A Travellerspoint blog

Hello and Goodbye

sunny

Nakahiga ako sa kama ko, nakatingala sa kisame.

Alas-sais ng umaga ng Linggo, kaya medyo malamig pa sa kuwarto ko.

Kakatapos ko lang mag-floorwax kaya nagpapahinga muna ako bago ako magsimulang mag-bunot ng sahig.

Malakas ang hangin na pumapasok sa kuwarto ko mula sa bintana sa may ulunan ng kama.

Pinagmamasdan ko ang berde kong mga kurtina na dinadala ng hangin paitaas.

Kakalipat ko pa lang sa pension house na ito sa may Mayapis, kaya medyo naninibago pa ako.

Maganda naman ang lugar. Malinis.

Maganda ang puwestong kuwarto ko. Sa second floor at sa dulo ng hallway.

Tahimik ang two-storey na building. Bihira kong makita ang mga kasambahay ko.

Medyo may katarayan ang landlady, pero keri naman. Mas mataray ako.

Maliit lang ang kuwarto ko pero hindi masikip.

Tamang-tama lang sa isang single na tao.

Iniisip ko kung paano ko pagkakasyahin ang marami kong libro sa katamtaman na bookshelves sa pader, nang may kumatok sa pinto ko.

Nagpunas ako ng pawis bago ko binuksan ang pinto.

Natulala ako sa lalaking nakatayo sa harap ko.

"Your landlady let me in," ang sabi niya, hindi nakangiti.

Hindi rin ako nakangiti, hindi ako nagsasalita.

Iniwan kong nakabukas ang pinto at naupo lang ako sa kama.

Pumasok siya, sinarahan ang pinto.

Napansin kong may dala siyang malaking paper bag na medyo basa.

"Pandesal," alok niya sa akin. Everytime may away kami, dinadalhan niya ako ng pandesal the morning after.

Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa sahig.

After a moment, naupo rin siya sa tabi ko.

Naamoy ko ang pabango niya, suot niya yung paborito ko.

Tahimik kami pareho.

Walang kibuan.

Pero sa totoo lang, ang lakas ng tibok ng puso ko.

Kaba at galit. Pero nananaig ang kaba.

Iniisip ko sa sarili ko, "Thirty years old ka na, Buquir, wag na wag kang magda-drama. Have some dignity."

Sa utak ko, dinuduro ko ang sarili ko. Wag kang iiyak. Wag kang magpapaka-tanga.

So, hindi ako umiyak. Wala akong salita.

Hinihintay kong siya ang mag-salita.

Hinihintay kong sabihin niya na hindi ako ang tanga, na siya ang tanga.

Lahat ng kadramahan na napanood ko sa mga sine at teleserye, tumakbo sa utak ko.

Kung anu-anong eksena ang na-imagine kong mangyayari.

Pero...

"I don't know what to say," sabi niya, humihinga ng malalim.

Pero ako, alam ko kung anong gusto kong sabihin.

At alam kong di ko mapapatawad ang sarili ko pag di ko sinabi sa kaniya.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kaniya.

"I have no right to be angry, even if I am, because what you did, I did, too," sabi ko.

Nalito siya sa sinabi ko, pero after a second, naintindihan niya.

"Are you saying that just to get back at me? Because of what I did?" tanong niya, halatang nagpipigil.

Parang gusto niya akong suntukin.

Hindi ako sumagot. I guess alam na niya ang sagot.

Tumayo siya, "Well, I guess that makes us even."

Lumabas siya ng kuwarto at ibinagsak pasara ang pinto.

Nang mag-isa na ako sa kuwarto, iniisip ko, bakit ganon lang? Bakit hindi katulad ng mga eksena sa movies o sa tv o sa mga librong nabasa?

Bakit walang sigawan? Bakit walang iyakan?

It wasn't supposed to be like this. It wasn't supposed to end this way.

Dapat magsisigawan kami tapos magsusumbatan, tapos after the furious fight, marerealize namin na mahal pa rin namin ang isa't isa at di namin kayang maghiwalay kaya magyayakapan kami at mag-ma-makeup-sex.

Tapos, we'd vow to be loyal to each other from now on.

Tapos, tutulungan niya akong mag-bunot ng sahig.

Pero ganun eh.

Tapos na.

Sa ngayon, anyway.

The end muna.

Posted by callboi 15:01 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Omg! Bookie... Si skulboy ba ito? Ano yung he did that you also did? Kalokah!

by se7en

Kay lungkot...

Ang daming iniwang tanong ng post na ito...

Sino ang lalaki?

Ano ang nangyari?

Kinain at nilunok ba ni Bookie.... ang pandesal?

Sino ang nagbunot?

Johnsons floorwax ba ang ginamit?

Uso pa pala ang floor wax.

Choz.

:)

Naghihintay aketch ng kasagutan.

by Miss Chuniverse

i love your writings super

by maramaei

bookie, ikaw na, pero sino ang guy?
may sex life kana pala.
may partner kana pala.
hayst..sino yun?

more details...please.

by jaga611986

Hey Bookie, you okay? =( This is it, now we buckle our seatbelts.

Kane

by Kane

dear buquir
kaya pala tagaaaaal mong magpost eh me sex life ka na pala! but hindi naman jan sa fight schene nyo nagwawaks ang torya, daba? tuloy mo lang ang pagbunot ng sahig, iha!

by tonyu

please please please dont tell me that you and schoolboi are over??

tulala ako...leche ka bookie, i am deeply affected by that post....cguro kse dahil nagawa ko na rin yan,

"gantihan" what an utterly stupid yet sweet concept....argh.... :(

by LoudObsrver

this is sad... :(

is it really over?

i feel sorry for the lovers... haist!

by Leo

:( oh noes!

by kumagcow

How Sad...

Can't help but to feel sad to...

Sinubaybayan ko pa naman ang love story nio...

by DP

haaayyy sow sed nemen!!! sene megkebeleken keyow ne eskelbouy...!!!

by chenelyn santos

tha's so sad. inaabangan ko rin labstori nyo ni schoolboi.

by hugs

guys, if you have time, try to visit my kembular naman. salamas!

http://yakapnihugs.blogspot.com

by hugs

so sad ;( baka naman tampuhan lng yan. pwede pang ma-reconcile!

by pukershia titichi

sad :(

by davaofan

lagi na lang bitin. ang tagal ko naglalaway sa post mo sir.:(

by desperate houseboy

Bookie, is it really time to say goodbye to something you have dreamed for so long?

A dream that came true and was meant for you?

Will you really just all let it go? Or let him go?

by guyrony

Aww, why do lovers hurt each other too much?

So, did he took the pandesal with him when he went? Kalokah!

Hope to read from you soon!!!

by Loi

May palaman ba yung pandesal?

by csadviser

Hope You're OK... Nakakarelate ako... but this is not the end... sabi nga nila.. try to disconnect in order to reconnect once more...

by PauCruz

Oh my! Hope ur ok bookie!

by Jellicle

don't like this post..
don't like reading between the lines, it shows more pain than telling things directly..

Hope the line "Tapos na. " doesn't refer to everything.

being sad will never help you make things stay, but i know that it can help people lessen their burden while they let other things pass along with sadness...

by shallet

kakalungkot nmn Buquir :(

by missindia

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Login