Isang oras bago mag-December 25...
24.12.2008


Para sa mga phone agents na pumasok at di nag-absent...

Para sa mga email agents na umasikaso sa, siyempre, email queue.

Para sa mga airline ticketing agents na nag-ticket ng airlines, ehekhekhek...

Para sa mga RTA's na kumuha ng mga call-ins ng mga agents na nagsinungaling para lang di pumasok ngayong gabi...


Para sa mga Tier 2 agents na kumuha pa rin ng sup calls ng mga agents...

Para sa dalawang QA na nagtiyagang makinig pa rin ng mga boring na calls...

Para kay Basti, na nagsabi sa akin kanina lang na mag-o-out na raw siya next year about his sexuality (sa wakas!) at nag-paalala sa akin na masaya talagang maging trainer... miss you, pare! pa-kiss!

Para sa medyo chaka na food na offer ng kumpanya...

Para sa lahat ng nagdala ng food para sa team...

Para sa management team na nakangiti pa ring umasikaso sa mga agents nila...

Para kay Gracie, na siyang dahilan kung bakit dito ako sa office nag-noche buena...
Para sa mga readers ng aking simpleng blog...
At higit sa lahat, para sa mga pamilya, at kaibigan, na iniwan natin pansamantala...
Maligayang Pasko. Sa New Year na lang kayo mag-absent lahat. ![]()
Posted by callboi 10:46 AM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (11)
































