The Artist Formerly Known as Slightly-Pokpok Rica...
01.08.2009

Last Saturday night, naka-receive ako ng text from Slightly-Pokpok Rica.
"Sino si Slightly-Pokpok Rica at bakit siya nasa blog mo?"
Uh-oh.
She knows.
Nakita na ni Slightly-Pokpok Rica ang blog ko online.
Medyo pinagpawisan ako ng malamig, "Um, I'm assuming you want to talk to me about this?"
Nag-reply siya, "You think?"
An hour later, nagkita kami sa Malate, sa O-bar.
Natuwa ako kasi nakita ko na naman ang mga performing drag queens nila.
Nasa labas ng bar si Slightly-Pokpok Rica, nagyoyosi at umiinom mag-isa.
Mukha siyang bad trip.
Walang imik akong naupo sa harap niya, nakangiti ng slight sa kaniya.
Nagbuga siya ng usok.
Huminga ako ng malalim, at nagsalita, "Umm... sooo... what do you think of my blog?"
Naningkit ang mga mata niya, humithit sa yosi, bumuga, at sumagot ng, "I like it."
Napataas ang isang kilay ko, napakagat labi, "You like it?"
Tumango siya, hindi pa rin ngumingiti, "Yup, I like it. Except for one thing..."
Tumigil ako sa paghinga, "What's that?"
Tumingin siya sa malayo, huminga ng malalim, uminom ng beer, nagpahid ng labi, at sumagot, "Bakit mas madalas mong banggitin sina Schoolboi at Pasha kesa sa akin?"
Napa-maang ako, "Excuse me?"

Bumuhos ang malakas na ulan, halos di kami magkarinigan.
Sumigaw si Slightly-Pokpok Rica, "Sabi ko, bakit mas madalas mong ikwento si Schoolboi and Pasha???"
I shook my head as I laughed, "Is that what your pissed about? Ang lack of exposure mo sa blog ko?"
"Syempre naman, tsong! Di hamak naman akong mas maganda sa dalawang yun noh?" sagot niya.
Tahimik lang ako.
"Dehins ka agree?" tanong niya.
"Opo, Ate," matipid kong sagot, "Sandali, paano mo nga pala nalaman yung blog ko?"
"Easy," sagot niya, "I googled your name. Meron pa bang nakakaalam nito sa class natin?"
"Ikaw pa lang," sabi ko, "And I hope it remains that way."
"Only kung papayag ka sa mga patakaran ko. You are hereby forbidden from referring to me as Slightly-Pokpok Rica," sabi niya, "I am anything but slightly. If you will write about me, and I want you to write more about me, you shall refer to me from now on as Ina Magenta."
"Ina... Magenta?" tanong ko.
"Yes, Ina Magenta," reply niya, "Also, ililibre mo ako ng lunch at least once a week, bibigyan mo ako ng P50 load once a week din, and..."
"...and?" tanong ko, napapalunok na.
"Ikukuwento mo ang buhay ko sa mga readers mo," sabi ni Ina Magenta, nakangiti ng nakakaloko.
Tahimik ako. In fairness, dear readers, napakakulay ng madramang buhay niya.
"Deal?" tanong niya, nakalabas ang kanang kamay.
Ngumiti ako sa kaniya, "Deal."

Posted by callboi 8:20 PM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (13)






























