A Travellerspoint blog

Eyeball

overcast

mogwai.jpg

Tumingin ako sa cellphone ko.

630PM.

Sumenyas ako sa waiter, "Isa pang beer."

Tumunog ang cellphone. Nag-text si Schoolboi.

"I'm home na. Where are you?"

Napakagat-labi ako. Nag-reply, "Sa office pa. Overtime. I'll see you tomorrow na lang."

Dumating ang beer ko. Nag-sindi ako ng yosi.

Kinakabahan talaga ako sa gagawin ko.

I rarely meet up with strangers whom I've met online. In fact, I think this would only be the second time.

Pero malakas ang pangangailangan kong makipag-kita sa stranger na ito.

I even lied to Schoolboi for him. And I haven't even seen this guy's face.

I don't know why, pero gusto kong sikreto ang gagawin ko. Sikreto sa ngayon.

Nasa Mogwai ako sa Cubao Expo. Kaunti lang ang tao, puro mga kalalakihan na mukhang mga skaterboys.

Walang aircon, pero may malalaking ceiling fans. Presko naman. Tsaka gusto ko talaga ang ambiance at pulutan sa place na ito.

Pinili ko itong meeting place kasi alam kong bihira pumunta rito ang mga kakilala ko.

Safe.

Secluded.

Secret.

Kinakabahan ako talaga. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko sa ka-meet up ko.

Around 645pm, may taxi na tumigil sa labas ng bar. May bumabang lalaki.

Matangkad siya, medium-built, at may kahabaan ang hair. Siguro, mga 22-25 years old.

Pero higit sa lahat, pogi siya.

Tumingin siya agad sa akin at kumaway. Naka-ngiti.

"Ampogi talaga," naisip ko.

White shirt and denim pants ang suot niya. Simple lang. Dinaan lang talaga sa fez ang porma.

Lumapit siya sa puwesto ko.

"Hi Bookie," sabi niya, naka-extend ang kamay, "Sorry late ako. Ang traffic eh. Tsaka di ko kabisado tong place."

Kumamay ako, "Okay lang yun. Mark, right?"

Ngayon pa lang, nararamdaman ko na ang pagka-utal ko. Naiinis ako sa sarili ko, everytime may kausap akong pogi, bumababa ang IQ points ko.

"Yup, um-order ka na ba? Baka di ka pa nag-dinner?" tanong niya, habang nagpapahid ng pawis sa noo.

"Hindi, okay lang ako, pero um-order na ako ng pulutan kasi masarap yung Crispy Dilis dito."

"Ah okay," sagot niya.

Tapos, tahimik lang kami. Awkward moment.

Natawa ako bigla, "I really don't know what to say in this situation. This is a first for me."

Ngumiti siya, "Ako rin. First time ko tong ma-experience."

Tapos, tinanong niya ako, "Alam ba ni Schoolboi na nandito ka?"

"No, sabi ko nasa office ako doing overtime," sagot ko.

Tumango siya.

"Alam ba ng boyfriend mo na andito ka?" tanong ko naman sa kaniya.

Umiling siya, "Sabi ko makikipagkita ako sa college friends ko."

Tumango ako.

Katahimikan.

Nagpapakiramdaman kami. Halata kong kabado din siya.

"So, shall we begin?" tanong niya, nakatingin sa akin, at saka ko lang napansin kung gaano kahaba ang mga pilik-mata niya.

Napalunok ako ng laway.

Tumango ako.

To be continued...

Posted by callboi 01:06 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Paksyet! Ang tagal hindi nag blog tapos "to be continued pa"! hahaha!

by miss chuniverse

alam ko na ang ending nito...hahaha

by pretty_haryeeth@yahoo.com

Pakshet Bookie! tama si Miss Chuni...sa tagal tagal ba naman n2ong post na to! haha sana d naman month long ang aantayin namin for part 2...GJBJ! Ano kaya tong sekreto mo?hehehe =)

by LoudObsrver

Nak ng.! Daig mo pa ang Mara Clara sa pagkabitin ng istorya. I'll see you on Monday. I miss you bookie.

by @psymooon

hala may ganong eksena.

april fools?

by Nishiboy

Welcome back Mr. Bookie! Been reading your entries for quite sometime now and boy am I happy that you're back after a long break! I do hope you post more about schoolboi naman (hihihi). Do take care!

by JohnM

anakanampupu :( bakit bitin? nangangayayat na ko dahil wala na kong vitamins mula sa pagbabasa ng entry mo tapos ganito pa. lasunin mo na ko booqui...hehehe

by dhouseboy

ive been checking your blog everyday..and sa wakas! nakapagpost ka naden.. kaya lang bitin.. saket sa puson.. Lol

I am an avid fan.. Ive been reading your blog since 2008ish i think.. or 2009..basta.. matagal na akong fan mo..:)

by girlwholovesgirls

OMG buqs, super bitin nmn itong post mo, pinaka aabang abangan ko pa nman.. hays. excited nko para s continuation nito..

by bruhilda

Welcome back! kelan ang part 2?

by pukersha titichi

Masarap ang crispy chicken neck sa Mogwai.

P.S. Gusto rin kita ma meet Bookie :D

by CalleJuan

Kagaya ng ibang reader, matagal akong nag-antay ng bagong post tas bibitinin ako. Pambihira! Sana hindi umabot ng May bago mapost ang kadugtong.

by anon

Heheh kaya guys you have to be at bookie's book launch! =)

by kumagcow

Bitin ang kwento! more more....

<a href="http://www.thecuisineuer.com/">The Cuisineuer</a>
<a href="http://romepedia.blogspot.com/">Romepedia</a>
<a href="http://cruiseuer.blogspot.com/">Cruiseuer</a>

by Rome

i hate this line..

to be continued...

by shallet

Buquiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii.. BITIN...............

by akosidiosa

Bitin. :(

by acousticsinger

hi bookie...
graveh 02/18/2011- 04/01/2011.
graveh ang tagal, tapos BITIN pa.....
super bitin.....

bookie nga pala pumunta ko dyan sa manila two weeks ako,
kaso lang di ko naka pag email, gusto ko kasi ma meet ka in person.
btw, naka panuod pala ako ng NEXT TO NORMAL play sa RCBC theater. akala ko nakita kita dun kasi may malaking lalaki akong nakita dun, ikaw talaga ang nasa isip ko. heheh peace!

God Bless!

by jon_of_cebu

anubayan!!!!!!!!!!!

kulang!!!!!!!!!!!!!

by nOx

goshhhh...kabitin nmn nung post na un..
hahahhhhh

by mian

Nakakabitin... Na-i-imagine ko na parang tumigil ang oras mo... hahahaha.. I love it... Ill wait for the next entry.

by Princess Purakikinang

ano? nagpakulot ka sa isang hairstylist na ngayon mo pa lang nakilala?

by mandayamoore

Oh hello! On the off-chance you might post I visit and THIS?! Lol very nice surprise indeed :) When you say "tall" btw how tall exactly? And if this story is imaginary, you are sick and should stop immediately (hint: I don't mean that, just say everything is true and keep writing, ignorance is bliss)

by Ghost

@Ghost: I honestly don't get your comment.

by callboi

@ callboi anu daw sabi ni Ghost? haha saang english galing yun? Communications Trainer Please help ghost badly he needs one.

by gossipgay

hi.. first time ko mag comment but I've been reading your blog since last year. Paano ba mag email sa iyo Bookie? (feeling close? hehe).. please let me know. Thanks

by lovelessakohuhu

Since hindi ko ma-access ang gmail ko, sa office email ko na lang, hehehe: ryan.buquir@ph.aegisglobal.com

by callboi

Im just noticed that pasha.scolboi and bookie have a past lovelife...I am right? Ang cute siguro ni schoolboi kc always xa ung center of all story they published

by franz

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint