A Travellerspoint blog

May 2008

Ang Uber-Lagkit na Outing...

all seasons in one day

Sorry, medyo napatagal ang pagpost ko ng pics ng PS outing. Ang init sa Island Cove noh??? Anlagkit ng feeling ko habang nandun. Para akong binuhusan ng sugar-syrup. Ganun ako kalagkit... at katamis, ahehehe.

110.jpg

Ang Welcoming Committee. Antaray.

32.jpg

Try to ignore yung kano sa likod namin. Nakisingit ba naman sa picture!!!

42.jpg

Ang mga taong mas mataas ang position sa akin. Kunsabagay, 90% naman ng mga tao dun eh mas mataas ang position sa akin.

52.jpg

People whom I don't know. And never will.

62.jpg

Ang fresh-looking na Training Department.

72.jpg

Go girl! Flex! Have a happy period!

82.jpg

Ang mga nag-gagandahang atleta ng account natin.

92.jpg

Graeme and her newfound friend.

102.jpg

My dearest and closest friends... echos! Hindi ko sila kilala. Pero super eager naman silang magpose sa camera.

112.jpg

Ang mga kasama namin sa table. May shift din sila later that night. I guess I shouldn't have posted this pic showing them to be drinking beer pre-shift. My bad.

122.jpg

That's Entertainment's Wednesday Group.

151.jpg

The local wildlife.

161.jpg

Natatawa ako sa pic na ito. Basta. May special prize ang makakahula kung bakit.

131.jpg

Ehem.

Posted by callboi 2:26 PM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (11)

David versus David!!!

all seasons in one day

davids.jpg

This is it!

After all the mediocre performances of Ramiele, after the stoned and drugged songs of cutie Jason Castro, the two Davids will be battling it out next week sa finale.

Although patay na patay ako sa kakyutan ng badet na si Archuleta (not to mention his truly fantastic vocals), nanginginig naman ako sa tuwa pag naririnig ko ang mga pamatay na renditions ni Cook.

Nalilito ako sa kung sinong susuportahan ko.

Si Paula Abdul na lang kaya? Goodness knows that woman needs all the support she can get.

Sheeet. Malulungkot ako pag natapos na ang AI. Ano na lang ang isusunod kong susubaybayan?

Kayo? Kanino kayo boto?

Cook or Archuleta?

Posted by callboi 1:42 PM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (5)

And now, a word from our management...

sunny

jungle_cubicle.jpg

The phone in my manager's station rang. Dahil feeling sekretarya ako, sinagot ko naman.

"Andrew's station, hello?"

"Si Andrew, andyan?" said the gruff manly voice on the other line.

"Ay wala siya, umuwi na," sagot ko naman, and at this point, feeling ko maid na ako.

"Bookie, ikaw ba yan?" tanong naman nung lalake.

"OMG, is that you, CC?" ang tanong ko rin.

CC is this guy who's in upper management in a different account. He's a good friend. Always so funny. And has such a lovely wife and baby.

"May chika ako sa iyo," CC said, which proves my point na kahit mga tunay na lalake, mahilig sa tsismis.

"Spill it," I said.

"Alam mo ba, may isa raw babaeng nag-CR, tapos pagpasok niya sa cubicle, may narinig siyang kakaiba sa katabing cubicle niya."

"Anong narinig niya?" I asked, iniisip ko na kung anung mga ungol at bulong ang narinig niya.

Mali pala ako.

"May narinig siyang umuugong," CC responded, "meron daw parang nagba-vibrate sa kabilang cubicle."

Natameme naman ako. Umuugong? Ano yun? May nagvavacuum sa kabilang side?

CC continued, "Itong babae, naiskandalo naman. Tumakbo agad sa labas at nireport sa HR ang narinig niya."

Sa HR agad? Di man lang sa guard or something? Sandali, ano bang iniisip niya?

"Ang sabi daw niya sa HR, May nagbavibrator sa CR!" CC whispered.

OMG. Assumptionista ba?

"Ito namang HR natin, I think it was someone from Employee Relations, pumunta sa CR and kinatok ang cubicle," CC said.

"Ano nakita nila?"

"Pagbukas ng pinto, it was a woman, using a breast pump," CC answered, "She was apparently collecting the milk for her baby. And naglalactate pala siya so she needed to release the milk."

Hay naku, mga tao nga naman... Makarinig lang ng vibration, nanginginig na ang vajayjay sa mga pinag-iisip ng mga eskandalo. Don't they know that breastmilk is still best for babies?

Posted by callboi 12:59 PM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (6)

Ano uli yung kanta ni Katherine McPhee?

crossroad.jpg

How do you avoid being extra mushy when greeting someone you used to be head over heels in love with a happy birthday?

Easy.

You say it in tagalog.

Maligayang bati, Pumpkin!

My heart may not sing out your name anymore, pero at least friends pa rin tayo, ahehehe.

Akalain mong naging magkaibigan pa rin tayo even after all the drama of years past.

I guess that only means one thing. Patay na patay ka talaga sa akin. Well, get in line, sugar.

Joke lang!

:)

P.S. Happy birthday rin pala dun sa friend kong babae, si Zue Ann.

Posted by callboi 12:40 PM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (0)

Gaydar Issues...

storm

stranger.jpg

You know, I used to be so proud of my gaydar, that innate sense of instantly knowing whether a guy is gay or not.

Pero, as it turns out, sobrang boplaks to the nth level na pala ako pagdating sa pag-amoy ng kapwa ko.

Take this guy in the picture above. Siya si BiBoi. He's as straight as, well, as the guards here in PeopleSupport.

Di ko talaga matanggap ang balitang narinig ko tungkol sa kaniya. Kasi naman, itong si BiBoi, sobrang playboy ang dating nito sa floor natin. Maraming girls ang finiflirt niya. Meron pa nga siyang "nadisgrasya" na girl eh. Tapos, meron pa siyang girlfriend outside of the office. So, tipikal na hetero guy, di ba?

Pero apparently, itong si BiBoi, he "plays for both teams". Confirmed na isa pala siyang "puma". As in pumapatol sa badets.

At eto pa, may nakakita sa kanya na may kalandiang badet sa CR ng Island Cove during our summer outing. Dyosko, ang init-init na nga sa Island Cove, nagpainit pa lalo itong lolo mo.

Baka naman bisexual, you ask? Well, I've always believed bisexuality is the last thread a gay guy has in hoping that he were straight. Hirap akong maniwala sa bisexuality eh. No offense sa mga bisexuals ha, kanya-kanyang opinion lang.

Kunsabagay, pagpumatol ka ba sa bading, ibig sabihin ba nun bading ka na rin? Pag kumain ka ba ng pato, pato ka na rin?

Pero, kung mahigit sa ilang beses ka nang pumatol sa kapwa lalake mo, hindi pa ba bading ang tawag dun? Ano yun? Nageeksperimento ka lang? Ano ka, scientist?

P.S.

FYI, nahihirapan na akong kumuha ng pic ng patago ha! Especially sa floor natin. Hirap talaga maging tsismoso, noh?

Posted by callboi 12:47 PM Archived in Gay Travel | Philippines Comments (12)

(Entries 6 - 10 of 11) Previous « Page 1 [2] 3 » Next