A Travellerspoint blog

No Regrets.

sunny

Last Friday morning, naka-upo ako sa may lobby area ng Peoplesupport waiting for a delivery from The Sandwich Guy.

Patay na patay kasi ako sa Peanut Butter and Banana Sandwich nila eh. Dalawa nga ang in-order ko eh.

Habang naghihintay, pinagmamasdan ko ang mga aplikante na nag-iintay sa may tapat ng reception.

Andami. In fairness, andami pa rin talagang nag-a-apply sa Peoplesupport.

Nakakatuwa naman.

May naupo sa katabi kong upuan. Isang babae. Medyo chubby. Di ko kilala. Pero cute siya.

"Hi Bookie," bati niya, nakangiti ng medyo may halong nerbyos.

Ngumiti ako, "Hello."

"I love your blog," sabi niya.

Why does this happen whenever I'm alone, isip ko, no wonder my friends think I'm making this up.

"Thanks, I love it, too," biro ko.

"Sayang ni-block siya ng HR ano?" sabi niya.

Tumango ako, "I'm sorry, what's your name pala?"

She shook my hand, "Cherry. Forever na ba siyang blocked?"

"Feeling ko forever," sagot ko, "Kasing forever ng mga bilbil ko."

To be honest, it didn't surprise me na na-block na siya. Ever since I started writing this blog 3 years ago, I've been expecting HR or IT to block it.

I mean, let's admit it, my blog's hardly company-friendly.

"Sad naman," sabi ni Cherry.

Tumango ako, "I think they had no choice. Medyo naging violent ang reaction ng mga tao sa entry ko. I heard someone even used a cutter to scratch X's on the faces posted in our elevator of some very prominent people in our company."

"Yeah, I saw that poster, na-schock rin ako," sabi niya, "Sana wala na lang ganun."

"Agree," sabi ko, "Sana rin hindi nagpost yung ibang readers ng racist comments and profanity."

"But what can you say about the new payroll policy?" tanong ni Cherry.

"Well, it's definitely better than the first one they rolled out," sagot ko, choosing my words carefully, "I can honestly say it's the lesser of two evils."

"True, thank God for your blog at narinig nila tayo," sabi niya.

"I'd like to think it was a team effort," sabi ko, natatawa.

"Nabasa ba talaga ng management yung entry?" tanong niya.

"I heard oo daw," sagot ko, "Some of them even had to use Google Chrome para lang ma-translate into English yung mga comments eh."

More small talk.

Before Cherry left, she asked me one more question:

"Tingin mo, uunti na ang magbabasa ng blog mo sa office dahil naka-block siya?"

I sighed, "It's a definite possibility. Feeling ko, siguro mababawasan ang mag-cocomment. Pero alam mo naman ang mga call center agents, kung anung bawal, yun ang madalas ginagawa."

She smiled, "I'll keep reading, don't worry."

I smiled as well.

I'm not worried at all.

=====================================

P.S.

Sorry for the lack of posts. Nanunulungan na naman kasi ako sa training department eh, kaya medyo Loren Haggarda na naman ang lola niyo.

I can promise you this, though, I will post Ina Magenta's version of "One Stormy Night", the third and final installment before the end of this week.

Ciao!

P.P.S.

BTW, walang halong sarcasm, pero I would like to thank HR for being able to get Mickey Perz as a judge sa Idols Dance contest natin.

For the past two Friday nights, I've been asking him for a picture. He is just the cutest thing ever.

Ito ang mga resulta:

1.bmp

2.bmp

Pansin niyo? Lagi kaming terno?

Mahal ko na siya.

We are soooo meant to be.

Posted by callboi 03:08 Archived in Philippines Comments (27)

Dear Peoplesupport Employees...

rain

I have a lot to say about how our company is giving us our salary and 13th month pay this December.

But I refuse to do so, because in my almost eight years here, not once has an opinion of mine ever changed how management works.

I'm tired of seemingly being the lone voice in the crowd.

I will say one thing: I feel like it's a bad year to be here.

Things have changed, and, it's not true what they say, not all changes are good.

What they're doing may be legal (though I have no idea why it is), but it doesn't feel ethical.

Actually? Nakakapagod na.

I still love working here because of my friends, my teammates and my supervisors. They're all brilliant people.

And majority of the folks here in PS are smart, intelligent people.

And I think it's about time we be heard. Don't you?

So, my dear fellow employees of Peoplesupport:

Wanna be heard? Wanna shout out?

Comments, please.

Because I assure you, they will read this.

Posted by callboi 07:45 Archived in Philippines Comments (487)

Walk Walk Fashion Baby!

sunny

Obviously, this is not Part 3 of my "One Stormy Night" entry.

Here's the thing, Schoolboi, Pasha and I had breakfast this morning and I showed them the third entry before I could publish it.

Now, the two of them are claiming that I had the events screwed up kasi super lasing nga daw ako.

However, ang nakakatawa, magkaiba din ang kwento nilang dalawa. Nothing matched up sa mga kwento namin.

So, it would be obvious na we needed a third party to tell us kung ano talaga ang nangyari after we started really getting wasted.

So, dear readers, ang magsusulat ng third and last entry ng "One Stormy Night" ay walang iba kundi si Ina Magenta.

She was somewhat sober and says that she remembers clearly kung anung nangyari.

At may pangalawang witness pa siya, si Pearlee, ang dakilang yaya.

Nag-promise si Ina Magenta na ibibgay niya sa akin ang kaniyang "witness account" before the end of the week.

For the meantime, I wanted to share with you guys some pics from the first fashion show I ever attended.

2P1250686.jpg
I was invited by my friend and teammate, Bench, to his friend's fashion show last Sunday, which was the last day of Fashion Week in SMX.

P1250555.jpg
At kasama ko rin ang transgender na si Kimpet. Who, btw, was an hour and a half late kaya di naman na-attend-an ang show nung friend namin.

Kaya ibang designer's show na lang pinanood namin.

1P1250569.jpg
This is Gerswyn Qua, my fashion designer friend. Sayang di namin napanood show niya, front row pa sana kami.

Gaga kasi tong si Kimpet eh. Bumili pa ng blouse sa Market Market para daw may maisuot siya sa show.

When we got to the event, I felt so underdressed!

5P1250570.jpg
Ang taray ng suot di ba?

P1250564.jpg
Ang taray din ng face.

P1250560.jpg
Tallest gay guy in the world.

P1250578.jpg
Sushality ang sponsor ng event. Sony Vaio. Aaaand, San Marino Tuna. Anlabo.

Ang ganda sa loob nung show! Super lumabas ang pagka-probinsyano ko.

P1250584.jpg
3P1250594.jpg
P1250596.jpg

P1250588.jpg
See the red shoes? I have not yet seen a straight guy wearing those kind of shoes.

Kaya kung ang boyfriend mo ganyan ang shoes, girlfriend mo pala siya.

P1250592.jpg
I may not know anything about fashion, pero I'm pretty sure this is a cap worn by jejemons. It's a jeje-cap!

P1250678.jpg
Haute Kookoor. Kookoortinahin.

To be honest, I was more interested in the audience, rather than the clothes.

Panay ang lingon ko sa paligid, naghahanap ng celebrity.

Wala akong nakilala eh.

Siguro mga sikat na fashion people lang talaga. Kaya wala akong kilala.

Ang kilala ko lang na fashion personality ay si R-Lo. Si Rusty Lopez.

P1250598.jpg
P1250623.jpg
These people were sitting in the front row.

They were wearing dark shades the whole time. I don't get it.

Yung naka-red checkered shirt with torn pants ay si Robbie Carmona daw, a fashion director.

And then, the models started going down the catwalk.

P1250641.jpg
P1250611.jpg
P1250613.jpg
P1250633.jpg
P1250634.jpg
P1250636.jpg

And then, the male models:

P1250653.jpg
P1250660.jpg

That's when he walked out:

P1250662.jpg

Si Hideo Muraoka! Ang aking imaginary boyfriend!

He looked divinely delicious.

P1250655.jpg
P1250642.jpg
P1250663.jpg
P1250668.jpg

At dahil mahal ko si Hideo, naghintay kami sa labas ng dressing room ng mga models para makapag-pa-picture ako with him.

While we were waiting, I asked some of the models if I could take their pics.

P1250679.jpg
P1250680.jpg
P1250681.jpg
P1250682.jpg

P1250683.jpg
Si Luke Jickain! He's so guwapo! Na-bobo ako sa kaguwapuhan niya. He's joined here by two of my other friends, si Jeff and Kenneth.

P1250684.jpg
Habang kinukunan ko sila ng pic, nagdadasal ako silently na alukin nila ako ng threesome.

Alas, after thirty minutes of waiting, no Hideo.

So we went out to the lobby and I asked some of the supermodels if Kimpet could have a picture with some of them.

All of them said yes!

At eto ang resulta:

P1250687.jpg

Nagmukha siyang yaya. Ang tatangkad ng mga bilat na to.

When we went to MOA, na-insecure yata ang mga friends ko.

Napilitang bumili ng pampaganda:

P1250688.jpg

Posted by callboi 02:33 Archived in Philippines Comments (12)

One Stormy Night - Part 2

storm

tequila.jpg

10PM, Antipolo, Bahay na Bato ni Ina Magenta:

Malakas na bulahaw ang maririnig na umaalingawngaw sa buong bahay.

Kasabay ng malakas na buhos ng ulan sa labas.

Si Ina Magenta, sa may living room, kumakanta sa videoke ng lahat ng mga kanta ng bandang Aegis.

Back-up singer niya ang yaya niyang si Pearlee. Sintunado sila pareho pero wala silang pakialam.

Pinapanood namin sila nina Schoolboi at Pasha, nakaupo kami sa makapal na carpet ng living room.

Dedicated kami sa pag-tetequila shots namin.

Medyo distracted ako at kabado. Naiinitan ako, actually.

Ito kasing si Schoolboi at Pasha, after the seventh shot, nagtanggal na ng mga t-shirts nila.

So eto ako ngayon, napapaligiran ng dalawang lasenggerang babae na kumakanta, at dalawang malapit nang malasing na semi-naked and sexy na bading.

At may bagyo pa sa labas.

Sometimes, funny talaga ang buhay, ano?

"Ang bilis ng tagay!" ang malakas kong sabi, pinapaypayan ko na ang mukha ko.

Ngumiti si Pasha, "It's better this way, so when we play Spin the Bottle later, we'll be as honest and brave as possible."

Tumawa si Schoolboi. Napalunok lang ako.

"Oi mga beki! Ako naman!" ang sigaw ni Ina Magenta na pagewang-gewang na naupo sa tabi namin. Si Pearlee na lang natirang kumakanta ng "Total Eclipse of the Heart."

"Great, let's start the game!" sabi ni Pasha.

Naupo kami ng pabilog, ganito ang set-up:

Clockwise, from the top, si Pasha, Ako, si Schoolboi at si Ina Magenta.

At si gitna namin ang isang bote ng tequila na may laman pa.

Kada spin ng bote, pag-sayo nakaturo, tagay ka straight from the bottle, and then choose between Truth or Dare.

Got it? Good.

Sinimulan ni Pasha ang ikot.

Kay Schoolboi tumuro.

Kinuha niya ang bote, tumungga, at binalik ito sa sahig. Mapulang-mapula na ang mukha niya.

Papikit-pikit na rin siya. May tama na talaga.

"Truth or Daaaare?" tanong ng malanding si Ina Magenta.

"Truth," sagot niya, nakatingin sa sahig.

Kumakabog ang dibdib ko. Ewan ko kung bakit.

"I'll ask the question," sabi ni Pasha, seryoso ang face.

"Shoot," tumingin sa kaniya si Schoolboi.

Basang-basa na ang kili-kili ko sa kaba.

Huminga ng malalim si Pasha at nagpahid ng panyo sa mukha bago nagtanong, "Do you want to get back together with me?"

Tahimik kaming lahat. Si Ina Magenta, naka-labas ang dila, parang sabik na sabik.

Ako, nakatungo lang, kunyari naglilinis ng kuko ng paa.

Mga limang segundo bago sumagot si Schoolboi, "Honestly? Yeah. Pero I don't think we will. Or we should."

"Why not?" tanong agad ni Pasha, pero wala akong mabasang emosyon sa mukha niya kung na-offend ba siya or hindi.

"One question only per spin," sagot ni Schooolboi, nakangiti, sabay ikot uli sa bote.

Ikot. Ikot. Ikot.

SHEEET.

Sa akin nakaturo.

Kinuha ko ang bote at tumungga ng marami-rami.

Pagbaba ko ng bote, si Ina Magenta ang humirit agad, "AKO ANG MAGTATANONG!"

"Fine," sabi ng dalawang hot na beki.

"Pag niligawan ka ba ni Schoolboi ng seryoso, sasagutin mo ba siya?" tanong niya, nakataas ang parehong kilay.

Muntik ko nang kunin ang bote at ihampas sa mukha niya.

Hindi ako makatingin kay Schoolboi, pero kay Pasha ako tumitig bago sumagot ng walang pag-aalinlangan, "Definitely."

"I thought you love Roman?" tanong ni Pasha.

"One question per spin," sagot ko, sabay ikot sa bote.

Ikot. Ikot. Ikot. Kay Schoolboi uli.

Abot ng bote. Tungga.

Si Pasha ang nagtanong uli, "Why do you think we shouldn't get back together?"

Tumungga uli si Schoolboi, bago sumagot, dahan-dahan, sinusukat ang mga sinasabi, "Hindi matatahimik ang utak at puso ko sayo."

"What do you mean by that?" ang tanong ni Pasha, a little indignantly.

"One question only per spin," sagot ni Schooolboi, nakangiti, pinalitan ang bote ng bagong bote ng vodka na bagong bukas.

Ikot. Ikot. Ikot. Kay Ina Magenta nakaturo.

"AKO ANG MAGTATANONG!" sigaw ko. Shit, I am way too drunk for this, isip ko.

"Oh aber, anong tanong mo?" sabi ni Ina Magenta pagkatagay ng vodka.

"Yung totoo, masaya ka ba sa Davao?" tanong ko.

Sa laking gulat naming tatlong mga bakla, bigla na lang napaluha ang puta.

"Grabe ka naman, first question pa lang, dramatics na agad," sabi ko, sabay abot ng panyo sa kaniya.

"Masaya ako sa pamilya ko, oo, pero I am suuuper bored there as well," sagot niya, humihikbi.

Tahimik kami. Si Schoolboi ang sumira sa katahimikan, "Go ahead, spin the bottle."

Tumingin sa amin si Ina Magenta, napatigil sa pag-iyak, "Yun lang ang tanong niyo?"

"One question only per spin," sagot naming tatlo.

"Tangina naman bitin ako," sabi niya, pero inikot niya ang bote.

Ikot. Ikot. Ikot. Kay Pasha nakaturo.

Tumingin kami ni Ina Magenta kay Schoolboi.

"Ok fine, I'll ask the question," sabi niya, "Why do you think we should get back together?"

Tumungga si Pasha, sabay sagot, "I never said we should get back together."

Tumahimik lang si Schoolboi.

Pasha spinned the bottle.

Ikot. Ikot. Ikot. Ako.

Tungga.

Nagtaas ng kamay si Pasha, siya ang nagtanong, "You think mas bagay kayo ni Schoolboi?"

Shit. Shit. Shit. Shit. SHIT.

"Of course not," no hesitation on my part. Although hilong-hilo na ako.

Inikot ko agad ang bote bago pa siya makapag-salita uli.

Ikot. Ikot. Ikot. Schoolboi.

Tungga.

Si Pasha uli ang nagtanong, "You think mas bagay kayo ni Bookie?"

Tinakluban ko ang mukha ko ng mga kamay ko. Too much. Too much.

Narinig kong sumagot si Schoolboi, mabagal, parang binibilang ang mga letra, lasing na kasi.

"I think, if Bookie and I were a couple, he'd eventually break up with me because he's still so in love with Roman," sagot niya.

Tinanggal ko ang mga kamay ko sa mukha at tumingin sa kaniya, nakangiti siya sa akin, pero malungkot.

Sinira ni Ina Magenta ang moment, as usual, "Boooookla! Ang haba ng hair mo! Umabot sa Maynila tapos nagroundtrip pabalik dito!"

Tinignan ko si Pasha. Mukha naman siyang okay. Nakangiti naman.

Hmmm. Interesting.

Ikot. Ikot. Ikot. Ako.

Si Schoolboi ang magtatanong.

Kinabahan ako lalo. Doble ang tinungga ko.

"You okay?" tanong niya.

"Is that your question?" sagot ko.

"No," he said, laughing a little, and putting his hand on my knee.

His body was too close. Too close. Ramdam ko ang init ng katawan niya.

Bakit ang init ng kuwarto? Bakit ang init? Bumabagyo naman? Bakit pawis na pawis si Schoolboi pero mabango pa rin?

Yan ang mga iniisip ko habang pilit iniisnab ang init ng katawan ni Schoolboi.

"Narinig mo ba ako?" tanong ni Schoolboi.

Nagtanong na pala siya.

"What was the question, sir?" tanong ko, natatawa.

He looked at me seriously, and I was staring at his red red red lips when I heard him ask me, "Bakit si Roman? Bakit hindi ako?"

Shit. Shit. Shit. Shit. SHIT.

.
.
.
To be continued.

Follow me on twitter: @bookiebuquir

Posted by callboi 04:07 Archived in Philippines Comments (45)

One Stormy Night... Part 1

storm

the_bed.jpg

Monday afternoon, sa airport:

Naghihintay kaming tatlo nina Schoolboi and Pasha sa may labas ng airport. Mga isang oras na.

Masakit na ang paa ko, and as all my closest friends can attest to, I hate hate hate waiting.

"Where the hell is she?" I said, for like the hundredth time.

Minasahe ni Schoolboi ang mga balikat ko, "Relax, she'll be here."

Napansin kong nakatingin sa akin si Pasha, nakataas ang isang kilay sa pagmamasahe ni Schoolboi.

I took a step forward, para makaiwas sa kamay ni Schoolboi; mahirap na ang mapa-away.

Sayang, ang sarap pa naman magmasahe ng mokong na yun (walang malisya, Pasha, promise hehehe).

After fifteen more minutes of waiting, dumating na rin sa wakas ang iniintay namin.

Nakita niya kaming tatlo mula sa malayo kasi kapansin-pansin naman ang katangkaran nina Schoolboi and Pasha.

Malayo pa lang, sumigaw na ang lola mo.

"MGA BAKLAAAAA!" ang sigaw ng punyemas na si Ina Magenta, kinakaway-kaway pa ang kanyang pink scarf.

Nagtinginan ang mga tao sa airport sa kaniya, at hinanap nila kung sino ang sinisigawan ng lukaret na pasahero.

"Nakakahiya," ang nakangiting bulong ko, habang kumakaway din.

Si Pasha at Schoolboi, tumatawa, kumakaway din, pero mga fuck-you signs ang naka-gesture sa kamay.

Sinalubong namin siya.

Niyakap ko siya agad, "Na-miss kita, bitch!"

Amoy Johnson's Baby Cologne ang puta.

"Anlaki ng pinayat mo!" puna niya sa akin.

"At ang ganda mo lalo!" sabi ko sa kaniya. True, lalong gumanda ang lola mo.

Hiyang siya siguro sa Davao. Or sa etits ng asawa niya.

Either way, blooming ang lola mo.

Tinignan niya si Pasha at si Schoolboi.

"So kayo na uli?" tanong niya sa kanila.

Nagtinginan ang dalawa. Naunang sumagot si Schoolboi, "Nope." Nakangiti naman siya.

Nakangiti rin si Pasha.

Tumingin naman si Ina Magenta sa akin at kay Schoolboi.

"So kayo naman?" tanong niya sa amin.

Parang gusto ko siyang tapakan at that moment, at durugin, pero mabilis lang akong sumagot ng "No!"

Tumawa si Schoolboi at sinabi kay Ina Magenta, "Alam mo, I was missing you a lot awhile ago, pero parang gusto na kitang ibili ng return ticket mo pabalik ng Davao."

Sa kotse, magkatabi kami ni Ina Magenta sa likod, si Schoolboi ang driver, at katabi niya si Pasha.

"Anong pasalubong mo sa akin, bitch?" tanong ko sa kaniya.

"Mamaya, slut, pagdating natin sa bahay," sabi niya, "Dala niyo na ba ang mga gamit niyo? Doon kayo lahat tutulog sa bahay ha? Nomu tayo magdamag."

"Yup, we have everything sa trunk, pero let's pass by Hypermarket to buy the liquor and pulutan," sabi ni Schoolboi, "Tequila ba or Vodka?"

"Tequila AND vodka," sagot namin nina Pasha at Ina Magenta.

Pagkabili namin ng groceries and shit (mga limang bag yata ng alak at pulutan ang nabili namin), dumiretso na kami sa bahay ni Ina Magenta.

Her house is, what's the term? Bahay na bato ba? Yung lumang bahay na parang panahon pa ng kastila pero bagong ayos uli.

Maganda siya at presko, anlalapad kasi ng mga bintana at kahoy na makintab ang sahig. Tapos sa liblib na parte pa ng Antipolo, puro bakanteng lote ang katabi ng bahay niya, kaya mahangin talaga.

Ang tao lang nung dumating kami ay ang katulong niyang si Pearlee, isang maliit na matandang babae na mahilig magsuot ng yellow.

Bago kami makapasok sa pintuan, pinatanggal sa amin ni Pearlee ang mga sapatos at tsinelas namin.

"Bagong plorwaks ang saheg, mga madam," sabi ni Pearlee, nakapamewang.

"Oo na, oo na," sagot ni Ina Magenta, "Oh eto ang groceries, magluto ka ng fiesta."

Umakyat muna kami sa second floor sa bedroom ni Ina Magenta.

"Dito tayong lahat matutulog," ang sabi niya.

Isang malaking bedroom. Isang malaking kama.

Isang kama lang. Malaki, oo, pero iisa lamang. May aircon, oo, pero iisa lang ang kama.

"Where's the guestroom?" tanong ni Pasha.

"Anung guestroom?" talak ni Ina Magenta, "Ang natitirang kuwarto na pwede niyong tulugan dito ay ang kuwarto ni Pearlee, at ayaw niya ng may katabi. Claustrophobic ang puta. Dito tayong apat sa malaking kama ko magnonomu at matutulog."

Nagsimulang umulan sa labas. May kasamang kulog at kidlat.

Nakangiti siya na parang demonyo, "At paglasing na tayo mamaya, mag-Truth or Dare tayo ha!"

Oh, God.

Limang bote ng Tequila.

Dalawang bote ng Vodka.

Tatlong bakla.

Isang babaeng bakla.

At isang malaking kama.

Patay.

To be continued...

Posted by callboi 05:11 Archived in Philippines Comments (24)

(Entries 16 - 20 of 476) « Page 1 2 3 [4] 5 6 7 8 9 10 .. »