A Travellerspoint blog

One Stormy Night - Finale

sunny

bed1.bmp

Hello Dear Readers,

Happy New Year!

To start 2011, eto, finally, ang final entry sa aking teleserye.

Sorry it took so long. "Someone" was very much pa-diva when it came to the deadline of this entry.

But as promised, here is Ina Magenta's conclusion of what happened during that "One Stormy Night."
===========================================================

Dear Readers ni Chabelitang Bookie,

Pabayaan niyo akong magsimula sa umaga after ng inuman.

Pag-kagising ko, nasa sahig ako, nakahiga sa sahig. Si Pearlee, ang aking faithful yaya, nakahiga sa tabi ko, ang ulo niya naka-unan sa tiyan ko, tumu-tulo ang laway.

Tinulak ko siya palayo at tumayo. Masakit ang ulo ko. Hangover.

Tumingin ako sa mamahaling orasan sa pader.

630AM.

Dumiretso ako sa kusina. Nagmumog sa lababo. Nag-hilamos.

Nagtimpla ng kape.

Pag-daan ko sa kuwarto ko, nakabukas ng slight ang pintuan.

Pagsilip ko, dalawang lalaki ang magkatabi.

Parehong topless.

Parehong tulog.

Magka-yakap.

Hmmm, ang naisip ko.

May narinig ako sa labas ng bahay. May bumukas ng gate.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa front door.

Binuksan ko ang pinto bago pa niya na-abot ito.

Nagulat siya.

"Saan ka galing?" tanong ko.

"I bought pandesal," sagot niya, pinakita sa akin ang plastic bag na dala, nakangiti.

Pumunta kami sa kusina, pero bago namin narating yun, sumilip din siya sa pinto ng kuwarto ko.

Pinagmasdan din niya ang dalawang lalakeng natutulog sa kama.

Walang imik rin siyang tumuloy sa kusina.

Nilapag niya ang bag sa lamesa at kumuha ng isang tray na itlog at isang blokeng keso sa ref.

"Anung lulutuin mo?" tanong ko, inabot ang tinimpla kong kape, at naupo sa may ledge sa malaking bintana ng kusina, at nagsindi ng yosi.

Malamig ang hangin na pumapasok sa bintana.

Tumingin sa akin ang kausap ko, ngumiti, "Cheese omelette."

"Sushal," sabi ko.

Wala pa rin siyang imik. Tahimik lang na nagbabati ng kaniyang itlog.

"Okay ka lang?," tanong ko.

Tumingin siya sa akin, "Of course." Ngiti uli.

Balik sa pagbabati.

"Ano ba nangyari kagabi?" tanong ko, bumubuga ng usok.

Nag-grate siya ng keso sa isang plato. Walang imik.

"Huy," sabi ko.

Tumingin siya sa akin, "Tell me, what do you remember?"

What do I remember?

I remember Schoolboi's question: "Bakit si Roman? Bakit hindi ako?"

Parang lumubog sa batya ng tubig si Buquir, basang-basa ng pawis.

Namumutla.

Si Pasha naman, tahimik, pabalik-balik ang tingin mula kay Schoolboi at papunta kay Buquir.

Nag-shot muna uli si Buquir. Tapos, nag-shot pa uli ng isa pa.

Pagkatapos ng dalawang shot, kasing pula na niya ang mga nipples ko.

Nag-pahid siya ng bimpo sa mukha bago sumagot, dire-diretso, halatang wasak na sa lasing:

"Mahal ko eh. Ganun talaga. Mahal rin naman niya ako, pero not the way I love him. My love for him burns with the fire of a thousand suns, pero friends lang kami dapat talaga. Mali talaga ako. Maling-mali. Pero ganun talaga. The heart wants what it wants."

"And you don't want me?" tanong ni Schoolboi.

Tumigil ang hininga namin ni Pasha.

"Of course I do!" sagot ni Taba, nanginginig ang mga bilbil, "I mean look at you! Pero mas want ko si Roman. And I don't want you enough to erase that. I'm sorry. I want Roman, pero I don't want to have him. Friends lang dapat. Kaya nga ako lumayo sa kaniya eh, di ba?"

Iba-iba ang reaction namin.

"Masokistang bakla," ang sabi ko.

"Martyr," ang sabi ni Pasha.

"I can relate," sagot ni Schoolboi.

"Realleesh?" tanong ni Taba, lasing-lasing ang beauty, nag-shot na naman.

"Yeah," sabi ni Schoolboi, "The chase is so much more enticing."

Sumingit si Pasha, "Are you saying I didn't have you chase me enough?"

Nagulat si Schoolboi sa reaction ni Pasha.

"Awkwaaaard!" sabi ko naman. Hinampas ako ni Taba.

Hinawakan ni Schoolboi sa kamay si Pasha, "Pash, you and I both know that what we had, it was good. But that was it. It wouldn't survive for long. You'll always be special to me, and alam kong it's the same way for you with me. Pero, yun na yun eh. Right? Might as well end as friends bago pa maging super bitter tayo sa isa't - isa."

Natigilan si Pasha, "Wow. That was brutally honest."

"Hurt ka?" tanong ko, "Na-hurt ba ang vajayjay mo?"

"Slight lang, pero he's right siguro," sabi ni Pasha.

"Ang sabihin mo makati ka pa kasi sa higad na may allergy sa dahon kaya di talaga kayo pwede mag-tagal ni Schoolboi," sagot ko.

Hindi nag-react si Pasha. Alam niyang totoo ang sabi ko.

Si Buquir naman, bagsak sa sahig, natutulog, nakabuka ang bibig, nakalabas ang bilbil.

Di ko napigilang tumawa. Mukha kasi siyang natutulog na buntis na Sharpei.

Kinurot ako ni Pasha.

"Paano natin dadalhin sa kuwarto itong si Taba?" tanong ko, habang nagsisimulang magligpit ng mga kalat at dalhin ang mga ito sa kusina.

Pagbalik ko, si Pasha na lang ang naka-upo sa sahig.

"Saan na yung dalawa?" tanong ko.

"Schoolboi just carried Buquir to your bedroom," sagot niya, tulala.

Napamaang ako, "Binuhat niya?"

Tumango si Pasha.

"Binuhat niyang mag-isa? Walang gamit na dump truck or crane?" tanong ko uli.

Tumango uli si Pasha.

Nagkatinginan kami, tapos sabay na tumakbo papunta sa kuwarto ko.

Dahan-dahan naming binuksan ang pinto at sumilip. Naka-bukas ang nightlight ko kaya aninag namin ang loob.

Tulog si Buquir sa kama. Nakanganga. Walang suot na t-shirt pero may shorts naman.

Si Schoolboi sa tabi niya nakahiga, tulog din at topless.

Naka-unan si Buquir sa ma-muscle na braso ni Schoolboi.

Pareho silang basag sa alak.

Anlakas humilik ni Buquir. Nag-va-vibrate ang walls ko.

"You think they're gonna do it tonight?" tanong ko, natatawa.

"Anong it?" tanong ni Pasha.

"It! Mag-buburda ng barong!" asar kong sagot na pabulong, "Ano pa bang IT ang sinasabi ko kundi sex!"

"I doubt it," sagot ni Pasha, habang dahan-dahang sinarahan ang pinto, "And if they do, wala na ako dun."

Tumingin ako sa kaniya, walang masabi.

"What?" tanong niya.

"May puso ka rin pala," sabi ko, "Kala ko kasi puro puson ka eh."

Tumawa siya, "Yang puson mo ang problemahin mo, lumalaki na siya."

Hinampas ko ang braso niya, "Saan ka tutulog ngayon? Baka di kayanin ng kama ko ang threesome pag nakisama kapa kina Buquir."

"The sofa's fine with me. You?"

"Dun ako sa kuwarto ni Pearlee. Sa bathtub ko na lang siya patutulugin. Sanay naman siya dun eh."

Tahimik si Pasha habang inaayos ang mga throw pillows sa sofa.

"Okay ka lang?" tanong ko bago lumabas.

"Oo naman," sagot niya, "It will be morning in a couple of hours, and I don't think I'll be able to sleep. Ako na bahala sa almusal later."

Tumango ako.

The next day, gaya ng sabi niya, si Pasha ang nagluto.

Sabay dumating si Buquir at Schoolboi sa kusina.

"Ansakit ng ulo ko," ang bungad ni Buquir.

"Mine, too," sabi ni Schoolboi, "What happened last night?"

"Eh kasi naman grabe yung sex na ginawa niyo kagabi!" sabi ko.

"EXCUSE ME WALANG NANGYARI!" sigaw ni Taba.

"We know," sabi ni Pasha, natatawa, "Wasak na wasak kayo kagabi."

Naupo silang dalawa sa harap ng lamesa. Pinagtimpla ni Schoolboi si Buquir ng kape.

Si Buquir naman, nag-butter ng toast at inilagay ito sa plate ni Schoolboi.

Natural lang ang kilos nila.

Sweet. Parang mag-dyowa lang.

Pero promise, dear readers ni Buquir, walang nangyari sa kanila nung gabing yun.

NUNG GABING YUN HA.

But that's another blog entry in itself.

Anyway, salamat, Buquir, for giving me another chance to write in your blog.

Kinikilig ang keps ko para sayo.

Pero I'm sure, mas happy ang keps mo lately.

:)

xoxo,

Ina Magenta

===========================================================

follow on Twitter at @bookiebuquir

Posted by callboi 05:35 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Ang haba ng hairrrr!! :) haping happy ang 2011!

by aubreybaby

Wow! Maganda rin mag narrate si Inang Mother Magenta! =)

I♥U na! Haha

Panalo ang mamahaling orasan sa pader!

by rumorboy

IKAW NA!

by vherns

saan kaya blog ni ina magenta haha natatawa ako hihihihi XD

by jb

If Bookie and Ina Magenta would really try, they could probably write a very funny yet romantic movie. Nice entry!

by Jay

Buquir, pwede po ba mahingi number ni Ina Magenta. Gusto ko sana siyang maging kaibigan, textmate o kahit PA niya. (seryoso ako kung papayag po siya)

by Adrianus

New fan, been backtracking your entries through the holiday, this blog is now a part of my start-up tabs :)

Please keep writing your awesome stories!

by Ghost

Hehehe... sensya na makulit ako sa twitter... hehe =)

May I quote from this post

"Pero promise, dear readers ni Buquir, walang nangyari sa kanila nung gabing yun.

NUNG GABING YUN HA.

But that's another blog entry in itself."

now that is another entry worth waiting for huh?! Heheh

by kumagcow

FINALLY! i love love love this entry, i think prinolong lang ni Ina Magenta submission nya for the sake of giving us all a wonderful present for the New Year...good to hear you are doing well Bookie, we really missed you! Hope to see another entry soon! Happy New Year Bookie! God Bless!

by LoudObsrvr

so worth the wait! love yah ina magenta! and i hate you bookie! masyado kna maganda! hahahahaha!

by nOx

finally! ive been dying to read this final entry! can't stop smiling while reading your blog! till next time! :)

by davaofan

'teh, sa'yo na muna suklay ah! ingatan mo.

by orly

OMG! bookie, kelan ang release ng book mo, papa autograph kami :)

by radhia

hi buquir!!! omg omg omg i am such a big fan of your blog. winner talaga ang beauty mo. sulok ang beauty naming lahat. hay naku, once i visit pinas papa-picture at autograph ako sayo!
keep it up. you've got such an amazing personality and you make the people around you very happy. you're life is very interesting. more specifically, your love life. super kilig. hinambalos mo ang mga lovelife naming lahat (lol)
xx!

by kat

Hahaha! I love Ina Magenta. Haha. Natatawa talaga ako. Lalo na sa part na to:

Kinikilig ang keps ko para sayo.

Pero I'm sure, mas happy ang keps mo lately.

Shit! Hahaha... :) Astig!

LOL, Peace and Love!

by singer

dear bookie,

sana tumigil ka na sa pagsusulat sa blog. atupagin mo ang libro. pwede si ina magenta nalang muna? mas marami kasi syang ibinubulgar e.

hehehe

by mandayamoore

Very well written.. Bravo to this entry.. Ang ganda. Sobra

by streytako

Nice ending to a very controversial entry!! Kaso bitin eh!!! More!!!!!

Kaw na!! Kaw na!! Happy New Year!! :)

by vancornel

haaay ang tagal pero ok lng sulit na sulit kudos to Ina Magenta! and to you Buquir after reading this masyado kang naging hot sa mata ko kasing hot ni Meagan Fox hahahahaha :p mishu Buquir :)

by missindia

grabe ansaya.. hindi lang ako napangiti napahalakhak pa.. Galing ni Ina Magenta talagang kasing pula daw ng nipples nya ang face ni bookie nung nag blush! (parang hindi naman)!!!

by uglyalien

Galing ni ina magenta!!! worth it ang paghihintay namin ng finale!! pero mukhang may kasunod pa....mas madami pang irereveal na secret si ina magenta!!!! naloka ako sa mamahaling orasan sa pader at pulang nipples!!! at nahimatay ako sa KEPS!!! bwahahahah

by Randy

walang kupas si bookie!

http://confessionsofpawnchew.blogspot.com/

by pawnchew

Bookie, ang galing ninyo magsulat ni Ina Magenta. I'm a fan of your blog.

by James - M.I.

finally... thank you for posting the finale... we've waited for this!

by pepperminttea

it was like watching a movie. even Pearlee has a face. I saw Ina Mgenta's spaghetti-strap tank top and other characters' body parts. lol. fun fun fun. :) hope to know Ina Magenta too. :)

by parteeboi

it's like a fairytale... i'm happy for bookie and schoolboi... i know ina magenta is also happy for the two of them... i'm proud of pasha... sana ako din ano? magkaroon ng ganyan lovestory... but i think what i can do is to wait for the right person... follow me on twitter -- @justin_agramon

by justin08cebu

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint