A Travellerspoint blog

Despedida...

sunny

m1.jpg

Last Saturday night, my friends and I went out for Trainer Marlon's despedida night.

Yes, dear Peoplesupport readers, aalis na ang arguably the most-goodlooking (if not weirdest) trainer ng kumpanyang ito.

Sad. I know.

Anyway, since we rarely frequent Greenbelt 2, dun kami nagdecide magdinner para maiba naman.

2m2.jpg

One of us suggested we try MyThai Kitchen:

4m3.jpg

Now, dear readers, I will never claim that I am an expert on Thai cuisine. Pinoy food lang talaga ang expertise ko.

So, please take this food review of mine with a grain of salt. Tandaan niyo, para sa akin, masarap ang hilaw na Lucky Me Pancit Canton.

Anyway, maganda ang ambiance ng MyThai:

7m4.jpg

Pagpasok mo, walang bahid ng kahit na anung Thai sa loob ng resto. Weird.

Pero pagpumasok ka pa sa loob, eto ang bubulaga sayo:

m3_1.jpg

What's even weirder is parang pamilyar sa akin ang buddhang ito. No, no, no, hindi siya ang nakikita ko sa salamin pag nakaharap ako, mga gago.

Saka ko naalala that this resto was once the location of"Temple", and I guess the managers decided to keep the original Buddha fixture. Tipid nga naman. Pasok pa sa theme.

8m5.jpg

Near the front of the resto, if they're available, and if you have a largish group of diners, you can request either of the two rooms, which offer privacy since may mga partitions and sliding doors na nakaharang.

2m6.jpg

As for the food, I ordered the Pad Thai (P195):

m7.jpg

Para siyang pansit na malagkit na matamis na may mani. Ansamang pakinggan noh? Pero nasarapan naman ako. Although according sa mga food blogs na nabasa ko, di dapat gaanong matamis ang pad thai. Malay ko ba?

m8.jpg

Ito naman ang Chicken Satay (P195 din yata). Ok lang siya. Mas masarap pa yung isaw diyan sa likod ng opis natin, yung tig-tatlum-piso, yung nasa tabi ng may kanal. Yumyum.

m9.jpg

Fried Spring Rolls (P130). The best! Ansarap! Ako yung um-order nito kaso ang dupang ng mga friends ko, nakihingi. Kaunti lang tuloy nakain ko, shets lang.

m10.jpg

Green Chicken Curry (P250). I love curry! Kiber na kung kasing-amoy niya yung mga Indianong andito ngayon sa Aegis. Basta masarap siya.

m11.jpg

Yung Bagoong Rice (P195) lasang... bagoong. I don't like bagoong.

m12.jpg

The Tom Yam (spelling?) (P200?) was delicious. Ewan ko kung ganun ba talaga dapat pagkakaluto nun pero masarap siya. Lasang sinigang na sushalin.

m13.jpg

I can't even remember what this dish is called. Basta lasa siyang Pinakbet ng isang middle-class family na may mga anak na call center agents.

m14.jpg

Pork Belly on a bed of crispy veggies (P200+) = kasing sarap ng sa Andok's, pero mas kakaunti. Bitins.

m16.jpg

Remember Chef Ed and Baker Clang? May regalo silang sorpresa kay Trainer Marlon.

m17.jpg

Delicious and creamy Carrot Cake na may fondant replica ni Trainer Marlon!

I am telling you, this was the best Carrot Cake ever. Anlaki pa! In fact, di namin naubos ito, kaya dinala ko sa Email and WWTE team ko sa ofis, and they all loved it! Gusto nga nila um-order. Ewan ko ba dito kay Clarissa, ayaw daw magnegosyo kasi di daw siya magaling maningil. Asus.

m18.jpg

Anyway, nagdala din si Baker Clang ng icing para pwede naming masulat ang mga names namin sa cake. Cool di ba?

m19.jpg

Si Baker Clang yung nagsulat nung Word of the Month namin na "Zuppa!" which is Italian for oral sex.

Joke lang! It's Italian for soup.

Nakita niyo yung sinulat ko? Dahil wala akong talent sa art, inigsian ko ang spelling ng name ko, ginawa ko na lang na "Buke", which rhymes with.... "Kuke", which is something na masarap din ang pag-bake ni Baker Clang.

m21.jpg

Yung mukhang supermodel sa pic (no, not Gian, ano ba?), si Shayne, and in this pic, she is attempting to pipe her name unto the cake with icing. Ganda ni Shayne no? Single yan.

At eto ang resulta ng ginawa niya:

m20.jpg

That's supposed to say Shayne. Fair si God ano? Hehehe, joke lang Shayne. Ang sabi namin sa kaniya, baka naman kasi Sanskrit yung letters na ginamit niya kaya di namin maintindihan. Ewan.

m22.jpg

After dinner, a movie (Prince of Persia, I didn't like it) and then more photo-ops.

Nagkayayaan mag-Starbucks.

Saan? Sa Tagaytay.

m23.jpg

After coffee and pastries, bulalo naman ang trip namin, kaya...

m24.jpg

Pumunta kami sa Mahogany Market sa may Tagaytay din. Ambaho dun. Pero panalo ang bulalo.

At panalo din ang despedida ni Trainer Marlon, dontchatink?

Posted by callboi 05:24 Archived in Philippines Comments (11)

Five Slots Left...

rain

3topten.jpg

Posted by callboi 09:15 Archived in Philippines Comments (12)

Sa Totoo Lang...

sunny

I was kinda hesitant to write this entry.

Baka kasi sabihin niyo yumayabang na ako at lumalaki na ang ulo. (some of my close friends would argue na matagal na akong mayabang at malaki ang ulo.)

Ganito kasi, medyo napapadalas na ang mga instances na nakikilala ako sa loob at labas ng Peoplesupport.

In short, may mga readers ng blog ko ang nakakasalubong ko at nakakausap. I'm getting recognized.

I will not call them "fans" because that might drive Gian crazy, hehehe.

The first time I got recognized was more than a year ago. Nakapila ako sa isang atm sa RCBC, dun sa may smoking area nila.

A group of girls were standing a few feet from me, and one of them called out to me, "Callboi!"

At first, I thought they were calling someone else, pero sobrang obvious naman na sa akin sila nakatingin.

So I smiled hesitantly and waved.

They giggled and waved back. Nagmadali akong nagwithdraw at umalis agad. Na-dyahe ako eh.

At sa isip-isip ko, "Shet! Bakit wala akong kasamang kaibigan para may witness?! Nobody's gonna believe me!"

It was so unreal to be recognized.

Another incident was this guy whom I met while going to Mcdo sa groundfloor natin.

Before I was able to enter Mcdo, this guy approached me and asked, "Are you Buquir?"

Kalmado lang ako, pero sa isip ko, "Sheeet! Eto na naman!" Super babaw lang ng ligaya ko ano?

I said simply, "Yes?"

"I'm Arvin (I think), and I love your blog," sabi niya, nakangiti.

I smiled, girlishly, and answered, "Cheynk yu."

I've seen this guy twice ever since. Nung nakasalubong ko siya the first time, may witness na ako. Si Supervisor Moya, na nakatayo sa may labas ng Mcdo.

Paglayo nung Arvin, lumapit sa akin si Supervisor Moya, na matagal ko nang kakilala at friend, tapos tinanong ako innocently, "Are you Buquir?"

Sabi ko, "Che!"

Marami pang eksenang ganun: I've been approached sa CR ng PS, sa mall, but funnily enough, never sa Malate. You'd think nandun ang karamihan sa mga readers ko. Puro mga callboy lang pumapansin sa akin dun eh.

The other week, something funny happened while Trainer Marlon and I were falling in line sa cashier sa Mercury Drug.

May nakita akong isang guy na nakatayo sa labas ng store. Parang familiar. Napansin ko, nakatingin din siya sa akin, at parang iniisip kung san ba niya ako nakita.

And then, naalala ko na kung san ko siya nakita.

Binulungan ko agad si Trainer Marlon.

"Shetshetshet Marl, wag kang titingin ha, pero I think that guy is a reader of mine. I've seen his blog na rin," bulong ko. Although hindi ko alam kung bakit ako bumubulong kasi di naman niya kami rinig. I guess kinakabahan ako.

Totoo yan. Everytime I get recognized, or someone tells me that they read my blog, natatameme ako. Shyness lang.

Kaya ko nakilala yung face nung guy kasi may blog siya where he uploaded some of his pics. He's left comments na rin sa blog ko.

Whenever a reader inputs their blog URL sa blog ko, I always make it a point to follow them.

Anyway, mabalik tayo sa Mercury.

"Sigurado ka?" tanong ni Trainer Marlon.

Tinignan ko siya uli, at napansin kong panaka-nakang tumitingin din siya sa akin.

"Oo," sabi ko.

"Batiin mo," sabi niya.

"Nahihiya ako, baka isipin niya assuming ako at feelingero," sabi ko.

"Pag di mo binati, baka sabihin naman niya suplado ka pala," sabi niya.

Oo nga no.

Huminga ako ng malalim bago kami lumabas.

Tumingin uli sa akin yung guy. Tapos yumuko ang ulo.

Pagtapat sa kaniya, kinawayan ko siya, and binati ng "Hello Anton!"

Nagulat siya and he smiled hesitantly and waved back.

Dire-diretso lang kami ni Trainer Marlon sa paglalakad.

Nung makalayo ng kaunti, sinabihan ko si Trainer Marlon, "Shetshetshet, parang hesitant yung pagbati niya sa akin. Nakakahiya! Ang assuming ko kasi eh!"

Pag-akyat namin, may message akong natanggap sa Facebook ko. Ka-friend ko pala siya dun. At obviously, naka-wifi ang lolo mo.

From Anton:

"Hey, you recognized me! Awesome!"

Sa totoo lang, tuwang-tuwa ako sa message na iyon. Naiintindihan niyo naman siguro.

I really don't want to come off as arrogant in this entry, pero gusto ko lang sana i-share sa inyo.

Nakakataba (lalo) ng puso.

Anyway, believe it or not, never pa akong nakipag-EB sa mga readers ko na nag-request na makipagkita sa akin (and there have been lots). Mahiyain po ako talaga.

Feeling ko kasi, pag sinamahan ko kayo, you'd expect me to make you laugh all the time.

The truth is, I really really really don't know how to react when meeting my readers. Usually, when they greet me, I just smile, say thank you, and scurry away. Di ko alam ang sasabihin ko eh.

Ayoko namang sabihin na "Salamat po sa pagtangkilik sa aking blog." That's so not me.

Anyway, going against all my hesitations, nakipagkita ako kay Anton that same day, after we exchanged a few messges online.

Pagbaba ko ng opisina, may mga kaibigan pa akong nakasalubong.

Sa kaba ko, dahil first time akong makikipag-meet sa isang reader, nabanggit ko sa kanila kung sino ang kikitain ko.

Kinilig ang mga loka. Akala siguro date ang mangyayari.

So, anyways, ayun ako, nakatayo sa labas ng lobby, nang dumating si Anton.

Di ko na ikukuwento kung ano pinagusapan namin. Basta masaya siyang kausap. At english-spokening to the max ang lolo Anton niyo. Ganda ng accent. Talo ang akin. Pang-call centah talaga. Makalaglag panty ang boses.

Plus, he's really cute.

Sayang... straight siya.

Nung napadaan kami sa may harap ng PS, nakita ako ng mga luka-luka kong ka-opis.

Kinakantiyawan nila ako ng sigaw. Ako naman, nagbibingi-bingihan. Di naman yata napansin ni Anton.

Dear readers, wag niyo pong lalagyan ng malisya ang pagkikita namin, please.

He is as straight and smart as they come.

And girls, he's single.

anton.jpg

Hay nakuuu, Charm!! Straight siya, leche! Hahaha, joke lang Anton.

:-)

Posted by callboi 09:15 Archived in Philippines Comments (30)

Coffeelicious...

sunny

ca.jpg

Love ko na talaga ang wifi ng Coffee Bean sa may Convergys, right across our building.

I like their drinks and food, plus naiinspire akong mag-sulat ng madalas kasi maganda ang view nila, people walking the sidewalks of Ayala.

Dito na ako talaga tatambay forever. Daanan niyo naman ako. Madalas hapon ako andito. Tambay tayo.

Anyway, the other day, may pumasok na hottie dito.

Muntik na malaglag ang brief ko na WaGar ang tatak (Walang Garter).

I oh-so-discreetly took a pic. Siya yung nakatayong naka-white.

c2

c2

Shet, naupo siya sa likuran ko. All alone. Just begging to be eaten, ahekhekhek.

Nung nakaupo siya sa likod ko, di ako matahimik. Parang nilagyan ng siling labuyo ang pwet ko.

Parang gusto kong lumingon patalikod sa kaniya at kantahan siya ng "Pyramid" ni Charice.

Parang gusto kong lumuhod sa harap niya at bigyang pugay ang kaniyang mapuputi at mapupulang mga... siko.

Pero, siyempre, di ko ginawa. Tsura ko lang noh.

Mamaya pa, dumating ang kaniyang hinihintay. Babae. Shets lang.

Lumipat sila ng puwesto, sa may harap ko.

Kinunan ko uli ng pic. Patago siyempre.

c3.jpg

Pinagmasdan ko siya ng mas mabuti. Ang tangkad. Ang puti. Ang guwapo. Nakakawala ng urbanidad ang looks niya.

Kinunan ko uli ng pic:

7c4.jpg

Pagkababa ko ng camera phone, nakatingin siya sa akin.

Patay-malisya ako pero pinagpawisan na ang singit ko.

Tumingin ako uli sa kaniya, kausap na niya ang hitad na kaharap niya, pero nakangiti naman siya ng mabait.

EeeEEeeeeEEEEEeeee! Ang sarap-sarap talaga mag-kape!

Posted by callboi 02:59 Archived in Philippines Comments (9)

Potchi, Pasta, and Panini...

sunny

p1.jpg

Bakit kami nakatingin sa taas?

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

p2.jpg

Balloons for Potchi!

Last Saturday morning, we held a mass sa Sacred Heart Chapel for Potcholo.

p12.jpg

Potchi loved going to mass, in fact, whenever he would kneel to pray, he would almost always end up crying. Ganun siya ka-drama queen, hehehe.

p6

p6

After the mass, all of us went to Cafe Agogo, a small bar/resto at the back of Makati Med.

It was a party/memorial for Potchi.

p20.jpg

We even showed a video created by Supervisor Onica, Special Child Gian, and me, which showed a slideshow of Potchi's fab pics with his closest friends, tapos ang background songs pa ay "True Colors" ng Glee, at Carrie Underwood's "I'll Stand By You", two of his favorite songs.

Aaminin ko, kahit ilang beses ko na nakita ang video, naiiyak pa rin ako.

343.jpg

Later on, videoke na ang naging silbi ng TV.

I would like to thank everyone who came. I'm sure Potchi is very happy that you took time out of your busy schedules for him.

p3.jpg
36.jpg
6437.jpg
978.jpg
919.jpg
p18.jpg
p19.jpg
p11.jpg
p5.jpg

Ang anak ni Trainer Aubrey kamukha ni Baby James! But cuter!

p7.jpg

p9.jpg

p8.jpg

Here we have Supervisor Chabels choreographing our dance steps habang pinapatugtog ang "Stop" ng Spice Girls. Chabels was also the commentator during the mass. Chabels, next time, please stick to choreography. :-)

Meron din kaming mga singers:

p10.jpg
594.jpg

Pansin ko lang, andami nagdala ng digicams.

At ang gaganda ng kuha!

p13.jpg
p14.jpg
p15.jpg
012.jpg

I love the food in Cafe Agogo:

Bestsellers nila ang panini and pasta combinations nila.

8221.jpg
p16.jpg
95.jpg

It was a fun day, Potchi would have loved it. Beks, kung may wifi sa langit, at binabasa mo ito, titigil ko na muna ang drama ha. Next time na lang ulit, ok?

Back to regular programming na ako uli.

Posted by callboi 10:20 Archived in Philippines Comments (13)

(Entries 61 - 65 of 476) « Page .. 8 9 10 11 12 [13] 14 15 16 17 18 .. »