A Travellerspoint blog

Tabachingchingchingching!!!

sunny

death_by_dinner.jpg

Alam niyo ba kung gaano kahirap ang maging mataba?

1) Ang hirap bumili ng damit. Madalas, wala silang size mo. Dati, pumasok ako sa People Are People. Eh malay ko bang may discrimination sila sa mga taong may bilbil???

May nakita akong madumi at gusgusing shirt na for some odd reason eh mukhang maganda, so tinanong ko yung saleslady na isang kilong make-up yata ang suot, "Miss, meron ba kayong XXl nito?"

Tumingin sa akin ang mahadera, at medyo paismid na sumagot na "Yan na po ang XL namin. Largest size na po namin yan."

Sabay talikod.

Abaaaa. Ang pukengkeng na babaeng to. Tapakan ko kaya siya tsaka buong pamilya niya. Hmp.

XL na pala tong shirt na hawak ko. Eh kasing size lang siya ng hita ko eh. Haaay.

Ang kasya lang yata sa akin eh yung mga sapatos nila. At di pa babagay sa akin.

2) Bihira akong sumakay ng tricycle. Kasi maraming steep na streets sa amin sa Guada. Madalas, pansin ko, medyo hirap silang umandar pataas. Kakahiya.

Tsaka everytime sumasakay ako ng tricycle, lumulungkot yung mukha ng mga driver. Parang namatayan. Kinakabahan siguro na baka bumigay yung motor nila. Di ko naman sila masisi, mabigat talaga ako.

Death_by_Chocolate.jpg

3) Mabilis akong mapagod at ma-high blood. Eh mahilig pa naman ako sa chocolates. My doctor already advised me that if I continue eating the way I do, mas lalong magiging critical daw ang health ko.

But the fact is, madalas, kahit high blood ako, I feel fine. Naranasan ko na ngang maging 180/110, pero kebs lang sa akin. I felt fine. Pero siyempre, may takot sa puso ko.

What if, bigla na lang akong bumagsak sa atake sa puso? Makakayanan ba ng mga medics na buhatin ang katawan ko? Kaya ba ng stretcher nila ang weight ko? What if pangit yung doctor na mag-aasikaso sa akin? Yan ang mga tanong na bumabagabag sa akin gabi-gabi.

Now, you're probably asking yourself, why, for the love of God, don't I go on a diet?

Here's the thing. I really love to eat. As in.

Madali akong matukso sa pagkain.

I love fried chicken, chocolates, pasta, pork, beef, candy, junk food, street food, lahat na ng klase ng food except seafood.

Think of it this way. Most of my friends are conscious of their diets. When we go to the mall, and we see something that looks delectable in a store, my friends would just say "Sheeet! Parang ang sarap. Kaso di puwede. It's fattening."

Ako naman, by the time na natapos na yung sinabi nila, nakabili na ako at nakain ko na sya. I love experiencing eating new dishes that tickle my palate.

I'm a real gourmet and glutton.

Yung saying na "Eat to live, don't eat to live"? It obviously does not apply to me.

Life is short. Eat everything. Yan ang saying ko.

And from now on, di na ako magrereklamo sa itsura ko. Mataba ako eh. Deal with it.

pig1.jpg

Posted by callboi 14:41 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

tama!

by jaga611986

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint