A Travellerspoint blog

Loren Haggarda Day...

8AM ang schedule ng bus ride namin papuntang Splash Island.

0bus.jpg

Ito yung mga bus. Sabi nila there were twelve hired buses. It felt more like four. Honestly, feeling ko apat lang.

Pagdating ng 10AM, nakapila pa rin kami.

8s1.jpg

1130AM:

8s2.jpg

12PM:

2s3.jpg

1230PM:

8s5.jpg

9s6.jpg

Buti na lang kasama ko si Nikki, ang mga kambal niya, at si Arnel.

3s7.jpg

Nakisingit na rin ang mga newbies sa team namin na mga beki.

s10.jpg

Maya-maya pa, kumpleto na kami. Maaraw na. Tagaktak sa pawis.

A little before 1pm, nakasakay kami. Aisle seats:

0s8.jpg

Pagdating sa Splash Island, ito ang sumalubong sa amin:

s9.jpg

Pila uli.

And, the worst part, after almost three hours of waiting in the sun, ito ang pagkaing inihanda sa amin:

9food.jpg

Sabi ng isang trainer sa Facebook wall ko, parang worth P24.50 lang daw ang packed lunch with hotdog sandwich.

Posted by callboi 14:36 Comments (42)

Summer Pilipinas: EPIC FAIL!

sunny

ff21.jpg

large_ff11.jpg

large_ff31.jpg

More pictures and comments in the next entry...

Posted by callboi 02:32 Archived in Philippines Tagged gay_travel Comments (12)

Mga Bulaklak ng Sales Department...

rain

s1.jpg

This past month, pinatunayan na naman ng Sales Department ng account namin na marami silang Sodexho vouchers. Budget kung budget ang eksena talaga ng sales pagdating sa mga aktibidades nila. Kainggit. Sa team area ko, magsisimula na ang pasukan sa eskuwela eh Christmas decorations pa rin ang nakasabit. Hmp.

Nagkaroon ng Flores de Mayo-themed event ang account nila sa floor. As you can see in the pic above, busy na busy lang ang mga sales agents sa pag-dedecorate ng kani-kanilang area.

As you can also see, tinamad na silang tanggalin ang ibang decorations sa previous activities. Tignan niyo yung taas ng pic, may mga pinwheel and crabs and other sea-inspired decos na nakasabit.

Gumawa sila ng kaniya-kaniyang arko para sa mga teams nila:

s2.jpg
s3.jpg

s4.jpg

Bonggang-bonggang-bouganvillea ang drama nitong korona-inspired arch. Antaray di ba?

s5.jpg

Natutuwa ako sa mga lobong ito. Parang may baklang pumutok sa area nila at ang mga lobo ang mga laman-loob niya na kumalat sa paligid. Wala nang ibabakla pa ang aisle na ito. Aylabet!

s6.jpg

Ito ang favorite arch ko. I like the color motif. If ever (IF EVER HA? IF EVER LANG!) kunin ako sa sagala, ganitong theme ang gusto ko. Parang underwear lang ni Madonna.

swinner.jpg

At ito ang winning arch! Jejeje.

At siyempre, dahil Flores de Mayo ang drama, dapat may mga sagala, right?

Well... isa lang ang nakita ko nung gabing yun.

Si Denise, isa sa mga trainees ni Trainer Marlon:

s7.jpg

Ang ganda ng lola mo di bah? Kamukha lang ni La Greta na naging call center agent at napuyat ng mga dalawang araw. Joke lang, Denise! I labia majora! :)

s8.jpg

At ang taray din ng gown ni Denise! Kinabog lang ang mga smurfs sa paligid.

Hindi lang si Denise ang magandang beki sa floor. Dumadami na kami, I mean sila, sila pala.

Everyone, I'd like you to meet Rain:

r1.jpg

Oooh! Di ba? Have na have ang lola mo! Achieve ever!

r2.jpg

Parang dose lang ang bewang! Miss Balingkinitan 2010!

r3.jpg

And without a doubt, one of the most fashionable bekis ever that has graced Peoplesupport.

Meron pang isa, ito close friend ko and teammate:

1k1.jpg

Meet Kim, phonename Julia! We prefer to call her Kimpet.

1k2.jpg

Isa pa to, ang ganda lang. Wag lang magsasalita eh kala mo babae na talaga.

k3.jpg

Ito ang pang-Miss Calendar Girl pic niya. Tarush ever.

Curious ako, dear readers.

If ever magtapat sa finals ng Miss Gay si Rain at si Kim, sino iboboto niyo?

a) si Rain, siyempre!

b) si Kimpet, op kors!

c) yung nag-iisang lobo na nakalagay sa winning arch!

or

d) Wala bang question and answer portion or talent portion?

Comment na!

:)

Posted by callboi 08:11 Archived in Philippines Comments (34)

Isang Eksena Sa Bo's...

rain

bo.jpg

Nag-simulang umulan ng bumaba si Ina Magenta sa taxi.

Inilabas niya ang kaniyang pink and white polka-dot umbrella at patakbong pinasok ang Bo's Coffee.

Lumapit siya sa tabi ko habang sinasara ang payong niya, nakangiti.

Naka-dress ang hitad, conservative. Halos di mo na makita ang boobs niyang higante.

"Kelangan polka dots?" tanong ko sa kaniya habang naupo siya sa tabi ko.

Tumawa siya, "Polka dots din ang panty ko, gusto mo makita?"

"Paano ko makikita eh ang conservative ng suot mo? San ka ba galing and wag kang magsisinungaling na galing ka sa simbahan ha?" tanong ko.

Napansin ko na nag-blush siya sa sinabi ko, and then she changed the subject, "So, what's up? Bakit nag-e-emote ka na naman?"

Huminga ako ng malalim, "Parang ayaw ko na sa Peoplesupport eh."

Tumaas ang isang kilay niya, "Delayed telecast na yata yang reaction mo."

"Actually, ilang beses na ni-replay ito," sagot ko.

Naglabas siya ng isang malaking bibingka na nakabalot sa foil mula sa bag niya, tapos tinanong ako, "Why the sudden emo moment?"

"Di mo ba alam? Aalis na si Trainer Marlon," sagot ko, habang tinatanggap ang hiniwa niyang piraso ng bibingka, may paper plate at plastic fork pang dala ang puta.

"Ha?! Bakit? Kelan?" gulat niyang tanong.

"Last day na niya this coming Monday," malungkot kong sagot.

Tahimik niyang nginuya ang bibingka, nakatingin sa malayo.

"Alam mo, nung sinabi sa akin noon ni Baker Clang na magreresign na siya, ok lang ako. After a week niyang mawala sa office, saka ko naramdaman na super depressed pala ako, and medyo nagtampo pa nga ako na iniwan niya ako. Bugnutin ako noon, pero di ko gets kung bakit," kuwento ko, "Si Trainer Marlon ang nakapag-pa-realize sa akin na kaya pala ako nagkakaganoon eh dahil miss ko si Baker Clang at di ko akalain na iiwan niya ako. And then this happens..."

Tahimik pa rin si Ina Magenta, nakikinig sa akin.

442.jpg

"When Trainer Marlon told me na aalis na siya, parang ang dating, And then there was silence. I swear, tumigil ang puso ko," patuloy ko, "Ang tumatakbo sa isip ko, I can't keep going through this, I can't keep saying goodbye to my friends. Napag-iiwanan na ako ng lahat."

"I've been with this company for almost eight years. Eight fucking years!" sabi ko, "I've been here longer than I've been in my hometown province."

Tahimik pa rin si Ina Magenta, nakikinig sa akin.

"I guess what I'm saying is, ma-mimiss ko talaga si Trainer Marlon. I really can't imagine coming to work without him there. I mean, imagine, si Baker Clang and Trainer Marlon, naka-move on na. Ako na lang ang nandito."

Sumingit na si Ina Magenta, "Pero you still have lots of friends sa office left, di ba?"

I nodded, "And I'm not discounting them, believe me, pero, it's really not the same anymore."

Tahimik uli si Ina Magenta.

0781.jpg

"Both of them felt like family to me, y'know? No, scratch that, they ARE my family now, and that includes you, bitch. I don't know if they know this, pero ganun talaga nararamdaman ko eh," sabi ko, "Ma-drama maybe, pero ganun eh."

Uminom ako ng iced chocolate bago nagpatuloy, "It helps a lot that I'm on speaking terms again with one of my brothers, pero he's a million miles away, and online lang kami nakakapag-usap. But still, I'm grateful Eric is always there for me now. And laking pasasalamat ko rin na andyan ka, baliw kasi tayo pareho eh."

Tahimik pa rin si Ina Magenta.

"Honestly, gusto ko na lumipat ng company, pero I don't have the energy to go thru all the shit of applying," sabi ko, "I don't mind starting over, pero di ko na alam kung saan. Plus, ayoko mag-apply for a higher position, gusto ko agent pa rin ako. Ang kaso, I dunno if there's a company out there who will match the salary I'm getting here."

Tahimik na kami pareho.

Tinignan ko siya, at nagulat ako. Umiiyak si Ina Magenta.

"O, affected ka, miss?" biro ko, naiiyak na rin. Inabutan ko siya ng tissue.

"Gaga, naiiyak lang ako na never kong natikman si Trainer Marlon mo," sagot niya.

Pero I could tell she was hiding something; hindi basta-basta umiiyak ang lukaret na ito eh.

Hinawakan ko ang kamay niya, "Hey, what's wrong?"

Tahimik siya, huminga ng malalim.

"You can tell me anything, you know that, right?" tanong ko.

Tumango siya.

Huminga uli ng malalim.

"Books, the thing is, I'm moving to Davao next week," sabi niya, nakayuko.

Tumigil ang puso ko. Lumakas ang ulan sa labas.

Pinahid niya ang mga luha niya, inangat ang mukha, at tumingin sa akin ng diretso, isang malungkot na ngiti sa mga labi niya, "You see, I've always wanted to be a June bride."

And then there was silence...

  • ******************************************

This one's for you, Trainer Marlon...

I only wish you the best and I'm sure that's what you'll do in your new company.

Nothing but the best from you.

  • ******************************************

183.jpg

Posted by callboi 06:53 Archived in Philippines Comments (36)

A Mother's Point of View...

rain

awe.png

Hello Ryan !

Before anything else let me say first CONGRATULATIONS for being successful in your chosen endeavor. Wow! I like your writing style! I am very proud of your achievements and where you are right now. In all honesty, I really do, years and years ago pa. You are also smart!

I want to remain anonymous to you, hence a fictitious name. What I can only tell you right now is that I saw you grow up from afar so I am more comfortable calling you Ryan.

I found you while surfing the web for people I know. I spent the whole day of yesterday reading your blogs . If I am proud of you before , I am in awe of you now. I admire your courage writing Confessions of a Bookie, A Coming Out Story and 34 Gumamela.

My heart aches for you. I may not be your mother but I truly understand and accept you for what you are. Always remember that you are God's gift to your parents and you don't need to apologize to them.

Watch what you eat as you are diabetic pala. I was teary eyed reading Get well, Beks! It's good to know that Eric was there for you. May God
Bless him !

Take care of yourself!

MOTHER

happy.jpg

Dear Mother,

I don't know what to say. I guess, salamat po. I really needed this. I've been having a hell of hard time lately and I didn't want my friends to feel the full brunt of my depression.

Thank you po talaga. Salamat uli.

Ryan

Posted by callboi 06:04 Archived in Philippines Comments (7)

(Entries 56 - 60 of 476) « Page .. 7 8 9 10 11 [12] 13 14 15 16 17 .. »