A Travellerspoint blog

Nagmamahal, Ina Magenta

sunny

May sasabihin ako sa inyong secret.

Simula nang maging si Bookie at si Schoolboi, lagi na lang silang busy.

Busy sila sa work, busy rin sila sa isa't-isa.

Lagi silang nakakulong sa office, lagi rin silang nakakulong sa kuwarto ni Schoolboi.

Siguro nag-ba-bible study silang dalawa. Sa kama. Ng hubad.

Kaya siguro madalas nanginginig ang mga bilbil ni Bookie. Kilig na kilig ang leche.

Lalo na nung Valentine's!

Hay naku, kulang na lang pumutok ang mga taba ni Bookie sa kilig!

At dahil inggitera ako, pinilit ko silang dalawa na isama ako sa Valentine date nila. Kebs kung epal ang dating.

oap.jpg
pic from OAP

We started with dinner sa Chelsea's sa Bonifacio High Street.

Andaming bading.

PDA galore ang mga hitad. Pero si Bookie, pa-demure.

Wiz niya raw feel ang PDA.

Insecure siguro si Taba kasi mukha siyang tiyuhin ni Schoolboi.

"You're the cutest one here, believe me," ang sabi ni Schoolboi.

"Sheynk hyoo," ang sabi ni Taba. Pa-virgin.

"Pero mas maganda ako sa kaniya, di ba?" ang tanong ko kay Schoolboi.

Binato ako ni Tabachoy ng breadroll.

IMG00665-2..14-1952.jpg

After dinner, nanuod kami ng dalawang movie sa Powerplant.

The Rite tsaka Burlesque.

Parehong boring.

Dehins nakakatakot ang The Rite.

Mas natakot pa ako sa itsura ni Cher sa Burlesque at parang lugaw na matabang ang storya ng movie.

Si Christina feeling pa-cute thru out the movie. Sarap sabanutan sa keps. Pasalamat na lang siya maganda ang boses niya.

241.jpg

At pasalamat na lang sila na kasama sa movie si Cam. Kundi dahil sa abs niya at biceps, baka nagwalkout na ako.

Borlogs nga si Bookie at Rich habang inuubos ko ang popcorn, siomai, at Jamaican patties na binili namin for the movie.

And take note, holding hands pa rin ang dalawa habang tulog sa sinehan. Kinailangan ko pang ilawan ng cellphone ko ang kamay ni Taba just to make sure na kamay lang ni Schoolboi ang hawak niya; alam niyo naman si Bookie, mabilis ang kamay.

After the movie marathon, pumunta kami sa isang 24-hour coffeeshop to make tambay.

IMG00672-2..15-0157.jpg

Nag-frappe lang ang dalawa.

Ako, light snack lang:

IMG00669-2..15-0157.jpg

May inabot na regalo si Schoolboi kay Taba:

532.jpg

Tuwang-tuwa ang keps ni Taba kasi matagal na pala niyang hinahanap yung mga librong yun (ang totoo, before Valentine's, madalas siyang magparinig kay Rich na itong mga librong to ang gusto niyang gift. Hindi ko maintindihan kung bakit surprised na surprised pa ang potah nung matanggap ang books).

Actuaaaally, may isa pang gift si Schoolboi kay Bookie pero Tabachoy made me promise na di ko na isama yun dito. Private daw eh.

No, dear readers, di po etits ni Schoolboi ang regalo, ang green-minded niyo lang.

Habang nagbubulungan yung dalawa sa cafe, naglalaro naman ako ng Angry Birds sa Ipad ni Schoolboi.

Mahilig talaga ako sa galit na ibon.

Nung mag-a-alas singko na ng umaga, nagsabi si Schoolboi na ihahatid na raw nila ako sa bahay ko.

"San kayo pupunta?" tanong ko, nakataas ang isang kilay.

"Uuwi na rin," sagot ni Taba, "Matutulog."

"Uh-huh, suuuure," sagot ko, "Matutulog. Okay."

I'm sure natulog sila. Sa kama. Ng hubad.

Posted by callboi 05:20 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Oh Bookie!!! I am so happy for you! This blog from Ina took the gloominess of my day.

by shobegale

Aylabhet Ina Magneta. Si Bookie na ang dyosa ng mga araw na yun. Sorry kung runner up ka lang pero ikaw pa rin ang reyna sa puso ko. ching.

by Desperate Houseboy

Bookie = 1
Ina Magenta = 0

by kumagcow

Sila na? WTF? May namiss ba ko? Waaah!

by lloydy gaga

Ang ganda naman ng pagkakasulat..At ang ganda ng taba ni bookie..Buhok mo yata ang natapakan ko nung valentine's day sa leyte.

by akosidiosa

Wow! Wow! Ikaw na! Ikaw na! BTW, nakita kita nung isang araw sa lobby, nagbabasa ng text. Tapos nakangiti ka ng magandang-maganda. Siguro si Schoolboi nagtext sayo noooo? =)

by sugar_snap

Galing! So excited for your book!

by

wow,,,gusto ko yung linya ni Rica na Angry Birds,,,kasi meron din ako sa PC nun,,nilalaro ko sya araw araw,,,eheeeheee,,,,gosh kainggit naman si Bookie may labidab na...I really love this blog,,naka bookmark ko pa nga sya sa chrome ko eh,,,,more blogs pls,,,,

by oli

nice one bookie, I'm happy for both of you. sna tuloy tuloy na yan...

by bruhilda

Hi bookie, ikaw na talaga...ü kakatuwa nman, sana dis is it moment na talaga yan.. So happy for you and schoolboi...ü xcited na q sa book mo...ü

by ms. avaya

kaazur ka namench! inggit akezra ng bonggang bongga!!

by jake254 sa PR

PERFECT! sana habang busy si bookekay kay schoolboi ikaw na muna magupdate samin kung ano na nangyayari kay keps. para kahit papano eh updated kami. ahahah peace. labyall!

by pukersha titichi

i like it!

by GreenZagi

i'm a long time reader of bookie's blog. Uber kaenjoy magbasa and uber happy sa lovelife ni bookie. Kung mahaba lang ang buhok mo natapakan ko na hanggang dito sa bahay namin ang hairlaloo mong prang bagong rebond sa ganda gaya ng lovelife mo!!! sana naman ipakita mo na si schoolboi.. ng madami ang maglaway. hahaha!!!!

by yen

panalo talaga si ina magenta.. buti na lang anjan si siya taga update ng blog ni bookekay.. Nakalimutan na tayo kasi may lablyf na.. IDOL... hahaha

by joshualde

Nakakaloka ka ina magenta sobrang tawa ako ng tawa hahahahahaa :p Buquir miss u girl! sobrang slim mo na lately at ang iyong hair kakabugin ang buhok ni KC Concepcion sa commercial ng Palmolive hihihihii :p

by missindia

ang tagal kong ndi nakabasa ng mga entries mo..ang dami kong namiss..

Bookie, Sa sunday, ipapabasbas kita, ipapabinyag at bibigyan ng bagong pangalan...Rapunzel!

by kneeples

LOL @ "Mahilig talaga ako sa galit na ibon." simula pa lang love ko na si ina magenta :))

AND bookie, i so so hate you na talaga. ikaw na talaga ang prettiest among them all.

http://backward-forward.blogspot.com/

by nOx

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint