
Madalas, kapag nakatapat ako sa computer ko at tinatamad ng magtrabaho, pa-sikreto kong pinagmamasdan ang mga ka-team ko. May kaniya-kaniya silang karakter. May mga kakaiba. May mga artista. May mga rare species na epal din. May mga halatang nagkukunyari lang magtrabaho pero naghahanap naman pala ng proxy para makapag-update ng Friendster nila (tangek, i-try mo ang gotlost.com!).
Ngayon, nasa gitna ako ng dalawang kalbong lalake. Yung nasa kaliwa ko, trabaho ng trabaho. Ang tahimik. Parang na-trauma sa buhay. Bihirang makipagusap sa katabi. Inatake na ako sa puso sa tabi niya pero tuloy pa rin sa pagsagot ng email. Pero halata ko sa kaniya na pa-sikreto siyang tumitingin sa monitor ko. Binabantayan siguro kung ano sinusulat ko sa blog. Ayun! Tumingin na naman! Hay.
Yung nasa kanan ko naman, nang-aaway ng ex-bf niya na taga-ibang call center. Ayaw daw isauli yung relo niyang hiniram. Chaka naman ng ex niya. Relo lang kineklepto pa.
May ka-team akong babae, si Luna. Medyo weird to. Pero masayang klase ng weird. Entertaining bagah? Para kang nanunuod ng Ripley's Believe it or Not pag kausap mo siya. Debotong kristiyano ang lola mo. Paminsan, pag naguusap kami ng mga ka-team ko ng kabaklaan, nag-e-eavesdrop siya. Pinagdadasal siguro ang mga makasalanan naming mga kaluluwa. Kulang na lang basbasan ako ng agua bendita.
Tapos, madalas pang late tong si Luna. What's more weird is, saka lang siya magbebeso ng pagbati two or three hours after niyong magkita sa office. Magugulat na lang ako pag katabi ko siya at bigla na lang siyang lalapit sa akin, sabay yakap at beso tapos magsasabi ng "Good morning Buquir!" kahit tatlong oras na kami magkatabi. Entertaining di ba?
Meron pa kaming isang ka-team na di nakikipag-usap sa kahit na sino. Pag pasok niya, upo sa station, trabaho, makalipas ang siyam na oras, uwi. Para siyang espiya ng gobyerno.
Ito naman si Paris. Kakaiba rin. Laging parang wala sa sarili. Pag naglulunch, tatakbo na sa employee lounge para matulog. Lagi tuloy overlunch. Di ko alam kung anong ginagawa niya sa araw pero parang di siya natutulog pag uwi. Baka prostitute siya or something to that effect. 
Pero alam niyo? Masaya sa team ko. Para kang nanunuod ng sine ni Dolphy araw-araw sa office. Bihira ang boredom basta kumpleto kami. Lalo na pag Sunday. Para kaming nagsusummer class lang. (Sir TM, nagtatrabaho pa rin po kami!).
Kapag Sunday, panay kain kami sa station. Pag may palapit na guard, sumesenyas ako sa mga kateam ko. Sinasabi ko ng malakas na parang ibon, "Krooo! Krooo!" Nagegets naman nila. Pero nagtataka yata yung guard kung bakit may dambuhalang ibon sa floor.