A Travellerspoint blog

Kilala Mo Si Richard, I Swear.

sunny

ina.jpg

1:30AM, midnight snack with Ina Magenta goes a little something like this:

Siya: (Habang naka-upo sa tapat ng bukas na ref) Eto lang pagkain niyo dito? Kaya pala balingkinitan ka na.

Me: Mukha ba akong nabawasan ng timbang?

Siya: Oo, dati kasi apat ang baba mo. Ngayon tatlo na lang. Anung ginawa mo sa pang-apat? Ginawa mong sinigang?

Me: Gaga.

Siya: (Naglabas ng malamig na pasta) Eto na lang kainin ko.

Me: Choosy ka pa, teh? Wag ka na magreklamo at hindi na kami nakapag-grocery kahapon ni Richard kasi pagod kaming dalawa kahapon.

Siya: (Tumatawa) Bakit? Anung ginawa niyo para mapagod? Nag-Bible study ng nakahubad?

Me: Gaga.

Siya: (Tahimik na kumakain pero halatang may iniisip)

Me: Anung iniisip mo diyan?

Siya: Para kayong matandang couple.

Me: Anung ibig mong sabihin?

Siya: Magkasama kayong nag-gogrocery, magkasama kayong nagshoshopping, magkasama kayong matulog, magkasama kayong jumajamming sa kama.

Me: (Tahimik lang)

Siya: So, I guess, kayong-kayo na nitong Richard na to?

Me: (Umubo) Well, we are very very close.

Siya: Bakla, tayong dalawa, close tayo. Yung ex ko na malaki ang etits, close pa rin kami, yung teacher ng anak ko, close din kami kasi mataas ang grades niya. Pero kayong dalawa ni Richard, hindi kayo close. Mag-dyowa kayo.

Me: (Hinga ng malalim)

Siya: Ano? Deny ka? Subukan mong i-deny, uututan kita.

Me: Basta, ano, ganun. Yun.

Siya: Ikaw pala ang choosy eh.

Me: Hello? Sa itsura kong ito, ala akong karapatang maging choosy.

Siya: Cute ka naman ah. Kamukha mo si Bayani Agbayani na tumaba.

Me: Thanks, you're so kind.

Siya: Thank you, you're blind.

Me: Why am I blind?

Siya: Well, hindi siguro blind. Siguro super takot ka ngayon.

Me: ....

Siya: Takot kang maging super duper over sa pagka-inlove kay Richard.

Me: ....

Siya: Kasi ayaw mo nang masaktan? Feeling virgin ang potah.

Me: (Tango lang)

Siya: Hay naku beks, ibahin mo si Richard. Kilala mo si Richard, I swear.

Me: I know, I know, he is just the nicest person, and very sweet.

Siya: Pero? Feeling ko may pero.

Me: Walang pero.

Siya: Sure ka? Baka delayed telecast lang ang pero mo.

Me: Weeeell, lagi namang may pero di ba?

Siya: So ano nga ang pero mo this time?

Me: Pero feeling ko di kami bagay.

Siya: Aaah. Don't tell me, dahil pogi siya at ikaw ay... well, not pogi pero adorable?

Me: Adorable? Ano ako, stuffed toy?

Siya: You know what I mean.

Me: Siguro yun na nga. Pag nasa mall kami, parang ang tingin sa amin ng ibang tao, mag-ama, or tiyuhin niya ako.

Siya: (Hinga ng malalim)

Me: What? Am I being silly? Petty?

Siya: Hindi. Tanga ka lang talaga.

Me: Ouch ha.

Siya: Beks, tignan mo si Richard. Tignan mo ikaw. Magdiwang ka, bakla! Ganung itsura ang gabi-gabi mong nilalafang! Dapat magpa-misa ka! Dapat magsayaw ka sa Obando. Dapat magdontate ka sa charities to share your wealth!

Me: Alam ko naman yun eh.

Siya: In addition, ma-swerte din naman si Richard sa yo eh. Sa sexy mong yan, lahat ng kurba ng katawan mo, bawat bilbil, pwede niyang gawing ulam yan pag naghirap na siya.

Me:
Tanginamo.

Siya: (Tumatawa ng malakas)

Me: I guess I just don't want to jinx this one. Gusto ko special na to.

Siya: I know, me too. Sana ito na beks. Tapos pag kinasal kayo, ako ang maid of honor. Ang theme dapat pink and brown kasi bagay sa complexion ko yun. Tapos backless ang gown ko ha.

Me: Atat ka masyado, miss.

Siya: Ikaw? Backless din ba ang isusuot mo sa kasal mo?

Me and Siya: (TAWANANG MALAKAS)

(Bumukas ang pinto ng kusina, sumilip si Richard)

Richard: What are you both laughing at? (nakangiti)

Siya: Ito kasing backless mong dyowa. Mapag-pantasya.

Me: Hoy ikaw kaya! Sorry, Richard, go back to sleep. Sunod na kami in a few.

Richard: (Habang nagsasara ng pinto, palabas ng kusina) I think mas gusto ko nung Schoolboi pa ang tawag niyo sa akin.

Siya: So hindi na ba Schoolboi ang tawag mo sa kaniya?

Me: Nope.

Siya: Ano na? Don't tell me! Alam ko na! Loverboi!

Me: Eeew! Ano siya, taxi driver?

Siya: So anung tawag mo sa kaniya?

Me: Wala. Richard.

Siya: Anung tawag niya sa iyo?

Me: (pabulong) Babe.

Siya: (Pinipigilan ang tawa) Babe? As in Babe the Gallant Pig?

Siya and Me: (TAWANANG MALAKAS)

Posted by callboi 21:14 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

awww.....
i love it...
am happy for you...
congrats, bookie!

by LeeSilver

awww! nice...

by ronan

ang cute .. sana keo n nga ,,

congrtas bookie ..

:)

by cute03

Keber sa sasabihin ng iba, Books!

(feeling close na naman ako)

Basta ang mahalaga, masaya kayo. =)

Happy for you!

by rumorboy

Shet. Ang saya. Sobrang saya. Akala ko iba tong Richard na ito, si Schoolboi din pala.

http://noypingmayaman.blogspot.com/

by Patrick Dacanay

OMG! congrats! may love life ka na...

napa OH my gas! talga ako i swear!

by shenanigans

inggit much! Ang saya ng feb. 14 mo! Anong plano?

by sheytlang

sheeet!!! ang ganda mo bookie.. sa hinaba haba ng prusisyon sa echos din pala ang tuloy..

by uglyalien

Oh my God! Hindi ko 'to kinakaya!

by Orly

Imbis na matawa ako, naiyak ako para sa yo. Ang gandang love story, sana ito na ang happy ending.

(Mejo nagselos ako ng konti kasi pinantasya ko din si Richard noong schoolboi pa siya kahit di ko pa nakikita.)

Hangsarap gawing movie ng love story mo buqui. Much love. -houseboy

by desperate houseboy

Haha! Nakakatawa naman si Ina Magenta!

havent met the rest of the characters.
im a new follower. hope to hear more from them in the future!

www.thepinkfence.blogspot.com

by Reina

I so loooovvvveeeeee this entry! :)

by wave13

Hala. Putashet buqui. Ang ganda mo. Goodluck sa relasyon. Sana your one of those couples who will prove that forever does exist.

Best Wishes.

http://akosidiosa.blogspot.com

by akosidiosa

Wapak! Hahaha... Tawa much! Ang saya talaga pag nag uusap kayo ni Ina Magenta, feeling ko tuloy mag barkada na tayo... LOL Haha

Happy for you! Langya! Akala ko naman ipinagpalit mo na si schoolboi kay Richard, ang ending.. iisang tao lang pala... Shet naman! Kilig much ako... haha :)

Callboi <3 Schoolboi
Together... Forever! [labteam?]

Haha! Thanks for making me :) sa entry na to.... Hahaha

by acousticsinger

Bookie,

I love your story and I love the way it was written. Conversations really add more color and life to a narrative.

It looks like it is a happy new year for you. I am glad.

I hope you won't let your worries about how you look like get in the way of your relationship. The only thing that matters is you love each other.

=)
Kane

by Kane

P*ki mo mam!!!! ikaw na ang pinakamaganda!!!!! hehehe

congrats bookie! :)

http://backward-forward.blogspot.com/

by nOx

OMG! Kinapos ako ng hininga! Super kilig for you! Ang haba ng hair sa kili2x, di ko kinaya!

by haliparot

OMG! Kinapos ako ng hininga! Super kilig for you! Ang haba ng hair sa kili2x, di ko kinaya!

by haliparot

lagi ko inaabangan updates mo. pag may time ka naman try to visit my blogsite

http://yakapnihugs.blogspot.com

by hugs

lagi ko inaabangan updates mo. kwela, kulit at kilig ang mga eksena. pag may time ka naman try to visit my blogsite

http://yakapnihugs.blogspot.com

by hugs

kinikilig ako bookie!

don't worry kung hindi pa kayang i-define kung ano ang meron kaya ni richard ngayon.

what matters is that you are together.

by john stan

ampt!!! sa wakas,natuloy din ang love story nyo! im so happy! hayz..hope to see you both in person na magkasama..yihi! kilig!

by grief_stricken_

finally! very happy for you both. the important thing is what you feel for each other. wag na mag effort i label. words lang yon. =)

by rising mark

congrats bookie. :)

by honeyjoy

You are sooooooooo lucky! and so is he.

Please pasilip sa wedding ha. hehehe! =)

by Miss Chuniverse

GRABEH!!! If i wasnt in the office napatili na ko!! Haba ng hair mo talga! hahaahaha....so so so happy for you Bookie! I hope it all works out! I know you deserve to be super happy! Cant wait to see you at your book release party!

(actually tumili nga ko, pero slight lang at dinaan ko sa ubo para d obvious...LOL)

by LoudObsrver

Theme song nyo dpat ay " Just the way you are". Kainggit!!! ikaw na! ikaw na!

by pinkee

OMG! OMG! OMG! kayo na!!!

im so very happy for you! as in super duper happy :)
napatili ako ng slight!!! at naluha..sa sobrang tuwa.. :)

wala na dapat effort na maglabel..basta masaya kayo.. :)

by van cornel

  • faints* syet Bookie super kinikilig ako. And i am happy now that you found the man of your dreams. I wish you guys the best! sana ma meet ko kayo ni Richard soon. Super fan mo ko! :)

akosimiguel.blogspot.com

by Miguel

oh shitsssssssssssss ahahhaa...kaya pala algi akong napapatid dito, may kung kaninong hair na kakalat kalat, ang haba haba haba kasi!!!! weeeeeeeeeeeeeeeeeee...

so happy for you! u deserve to be happy! dont fuck it up! LOL

by SOLTERO

ang ganda ng love story mo bookie!

by ccslave

Weeeh! Kayo na ni schoolboi! Kinilig ako para sayo! Stay inlove bookie!

by Eklavern Klang Klang

Ayluvette!!! Kayo na pala ni Schoolboi! Congratsi! :)

by avee

OMG!mapapasigaw ka talaga!nakakaloka!I want to know pano kayo nagging kayo?give details Kung papano naging kayo so schoolboy!updates updates updates!we want to know more more more more!pls pls! Abot hanggang FLORIDA ung news na yan bookie!

by Diosa

Oh my 'effin God! I reli tot i missed one entry in ur blog cz i ddnt knw hu richard was then BANG c schoolboi din lng pala. Syet. Inggit ako. Im sure he makes u fil lyk ur d "only girl in the world." im so happy for u both.

by Kenneth

ilavet! oh well...congratulations buquir at nakahabol ka sa luv month... btw a friend of mine is a close friend of yours.... she's looking forward to your book launching.... and she mentioned na it's the sinigang pala during the days na nasa peoplesupport pa cia.. clue... mahilig cia sa chinese community.

by pepperminttea

oh may gad my water just broke sa surprise ha! congrats!

by parteeboi

u'r a celebrity in ur own right! m nt rily into blogs inintroduc lng cia skin ng isa s mga frends ko. bt there's 3 of u n binak-read ko tlga & up until now eh inaabangn evrytm me new posts, soltero's, darcdiaries & of course u buqui. u guys nevr fail 2mke me, laugh & vice-versa. ds post mde me cry, tz a hapi endng i knw bt it stil mde me cry. at sobrng inggit ako sau. ang haba ng herang mu te, mula sorsogon ng-round3p pblik mnla. m dfinitly gona get a copy of ur book.pki-post nmn po wen it'l b out.i hop & pray dat i find my schoolboi as wel pro sna sooner n.hihi.tc buqui",mwaahugsmuch.

by summer

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint