanong.

"Sinigang na tupa," sagot niya, habang sinasandukan ako ng kanin na may tutong. I love tutong.

"Sinigang na... tupa?" tanong ko.

"Oo," sabay sandok ng ulam sa pinggan ko, pagtingin ko, may buntot pa yata na kasama.

In furnace, masarap ang tupa. Tupang-tupa lang ang lasa.

The next day, longganisa naman ang almusal. Do you guys know na fave ko ang longga? As in. Pag nakita ko siya sa kahit na anong menu, siya lang ang o-orderin ko.

Anyway, sabi ni Lola Castro, espesyal daw ang longganisang inihain niya.

longga.jpg

"Ganyang-ganyan din ang longganisang in-order ni Vilma Santos dito sa bayan namin," proud niyang sabi sa akin.

As usual, kaming dalawa lang ni Lola Castro ang nasa lamesa, tulog pa rin si Mabentang Renz.

Ang sarap ng longga ni Lola! As in!

The best talaga dito sa probinsiya.

Ayoko nang bumalik sa Makati:

makati.jpg

Feeling ko, ang Ocean of Fury sa loob ko, andito pa rin. Nanahimik lang ng lumayo ako. Pero pagbalik ko bukas, ewan ko na lang. I'm actually worried about going back to work.

I think I need a longer vacation. Na-mi-miss ko na agad si Lola Castro at ang kaniyang showbiz longganisa at tupang sinigang.

Posted by callboi 20:49 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (19)

(Entries 1 - 5 of 5) Page [1]