A Travellerspoint blog

Dear Readers...

sunny

052.jpg

Dear Readers,

In a few hours, it will officially be my blog's second year anniversary. :)

At since sa Sabado pa ang suweldo, wala munang celebration na magaganap, sa weekend na lang (thank you nga pala sa supervisor kong si Rhoda Ylmaz-Bektas sa pagpapahiram ng venue ng inuman, and for providing the beer).

Balak kong magpakalasing this Saturday, and enjoy my almost week-long leave na darating sa susunod na linggo.

In the meantime, dear readers, let me thank you from the bottom of my cholesterol-riddled heart.

Allow me this moment of sentimentality, please.

Thank you for the emails.

Thank you for the comments.

Thank you for the more than 500,000 site hits you've given me.

To those people I've written about, thank you for allowing me to share your personal lives (and pictures) on my blog.

To those people who think I've written about them but actually haven't, wag kayong ilusyunada.

To my mother, believe it or not, this is all for you. My heart, and my efforts.

To life, love, and, as always, lechon,
.
.
.
bookie♥

Posted by callboi 1:20 AM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (42)

Graduation Ceremonies... U.P. style!

semi-overcast

inuman.jpg

Super sakit ng ulo ko ngayon. Major hangover.

Kagabi, nag-celebrate kaming buong class ng pagtatapos ng three-month writing seminar namin sa apartment ng isang classmate.

Muntik na ako malunod sa Red Horse, sa vodka (or as Ina Magenta calls it, boodkah), and tequila.

Grabe kayong mga taga-UP! Ang titibay ng mga atay niyo! Halos malusaw ang liver ko kagabi sa dami ng nainom ko. To think, may work pa ako kinabukasan.

Pagdating ko sa bahay ng classmate kong si Alfred (na naka-pajama lang throughout the inuman, parang weirdo lang), nagsisimula na sila ng inuman. Si Prof naman, naka-formal attire for a change.

Meron pa silang medyo malaking water jug na pinuno ng ice at sinulatan ng kung anu-anong messages (may nagsulat ng "Buquir! Ilakad mo ako kay Rica!").

formal.jpg

Potluck ang eksena. Ambagan sa drinks, pero ang pulutan, dapat lahat may dalang share.

andok_s.jpg

Ako, dalawang inihaw na lechon manok from my favorite sushal na place, Andok's.

pistachio_s.jpg

Mas sushal si Schoolboi, isang malaking bag ng pistachio.

mani.jpg

Tinalo kaming lahat ni Ina Magenta. Nilagang mani.

"Yan lang?" tanong ko.

"Oo, bakit? Choosy ka, miss?" tanong niya rin, tapos kunyari umubo siya, pero yung ubo niya ang tunog ganito, "Blog! Blog!"

"Tangina ka wag kang maingay!" bulong ko sa kaniya habang kinukurot ko siya.

fishballs.jpg

Si Classmate Alfred, nagluto ng fishballs na sinamahan niya ng curry, pusit, at veggies. Ang sarap!

"Kayo, Prof, anong dala niyo?" tanong ni Ina Magenta.

Di siya sumagot, pero may nilabas na tatlong bote nito:

inuman4.jpg

Two hours later, kumakanta na ang atay ko.

Kaming tatlo nina Schoolboi at Ina Magenta ang laging magkausap kagabi.

"What's your plan after this?" tanong ni Schoolboi sa amin.

"Eh di mag-aaral pa rin," sagot agad ni Ina Magenta, "Kelangan tapusin ko na ang course ko kung hindi patay ako sa ***** ko." (Dear readers, sinensor ko muna ang sinabi ni Ina Magenta kasi ayaw ko pang malaman niyo ang istorya niya. Soon, okay?)

Tumango ako, "Ako? Work pa rin. Siguro pipilitin kong tapusin yung librong 2 taon ko nang pinaghihirapan. Feeling ko kasi kelangan kong magbakasyon ng matagal-tagal para ma-inspire akong tapusin ang kwentong yun eh."

"What's it about?" sabi ni Schoolboi, nakatitig ng diretso sa akin. Alam niyo, ito ang kinatutuwa ko kay Schoolboi eh. Super interested siya sa mga sinusulat ko. Sabi niya, very refreshing daw ako. Kilig naman siyempre ang lola niyo.

"Tungkol sa dalawang bestfriend ko," sagot ko, "At ang pag-ibig na namagitan sa aming tatlo. Hahaha!"

"Emo ka na naman," sabi ni Ina Magenta.

"I think it sounds interesting," sabi ni Schoolboi. More kiligs for me. "Anong title?"

"Sinigang at Iba Pang Kadramahan Sa Buhay," sabi ko, "It used to be a short story kaso pinahaba ko na siya. Basta it's all about what happened to me sa office about three years ago."

"Cool title," sabi ni Schoolboi, habang natatawa si Ina Magenta kasi namumula na naman ako sa kakiligan.

inuman2.jpg

Mamaya pa, super lasing na kaming tatlo at kung anu-ano na ang napag-uusapan.

"First time mo, saan?" tanong ni Ina Magenta, na nagtanggal na ng sapatos at medyas.

"When I was 17, and it was with a girl," sagot ni Schoolboi, na super mapula na, "sa house niya while her parents were out."

At dahil lasing na ako, di ko na napigilan ang sarili ko na tanungin siya, "Eh yung first time mo with a guy?"

Tumingin siya sa akin, with those long eyelashes of his, and his blushing cheeks, "Fourth year high school ako, sa shower room ng gym namin."

Lalong umikot ang ulo ko, and I don't think it was the tequila doing it.

"Ako? Sa bahay ng lola ko, with my neighbor, who was ten years older than me," proud na proud na sabi ni Ina Magenta.

"At ilang taon ka naman noon? Twelve?" tanong ko, medyo sarkastiko.

"Around that age, oo," sagot naman niya, na parang balewala lang, "Eh ikaw?"

I smiled, demurely, "Virgin pa po ako. I'm waiting for the right guy eh."

"Ulol! Baka left nostril mo ang virgin!" sigaw ni Ina Magenta, sabay buhos sa akin ng beer, samantalang malakas na humahagalpak ng tawa si Schoolboi, na bumagsak sa pagkakaupo sa sofa papunta sa sahig. Ang cute niyang tignan sa sahig, parang baby, parang ang sarap alagaan. Haaay.

Later on, bagsak na sa sofa si Ina Magenta, borlogs na ang beauty.

Kami ni Schoolboi, nasa balcony, nakatingin sa highway, umiinom pa rin.

"Where's Pasha?" tanong ko sa kaniya.

"He's with his other friends," sagot ni Schoolboi. Medyo umasim ang mukha niya. At mukhang langong-lango na.

Something about the way he said it, may na-sense akong kakaiba.

"I see, umm, is everything ok with you and him?" I asked, hesitating slightly.

Uminom muna siya ng beer bago sumagot, "I don't like his friends. They're really mayabang."

"Aah," ang simpleng naisagot ko.

Bigla na lang, tumawa siya ng mahina, tumingin sa loob, sa natutulog na si Ina Magenta (na nakabukaka sa sofa), at humarap sa akin, "Feeling ko kasi bad influence yung mga friends niya eh."

"Bakit naman?"

"Ewan ko, basta, di ko ma-explain," sabi ni Schoolboi, leaning his body on the wall, "Basta ayaw ko sa kanila."

Tahimik lang ako.

Tumingin siya sa akin uli, namumungay na ang mga mata sa tama ng beer, "Don't you think Pasha would be better off being friends with you and Rica instead of those other bastards? Mas masaya naman kayong kasama eh."

Nag-kibit balikat lang ako. Di ko alam ang sagot eh. Of course, I would definitely want to be close friends with Pasha, kaso desisyon niya yun eh.

"Don't get me wrong, Pasha likes you guys a lot, especially you," sabi ni Schoolboi, di niya yata nahalata na tumigil ang puso ko sa sinabi niya, "It's just that, mas may access siya dun sa mga friends niyang yun eh."

Tahimik pa rin ako.

"Ah basta, gagawa ako ng paraan na mas maging super close kayo ni Pasha," sabi ni Schoolboi na umakbay pa sa akin, "Okay lang naman sa iyo yun, di ba?"

Nanghihina ako, dear readers.

Posted by callboi 11:40 PM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (8)

Freudian Slips, Anyone?

rain

A friend sent me a couple of pics via email.

These captions are too die for...

freudian_slip.jpg

freudian2.jpg

Sinadya kaya to???

Posted by callboi 5:18 AM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (8)

Isang Eksena Sa Starbucks...

rain

0starbucks.jpg

Tumakbo ako palabas ng taxi, pilit iniiwasang mabasa ng malakas na ulan, papasok sa Starbucks.

Mga 8pm ng gabi ng makatanggap ako ng text mula sa isang taong mahigit dalawang taon ko nang hindi nakikita.

I'm in town. Wanna meet up? ang sabi ng text niya.

Two hours later, nasa labas na ako ng Starbucks, nagpapagpag ng tubig-ulan mula sa damit ko.

I tried gazing inside Starbucks, wondering if I could see him from outside the cafe, kaso fogged up ang glass and you could barely recognize anything.

I stepped in, gazing around the place, looking for a familiar face.

Pero naunahan niya ako.

"Ryan!"

Napalingon ako sa may sulok. Ayun siya. Si Borj.

Nakatayo sa may tabi ng maliit na lamesita, ganun pa rin ang itsura, matangkad, medyo mahabang buhok, ubod ng itim na mga mata, at matipid na ngiti kasi ayaw niya sa ngipin niya. Ganung-ganun pa rin siya. Walang pagbabago.

Actually, may nagbago pala. May kasama siyang iba. Isang lalake. May itsura.

Ah, sa isip ko, this must be the current boyfriend.

Pinigilan kong tumaas ang kaliwang kilay ko. Poise, Buquir, poise.

Ngumiti ako ng ngiti ko na alam kong mukhang sincere, pero sa loob-loob ko, pinapaulanan ko na sila ng mga bala mula sa uzi na galing sa bag ko, habang sumisigaw ng "Mga hayop! Mga hayop kayo!"

Pagkalapit ko sa kanila, sinalubong ako ni Borj, and surprisingly, niyakap ako. Pero yakap ng dalawang mag-kumpare. Sa sandaling pagkakadikit namin, naamoy ko ang pabango niya. Yun pa rin. Benetton Cold.

"Ampayat mo na ah!" pagbibiro ni Borj habang naupo kami.

"Gago," sabi ko, natatawa.

Ilang segundong katahimikan habang pinakikiramdaman namin ang isa't-isa.

Bigla niyang naalala na kelangan nga palang may introduction portion.

"Ah, Ryan, this is Paul," pakilala ni Borj. Parang medyo kulang ang introduction.

Nagkamayan kami ni Paul, parehong nakangiti. Feeling ko mawawarat na ang mukha ko sa kakangiti.

"Hello," bati ko.

"Hello," bati ni Paul.

Umubo si Borj.

May itsura si Paul, pero mas guwapo si Borj. Bagay silang dalawa. Leche.

"Have you eaten?" tanong ng Paul.

I wanted to reply na walang pagkain sa Starbucks ang pwedeng makabusog sa akin, pero baka isipin niya mataray ako, so ang sabi ko, "Kumain na ako sa bahay. Isang buong manok ng Andok's."

Natawa si Borj pero mukhang nag-alangan si Paul, di niya siguro alam kung joke or totoo ba ang sinabi ko.

Magbibiro pa sana ako kaso tumayo na si Paul.

Nagulat naman ako, akala ko na-offend siya sa joke ko or something.

"Sorry ha, I have to go, kasi may work pa ako, it was nice meeting you," sabi ni Paul, nakangiti.

Nagmamadali ka, Sir? isip ko.

"Hatid ko lang siya sa taxi, Rye," sabi ni Borj.

Naiwan akong mag-isa sa lamesa.

Tinawag niya akong Rye, sa isip ko.

Yun din ang tawag niya sa akin noon... Kinilig ako ng slight. Slight lang. Mga 1 centimeter lang na kilig.

Nagutom ako bigla. Pumunta ako sa counter. Pinagmasdan ang glass shelf nila ng food.

"Yes, sir?" tanong ng cute na barista.

"I want one of those, and that one, and that one," sabi ko.

"Akala ko kumain ka na?" sabi ni Borj, nasa likod ko.

Tumingin ako sa kaniya, "Nakaalis na si Paul mo?"

Ngumiti siya, "Oo, bakit?"

"Wala," sagot ko.

Binayaran ko ang order ko at bumalik sa mesa.

Sinimulan kong kainin ang food. Nakatingin lang siya sa akin.

"Ayaw mo magshare?" tanong niya, nakangiti ng nakakaloko.

"Bakit? Di ka ba pinakain ni Paul mo?" tanong ko rin.

Natawa na siya lalo, "Galit ka ba kay Paul or something?"

Natawa na rin ako, "I'm just exhibiting behavior expected from an ex, don't you think?"

He nodded, smiling that crooked smile of his, "True, true, pero you're hardly just like any other ex of mine, you know?"

I smiled, "Utot mo."

Natawa kami pareho ng malakas. Parang good old times lang.

Kuwentuhan about the past. Tawanan sa mga katangahan namin before.

Pareho naming iniiwasan ang topic about why we broke up.

"So, kamusta naman ang buhay mo?" tanong ni Borj, "May nahanap ka na bang mas guwapo sa akin?"

"Kapal mo rin, ano?" ganti ko, "Bakit? Mas masaya bang kasama si Paul mo kesa sa akin?"

Ngumiti siya, "Paminsan."

Natawa ako. Pero may kurot sa loob ko.

"Pero mas masaya kang kasama pag-kumakain," dagdag ni Borj, "Masyadong pihikan kasi si Paul."

"At least maganda ang katawan niya," sabi ko, "May biceps pa."

"He's not just a pretty face, you know," sabi niya, "Paul's a really nice guy."

I nodded, wala nang masabi eh.

Akala niya di ako naniniwala sa kaniya, "Promise! Mabait siya talaga! You should get to know him, you'd like him. Super nice and kalog siya."

Tumango ako, "Sige, aantayin ko na lang ang pagka-canonize niya as a saint."

"Gago," sabi niya.

Tahimik kami uli.

"Are you in a relationship right now?" tanong ni Borj.

"Nope," simpleng sagot ko.

"I guess the better question is," dagdag na tanong niya, "Are you in love with anyone lately?"

Natawa ako uli, "Maybe."

"And let me guess, hindi ka niya mahal tulad ng pagmamahal mo sa kaniya?" tanong ni Borj.

"That pretty much sums it up," sagot ko.

"You never learn, do you?" sabi niya, shaking his head.

"What can I say, you taught me well," sabi ko, hindi makatingin sa kaniya.

He took a sip of coffee, then looked at me seriously, "Does he know how you feel?"

"I don't think so," I said, shivering, "I hope to God he doesn't."

He was quiet for a few seconds, then asked, smiling a little timidly, "Mas pogi ba siya sa akin?"

"Oo naman, tsong," sabi ko agad, walang kagatol-gatol.

Napatawa siya ng malakas; ganun pa rin siya tumawa pag natutuwa, parang hinuhugot niya mula sa talampakan pataas ang tawa niya. Yung tawa niyang yun ang dahilan kung bakit nagustuhan ko siya noon.

Sabi naman niya noon, na-attract daw siya sa utak ko. Sabi ko sa kaniya, hindi ba sa ilong ko ikaw bumigay?

Hinatid din niya ako sa taxi nung maghiwalay kami. Tumigil na ang ulan at basang-basa ang mga kalsada.

"Akalain mong na-miss din pala kita," sabi ni Borj, na parang nagulat din sa pag-amin niya.

Nagbiro ako, habang pumapara ng taxi, "Mag-ingat ka, baka mahulog uli ang loob mo sa akin, kawawa naman si Paul."

Natawa siya ng mahina, tapos sinabi, "Tandaan mo, sa ating dalawa, hindi ako ang nag-cheat sa relationship natin."

Tumingingin ako sa kaniya, "Alam ko."

Napansin yata niyang medyo tumamlay ako sa sinabi niya.

"Joke lang yun," sabi niya, nakahawak sa braso ko.

Ngumiti ako, "Jokes are half-meant."

"Kalimutan mo na yun," sabi niya, habang tumigil ang taxi sa tabi ko, at sumakay ako papasok, "Matagal na yun."

Sinara ko ang pinto, pinagmasdan siya sa labas ng bintana.

Habang umaandar palayo ang taxi, lumingon ako sa likod, at nakita kong nakatingin pa rin siya sa direksiyon ko.

Posted by callboi 7:02 PM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (13)

The Artist Formerly Known as Slightly-Pokpok Rica...

rain

drag1.jpg

Last Saturday night, naka-receive ako ng text from Slightly-Pokpok Rica.

"Sino si Slightly-Pokpok Rica at bakit siya nasa blog mo?"

Uh-oh.

She knows.

Nakita na ni Slightly-Pokpok Rica ang blog ko online.

Medyo pinagpawisan ako ng malamig, "Um, I'm assuming you want to talk to me about this?"

Nag-reply siya, "You think?"

An hour later, nagkita kami sa Malate, sa O-bar.

Natuwa ako kasi nakita ko na naman ang mga performing drag queens nila.

Nasa labas ng bar si Slightly-Pokpok Rica, nagyoyosi at umiinom mag-isa.

Mukha siyang bad trip.

Walang imik akong naupo sa harap niya, nakangiti ng slight sa kaniya.

Nagbuga siya ng usok.

Huminga ako ng malalim, at nagsalita, "Umm... sooo... what do you think of my blog?"

Naningkit ang mga mata niya, humithit sa yosi, bumuga, at sumagot ng, "I like it."

Napataas ang isang kilay ko, napakagat labi, "You like it?"

Tumango siya, hindi pa rin ngumingiti, "Yup, I like it. Except for one thing..."

Tumigil ako sa paghinga, "What's that?"

Tumingin siya sa malayo, huminga ng malalim, uminom ng beer, nagpahid ng labi, at sumagot, "Bakit mas madalas mong banggitin sina Schoolboi at Pasha kesa sa akin?"

Napa-maang ako, "Excuse me?"

drag2.jpg

Bumuhos ang malakas na ulan, halos di kami magkarinigan.

Sumigaw si Slightly-Pokpok Rica, "Sabi ko, bakit mas madalas mong ikwento si Schoolboi and Pasha???"

I shook my head as I laughed, "Is that what your pissed about? Ang lack of exposure mo sa blog ko?"

"Syempre naman, tsong! Di hamak naman akong mas maganda sa dalawang yun noh?" sagot niya.

Tahimik lang ako.

"Dehins ka agree?" tanong niya.

"Opo, Ate," matipid kong sagot, "Sandali, paano mo nga pala nalaman yung blog ko?"

"Easy," sagot niya, "I googled your name. Meron pa bang nakakaalam nito sa class natin?"

"Ikaw pa lang," sabi ko, "And I hope it remains that way."

"Only kung papayag ka sa mga patakaran ko. You are hereby forbidden from referring to me as Slightly-Pokpok Rica," sabi niya, "I am anything but slightly. If you will write about me, and I want you to write more about me, you shall refer to me from now on as Ina Magenta."

"Ina... Magenta?" tanong ko.

"Yes, Ina Magenta," reply niya, "Also, ililibre mo ako ng lunch at least once a week, bibigyan mo ako ng P50 load once a week din, and..."

"...and?" tanong ko, napapalunok na.

"Ikukuwento mo ang buhay ko sa mga readers mo," sabi ni Ina Magenta, nakangiti ng nakakaloko.

Tahimik ako. In fairness, dear readers, napakakulay ng madramang buhay niya.

"Deal?" tanong niya, nakalabas ang kanang kamay.

Ngumiti ako sa kaniya, "Deal."

drag3.jpg

Posted by callboi 8:20 PM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (13)

(Entries 31 - 35 of 368) Previous « Page .. 2 3 4 5 6 [7] 8 9 10 11 12 .. » Next