A Travellerspoint blog

Something to that effect...

rain

3potch.jpg

Dati, kapag gusto kong asarin ang kaibigan kong si Potchi, tutuksuhin ko lang siya na tumataba yata siya.

He would look at me seriously, and then say, "That is possibly the harshest thing anyone's ever said to me, bitch."

A pause, and then sabay kaming tatawa ng malakas sa ka-OA-yan niya.

"Ohmygeeed, I am so maarte or something to that effect," ang itatawa niya.

Another time, sabi niya sa akin, maglalagay daw siya ng makabagbag-damdaming testimonial sa friendster page ko. Sobrang maiiyak daw ako pag nabasa ko na. Isang linggo daw ang kekelanganin ko para lang maka-get over sa drama ng testimonial niya.

It took him thirty minutes to type it, and then he asked me to edit it before posting it online.

"Beks, ako ang mag-e-edit ng testimonial mo para sa akin? Eh di wala nang surprise or suspense?" tanong ko sa kaniya.

Hinampas niya ako sa braso, "Eeeee, sige na, baka may maling grammar or spelling ako eh. Nakakahiya sa mga supermodel friends ko. I have a reputation to keep, y'know, or something to that effect."

A few years ago, nag-away kami ni Potchi and we didn't talk for the longest time. I was a supervisor back then, and so was he. Around December, nagbunutan ang mga supervisors sa floor para sa Kris Kringle.

Parang nanadya ang tadhana, si Potchi ang nabunot ko. Walang gustong makipagpalit sa akin kasi gusto ng mga supervisors na magka-ayos kami. Fine, sabi ko sa sarili ko. I'll buy his gift and I still won't talk to him, ang naisip ko.

Five hundred pesos ang budget para sa gift. Nung tinignan ko kung ano ang nasa wishlist ni Potchi, nairita ako sa nakalagay.

"Jumprope."

Jumprope? As in lubid na tatalunan mo lang? Anung kaartehan meron ang isang jumprope para umabot ng P500???

Pag tingin ko ulit sa wishlist, nakita ko sa ilalim ng word na jumprope, may P.S. na nilagay si Potchi.

"Please make sure you buy it from Nike Park."

Ah yun naman pala. May mamahaling brand. May chance nga na 500pesos ang presyo kung galing sa Nike.

Pagdating ko kinabukasan sa Nike, nawindang ako sa presyo ng jumprope nila: P800.

Binili ko ang jumprope, at sa inis ko, pinabalot ko sa black na papel. At the last minute, nilagyan ko ng makulay na ribbon ang wrapping.

Nung oras na ng exchange gift, lumapit ako sa station ni Potchi, inabot ang regalo, at sinabi sa kaniyang "Merry Christmas."

Sabay talikod at alis na bago pa siya maka-react.

Later that day, lumapit siya sa akin, bumeso, yumakap at sinabing, "Beks, merry christmas. Salamat sa gift. Ang sushal ng motif ng giftwrap mo. It's so minimalist. Or something to that effect."

"Binagay ko lang ang kulay sa budhi mo," sabi ko.

A pause, and then natawa kami pareho. At ganun lang, ayos na kami uli.

Beks, I can't believe you're gone.

I wasn't much of a bestfriend in your last few days, and I'm really sorry about that.

You know I love you and ikaw lang talaga ang nakakakilala sa akin, totoo yan. Ikaw rin lang ang nakasama ko sa jacuzzi ng hubad.

I will truly truly miss you, Beks. Or something to that effect.

Love you.

Posted by callboi 11:22 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (52)

And the "Di-Ko-Kinaya Award" Goes To...

sunny

8fezbuk.jpg

If you can't read it from the pic above, click here.


Kayo na ang mag-comment...

Posted by callboi 18:21 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (40)

Face-booking...

sunny

I really wish I were more business-minded.

Para naman at least, may extra money ako on the side.

Ang hirap kaya panataliin ang lifestyle na nakasanayan ko na nung sa hacienda pa ako nakatira bilang isang kargador at taga-alaga ng mga tinamaan ng tupa.

Kaya madalas, naiinggit ako sa mga friends ko na may negosyo on the side. Not just any kind of negosyo ha, kumikitang-kabuhayan sa Facebook ang eksena nila!

Tulad na lang nitong friend and teammate kong si KatSo.

katso.jpg

She has a Facebook account with uploaded pictures of clothes she sells along with her partner, Chi.

They built their online clothing empire in Facebook named FashionZero Shop.

f4.jpg
f1.jpg

At kung gusto niyong mag-mukhang Koreana, may mga ganito naman:

f3.jpg
f2.jpg
f5.jpg

Sana kasing-kinis at puti ng mukha ko ang kili-kili nung babae sa huling pic.

Anyway, KatSo also has sweaters, hoodies, swimsuits, etc. Very affordable price and may delivery pa! Although I think may delivery fee, mura naman. I swear, andami nilang orders! Mura kasi at maganda ang quality.

If you wanna check out their clothes, just search for "FashionZero Shop" in Facebook and add them up.

Meanwhile, another good friend of mine decided to bank on his artistic talent and sell personalized and hand-painted shoes in Facebook.

Meet Toni and Shie:

1toni.jpg

They put up in Facebook the very popular adikshoes, their online shop of hand-painted sneakers.

According to their Facebook page, "It started as hobby, but since there's a lot of request, me and my good friend shie started this kind of business. Each pair costs 600 to 8000php. You can request your preferred design/color.
(you can also provide your own shoes. Labor is 400php each pair) We are selling unique customized sneakers or slip-on. Price range...s from 600php to 800php depending on sizes and designs."

There's even some information of how you can take care and clean your sneakers.

I like! I super like! I really love the idea that they can design the shoes according to what you want.

Check 'em out:

5a3.jpg
9a2.jpg
5a1.jpg
1a4.jpg
a5.jpg

Love ko yung last pair! I think my Anawangin friends and I will be ordering some for our upcoming Baguio trip this June.

If you'd like to see the shoes more closely, you can search for them in Facebook using the keyword "adikshoes".

Hay, nakakainggit talaga sila. Pwede ko bang i-benta ang tsismis sa Facebook?

Posted by callboi 05:54 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (10)

And the nominees are...

sunny

mosaic.jpg

Hi guys!

I've received dozens of emails nominating dozens of men over the past few days.

Some emails come with attached pics, while others are just names.

I appreciate the efforts of those who were able to attach pictures to their nominations. Ang gaganda niyo.

For those na wala, sana may facebook account ang mga nominations niyo na pwede ko silipin.

Aaaaand, I am assuming na alam ng mga ninominate niyo na nominado sila?

Baka mamaya idemanda ako ng mga iyan ha.

I apologize if I haven't replied to your emails yet, super busy ever eh.

At super dami ang emails.

Again, please remember na call center agents lang ang pwedeng makuha.

Nominations are still open.

Again, you may send them, or any questions you may have, to akosicallboi@gmail.com.

Thanks thanks thanks!

P.S.

If you think you're good-looking enough, you may nominate yourself. Believe me, you wouldn't be the first to do so. May dalawang tao na ang nagnominate sa sarili nila. Only one of them got in. Ampuge eh.

ciao!♥

Posted by callboi 15:23 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (13)

Anawangin...

sunny

I'm back!

And as promised, ito ang aking photo-entry about our bakasyon in Anawangin.

8111.jpg

The day before our trip, tinext ako nina Onica na dapat naka-red shirt ako bukas, and si Trainer Marlon naman daw ay naka-orange.

Sanay na kami na laging may theme ang mga bakasyon namin. This time, ang theme namin ay "Summer Lovin'"

Kaya pala may color assignment ay dahil dapat bagay ang mga damit namin sa assigned color ng shades namin:

glasses.jpg

172.jpg
Pagdating sa may Subic, nag-Pure Gold muna kami para mag-grocery.

Ang sarap lang mamili ng PX goods, ano?

54.jpg
143.jpg
Lovelovelove Cherry Coke and Vanilla Coke!

Napadaan din kami sa Razon's para tikman ang kanilang famous halo-halo.

05.jpg

Ito nga pala si Adam-Adam, ang driver namin na obviously may sexual attraction towards me.

Pagdating sa Pundaquit, kinita namin agad si Kuya Randy, ang in-charge sa paghahanap ng boats and "bankers" para sa amin.

56.jpg

Para magkasya kaming lahat sa iisang boat, we had to hire a big one which cost us P4500, kasama na dun ang island hopping.

There are also some small stores where you can buy dry goods and shit bago kayo magtungo sa island.

First stop, Capones Island!

47.jpg

Although not as pristine a beach as I would have wanted, maganda naman ang Capones Island. Not a lot of tourists around kasi mainit talaga and bihira ang shade.

Tapos medyo nakaka-off na may mga graffiti sa mga rock formations.

78.jpg

Most of us hid from the sun underneath the rocks.

But then some of us... just couldn't resist the photo-opportunities.

Ladies and gentlemen, ang mga supermodels ng aming barkada, si Trainer Marlon and Supervisor Onica:

99.jpg
4210.jpg

A couple of hours later, we headed na to Anawangin.

Nung palapit na kami sa island, manghang-mangha lang kami sa ganda nito. Parang feeling ko papunta ako sa island na may Jurassic Park sa loob.

Once you get around the kanto of the island, sasalubungin kayo ng magandang view ng Anawangin:

411.jpg

Sorry, medyo pangit ang kuha.

Dear readers, let me tell you now, your first view of Anawangin will certainly take your breath away. Maganda siya, as in. The pine trees, the shoreline, the mountain view... sigh. Paradise.

12_1.jpg

Dahil Saturday kami dumating, marami-raming tao ang nauna na sa amin.

Tents galore!

We were able to find a good spot which was close enough to the shore and closer still to a source of clean water.

312.jpg

413.jpg

514.jpg

BTW, we did not bring our own tents kasi naman meron kayong marerentahan sa Pundaquit na tents good enough for two-three pax. 500P ang fee for overnight rent.

100P naman ang bayad per head sa overnight stay sa Anawangin.

May mga tiny stores where you can buy food and drinks kaso beware dahil medyo pricey. A liter of Coke costs 70P.

Pwede rin kayong magpaluto ng food gaya ng rice sa kanila. P50 ang bayad.

015.jpg

Once you set up camp, manghingi rin kayo ng tali para pwede kayong gumawa ng sampayan tulad ng ginagawa ni Trainer Marlon sa pic sa itaas.

416.jpg

There are also vendors selling hammocks. P100 yata ito.

317.jpg

The poso was near our campsite, the blue box in the picture is the "dressing room" na balita ko ay dumudoble rin bilang ihian. Eeew. At the back of the picture above, you'll see a row of doors hidden by a native fence. Ito ang toilet rooms.

218.jpg

Nagset-up kami ng makeshift na fireplace (you can borrow a small metal grill from the caretaker for no fee).

O di ba? Communing with nature lang talaga ang drama?

Here are some more pics of the island:

619.jpg
720.jpg
221.jpg
823.jpg
822.jpg

224.jpg
That night, nagluto kami ng dinner/pulutan namin na hotdog and porkchops topped with buhangin.

At ang inumin? Señor Cuervo!
25.jpg

The next day, wasted kaming lahat:
26.jpg

We had spanish sardines, Lapid's chicharon, and cold pulutan for breakfast:
27.jpg

And we freshened up in public sa poso:
28.jpg

Sushal di ba?

At dahil nakapag-pahinga na, tuloy ang photo-ops!

29.jpg
30.jpg

marl1.jpg
Alam niyo ba kung sino iniisip ni Trainer Marlon dito? This is for you daw, sabi ni Marlon, you-know-who-you-are...

marl2.jpg
marl3.jpg
marl4.jpg

I am definitely gonna miss Anawangin.
END.jpg

Posted by callboi 02:25 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (21)

(Entries 66 - 70 of 476) « Page .. 9 10 11 12 13 [14] 15 16 17 18 19 .. »