A Travellerspoint blog

Capoeira Boy

sunny

Taimtim kong pinagmamasdan ang pag-ikot ng baon ko sa loob ng microwave.

Nasa office pantry ako noon at lunchtime ng karamihan sa mga agents pero dedma ako sa kanila.

Tahimik ko lang na pinapanood at sinasamba ang lunch ko: adobong chicken liver. Mmmmf.

Pinahid ko ang laway na tumulo mula sa pinkish pouty lips ko.

Bumukas ang pinto ng pantry at pumasok si Jake, nakita ako, at naupo sa mataas na stool sa harap ng kitchen counter.

Wala rin siyang salita, nakatingin lang sa akin na parang tutang tinulian.

Di ko sana siya papansinin kaso 2 minuto na siyang nakatitig sa akin.

Huminga ako ng malalim, "Hello Jake, what's wrong?"

Huminga siya ng malalim, "Di pa rin ako over sa ex ko eh."

I snorted.

First of all, this is Jake:

381.jpg

As you can clearly see, Jake, or Sawsaw as I fondly call him (kasi nung una kaming nagkakilala, sawsaw siya ng sawsaw sa usapan namin ng barkada ko), is really quite good-looking.

Kung may dapat mamrublema sa love, ako yun. Pero that's just me being safely selfish.

BTW, if he looks familiar to you guys, it's because he was included in my top ten list two years ago.

Anyway, namumrublema ang cute na badet (yes, badet siya, get over it) na ito dahil di siya ma-over sa ex niya.

Dear Sawsaw, I saw a pic of your ex. One word: CHAKA. He is chaka. You deserve so much better.

632.jpg

And that's what I told Sawsaw nung sinabi niya sa akin kung anung problema niya.

Ewan ko kung inis lang ako or gutom talaga pero I decided to tell him the truth.

433.jpg

Here's a pic of him with his bestfriend, Charm, who was one time linked to a fellow teammate of hers na sup na ngayon (hehehe, sorry Charm, di ko natiis).

Anyways, sabi ko kay Sawsaw, if you want, ihanap kita ng boyfriend.

Um-oo naman siya, out of desperation siguro na ma-over na siya sana sa ex niya.

I don't think mahihirapan si Sawsaw humanap ng bf, especially once you see the results of his hardcore Capoeira sessions:

04.jpg

045.jpg

Nope, I don't think he'll have a hard time at all.

Sooo, dear readers, any takers?

:)

Posted by callboi 08:17 Archived in Philippines Comments (37)

Call Center Confection

sunny

321.jpg

This is Alfonso. Or as I fondly call him, The Little Devil.

He is the mestizo son of mestiza Trainer Aubrey.

He refers to me as Crazy Bookie.

He recently celebrated his birthday the other week and me and Baker Clang and Chef Ed were invited to the soiree.

Try and see if you can guess what the theme of the party was:

842.jpg

There's the Little Devil waiting patiently for his guests.

963.jpg
84.jpg

Ganda ng bahay ni Trainer Aubrey noh? Sushalin.

75.jpg

I honestly wanted to steal one of the loot bags.

536.jpg
3437.jpg

The cupcakes were made by Trainer Aubrey.

By now, am sure nahulaan niyo na ang theme.

Trainer Aubrey actually commissioned Baker Clang to do the Little Devil's birthday cake.

It was amazing to see the cake being assembled right in front of my piggy eyes.

68.jpg

From this...

259.jpg

and this...

610.jpg

with these...

4411.jpg

into this... (and checkout the talampakan of one of the cowboy shoes, galing noh? that's the Little Devil's nickname, Fonsie)

Until finally:

712.jpg

So if ever may special event kayo, give Baker Clang a call! Special discounts for those who read my blog hehehe.

Posted by callboi 05:32 Archived in Philippines Comments (12)

Isang Eksena Sa Isang Condo...

overcast

pasha.jpg

10PM, In a condominium somewhere in Makati:

I took a deep breath before I pushed the doorbell.

My heart was pounding and sobrang pinapawisan ako.

No answer.

I pushed the doorbell again.

I heard running noise from behind the door.

It opened.

Si Pasha.

Even though for some reason he was wearing dark shades indoors in the middle of the night, I could see from his face that he was surprised it was me.

I couldn't see if he was angry, though. Di ko makita ang mga mata niya. Pero walang ngiti sa mukha niya.

"Hi," sabi ko. Kabado.

"Hi," sabi niya. Hindi pa rin nakangiti.

Naiilang ako na hindi ko makita ang mata niya pero di ko naman yata kayang sabihin sa kaniya na tanggalin niya yung shades niya, so ang sinabi ko:

"How are you?"

Nag-kibit balikat siya, "I've been better."

Hindi pa rin siya ngumingiti, at di pa rin niya ako inaalok pumasok.

Sabi ng mother ko, kapag di mo na alam kung anung sasabihin mo, wag ka na lang magsalita.

"You may regret your words, but you will seldom regret your silence," she advised me.

So since wala na akong maisip sabihin, tahimik lang ako na nakatayo sa harap ng condo ni Pasha.

I'm sure it only took a few seconds pero it seemed like an eternity before he acknowledged me again.

He sighed, "What do you want, Buquir?"

"I want to talk to you."

"So talk."

Wala akong masabi. Parang may kung anung bato ang nakaharang sa lalamunan ko.

I felt so bad during that moment. Naiiyak na nga ako eh.

I guess nahalata ni Pasha.

He sighed again, "You might as well come in."

I breathed a sigh of relief.

I went in and sat on his green leather sofa.

"You want anything to drink?" he asked.

"Tubig lang," sagot ko.

He left to get me some water and I took stock of his place.

Nagkalat pa rin ang mga paintings niya sa paligid. Abstract. Di ko ma-gets ang meaning pero magaganda.

Sa pinaka-center wall ng living room niya, merong nude painting niya. Very realistic. Very sexy.

I tried not to stare at it too long.

Bumalik siya after a moment, may dalang isang baso ng iced water.

"Thanks," sabi ko.

Naupo siya sa kaharap na sofa. Nakatingin lang sa akin. Suot pa rin ang dark shades.

"Bakit ka naka-shades?" tanong ko.

"Feel ko lang," sagot niya, walang expression sa mukha.

I nodded, "So, kamusta ka na?"

"You already asked me that," sagot niya.

"Oo nga pala," sabi ko.

Tahimik kami ulit. Nakakabingi.

Di ko na kaya.

Huminga ako ng malalim.

"Nothing happened between me and Schoolboi," sabi ko dire-diretso.

"You kissed," sagot niya agad.

"It was only a kiss," I reasoned.

"It's never just a kiss," balik niya sa akin.

"It was in this case," sagot ko.

"You honestly expect me to believe that you two didn't..." simula niya.

"We didn't," singit ko, "Aaminin ko, I wanted to. I really really wanted to."

"So why didn't you?" he asked.

"Si Roman," sagot ko.

"Bullshit," sagot niya.

Nakatingin lang ako sa kaniya.

"Roman doesn't love you," sagot niya.

Ouch.

"Not the way I love him, yes, I know," sabi ko, medyo galit, "What's your point?"

"Schoolboi likes you a lot," sabi ni Pasha, "Nung kami pa, lagi ka niyang bukambibig."

I didn't know that, so I didn't say anything.

"He has feelings for you," mahinang sabi ni Pasha.

"He likes me a lot," sagot ko agad, "Pero yun lang yun. Dyosko naman, Pasha, tignan mo nga ako at tignan mo ang sarili mo. Para akong PA nyong dalawa. To be honest, I think he was using me, not that I minded. He was trying to get from me the attention he craved from you everyday you two were together."

Tahimik siya.

"He was never okay with the open-relationship thing between the both of you, you know," patuloy ko.

Tahimik siya.

Nainis na ako.

"Pasha, you cannot possibly be insecure about me," tanong ko sa kaniya, "Or even jealous."

"Why not?" tanong niya.

Tinaas ko ang t-shirt ko, showing him my sobra-sa-laking tiyan.

Sa wakas, napatawa ko rin siya.

"Your brain more than makes up for it," sabi niya.

"That's something gorgeous people say to ugly people," sagot ko.

"You're not ugly, Buquir," sabi ni Pasha.

"I'm not you, either," sagot ko.

Tahimik siya for a moment, and then asked me, "You love Roman that much? So much na kaya mong tanggihan si Schoolboi?"

I smiled sadly, "Ganun talaga eh. Mahal ko yung mokong na yun. Pero don't worry, I'm slowly working on getting over him. I'd much rather that him and I remain friends. So for the meantime, I've cut-off all forms of communication with him para mawala siya sa isip ko at ma-over ako sa kaniya."

"Buquir, kilala kita," he said, "Matagal bago ka ma-over sa isang tao. It could take a year. Kaya mo ba siyang tiisin for a year?"

Uminom ako ng tubig bago sumagot, "If that's what it takes..."

He smiled at me, "Ask me again the first question you asked me when I opened the door kanina."

Inisip ko for a moment kung ano yun, and then asked, "How are you?"

He smiled, "I've missed you, bitch."

I smiled, naiiyak, "Na-miss din kita, slut."

Posted by callboi 10:00 Archived in Philippines Comments (25)

Ten Truths About Me

overcast

honesty_by_rupa.png

1) I have the worst writer's block right now. That's why I decided to write this for you guys. Sobrang wala na talaga akong maisip kaya pag-pasensiyahan niyo na ang lack of entries lately. I think I read something like this list on soltero's blog, so makikigaya na ako. Actually, hindi lang ang blog ang napapabayaan ko lately. HR asked me to write for their online magazine and I have yet to come up with anything. I think nag-freeze yung utak ko nung binanggit nila ang words na "PG-13", hehehe. Joke lang, Michi.

Sabi ni Prof, kung wala kang maisip isulat, isulat mo ang totoo. So ito na nga.

Pero katulad ng kay Soltero, isa sa mga isusulat ko dito ay hindi totoo. Hulaan niyo na lang kung alin. :)

2) I am taking up French classes. Most of my teammates and friends know this already, pero I don't think I've ever mentioned it here sa blog. Masaya siya, pero mahirap. Feeling ko ako ang pinakabobo sa class. Kaya kong basahin at sabihin yung mga tinuturo sa akin, pero di ko kayang i-spell. Tanga lang noh? Ce'st difficile, sabi nga ng classmate kong OFW, it's difficult.

Pero I really want to master this language. Ang sexy eh, ang romantic. Gusto ko habang inaariba ako sa kama, sumisigaw ako in French. Gusto ko pag natapilok ako sa kalsada hindi "Ay pekpek!" ang isisigaw ko kundi "Merde!"

Wag mo nang i-google, friend, ang merde ay shit.

3) Wala akong cellphone ngayon. Naiwan ko sa taxi. Almost a month na akong walang phone. Ayaw ko pang bumili. Kasi alam kong di naman magtetext yung gusto kong mag-text. Oo, ikaw yun, Roman. Leche. Miss na kita.

4) Pumapalakpak ang kipay ko everytime may reader ako na bumabati sa akin inside and outside the office, pero di ko talaga alam ang gagawin ko everytime it happens. Katulad nung isang araw, may nagpa-picture sa akin sa lobby. Sa pagka-excite ko, di ko na natanong ang name nila. Sana i-add nila ako sa FB at i-tag ako sa pic.

Nung isang buwan naman sa RCBC, hating-gabi, may lumapit sa akin na guy na sinabing binabasa daw niya ang blog ko.

"You look just like your pictures!" sabi niya, "Pero mas maputi."

Ang mestizah ng feeling ko nung gabing yun.

5) Kinakabahan ako sa Christmas and New Year ngayong taon. Di ko pa rin alam kung saan ako mag-cecelebrate, or kung mag-cecelebrate ba talaga ako. Magulo kasi eh. Hindi ko ma-explain. Pero magulo, malungkot, and magulo ulit ang mga pangyayari sa buhay ko. Kasalanan ko na di ko maiiwasan. Baka sa office ako mag-holidays. Hindi ako nagpapa-awa ha. Sinasabi ko lang ang totoo.

Haaay.

6) Madalas, wala akong suot na underwear. Honest. Itanong niyo kay Mrs. Kimmayong at Princess na ka-teammate ko. Nahipuan na nila ako.

Sarap ng presko eh. Please, don't imagine it. Baka mawalan kayo ng ganang mabuhay.

7) Pangarap kong magkaroon ng sarili kong bookstore/coffeeshop/bar-at-night. Promise.

It will have two levels, books sa baba, small resto with a small bar with a small stage sa second level. Tapos every Friday night, may mini-concert.

Ang pangalan ng place? "Buquish".

8) Friends always ask me to write notes for them, dahil I have the best penmanship ever. Parang font. Parang Times New Roman. Parang na-print lang sa printer ang mga sinusulat ko sa notepad ko. Strikto kasi mga gradeschool teachers ko sa San Beda Alabang.

Everytime may team meeting kami, ako ang nag-susulat ng minutes. Ang problema, di ako nakikinig kaya kung anu-ano ang sinusulat ko sa minutes.

Example:

"Our supervisor was wearing this gray shirt that clearly emphasized his protruding belly."

9) I've seen Schoolboi semi-naked. Naka-underwear. Pero walang nangyari sa amin ha. WALA.

10) I super miss Roman. Everyday. Sakit nga eh. Siya yata dahilan ng writer's block ko eh.

But I can't/musn't/won't see him. Not until okay na ako. And I think it's gonna take time.

So yan, dear readers, ten truths (one lie) about me. Sorry kung medyo emo and pathetic ang post ha.

Promise, next entry, balik tayo sa regular scheduled programming.

For now, sana masaya ang lovelife niyo.

P.S.

Sa comments section, why don't you guys write something true about yourself that you wouldn't normally tell others?

Just for fun!

And check this Pizap.com pic of me. Sige, ok lang pagtawanan. Kahit ako naiihi sa kakatawa dito eh.

741.jpg

Follow me on Twitter: @bookiebuquir

Posted by callboi 05:39 Archived in Philippines Comments (52)

A Love Story na May Asim...

rain

6sinigang.jpg

Nahihiya akong sabihin dito sa blog (sa totoo lang), pero na-announce ko na rin naman sa Facebook ko, so I might as well say it here.

For several years, I've been working on this book.

Last year, natapos ko na siya.

This year, may publishing house na bumili na sa kanya.

Next year, i-re-release na siya.

Yes, dear lovely sexy readers of mine, ang aking "Sinigang at Iba Pang Kadramahan sa Buhay" ay mapupublish na po.

Sa wakas! Wooohoooo! At oo, yan ang totoong title niya.

Na-a-arouse ako sa sarili ko ngayon kasi feeling ko ang ganda-ganda ko hahaha! Joke lang, kaya andaming nang-aaway sa akin sa team eh.

Ang target release date is middle of next year.

Sa totoo lang, di pa rin nag-si-sink in sa akin na sa wakas, mapupublish na ako. Feeling ko ang tangos ng ilong ko.

What is the book about, you ask?

It's semi-true-to-life na hinaluan ko ng kaunting eklavu. It's a love story na sing-asim ng sinigang na baboy sa makating gabi.

Sana pag lumabas siya, bumili kayo para may pampa-liposuction at nosejob na ako.

But kidding aside, I really would like to thank you readers for supporting my blog and all.

Without your inspiration and support, I never would have had the courage to go through with this.

Thank you thank you thank you. Mehel kow keyowng leheyt.

I'd give you all blowjobs if I could. Yuck, yes, even the girls.

Posted by callboi 21:55 Archived in Philippines Comments (45)

(Entries 21 - 25 of 476) « Page 1 2 3 4 [5] 6 7 8 9 10 .. »