A Travellerspoint blog

Bathroom Confessions

4ina.jpg

6pm, Lunes, Antipolo, Mansion ni Ina Magenta, sa bathroom:

About two hours earlier, naka-receive ako ng text from Ina Magenta:

"Emergency. Pumunta ka sa bahay. Now na. Magdala ka ng chicharon."

Two hours later, nasa bahay na niya ako. Kahit umuulan ng malakas, nagpunta pa rin ako. Ganun kami eh.

Si Pearlee, ang dakilang yaya, ang nagbukas ng gate.

"Yung amo mong lukaret?" tanong ko.

"Nasa chee-arr," ang sagot niya.

Hangos akong pumasok sa loob ng bahay.

Binuksan ko ang pinto ng banyo.

Andun sa loob si Ina Magenta, nakaupo sa tabi ng lababo, nakasando, panty, and for some reason, shiny silver heels.

Tahimik lang siya, kinakagat ang mga kuko ng kaliwang kamay niya, nakatingin sa tiles sa sahig.

"Don't tell me your big emergency is diarrhea?" tanong ko, pabiro.

Wala siyang imik.

Pumasok ako sa malaking banyo niya, at saka ako may natapakan na maliit na kahon sa sahig.

Pinulot ko. Binasa.

Napatingin ako kay Ina Magenta.

Napatingin sa kahon.

Napatingin uli kay Ina Magenta.

Nakatingin siya sa akin. Namumutla.

Binababa ko sa sahig uli ang kahon, dahan-dahan. Parang bomba.

Wala akong maisip sabihin.

Naupo ako sa malinis na tiles. Binuksan ko ang chicharon na dala ko.

Bumaba ng lababo si Ina. Naupo sa harap ko.

Sinimulan naming kainin ang matabang chicharon.

"Say something," sabi ni Ina Magenta, ngumunguya, "Anything na walang kinalaman sa kahon na yan."

Nag-isip ako.

After a moment, "Kamusta ka na?"

Umiling siya, "Wag tungkol sa akin. Tungkol sayo dapat ang pagusapan natin."

"O di ikaw na ang magtanong sa akin," sagot ko.

Nag-isip siya, "Kamusta si Schoolboi?"

Kumagat ako ng chicharon, "Okay naman. Nasa bahay. Pogi pa rin."

Tumango siya, "Madalas ba kayong mag-sex?"

Binato ko sya ng chicharon, "That is none of your fucking business."

Tumawa siya, "Siguro araw-araw noh? Warat na warat ka na siguro."

"Eeew! Gross mo!" sabi ko, tumatawa din.

"May parte pa ba ng katawan mo ang hindi nadadampian ng ano niya?"

"Yuck! Kadiri!"

"Wag kang pa-virgin please lang!" sabi ni Ina.

Kaunting katahimikan uli.

Pumasok si Pearlee, naglapag ng inihaw na liempo at sawsawan sa tabi namin. Lumabas uli.

liempo.jpg

"This is not the most hygeinic place to have dinner, don't you think?" tanong ko.

"Huwag kang maarte, kayo nga ni Schoolboi eh nagkakainan," sagot ni Ina Magenta.

Binato ko siya uli ng chicharon.

Inisnab ako ni Ina. Inabutan niya ako ng plato. Napilitan ako kumain.

Nagtanong si Ina ulit, "Bakit antagal mo nang di nag-bo-blog?"

"Nawalan ako ng gana eh," I answered, truthfully, "Or maybe, nawalan ako ng inspirasyon sa pagsusulat. Maarte man pakinggan pero totoo."

Tumango siya, "Eh kamusta naman ang libro mo? Matatapos na ang June wala pa ang launching?"

Lumagok ako ng softdrinks, "Mahabang istorya, basta delayed ang launch for the meantime. Legal matters with the publisher achuchuchu."

"Pero lalabas pa siya," tanong niya.

"Oo naman," sagot ko, "Hopefully, before mag-August."

