A Travellerspoint blog

January 2008

Ang Lab Story ni Bubu at ni Wubu...

overcast

A_Heart_In..micRose.jpg

an email from a close friend of mine...

Dear Callboi,

It all started when I was still in the AM shift. Newbie ako at siya ang floorwalker namin. I had a call and I needed help, tinawag ko siya, "Powgee, patulong naman oh". Hahaha! Tapos lumapit naman siya sa akin at nag-pa-cute. Tapos ever pasaway ako sa after-call and hold time noon, lagi niya akong finaflag sa CMS habang nakatitig sa picture ko sa mugshots.

Tapos, nung na-train ako for Package, siya yung trainer ko. He was looking at me like I was the only one inside the room. :)

Then, pa-cute lang ako sa kaniya. I was sitting at the last row all alone. He sat beside me...

We talked. We got to talking about a lot of things.

After the last day of training, my high school friends and I were going to Galera. I mentioned this to him and he said that he was also invited by some of his teammates to go there, too. Sabay pala kami. Pero he said that he already declined their invitation. When he found out I was going, he said he'll go na rin lang.

Hmmm... kilig naman ako, kasi malandi ako... hehehe.

So yun, the whole time we were in Galera, we were together. We got to know each other better... deeper... I knew that I would fall in love with him...

While sitting on the sandy shore, watching the stars at night, we had our first kiss. It was soooo magical.

The rest was history.

Yun lang...


Wubu

Dear Wubu,

So nang-iinggit ka bruha ka?

Love and wet kisses,

Callboi

Posted by callboi 11:02 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (0)

Ten Things That Scare the Hell out of Me...

sunny

scary_arms.jpg

1) Takot akong madulas sa stairs. Feeling ko kasi pag nadulas ako sa hagdanan, dahil sa sobrang bigat ko, pag dating ko sa bottom, durug-durog na ang mga buto ko. Tapos siyempre, dyahe sa mga tao di ba? Wish ko lang, kung madulas nga ako, maging unconscious na lang sana ako para di ko makita ang mga mapanghusgang mata ng mga masa. Pakshit sila.

2) Takot akong makasalubong si Ruffa Guttierrez. Baka kasi di ako makapag-pigil at masigawan ko siya ng "Social climber kaaaaah! Tumigil ako sa pag-gamit ng Pantene dahil sa yooooh!" I swear, that woman bugs the hell out of me. Lalo na pag humirit siya ng "My GOSH!"

ruffa.jpg

3) Takot ako sa buntis. Actually, takot ako na makatabi sila. Kasi takot ako na ma-sagi ko sila or something tapos masaktan yung baby sa tummy nila. Sa laki ba naman ng mga braso ko, mamaya pa matamaan ko yung tiyan nila tapos mag-pop out na lang yung baby.

4) Takot ako sa mga local celebrities na pumapasok sa pulitika. Well, to be honest, imbiyerna lang ako sa kanila. Di na ako magugulat kung si Lolit Solis ay balang araw tumakbong presidente natin, at si Jobert Sucaldito naman ang bise.

lolit_solis.jpg

5) Takot ako sa palaka. They're so kaka. Kakainis. Kakadiri. And kakawalang ganang kumain.

6) Takot ako kay Tim Miller. Anlaki niya eh.

7) Takot ako sa schedule rotation. Paano na kapag di ako naging saturday off? Paano kapag naging Mon-Tue off uli ako?! Di man lang umabot sa Ladies' Night!

8) Takot ako kay Sadako. Ang scary ng puta. Lumalabas sa TV.

9) Takot ako malunod. Mataba na nga ako, tapos pag nalunod ako, mamaga pa ako lalo dahil sa tubig. Abuso na ha?

10) Takot akong bumili ng pantalon. Lagi kasi akong napapahiya pag tinatanong ko yung mga salesperson kung meron silang size ko tapos mabilis silang sasagot ng "Wala po" kahit di man lang nila tsinek.

Posted by callboi 11:31 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (1)

Is he or isn't he?

That is the question...

sunny

secret_angel.jpg

Kasabay ko magyosi si Lonely Girl sa smoking area nung isang araw.

"Bading ba si MNLDugyot?" she asked me.

"Bakit mo naman natanong?" I asked in response.

"Andami na kasing tsismis tungkol sa kaniya eh," Lonely Girl said, "plus, yun nga, nakita raw siya sa isang place na pinamumugaran ng mga bilatsina."

"Honestly, I really don't know kung bading siya or not," I answered, lighting another cigarette, "Para sa akin straight siya. And I will always say that to people who ask me about him."

Lonely Girl looked at me inquisitvely, "Hmmm... feeling ko may alam ka about him."

I laughed, "And what makes you say that?"

"Eh dakila kang tsismoso eh!" she replied.

I arched one eyebrow, "Halleeeer! Di ako tsismoso! Kusang lumalapit sa akin ang chismis! Ina-assume lang ng mga tao na alam ko na ang tsismis kaya sinasabi nila sa akin!"

"Asus! Pekpek ka," she taunted.

"Mas pekpek ka," I shot back.

"Sige na, sabihin mo na sa akin pleaaaaase..." she pleaded, "Bading ba siya or hindi?"

"Eh bakit ba kating-kati kang malaman?" I asked back, "Type mo bang magpagahasa sa kaniya?"

gay.jpg

"Hindi noh! Curious lang talaga ako sa kaniya," Lonely Girl said, "Tsaka ang bait niya at may itsura naman siya eh. Sayang naman kung bading siya noh."

"Sayang para sa inyong mga naglalakad na pekpek," I said, "Pero para sa aming mga BI.... wagi ever!"

"BI?" she pointed, "So bisexual ka?"

"Oo, BI. Bayag din ang hanap," I laughed.

"Hahaha! BI din pala ako!" Lonely Girl said.

"Kurak!" I replied, "Nagkalat ang mga BI sa floor!"

Posted by callboi 10:58 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (0)

Bedroom Voices...

storm

hospital_bed.jpg

The door to my hospital room opened and in walked She-ra.

He was wearing dark-tinted shades and a body-fit shirt with a plunging neckline.

"Bakla, bakit nag-iisa ka? Asan na ang bantay mo?" She-ra whispered, inching his way to my bed.

I raised my bed up and answered, "Nagpunta ng PS, may kinuha lang. What are you doing here?"

"Haller! Eh di dinadalaw ka! Chaka mo... naka-lunch lang ako," he answered, looking annoyed, "Oh yan, may pasalubong pa ako sa iyo o."

May tinapon siyang plastic bag sa tiyan ko. I opened it and inside were several chocolate bars.

"Ummm... di ba tinext ko sa yo na may diabetes ako?" I asked him.

"Yup," he answered, fixing his hair.

"Eh puñeta ka bakit mo ko bibigyan ng chocolates?" I asked him, a bit angrily.

"Well girl, actually, pa-kunyari lang na regalo ko sa iyo yan. Para sa booking ko yan mamaya talaga..." She-ra explained, looking all innocent, "Alam ko namang di mo sya pwede kainin eh. Pero at least di ba, it's the thought that counts."

"Thought mo mukha mo, leche ka," I replied, "Paano kung sabihin kong kakainin ko talaga tong lahat?"

Tumawa ang puta, "Eh di kainin mo! Bukas, dedo ka na sigurado sa taas ng sugar count mo! Tapos, malalagay ka sa newspaper ng ganito: Baklang Agent Namatay! Na-overdose sa Tsokolateh! Namaga ang Mukha!"

I threw a pillow at him, "Hayop ka talaga!"

"Tapos ang chaka pa nung diyaryo na magsusulat nun! BULGAR!" She-ra shrieked, as he ran out of the room.

Posted by callboi 06:16 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (0)

Ms. Talent Portion...

storm

landlady_red.jpg

My Landlady...

"Iho, antagal mong nawala ah..." greeted my landlady, blowing smoke through her nostrils, as I stepped inside the gate.

"Ah opo, isang linggo lang po. Na-ospital ako eh," I replied.

"Ha? Bakit naman?" she asked.

"Gastritis po... atsaka chineck nila yung diabetes ko," I answered, slowly edging away from her and towards my apartment.

But she clearly wanted to talk some more. Bored ang lola niyo siguro.

"May diabetes ka? Naku, anlakas mo kasi kumain siguro," she noted.

"Medyo nga po," I laughingly said.

"Sino nagbantay sa iyo sa ospital? Boyfriend mo?" she asked.

Nagulat naman ako dun. Di ko alam na knows na pala ng lola niyo na bilatsina ako.

"Po? Ummm... hindi po," I answered, "Mga barkada ko lang po."

"Eh nasaan yung boyfriend mo?" she asked.

Medyo nakaka-imbiyerna na ang lola nyo ha! Ms. Talent siya pag dating sa pag-uusyoso.

"Wala po akong boyfriend, tita," I said.

Her eyebrows went up.

"Eh akala ko naman, isa dun sa mga kasama mo laging lalaki eh isa sa boyfriend mo," Ms. Talent noted, "kung sabagay, marami sila kaya di ko naman sure kung sino sa kanila."

Warla!

"Di naman po ako nag-uuwi ng sobrang dami. Puro barkada lang po na ka-opisina ko rin," I said, trying to keep my cool. Sa totoo lang, gusto ko nang kunin yung nakasinding yosi niya at ipasok sa loob ng shorts niya.

Pero di pa rin tapos ang Ms. Talent.

"Naku, pasensya ka na Ryan ha? Akala ko talaga boyfriend mo isa sa kanila," she said, trying to act all innocent, leaning back on her chair, her unshaven armpits staring at me mockingly.

I smiled, "Wag po kayong mag-alala, tita. As soon as magka-boyfriend ako, ipapakilala ko sa inyo."

Tumaas uli ang kilay ni Ms. Talent.

"Sige po, pasok na po ako, papahinga lang ako," I said, walking away, "Kelangan ko ng energy para makahanap ng dyowa."

With that parting shot, I turned my back on her and into my apartment.

Callboi is finally home.

Posted by callboi 12:42 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (2)

(Entries 11 - 15 of 24) Previous « Page 1 2 [3] 4 5 » Next