A Travellerspoint blog

Alsalam Alekom to you, too...

all seasons in one day

Dear readers,

I would like to apologize for those of you who have sent me emails and messages to which I haven't responded yet. Panira kasi sa blogging career ang training career ko eh (joke lang, Charity!).

I am deeply touched and humbled by the fact that you took your time to write to me. Kaya nga madalas nagui-guilty ako pag di ako nakapagsulat often dito sa blog ko.

Pero I promise to post more often this year. I swear, magsasawa rin kayo. :)

Here's one email which I really liked, particularly because of the file attachment it came with.

Read on:

Alsalam Alekom. (السلام عليـكم ) (Peace be with you).

Hello Callboi.

Marahil ay hindi mo na ako matatandaan pa. Dati din akong call center agent diyan sa (Ageis) PS at madalas pag dumadaan ka sa tapat namin especially noong A-bay namin ay binabati kita o namin ng aking best friend na si Ava. From the time na nalaman namin ang blogs mo ay sinubaybayan namin ang bawat entries mo. Kasi katulad ng ng sinasabi nila pang-tangal pagod at asar sa mga irate callers. At ngayon bumalik ako dito sa Gitnang Silangan ay pampaalis homesick naman siya. Nakakatuwa ang mga articles mo, nakaka-kiliti dahil sa mga gorgeous hunks, at kung ano-ano pa na pwede mong pang sabihin.

Natutuwa ako sa iyo kasi ramdam ko ang humility mo despite the fact na sikat or kilala ka. Yes, callboi hindi lang sa ating inang bayang Pilipinas kundi halos sa buong mundo (remember your article "International Porn Star #220?) at lalo ka pang nagkaroon ng mga taga-subaybay dito sa Middle East kung saan ako narito ngayon. Pwede na siguro akong magtayo dito ng fans club mo sa dami ng sumusubaybay ng blogs mo kasi nga pampaalis ng homesickness at boredom.

At kahit na mas matanda ako sa iyo, sobrang hanga talaga ako sa iyo. Hindi kaya nagkakagusto na ako sa iyo? (hehehehe...) O dala na rin marahil na iisa ang pinang-galingan natin na probinsiya, Batangas. Dumating din ako sa punto na I start writing my own blog(s). Maaring hindi kasing effective o kasing ganda at husay nang sa iyo kasi iba ang exposure mo diyan plus the fact na talagang napapaligiran ka nang mga taong punong-puno ng buhay at kabataan. Ako dito, gustuhin ko man i-share o isulat ang mga karanasan ay wala akong magandang maibahagi kundi ang mga sexeperience(s) ng mga kaibigan, kakilala kong mga bading at straight people. Isama na rin ang never ending issue of husbands or wives having another spouse (hindi querida ha kasi may mga legal docs sila na makukuha sa walang silbi nating embahada) dito sa ME. Yan, marami yan dito! Gaya na lang ng isang bading na nagkaroon ng ka-sex na 32 young saudis (and mind you ang ga-gwapo nila ha!) in one night. I was there and I witnessed it at hindi exaggeration yan ha! Mga (ilang) babaeng maganda pa ang mga katulong sa Bel-Air Makati na nagbibilang ng lalaki kasi nga walang mapatulan (ang mga lalaking maibog pa sa rabbit) . Ayaw naman pumatol sa bakla. Mga (ilang) lalaking pok-pok na walang ginawa kundi hut-hutan ang mga bayot na baliw sa kanila at kung ano-ano pa. You name it and in this country have it all. Sa madaling salita, nakakalungkot isipin na dito nagkalat ang ilang nating mga kababayan. To balance everything, meron din naman ilang kababayan natin na talagang nakilala sa husay at galing sa kani-kanilang field o trabaho. Ako? I would say I'm in both world. (hahahaha!!!)

Callboi, request naman. Paki-greet mo naman ang friend ko na si Ava na "Happy Birthday" (on November 20-Thursday). Bukod tangi ko kasi siyang kaibigan. And when you see her, will you please do me a big favor? Will you please hug and kiss her for me? Okay? Harmless yan. Ahhahaha…

Sayang nga lamang at hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na maging mag-kaibigan. Pero malay mo sa pag-bakasyon ko next year (at kung nandiyan ka pa sa PS) ay maging lubos tayong maging magka-kilala at maging mag-kaibigan.

Ang sa iyo'y nagmamahal at humahanga.

مــع السلامة


Desert Queen of Arabia

Dear Desert Queen of Arabia,

Thank you thank you for this!

untitled.jpg

Apparently, this is my name in Arabic. She sent this to me.

Ka-touch di ba?

Yours in lust, love, and lechon,

callboi
akosicallboi@gmail.com

Posted by callboi 3:47 AM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (7)

Para Kay B...

all seasons in one day

ParaKayB-2.jpg

Dear readers,

If you don't mind, I'd like to suggest some reading material for you guys.

It's Ricky Lee's first novel, entitled "Para Kay B: Or Kung Paano Dinevastate ng Pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin"

Nung binasa ko siya, natawa ako, naiyak, napa-sigh, at slightly napa-ihi.

I swear, you have to read it.

You'll thank me after, believe me.

Yours still, in lust, love, and lechon,

-callboi-
akosicallboi@gmail.com

Posted by callboi 3:40 AM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (3)

Resolutions...

all seasons in one day

Resolution.jpg

1215AM, January 6, 2009:

Habang naka-upo ako sa harap ng pc ko kanina, bigla kong na-realize na anniversary nga pala namin ng batch ko dito sa Peoplesupport.

Six years na akong nagtatrabaho dito.

Six years.

Six freaking years.

All of a sudden, I feel so old.

Biro niyo, 22 years old ako nung mag-simula akong magtrabaho dito, and now, I am 28.

Six years. Huwaw.

Pagkatapos ng anim na taon, nasaan na ba ako?

A lot of things have happened to me here.

I've fallen in love about seven times in six years.

I've made friends and lost friends.

I've been an agent, a supervisor, nagbalik sa pagiging agent, and now... a trainer (Peer trainer ka lang! bulong ng katabi ko. Sabi ko naman, Proud ako! Peer trainer po! Sabay taas noo and ismid).

Six years. Grabe.

This is my first job, you know?

I've learned quite a lot. Especially since nung lumayas ako sa bahay namin about four years ago. And never looked back.

Technically, I'm an orphan. Kapag holidays, nagpapa-adopt ako sa mga friends ko. Dun ako sa bahay nila naghoholiday. Although I don't regret separating from my family, I do miss them terribly. Every single day. I dream about them almost every night. Especially si Inday, my yaya.

Why don't I go home?

Sabi ng isang fellow trainer ko, "Ma-pride ka kasi, Buquir."

Sabi naman ni Jennifer Lopez, "All my pride is all I have."

Sabi nung isang baklang kalbo na madalas magpa-rinig sa akin sa floor, "Ano ba ipagmamalaki niya eh ang taba naman niya!".

And take note, I have done nothing to this guy. I swear to God. Ganyan lang talaga siguro siya.

Gusto ko sanang sabihin sa kaniya, "At least hindi ako mukhang matandang baklang prostitute." But I didn't. That would be wrong. Mukha lang akong baboy, pero hindi ako ugaling baboy, at least I don't think I am.

Maybe, ma-pride nga ako. Is that the same as being mayabang?

Coz I don't think mayabang ako.

Not intentionally, anyway. But I'm sure some people will disagree. Well, you can't please everyone.

I'm not asking for your reassurance, folks. I'm just thinking out loud.

Dati, in the early stages of this blog of mine, madalas akong magsulat ng ganito. Mga kadramahan about myself.

Kaso, nung medyo sumikat na ito, I decided to focus entirely on comedic writing.

Ngayon lang ako uli nakapagsulat ng ganito.

It's kind of a relief, actually.

Six years.

And what do I have to show for it?

I have friends. Of course, I have lost some, but hey, that's life, and right now, one of my new year's resolutions is to keep what I have close to my heart. The ones I've lost, well, have a good life na lang. It's really not in my nature to make amends. In my defense, I loved you all. Kaso pag goodbye, goodbye talaga.

Six years sa Peoplesupport.

Now that I think about it, it doesn't seem like such a long time, really.

Parang ang bilis nga eh.

I can't wait for the next six.

Posted by callboi 11:06 AM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (16)

Isang oras bago mag-December 25...

all seasons in one day

SPM_A0117.jpg

SPM_A0118.jpg

Para sa mga phone agents na pumasok at di nag-absent...

SPM_A0120.jpg

Para sa mga email agents na umasikaso sa, siyempre, email queue.

SPM_A0122.jpg

Para sa mga airline ticketing agents na nag-ticket ng airlines, ehekhekhek...

SPM_A0116.jpg

Para sa mga RTA's na kumuha ng mga call-ins ng mga agents na nagsinungaling para lang di pumasok ngayong gabi...

SPM_A0115.jpg
SPM_A0130.jpg

Para sa mga Tier 2 agents na kumuha pa rin ng sup calls ng mga agents...

0SPM_A0131.jpg

Para sa dalawang QA na nagtiyagang makinig pa rin ng mga boring na calls...

SPM_A0114.jpg

Para kay Basti, na nagsabi sa akin kanina lang na mag-o-out na raw siya next year about his sexuality (sa wakas!) at nag-paalala sa akin na masaya talagang maging trainer... miss you, pare! pa-kiss!

SPM_A0128.jpg

Para sa medyo chaka na food na offer ng kumpanya...

pantry.jpg

Para sa lahat ng nagdala ng food para sa team...

SPM_A0124.jpg

Para sa management team na nakangiti pa ring umasikaso sa mga agents nila...

SPM_A0135.jpg

Para kay Gracie, na siyang dahilan kung bakit dito ako sa office nag-noche buena...

Para sa mga readers ng aking simpleng blog...

At higit sa lahat, para sa mga pamilya, at kaibigan, na iniwan natin pansamantala...

Maligayang Pasko. Sa New Year na lang kayo mag-absent lahat. :)

Posted by callboi 10:46 AM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (11)

Merry Christmas, mga bakla!!!

all seasons in one day

A friend sent me this:

masahe.jpg

OMG.

A massage AND dinner?

Or ang masahista ba ang dinner?

Dyosko.

Nakakaloka ang ngiti ng mga lolo mo sa picture na ito.

Mainit ang pasko ngayong Disyembre.

Merry Christmas, dear readers.

Posted by callboi 6:47 PM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (2)

(Entries 106 - 110 of 369) Previous « Page .. 17 18 19 20 21 [22] 23 24 25 26 27 .. » Next