Tumango siya.

"Kamusta naman ang imaginary boyfriend ko na si Trainer Marlon?" tanong niya.

marlon.jpg

"Okay naman, nasa Davao, pogi pa rin," sagot ko.

Tumango siya.

Tahimik ako.

"May problema ba kayo ni Schoolboi?" tanong niya, nag-aalangan, "Masyado bang malaki yung kanya? Hindi mag-kasya?"

"Bastos, hindi noh!" sagot ko.

"So kasyang-kasya ang kaniya sa yo?" kulit pa niya.

"Would you stop asking about his penis size, please???" sagot ko.

"Fine fine fine!"

Tahimik uli kami.

"Kilala kita eh, pag ganyan tahimik ka, may iniisip kang tao," sabi ni niya, "Kung hindi si Schoolboi, eh sino?"

Tahimik lang akong ngumunguya.

"Beks, huy, sino iniisip mo?" tanong niya, habang pinapahid ang mantika mula sa kamay niya sa shorts ko.

Sinagot ko siya.

Pero di ko maisusulat dito kung ano ang sinabi ko.

Some things are just too private, even for me whose life is, to you dear readers, an open book.

"Naku, malaking problema nga yan," sabi ni Ina.

"Ako lang ba ang may problema?" tanong ko, "Ikaw? Ano na? Sasabihin mo ba sa akin ang resulta?"

Huminga siya ng malalim. Tumayo, at pumunta sa medicine cabinet sa ibabaw ng lababo.

May kinuhang kung ano sa loob. Bumalik sa sahig sa harap ko at inabot sa akin.

positive.jpg

Tumingin ako sa kaniya, "Hindi ko alam kung paano i-interpret ito."

Ngumiti lang siya, "Okay lang ba sayo maging ninang ng anak ko?"

Ngumiti rin ako, "Matagal ko nang pangarap maging Fairy Godmother."

Posted by callboi 00:06

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Homaygaaaaaassssshhh!!!!!!

May time ka pa para mag-patahi ng gown!

Ang cute ni trainer Marlon.... tingin ko, between him and me... kasya lang.

Hihihi!

Nga pala, Congratulations sa buntis.

:)

by Miss Chuniverse

Woohoo. Fairy godmother it is, Bookie!
And congrats to Ina Magenta.
PS. Looking forward to the launch of your book. :)

by neen_yoww

super <3 this blog of urs....

by cookai

Congratulations! Babies are always a blessing.

Bookie, mag blog ka lagi ha.. Namimiss ko magbasa ng entries mo.

by csadviser

sabi na kay chuni ang comment na yun eh. kay landeeeeeee! charot!

bookie, sana next time ikaw na ang may laman ang bahay-bata! mwah!

by nox

I agree that all babies are blessings. Buti naman nag-update ka na buqui. Akala ko pinatay mo na itong blog mo. Sa inyo ni schoolboi, kahit na sinong tao pa kausapin mo walang ibang makakaresolve nyan kundi kayo lang.

Sana naman mapadalas ang update mo dito.

by akosidiosa

Ina Magenta - Congratulations for having a new angel.

by akosidiosa

Ngasab na ngasab ko ang entry na to. Putek, tagal kong naghintay. Palong palo pa rin opkors. Love you both.

by Desperate Houseboy

welcome back bookie, welcome also to Ina Magenta's baby.. wish her well.. and you also, whatever you are going through.. but I'm sure you'll be fine...

by kumagcow

I'm glad to read a new entry bookie, wish you well and to ina magenta at sa tagapagmana ng kaharian ng mga diwatang nasa kanyang womb :)trainer marlon reminds me of korean actor joo jin mo karakas nya po nya :)

by yehosua

Grabeh ka Bookie! I missed you soo much, I was exploring other Blogs in search a same writing style pero WIT...no one can ever replace you, Im soo happy you're back...

Btw, so happy na kayo pa rin ni SchoolBoi, kala ko kse X na sya kaya ka nawalan ng gana mag Blog...hehe...

as for Ina...grabe ah, sexy pala ni bakla, from her writing style and your verbal exchanges I was thinking na ...well lets just say na way different from the body you posted....hehe...as for her being Preggy, please extend my congratulations, and to you as well, for being the ninang hehehe...

btw, please keep us updated about your book, I cant wait to buy a copy...

again, welcome back Bookie, WE Truly Missed You!

by LoudObsrver

Hay salamat! New entry from Bookie! Missed your entries na beks... Looking forward sa book launching :)

by Avee

Lam nyo I tried to publish my blog sa site n to.. hindi xa masama noong may ma un.. please anyone help me please... thank you

by lopp

thank God you're back! :)
congrats pala ina magenta!

by davaofan

Hi Bookie, all the way from Down under-Perth Western Australia! Yup, nakarating na ang "popularity mo" out here amongst the Kangaroos and Koala Bears.
If I may say so, Si Ina Magenta lang pala ang kaiangan para mag balik-blogging ka... ahahahahaa, and some heavy news too huh! Good on yah girlfriends(Both of yah)!

I do understand completely the annoying complexities of Intellectual Copyright ek ek,So am sure, ma-settle din ang lahat para mailabas na ang "first Born" mo bookie,(Mauunahan ka na ni Ina Magenta, he hehe)albeit, hers will be real baby!( hopefully!)

I will still email you regarding the possibilities of having your Blogs read as part of a Gay/Lesbian Festival in Sydney next Feb 2012, ala Vagina Monologues, but wtih drag impersonators in between each readings.
Im hoping to call it just:
Dairy of Callboi, CALL CENTER CONFIDENTIAL.
Sana maka-kuha kami ng funding, we might be able to invite the author- BOOKIE BUQUIR of course!

At any rate, I will keep you posted.
Cheers for the space and time.

Cheers,
Nitoy

by Nitoy Chan Jr

Congratulations to Ina Magenta!

Nice to have a new blog from you, Bookie! Post mo yung details ng book launch mo ha? I'd love to buy a copy of it and have it signed by you. Hehehehe

by Choirboy

The way you write is amazing. Nakakaaliw yung blog posts mo. I am following you for sure :)Colorful,entertaining. at iba pa. And hey I hope you could take sometime too to drop by my page din. Hoping to get tips from you. and besides I might try your job din in the future. :P this is my blog pala. http://beanythingbutaverage.blogspot.com/ kinapalan ko na yung mukha ko. but seriously, your cool dude. :D

by blogee

Make your own life more simple take the <a href="http://bestfinance-blog.com/topics/credit-loans">credit loans</a> and everything you require.

by JohannaBurris

i took that shot of tito marlown! teehee.
amishu bookiebeetch.

by baogers

waw! the reason kay adumadami mga becks! HAHA congrats

by jce46

winona ryder! congratula, ina magenta! kahit super waiting for tonight akez sa susunod na blogelya mo, bookie, keribels lang. kabog talaga yung pagkakasulat. aylabet!

pa-kembot naman ulit ng aking blog. maraming salamas! mwah!
http://yakapnihugs.blogspot.com

by hugs

grabe, pagka antay antay namin ng fren ko ang book mo Bookie, alam mo bang nag aaya pa siya na dumalaw kami sa PeopleSupport in chance na ma meet ka? ganun cia ka lukaret sa u :), sa bandang Philam building kami, sana out na book mo girl

by radhia

bookie!!!
It's been sooo long!!!
I'm here across he street , RCBC, 14th Floor...
I've told my friends about your blog and they love it!!!!
Sana lang laging may update...

TC

xoxo

by e_sasha

wow if that is ina magenta's pic then she's pretty hot!

by icarusboytoy

I miss this! Glad you have another entry to read. =)

Dami cuteness sa side nyo the last time napadpad ako. Haha ><

by averyspecialagent

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint