Anal Appraisal...
27.02.2008
I just got my Annual Appraisal today. Ok naman siya. Higher than what I probably truly deserve (thanks, Ms. Wee!). Pero hindi ba parang ang weird isipin na sa mga nakasulat sa ilang pirasong papel ay mababase mo na kung gaano ka-ganda or ka-productive ang isang taong nakaraan sa buhay mo?
According sa appraisal ko, medyo "erratic" ang schedule adherence ko last year. In other words, pangit. Marami kasi akong absent. Pero bihira ako ma-late ha? Mas gugustuhin ko pang ma-absent kesa sa ma-late ako. Marami akong absent kasi, well, nakakatakot mang isipin na mabasa ito ng sup or manager ko, dahil sa marami akong gimik na napilitang samahan.
Nagsisisi ba ako sa dami ng mga absent ko? To be honest, no. Kasi naman, kapag malapit ka nang mamatay, ano ba ang iisipin mo? "Shet, mamamatay na ako pero hayup sa ganda ang sched ad ko! 100%! Diretso langit ako nito, for sure! Am soooo freakin' proud of myself."
Hindi, di ba? At the end of the day, what matters most is how we seized the moment and made the most of what life has to offer. Yun nga lang, since wala na akong Leave Allocations, medyo ambaba ng sinuweldo ko for several months dahil sa dami ng absent. Pero go pa rin ang lolo niyo! Kebs na kung puro sardinas ang ulam.
According rin sa appraisal ko, "Ryan has an excellent command of the English language." Naks! Hindey naman masyadow. Mayabang lang akowng umastah pag-nag-i-ingleys. Feeling coño lang pow.
"Ryan is an exceptional team player." Hmmm... true enough, I guess. Masaya naman kasi team ko eh. Puro karakter. May mga kaunting weirdo, of course, pero uso naman yun nowadays eh. As far as I know, wala namang epal sa team ko. As far as I know, ha?
Nakup, may linya pa lang ganito: "There had been instances when Ryan had violated company policies like wearing slippers..."
Eh kasi naman ang cute nung mga havaiannas ko eh! Sayang naman kung hindi ko suotin di ba? Tsaka ang kinis naman ng paa ko. Di tulad nung sa iba na parang bagong-bunot-from-the-lupa-na-luya! Tsaka paa ko ba ang gagamitin ko para i-pang-type sa keyboard? Uy, di ako galit ha? Nagsasabi lang...
According rin sa overall comments sa akin ng aking maganda at balingkinitang sup, "...he can easily get distracted and can easily be bored by routine if not kept at bay; he has a tendency to wander as well."
Sooobrang totoo to! Katulad ngayon, imbes na mag-trabaho ako nagsusulat ako ng lintek na blog entry na to. Tapos, andalas ko pa mamasyal sa floor. Madalas kasi, sa isip ko, isang malaking party lang ang account natin. At ako ang hostess with the mostest! Syempre kelangan ko maki-mingle di ba?
Pero like I said kanina, I got a higher score than what I expected. Was it just dumb luck? Or maybe may silbi rin naman pala ako kahit papaano. Ewan. Basta dito muna ako sa PS. Masaya pa naman eh, di ba?
Posted by callboi 08:01 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (12)