A Travellerspoint blog

January 2008

Boy, Girl, Bakla, Tomboy...

sunny

he_ate_me.jpg

Dear Callboi,

Hi, ako si Michelle from Teletech. May boyfriend ako, si Jhun. Tatlong taon na kami. Pero feeling ko bading siya. Mahilig siyang mag-ayos masyado ng sarili. Napaka-vain niya. Lagi siyang may dalang malaking pouch na punung-puno ng kung ano-anong toiletries para sa mukha at body niya.

Tapos ang hilig hilig pa niya bumili ng mga damit na masisikip at mapoporma. Bagay naman sa kanya kasi mahilig siyang maggym kaya ang gara ng katawan niya.

Lahat ng mga kaibigan ko sa office sinasabi sa akin na bading siya. Kasi naman pinagsuspetsahan nila na may relasyon sila nung bestfriend niyang si Ricky. Masyado kasi close yung dalawa. Aaminin ko, paminsan nahuhuli ko silang nagbubulungan na parang may sikreto.

Kinumpronta ko siya minsan tngkol dito pero dinenay niya na merong namamagitan sa kanila.

Naiinis na ako kay Ricky kasi feeling ko nang-aasar siya madalas. Alam mo yun? Yung mga ngiti niya parang nagsasabing may alam siya na di ko alam. Kulang na lang pagtawanan na niya ako sa mukha ko.

Di ko na alam ang gagawin ko. Ang alam ko, di bading si Jhun kasi ginagawa naman naming lahat ng ginagawa ng magdyowa. Alam mo yun?

Paano magagawa ng bading yun?


Michelle

Metrosexual.jpg

Dear Michelle,

In fairness, wala akong kilalang baklang "Jhun"? Well, to be perfectly honest, wala akong kilalang bakla na dinadagdagan ng letrang "H" ang name nila. Ang chaka kaya ng ganun. It's so probinsiyano. Charot! Joke lang!

Baka naman metrosexual lang ang boylet mo. Although, alam mo ateng, bihira ang metrosexual na straight talaga. Madalas, ginagawang euphemism lang ang metrosexual ng mga closet homosexuals.

Sabi mo, lahat ng mga kilala mo sinasabi sayong bakla siya? Well, I really don't know if the saying "Where there's smoke, there's fire" holds true for all cases, pero it does have its merits. Pero you shouldn't rely on what other people say to you too much.

Tell me something: When you asked your boyfriend if he were gay, did you believe his answer? Was there a little voice in your heart screaming doubts? You and you alone will be able to tell if your bf is lying to you about his sexuality.

I don't know if he's gay or not, to be honest with you. Di ko naman siya kilala eh. Pero if ever umamin siya sa iyo na bading siya, bigay mo number ko, ok iha? :)

Echos lang!

Kisses, All over it,

Callboi

Posted by callboi 08:53 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (0)

A la Gossip Girl...

tsismis kung tsismis!

sunny

gov2.jpg

Dawho muna tayo.

Dawho ang member ng ating management staff na nakita sa Government nung Saturday night???

Sandali, alam niyo ba kung ano yung Government? It's a gay hangout sa Makati Ave.

Ok, enough with the Geography lesson.

So anyway, according kay Parteeboi at sa kaniyang dyowa, lasing daw ang manager at tila wala sa katinuan niya.

"Hey, what are you doing here? You're not supposed to be here!" Parteeboi asked the drunken manager.

"He... brought... me here..." was the drunken answer, may matching gewang-gewang pa sa paglalakad, habang itinuturo ang kaniyang kasamang bading.

Hmmm. Mahina talaga sa beer itong si... Ahehehe. Dehins puwede magreveal ng name. Pero, mga dear officemates, hindi naman siguro ganun kahirap hulaan ito, di ba?

:)

Posted by callboi 06:07 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (3)

Bewitched, Bothered, and Bewildered...

rain

red_horse_bottles.jpg

12AM

Sobrang wala sa mga plano ko ang mapunta sa Malate nung Sabado kahapon.

Akala ko, magpapahinga lang ako sa bahay, manunuod ng mga DVD's, matutulog, at kung anu-ano pang mga exciting na gawaing pambahay (tulad ng paglinis ng banyo).

At around midnight, dumating si She-ra sa bahay, kasama si Dookie.

"Bakla, magbihis ka na, Malars tayo!" ang pagbati ng baklang She-ra.

Si Dookie naman, tahimik lang, nakangiti.

"Ummm... wala akong pera panggimik," ang sagot ko naman, which is true, pero totoo rin na parang tinatamad ako lumabas.

"Aysus! Kaya nga andito ang Dookie eh! Para financier natin!" sabi ni She-ra na walang hiya.

Nakangiti pa rin si Dookie, "Ok lang ba sayo lumabas ngayon?"

I smiled. Makakatanggi pa ba ako?

115AM

Top and Bottom Bar:

Nakakadalawang red horse na ako. Si She-ra, apat na. Si Dookie? Tatlo. Tatlong baso ng orange juice.

Di marunong uminom masyado ang lolo mo. Napagalitan tuloy ng She-ra, "Ano ba naman yan? Orang juice? Ano ka? May sakit? Bakit juice iniinom mo dito?"

"Eh ano namang masama dun?" I countered.

"Oo nga..." replied Dookie.

"At isa pa, siya ang magbabayad nitong lahat noh?" I said, poking She-ra on the chest.

"Ay, oo nga pala, ahehehe," She-ra giggled, "Gusto mo pa ng OJ? Or baka naman buko juice? Guava? Guyabano?"

230AM

Marami-rami na kaming naiinom. Ang She-ra, lumalandi na. Si Dookie at ako, natatawa na sa kabastusan niya.

"Kita niyo yung pa-mhin na yun sa may kanto? Naka-sex ko na yun sa gym. Yung isang yun naman na kausap ng waiter? Na-BJ ko na sa kotse. Ay! Ay! Kita niyo yung cute na yun na bumibili ng yosi?"

"Oh ano? Nakasex mo siya sa gubat?" I asked, laughing.

"Hindi. Gusto ko siyang makasex," She-ra said, standing up and heading towards the cute guy, "Sandali lang ha? I'm going fishing."

"Hooist! Mahiya ka nga!" I called after him, pero bingi na sa kalasingan ang lola mo.

"Yaan mo na siya," Dookie said, "Diyan siya masaya eh."

wensha.jpg

400AM

Wensha SPA:

Nagdecide kaming dumiretso sa Wensha sa may Roxas Blvd. At syempre, sagot pa rin ng Dookie ang lahat. Dyahe pero syempre di naman ako tatanggi sa grasya.

Si She-ra, pakitang gilas sa steam room. Panay ang rampa ng hubad na parang nagbebenta ng tuyo sa harap ng mga lalake.

Di ko maintindihan kung bakit siya nagpapapansin eh puro naman mga gurang ang nasa loob ng spa nung gabing yun.

"Marse, nantatakam lang ako. Gusto ko lang ipakita sa kanila ang aking gorgeous physique," ang explanation naman ng She-ra, "They can look, but honey, they can't touch."

"Bakla, ang taray mo," I commented.

"Naman!" She-ra replied, waving the towel around his nude body.

Si Dookie, as usual, tahimik lang sa isang sulok ng jacuzzi, parang nagsesenti.

"Okay ka lang?" I asked him, dipping my feet in the water.

He nodded, "Masaya ka ba?"

Nagulat naman ako sa tanong niya, "What do you mean?"

He got out of the pool, wrapped the towel around his torso, sat down next to me, "Wala. Masaya ka ba ngayon?"

I thought about what he asked, and then answered, "I think I am."

"Pero...?" he followed.

"Ewan. May ewan eh. Di ko ma-explain," sagot ko.

Dookie nodded, as if he expected my answer.

At si She-ra? Ayun, may booking na thundercats. Well, to be honest, di naman ganun katanda. Siguro early forties.

"Daaahlings, maiwan ko muna kayo diyan sa kumunoy na yan..." sabi niya, nakaakbay sa thundercats, naglalakad palayo.

Dookie and I looked at the both of them, walking away from us.

"At least si She-ra mukhang masaya," Dookie said.

"Bakit? Di ba ako mukhang masaya?" I asked him.

He looked at me, "To be honest? Nope. It's like you're not here. Your mind is somewhere else. I guess what I really should be asking you is, who are you thinking of right now?"

Patay. Gago kasi tong si Pumpkin eh.

Posted by callboi 01:29 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (1)

Speak No Evil...

Bato-bato sa langit...

all seasons in one day

no_evil.jpg

Once upon a time sa pantry...

She-ra: Buquir, tignan mo yung girl na kumukuha ng tubig...

Me: Oh?

She-ra: Yung face niya, parang pinapak ng mga ibong maya. Grabe ang lubak.

Me: Wow... anlakas ng loob mo na mang-insulto ng mukha ha! Ang kinis ng fez mo eh.

She-ra: I never claimed to be beautiful; just sexy.

Me: Whatever.

She-ra: Tignan mo si MNLJ----, nakalabas na naman ang puwit.

butt_crack.jpg

Me: In fairness, ang hilig nga niya magpakita ng butt cleavage. Nakakawalang ganang kumain tuloy.

She-ra: Sana kasi maputi at makinis ang puwet niya, ano? Eh kung ganyan din namang sing-itim ng mukha ni Kirara...

Me: Kurak.

She-ra: Nakita mo ba suot ni TSGirlash ngayon?

Me: Alin? Yung paborito niyang gypsy outfit?

She-ra: I swear, parang meron nakasulat sa kontrata niya na kelangan niyang suotin ang damit na yun at least once a week.

Me: Baka feeling niya magpaka-bohemian.

gypsy.jpg

She-ra: Mukha naman siyang isa sa Boyoyong clowns.

Me: Grabe kasing mag-eye shadow ang lola mo eh. Parang bawal na mag-eye shadow bukas. Tapos di pa match sa damit niya. Clash kung clash.

She-ra: Kurak. By the way bading-gay, ano nga pala name nung friend mong patpatin pero cute?

Me: Si Sawsaw?

She-ra: Yeah. May dyowa ba yun?

Me: As far as I know, wala. At bakit mo naman natanong?

She-ra: Type ko siya. Type ko siyang kainin along with a side dish of mashed potatoes.

Me: Eew. Friend ko yun, wag mo siyang landiin.

She-ra: Jealous?

Me: You wish.

She-ra: Ok naman siya di ba? Bakit nga pala Sawsaw ang tawag niyo sa kaniya?

Me: Ang hilig niya kasi noon na maki-sawsaw sa usapan ng matatanda.

She-ra: Wish ko lang sawsawan niya ako.

Me: Nakakadiri ka.

She-ra: Ang busilak ng puso mo, bakla.

Me: Hindi naman ako nymphomaniac tulad mo noh?

She-ra: Ex-squeeze me! Hindi ako nympho! I just happen to have a healthy sexual appetite.

Me: Medyo bulimic nga ang dating ng appetite mo.

She-ra: Ang chaka mo.

Me: Mas chaka ka.

Posted by callboi 02:43 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (1)

Not You Again...

rain

i_miss_you.jpg

Pakshet. Bigla kong na-miss ang madugyot na si Pumpkin.

Ewan ba. Ok naman ako, wala naman akong mabigat na problema (I think). Pero parang depressed ako for no reason. Alam mo yun?

And what's fucked up about me is, whenever I feel this way, I start to think about Pumpkin. Sheeet.

I miss the way his face would sincerely light up whenever he would see me coming, just like a puppy seeing his owner, ahehehe. Ang sarap kaya ng feeling ng alam mong may taong tuwang-tuwang makita ka, di ba?

I miss the times when we would talk about what we would bring for lunch so we could compliment each other's meals and share.

I miss the way he would always be bothered whenever he would see me sad or subdued. He would then tell me corny sophomoric jokes which weren't funny but still I laughed because I knew it would hurt his feelings if I didn't.

I miss the way he would cover his mouth whenever he laughed because he was self-conscious about his teeth (which looked fine naman).

I miss having someone I could run to and just say anything about my problems and worries and not be afraid of being judged because I knew he would just listen and not say anything at all but deep inside I knew that he understood.

O sya, sya. Tama na ang drama. Kelangan ko lang ulit-ulitin ang mantra ko, "Madugyot si Pumpkin, Madugyot si Pumpkin, Madugyot si Pumpkin."

Posted by callboi 11:22 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (4)

(Entries 6 - 10 of 24) Previous « Page 1 [2] 3 4 5 » Next