A Travellerspoint blog

Ambenta ko pala sa Cebu...

all seasons in one day

metro.jpg

dear callboi,

kumusta?

I'm from PS cebu at nagpunta ako sa manila last week para wala lang.. Nagpunta ako dyan sa 5th floor last week pero di kita nakita. Mgpapa-autograph pa naman sana ako or magpapicture kasama ka. Hinanap ko din yung friends ko dyan at makikipagkita sana din ako sa mga email pals ko na taga Elite kaya lang nag ka training daw sila nung time na pumunta ako sa office. So maybe next time na lang.

Nung pumasok ako sa building, kinakabahan ako kasi baka naman di ako papasukin ni manong guard. Mula sa ground floor, nagkukunwari akong confi para di malaman ni manong guard na di pala gumagana ang access card ko dyan. So may-I-sunod na lang muna dun sa agent na naunang pumasok sa office para hindi na ako mg eexplain sa guard. At yun na, nung nasa loob na ako ng office, feeling ko pumasok ako sa ibang account kasi mga nakabitin na kulay orange lang ang nakikita ko na may nakalagay na coaching2x something. Akala ko nasa loob ako ng Von***. Kaya hinanap ko na lang ang airplane na logo. Far-sighted pa naman ako. Kaya nghanap ako ng avaya para tumingin sa directory at hanapin ang friends ko. Nung makita ko ang avaya, nataranta pa ako kasi parang 48 years nang hindi ako nakagamit ng ganyang phone kasi iba yung avaya namin dito sa Skyrise. Kaya parang ngreview pa ako kung pano sya gamitin at finally, after all the pushing of the buttons, nakita ko ang directory at ang phone log in ng friend kong tawagin natin sa name na si Miss CR. Nagkita rin kami at sinabayan ko syang mglunch sa baba.

Napaisip tuloy ako kung papalipat na talaga ako dyan or not. Pero ang saya ha kasi nung araw na pumunta ako ng office, may sumalubong sakin sa Glorietta na nakakagulat na pretty girl representing UNICEF at ini-encourage nya akong mgdonate sa kanila thru credit card. Eh, Im not a big fan of cc kaya sabi ko, pwede cash na lang. Sabi nya hindi daw sila tumatanggap ng cash kasi iniiwasan nilang ma-involve sa corruption or something kaya donation thru cc lang talaga. Sosyal naman si ate. Kaya I invited them na lang to come here to Cebu para dito sila manggulat. Yun din yung araw na may tumalon sa 15th floor ng PLDT bldg. dyan sa may Makati Ave. ba yun? Napadaan kami sa tapat ng PLDT nung nag-abang kami ng jeep. Hindi ko na nakita ang hitsura nya. Nakita ko lang yung puting damiit na may dugo. Ano kaya problema ni ate at lunchbreak na lunchbreak sya tumalon?

Anyway callboi, masaya naman ang experience ko while nandyan ako sa Manila. Namimiss ko na tuloy ang LRT at MRT. Kahit siksikan most of the time, lingaw gihapon. (masaya pa rin) Parang gusto ko na bumalik dyan kasi namimiss ko na yung female voice over sa tren.

Sana magkita na tayo sa susunod na pagpunta ko dyan.

Stay gay and beautiful!

Cebu babe

the_one.jpg

Dear Cebu Babe,

Sayang di tayo nagkita. Ang cute ko pa naman.

Next time, pag pumunta ka rito, dumaan ka sa fifth floor. Imposibleng di mo ko makita sa laki kong ito. Andun lang ako sa pinaka-corner.

Pag sinusuwerte ka nga naman, minsan ka na nga lang pumunta ng Manila, makakakita ka pa ng suicide.

Bakit nga kaya sa lunchbreak tumalon si ate? Ang sad naman.

I've never contemplated suicide. Ever.

I admit, I do get depressed a lot of times pero never naman nag-stray ang thoughts ko towards suicide.

Madalas kasi naiisip ko, kung magpapakamatay ako, hay naku, mahihirapang ang mga taong maghanap ng kabaong na kasya ako.

Magpapapayat muna ako. And then, saka na ako magcocontemplate ng suicide na yan. :)

love, lust, and lechon,

callboi♥
akosicallboi@gmail.com

Posted by callboi 12:07 PM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (4)

Goobye Liempo...

rain

7goodbye.jpg

"Friend, samahan mo akong kumain sa pantry," sabi ko sa isang kabarkada ko, "nagpareserve ako ng liempo kay Manong Food Provider and I am soooo hungry."

"Ok," ang nakangiting sagot ng kaibigan ko.

Totoo, gutom na gutom na ako. Hindi ako makapagconcentrate sa trabaho. Puro pagkain ang nakikita ko. Oddly enough, kahit busog ako, pagkain pa rin ang lagi kong nakikita.

Matakaw talaga ako eh.

Pagkatapos kong painitin ng 2 minuto ang liempo and monggo sa microwave, naupo na ako sa tabi ng friend ko.

Sabik akong naghiwa ng karne at akmang isusubo ko na ng biglang nagsalita ang friend ko:

"Magreresign na ako sa January," sabi niya, nakatingin sa akin ng diretso.

Natigilan ako. Hindi ko naisubo ang pagkain.

Inisip ko, "Please please please Lord sana nagbibiro lang ang luka-lukang to."

Pero halata ko sa mga mata niya na seryoso siya.

"Bakit?" tanong ko na medyo pumipiyok ang boses.

"Ako na ang mag-aasikaso ng negosyo namin eh," sabi niya, "Hindi na kaya ni Mama eh."

Napatingin ako sa liempo sa lamesa.

Kadramahan man pero napaluha na lang ako talaga.

Kasi naman, andami ko ng ka-close na kaibigan ang umalis at iniwan ako dito. Lagi nilang sinasabi na "we'll keep in touch" pero wala rin namang nangyayari.

Tapos, ito pang lukaret na to, na sobrang mahal ko, ang isa pang aalis din.

"Ano ba, wag kang umiyak," sabi niya, naiiyak din siya, "Ayoko ng ganyan. Matagal pa naman eh. Wag na muna nating isipin."

Tahimik lang ako, sumisinghot.

Nakatingin pa rin ako sa liempo.

"Nakakainis ka naman eh," sabi ko, may kasama pang nginig sa boses.

"Bakit?" tanong niya, nagtataka.

"Gutom na gutom na ako tapos ngayon mo pa sinabi sa akin to," sabi ko, na nanlalambot, "hindi ko tuloy makain to."

Natawa na lang ang kaibigan ko.

Haaay.

I'm so tired of saying goodbye to people I love.

Posted by callboi 10:35 AM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (6)

Kainis...

sunny

Ok ok ok.

So we all know it, right?

It's public knowledge.

Walang tao sa loob ng building natin ang hindi nakakaalam na Aegis-Peoplesupport na ang name ng company natin.

In fact, almost everyone on the floor started singing local band Aegis' songs the minute the news got out that we got bought out.

Halos masuka na nga ako tuwing maririnig ko ang "Halik" at "Basang-basa sa ulan".

We've all endured the questions from our friends from the outside, asking us if our company is going under.

"Hindi naman," we reply stoically, but deep inside, may kaunting kaba.

Sa totoo lang, para sa akin, hindi kagandahan ang name na Aegis-Peoplesupport. It's too long. It's a mouthful. It sounds clumsy on my tongue when I say it.

Plus, yun nga, pangalan siya ng pang-masa na banda.

The other day, someone whispered a URL to me.

www.aegispeoplesupport.com

I thought, "Hmmmm... may bago na ba tayong home site?"

But no, no oh no no no.

I have no idea what the heck this site is.

Check it out for yourself:

aegis.jpg

Someone please explain.

Posted by callboi 10:19 AM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (11)

The Cuteness of Redentor...

sunny

hindi_si_redentor_ito.jpg

"Beks," bulong ni She-ra, habang namamasyal kami, arm in arm, sa operations floor.

"Hmmm?" sagot ko naman.

"Sino yung agent na yun?" ngumuso siya sa isang direksiyon.

"Alin?" tanong ko.

"Ayun oh. Yung nakaputi? Yung malapit sa may photocopy room. Yung chinito," sabi niya.

"Ah, yung newbie? Si Redentor yan," sagot ko, "He's a nice boy. And very cute, if I might add."

"May girlfriend ba siya?" tanong ni She-ra.

"Hmm, hindi ko alam," sabi ko.

"Is he gay?" sabi ni She-ra.

"I thought he was, kaso, a friend of mine swears that he isn't," sabi ko.

"Aber? Bakit daw?" tanong ni She-ra.

"Well, according to my very reliable source, he was making ligaw a girl daw sa training batch nila eh," sagot ko.

"Hmmm-kay, eh waitaminutekatawangmainit, di ba yan ding si Redentor na yan ang nakitang may ka-date na badets sa Starbucks sa Glorietta the other week? At nanunuod pa raw sila ng sine?" tanong ni She-ra.

"We-eeell, that's what I heard. Pero malay mo naman di talaga date ang nangyari. Baka naman date lang yun para sa isa sa kanila, and kay Redentor naman, gimik lang between two friends," sagot ko.

"Gimik mo mukha mo!" sabat ni She-ra.

"Hehehe, pero, feeling ko naman straight siya. Madalas nga daw niyayakap niya yung nililigawan niyang girl sa training class habang natutulog sila sa likod ng room eh," sabat ko rin.

"Ay shets, straight nga," She-ra said.

"Yup, we all know a gay guy would never hug a girl whilst sleeping," I added.

"It's just so... yucky... hugging a girl," sabi ni She-ra.

"I know right," sabi ko naman.

Katahimikan.

"Ang unti na ng cute sa floor noh?" sabi ni She-ra.

"Girl, just you wait, may mga new hires kami sa December. Ipagdasal mo na kay Bathala na biyayaan niya ang account natin ng mga cuties," sabi ko.

"Magpapamisa na ako mamaya," sagot ni She-ra.

"Samahan mo na ng nobena..." sabi ko pa.

"Bakit sa fourth floor, andaming cute?" tanong ni She-ra.

"Baka biased ang HR?" sagot ko.

"Oooor, baka bading ang mga managers sa fourth floor at nag-bribe sila sa HR na doon ilagay sa floor nila ang mga "bookable" new hires!" suhestiyon niya.

Katahimikan uli while we ponder kung anung rason ba at maraming cute na boys ang na-a-assign sa fourth floor.

"Puro lalake na lang ba pag-uusapan natin?" tanong ko.

"Eh anong gusto mong pag-usapan?" tanong ni She-ra.

Katahimikan uli.

"Pasyal tayo sa fourth floor?" tanong ko.

"Tara!" sagot ni She-ra.

Posted by callboi 1:45 PM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (18)

Ang Punyemas na Aparador na Yan!!!

snow

4closet.jpg

hi mr/s callboi.
im jaga611986 from cebu .
a callboi too, (csr)
i got ur blog when i was searching for a pinoy blogs na maganda ang mga entry.
so the rest is history.
ur blog is the best of all in terms of stories, chismis and even gen.info...(wow)
kahit im form a diff. company parang naka relate ako sa mga chismis nyo...
anyways about this "CLOSET" im ONE of them.
may takot kasi ako na malaman ng mga officemates ko kasi di ko gusto ang mga chikka about me (but i like chikka about OTHERS) wahhh...
pero some of my friends may clue na sila..
but im trying to keep in myself and with my bestfriend na may ka live-in na.
i experinced na relationship but it didnt work (1) 1 week lng and (2) 19 days lng (poor me hhuhuh)

QUESTION:
anu gagawin ko para matanggap ng mga friends ko if MAG LABAS NA AKO NG CLOTHES SA CLOSET ko? (u knw want i mean)

i have this fear na hindi nila ako matanggap.
but dito sa office namin may mga bis din na closet. i got this friend of mine na from ps before na kilala ka nya kasi sa blog. i shared ur blog to him he confirm na kilala ka nya kasi ps ka daw.....
code name nya ay mr.tall kasi 6'1 cya. siya lng ang may alam about kasi dahil sa g4m doon kami nag ka kilala.( no SEB nong nag kita kami).
si mr.tall lng ang maka relate sa mga chikka ko...at sharing naman siya kung sino mga pingahihinalaan namin na mga CLOSET.
heheh...at sino ang mga crush namin...

anyways...

keep up the good work sa blog mu.
eat healthy foods para healthy ka.
post more pics.
sa bloggable of the month mu.
pls post mu ang mga hot closet na mag agent sa company nyo at least the top three.
.
.
thanks....

ur blog make my day complete..
post ka naman araw-araw..

GOD SPEED..............

  • ****************************************************************

Dear jaga611986,

Cute name. Parang zipcode lang. :)

Anyway, before I start spewing out words of wisdom for you, let me just reiterate that I know for myself that I should be the last person people should be asking for advice. I can't even put my life into perspective. But hey, I guess you want something out of me so here goes. :)

Masikip sa loob ng closet. Lumabas ka na. Ngayon na. As in now. Don't wait a minute longer. Tapikin mo yang katabi mo and sabihin mo "Tsong bading ako pero don't worry di kita type. Type ko ang brother mo." Tapos tumakbo ka na bago ka masuntok.... Ahehehe. Just kidding, folks.

Pero seriously, come out and join the rest of us who've decided that closets are for clothes. Period.

Anong kelangan mo gawin para matanggap ka ng friends mo? Wala. If their the kind who would ditch you after knowing who you really are, do you really need them by your side?

Anyways, I bet they already know you're gay. And their still there with you, right? So, most likely, it doesn't matter to them. Just spill the beans, dude. What's the worst that could happen besides them shunning you? :)

Promise, ang sarap maging OUT.

It's like, like, nabunutan ka ng tinik sa pwet, at pinalitan ang tinik sa pwet ng isang bagay na mas ok.

Tulad ng band-aid.

Bastos ng isip niyo, dear readers...

Posted by callboi 12:02 AM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (21)

(Entries 116 - 120 of 369) Previous « Page .. 19 20 21 22 23 [24] 25 26 27 28 29 .. » Next