A Travellerspoint blog

No Regrets.

sunny

Last Friday morning, naka-upo ako sa may lobby area ng Peoplesupport waiting for a delivery from The Sandwich Guy.

Patay na patay kasi ako sa Peanut Butter and Banana Sandwich nila eh. Dalawa nga ang in-order ko eh.

Habang naghihintay, pinagmamasdan ko ang mga aplikante na nag-iintay sa may tapat ng reception.

Andami. In fairness, andami pa rin talagang nag-a-apply sa Peoplesupport.

Nakakatuwa naman.

May naupo sa katabi kong upuan. Isang babae. Medyo chubby. Di ko kilala. Pero cute siya.

"Hi Bookie," bati niya, nakangiti ng medyo may halong nerbyos.

Ngumiti ako, "Hello."

"I love your blog," sabi niya.

Why does this happen whenever I'm alone, isip ko, no wonder my friends think I'm making this up.

"Thanks, I love it, too," biro ko.

"Sayang ni-block siya ng HR ano?" sabi niya.

Tumango ako, "I'm sorry, what's your name pala?"

She shook my hand, "Cherry. Forever na ba siyang blocked?"

"Feeling ko forever," sagot ko, "Kasing forever ng mga bilbil ko."

To be honest, it didn't surprise me na na-block na siya. Ever since I started writing this blog 3 years ago, I've been expecting HR or IT to block it.

I mean, let's admit it, my blog's hardly company-friendly.

"Sad naman," sabi ni Cherry.

Tumango ako, "I think they had no choice. Medyo naging violent ang reaction ng mga tao sa entry ko. I heard someone even used a cutter to scratch X's on the faces posted in our elevator of some very prominent people in our company."

"Yeah, I saw that poster, na-schock rin ako," sabi niya, "Sana wala na lang ganun."

"Agree," sabi ko, "Sana rin hindi nagpost yung ibang readers ng racist comments and profanity."

"But what can you say about the new payroll policy?" tanong ni Cherry.

"Well, it's definitely better than the first one they rolled out," sagot ko, choosing my words carefully, "I can honestly say it's the lesser of two evils."

"True, thank God for your blog at narinig nila tayo," sabi niya.

"I'd like to think it was a team effort," sabi ko, natatawa.

"Nabasa ba talaga ng management yung entry?" tanong niya.

"I heard oo daw," sagot ko, "Some of them even had to use Google Chrome para lang ma-translate into English yung mga comments eh."

More small talk.

Before Cherry left, she asked me one more question:

"Tingin mo, uunti na ang magbabasa ng blog mo sa office dahil naka-block siya?"

I sighed, "It's a definite possibility. Feeling ko, siguro mababawasan ang mag-cocomment. Pero alam mo naman ang mga call center agents, kung anung bawal, yun ang madalas ginagawa."

She smiled, "I'll keep reading, don't worry."

I smiled as well.

I'm not worried at all.

=====================================

P.S.

Sorry for the lack of posts. Nanunulungan na naman kasi ako sa training department eh, kaya medyo Loren Haggarda na naman ang lola niyo.

I can promise you this, though, I will post Ina Magenta's version of "One Stormy Night", the third and final installment before the end of this week.

Ciao!

P.P.S.

BTW, walang halong sarcasm, pero I would like to thank HR for being able to get Mickey Perz as a judge sa Idols Dance contest natin.

For the past two Friday nights, I've been asking him for a picture. He is just the cutest thing ever.

Ito ang mga resulta:

1.bmp

2.bmp

Pansin niyo? Lagi kaming terno?

Mahal ko na siya.

We are soooo meant to be.

Posted by callboi 03:08 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

nice pics..:)

by RxR

No regrets, my dear. What you did was amazingly courageous. Chin up!

by iheartbookie

kung nasa katwiran ka naman, i don't see any reason kung bakit nde mo sya dapat i-post and besides for the welfare of the many naman yang ginagawa mo. kaya ako ingat rin ako sa pag-blog sa office kasi maraming matang nakatingin, baka mamaya maglagay ako ng against sa image ng firm eh auto block at termination agad makukuha ko.

by Jinjiruks Ikari

I'm waiting for the third picture. ☺ Sana nga terno pa din kayo until Finals ng Idol.

by PancitCanton

Well for what its worth you now know the power of words. It wouldn't be the same effect if you just wrote your HR with pen and paper though. May kasamang embarrassment pag online nalaman ang kanilang faults. Anyway, that story is done.. let's look forward to that new entry you were talking about. I'm sure that'll be a hit. I'll buy your book too =) and publicize that on my blog as well =)

by kumagcow

yay! first comment ko to sa blog mo at gaya nung babae mahal ko rin blog mo =) kapag na publish na yung libro mo punta ka naman dito sa cebu magpapapicture ako hehehe!

by jb

I agree with Jinjiruks , tapos bad trip pa kasi I learned di pala namin kayo pwedeng irefer sa company namin.
kung nagkataon.
hahhA!!

A friend of mine did that to another company...
Everyone patted him at the back, thanks for doing that, it may not seem good to the eyes of some people, but something has to be done. and spiderman's suit may not suit you, but the line "great power comes with great responsibilty" does. and also being a hero too.

by vondraye

I'm impressed. Your workmates really read you... and your ... uhm... personal life =)

Congratulations Bookie. Something to be proud of for this year eh? Changing the world, one blog at a time.

And ang ganda ng litrato.

Kane

by Kane

so, 'Martial Law' pala ngayon dyan sa inyo.

buti na lang nandyan si Mickey to cheer you up.

tama, mahalin mo na sya.

by Ms. Chuniverse

kahet naman iblock ng IT ang blog mo bookie we can still find ways para mabasa mga latest entries.. nakakawala ng stress and ur blog keeps me alive the whole shift.. ^_^

by peeps

Hi, napadaan ulit sa blog mo. I'm one of your tons of followers eh. Sayang naman nablock ang blog mo but I'm glad you're heard. I just hope I can do that sa office ko at ma-hear naman ako/kami :-) I'm also waiting for the 3rd installment of the One Stormy Night hehe... Btw, gwapo ng nasa pic ha. :-)

by Avee

imaginary friend na naman yan noh? haha. kidding! pakicheck surveillance video kung totoo to. :D

im glad yer writing again. its been too long.

by clarissa

Thank goodness buqui, your back to regular programming. Ilang linggo na akong depressed dahil sa kawalan ng mababasa sa blog mo..ahihi..Bagay kayo teh. Sa sahod sponsor ako, pagupitan natin yan mahabang hair mo.

by streytako

i'm glad your back Bookie! keri lang yan. ang mahalaga, hindi nauubos ang talent mo.

pero kung kukunin mo sa akin si Mickey, pasensya ko ang mauubos.

Oo! si Orly 'to!

by orly 'to

wafu ni mickey

by buendiaboy

OMG!!!!! at last your back... i miss reading your blog and Ive been dying to read the 3rd part na....

thanks for replying sa email ko... i really thot u had health issues.... good na mali pala ako...

by Reese

Hi Bookie, an officemate introduced me to your blog, she said, you read call center confidential and you will enjoy reading it. True enough! na hook na ako sa blog mo. Very candid, honest and sincere, full of emotions too. Too bad your HR blocked your site, pero sabi nga nila, the more na hinihigpitan, the more na nagwawala at hahanap at hahanap ng paraan. You're doing the right thing at marami kang napapasaya. Good luck and more power!...BTW, i'm waiting for the part 3 of "one stormy night". he he he...cheeerrrssss!..

by Zac Fernandez

Bagay kayo frend...bagay na bagay!

by kimpet♥

ikaw na talaga ang sikat! ikaw na ang bina block ng HR! bwahahahah..(teka tingin ba nila sa inyo wlang DSL sa bahay at di na mababasa ang blog mo? hmmp!)

teka, blog ko ba blocked din jan? LOLs

ahahaha CHING!

by soltero

...bOokie, bSta uNg prOmiz mOng part 3 ha!!! dOnt 4get.. sNa tiLL sAturday meron na!.. off q n kC.. ;))

by illdie4him

so buquir feeling mo ba talaga nabawasan ang nagbasa ng blog mo dahil ni bloc ng IT? I dnt think so tingnan mo comments oh naguumapaw wehehehe :p ang wafu ni mickey hihihi kakalaglag pustiso wehehhe :p

by missindia

buqui, ang tagal ng post mo.sabi mo last week yun. Post mo na teh

by streytako

Bookie.. wala pa ren po bang new blog?! hmmmm..ü

by toasted_17

ang haba na ng dry spell... :(

by belle7063

bookie..post ka na ulit...=)

by pogi_boy

guys, im not sure if y'all know, but bookie is in the hospital, and fyi its also his birthday in a couple of days, so instead of bugging him for another post, lets all wish he gets better and to wish him a merry birthday and a happy christmas, we love you Bookie! GET WELL SOON!

by LoudObsrvr

naku naman.... its really so sad na nablock yung blog. ito na lang ang kaligayahan nating mabasa kapag fed up na sa mga irate callers at mga stressful situations in & out of the floor. but still, babasahin apdin namin toh. what ever it takes! hahaha... hope to see you on the floor bookie!

by encoder

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint