A Travellerspoint blog

One Stormy Night - Part 2

storm

tequila.jpg

10PM, Antipolo, Bahay na Bato ni Ina Magenta:

Malakas na bulahaw ang maririnig na umaalingawngaw sa buong bahay.

Kasabay ng malakas na buhos ng ulan sa labas.

Si Ina Magenta, sa may living room, kumakanta sa videoke ng lahat ng mga kanta ng bandang Aegis.

Back-up singer niya ang yaya niyang si Pearlee. Sintunado sila pareho pero wala silang pakialam.

Pinapanood namin sila nina Schoolboi at Pasha, nakaupo kami sa makapal na carpet ng living room.

Dedicated kami sa pag-tetequila shots namin.

Medyo distracted ako at kabado. Naiinitan ako, actually.

Ito kasing si Schoolboi at Pasha, after the seventh shot, nagtanggal na ng mga t-shirts nila.

So eto ako ngayon, napapaligiran ng dalawang lasenggerang babae na kumakanta, at dalawang malapit nang malasing na semi-naked and sexy na bading.

At may bagyo pa sa labas.

Sometimes, funny talaga ang buhay, ano?

"Ang bilis ng tagay!" ang malakas kong sabi, pinapaypayan ko na ang mukha ko.

Ngumiti si Pasha, "It's better this way, so when we play Spin the Bottle later, we'll be as honest and brave as possible."

Tumawa si Schoolboi. Napalunok lang ako.

"Oi mga beki! Ako naman!" ang sigaw ni Ina Magenta na pagewang-gewang na naupo sa tabi namin. Si Pearlee na lang natirang kumakanta ng "Total Eclipse of the Heart."

"Great, let's start the game!" sabi ni Pasha.

Naupo kami ng pabilog, ganito ang set-up:

Clockwise, from the top, si Pasha, Ako, si Schoolboi at si Ina Magenta.

At si gitna namin ang isang bote ng tequila na may laman pa.

Kada spin ng bote, pag-sayo nakaturo, tagay ka straight from the bottle, and then choose between Truth or Dare.

Got it? Good.

Sinimulan ni Pasha ang ikot.

Kay Schoolboi tumuro.

Kinuha niya ang bote, tumungga, at binalik ito sa sahig. Mapulang-mapula na ang mukha niya.

Papikit-pikit na rin siya. May tama na talaga.

"Truth or Daaaare?" tanong ng malanding si Ina Magenta.

"Truth," sagot niya, nakatingin sa sahig.

Kumakabog ang dibdib ko. Ewan ko kung bakit.

"I'll ask the question," sabi ni Pasha, seryoso ang face.

"Shoot," tumingin sa kaniya si Schoolboi.

Basang-basa na ang kili-kili ko sa kaba.

Huminga ng malalim si Pasha at nagpahid ng panyo sa mukha bago nagtanong, "Do you want to get back together with me?"

Tahimik kaming lahat. Si Ina Magenta, naka-labas ang dila, parang sabik na sabik.

Ako, nakatungo lang, kunyari naglilinis ng kuko ng paa.

Mga limang segundo bago sumagot si Schoolboi, "Honestly? Yeah. Pero I don't think we will. Or we should."

"Why not?" tanong agad ni Pasha, pero wala akong mabasang emosyon sa mukha niya kung na-offend ba siya or hindi.

"One question only per spin," sagot ni Schooolboi, nakangiti, sabay ikot uli sa bote.

Ikot. Ikot. Ikot.

SHEEET.

Sa akin nakaturo.

Kinuha ko ang bote at tumungga ng marami-rami.

Pagbaba ko ng bote, si Ina Magenta ang humirit agad, "AKO ANG MAGTATANONG!"

"Fine," sabi ng dalawang hot na beki.

"Pag niligawan ka ba ni Schoolboi ng seryoso, sasagutin mo ba siya?" tanong niya, nakataas ang parehong kilay.

Muntik ko nang kunin ang bote at ihampas sa mukha niya.

Hindi ako makatingin kay Schoolboi, pero kay Pasha ako tumitig bago sumagot ng walang pag-aalinlangan, "Definitely."

"I thought you love Roman?" tanong ni Pasha.

"One question per spin," sagot ko, sabay ikot sa bote.

Ikot. Ikot. Ikot. Kay Schoolboi uli.

Abot ng bote. Tungga.

Si Pasha ang nagtanong uli, "Why do you think we shouldn't get back together?"

Tumungga uli si Schoolboi, bago sumagot, dahan-dahan, sinusukat ang mga sinasabi, "Hindi matatahimik ang utak at puso ko sayo."

"What do you mean by that?" ang tanong ni Pasha, a little indignantly.

"One question only per spin," sagot ni Schooolboi, nakangiti, pinalitan ang bote ng bagong bote ng vodka na bagong bukas.

Ikot. Ikot. Ikot. Kay Ina Magenta nakaturo.

"AKO ANG MAGTATANONG!" sigaw ko. Shit, I am way too drunk for this, isip ko.

"Oh aber, anong tanong mo?" sabi ni Ina Magenta pagkatagay ng vodka.

"Yung totoo, masaya ka ba sa Davao?" tanong ko.

Sa laking gulat naming tatlong mga bakla, bigla na lang napaluha ang puta.

"Grabe ka naman, first question pa lang, dramatics na agad," sabi ko, sabay abot ng panyo sa kaniya.

"Masaya ako sa pamilya ko, oo, pero I am suuuper bored there as well," sagot niya, humihikbi.

Tahimik kami. Si Schoolboi ang sumira sa katahimikan, "Go ahead, spin the bottle."

Tumingin sa amin si Ina Magenta, napatigil sa pag-iyak, "Yun lang ang tanong niyo?"

"One question only per spin," sagot naming tatlo.

"Tangina naman bitin ako," sabi niya, pero inikot niya ang bote.

Ikot. Ikot. Ikot. Kay Pasha nakaturo.

Tumingin kami ni Ina Magenta kay Schoolboi.

"Ok fine, I'll ask the question," sabi niya, "Why do you think we should get back together?"

Tumungga si Pasha, sabay sagot, "I never said we should get back together."

Tumahimik lang si Schoolboi.

Pasha spinned the bottle.

Ikot. Ikot. Ikot. Ako.

Tungga.

Nagtaas ng kamay si Pasha, siya ang nagtanong, "You think mas bagay kayo ni Schoolboi?"

Shit. Shit. Shit. Shit. SHIT.

"Of course not," no hesitation on my part. Although hilong-hilo na ako.

Inikot ko agad ang bote bago pa siya makapag-salita uli.

Ikot. Ikot. Ikot. Schoolboi.

Tungga.

Si Pasha uli ang nagtanong, "You think mas bagay kayo ni Bookie?"

Tinakluban ko ang mukha ko ng mga kamay ko. Too much. Too much.

Narinig kong sumagot si Schoolboi, mabagal, parang binibilang ang mga letra, lasing na kasi.

"I think, if Bookie and I were a couple, he'd eventually break up with me because he's still so in love with Roman," sagot niya.

Tinanggal ko ang mga kamay ko sa mukha at tumingin sa kaniya, nakangiti siya sa akin, pero malungkot.

Sinira ni Ina Magenta ang moment, as usual, "Boooookla! Ang haba ng hair mo! Umabot sa Maynila tapos nagroundtrip pabalik dito!"

Tinignan ko si Pasha. Mukha naman siyang okay. Nakangiti naman.

Hmmm. Interesting.

Ikot. Ikot. Ikot. Ako.

Si Schoolboi ang magtatanong.

Kinabahan ako lalo. Doble ang tinungga ko.

"You okay?" tanong niya.

"Is that your question?" sagot ko.

"No," he said, laughing a little, and putting his hand on my knee.

His body was too close. Too close. Ramdam ko ang init ng katawan niya.

Bakit ang init ng kuwarto? Bakit ang init? Bumabagyo naman? Bakit pawis na pawis si Schoolboi pero mabango pa rin?

Yan ang mga iniisip ko habang pilit iniisnab ang init ng katawan ni Schoolboi.

"Narinig mo ba ako?" tanong ni Schoolboi.

Nagtanong na pala siya.

"What was the question, sir?" tanong ko, natatawa.

He looked at me seriously, and I was staring at his red red red lips when I heard him ask me, "Bakit si Roman? Bakit hindi ako?"

Shit. Shit. Shit. Shit. SHIT.

.
.
.
To be continued.

Follow me on twitter: @bookiebuquir

Posted by callboi 04:07 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

bookie, part 3 na, bilis!!!!! shit shit shit bitin ahahaha

by takeshi

Shit naman! Nakakabitin Bookie! More more!!!

by shobe

natawa ako..sobra.
kainis..bitin.

by khelly

shit.shit.shit.shit. Asan ang semi naked na picture nila pasha at schoolboi.? Im sure meron yan ipost mo na please! Hahahaha part 3 na!

by sheytlang

ang gandaaaaa! parang pinasalon!!! - Mama Ricky Reyes

by parteeboi

ang haba ng hair mo bookie!!!

by happywith5

OMG! Hahahaha...

by malditonagwapo

like like ina magenta..
haba ng hair mu bookie..
clap clap

by amnion

OMG! Kinikilig ako... putcha.. next part please... The pressure, the intense is killing me... lols! NEXT!!!

by Darkmaster

galing.. love the thrill and I'm laughin my ass off here at work! ganda ganda mo bookie hahahaha

by Mr Hush

bakit ba parati mo nalang kaming binibitin? naexcite ako for part 3!

by ellyrb

"Muntik ko nang kunin ang bote at ihampas sa mukha niya."

Dito sa part ako tumigil magbasa at tumawa ng malakas magisa hahaahahaha XD

by kumagcow

excuse my french Bookie, but PAKSHET KA!! talk about a major cliff hanger! I am soo addicted to your blog! part 3 na please! hopefully before all saints day ha! cuz i swear if part 3 is after, we(your readers) will all die in anticipation!

by LoudObserver

TAMA! Grabe sakit na ng puson ko...
Hindi ko na mahintay ang susunod na kabanata?! hehehe!

Ang pinaka magandang ice breaker:
"Boooookla! Ang haba ng hair mo! Umabot sa Maynila tapos nagroundtrip pabalik dito!"

Ang pinaka tuwang description nakaka... :
"Bakit ang init ng kuwarto? Bakit ang init? Bumabagyo naman? Bakit pawis na pawis si Schoolboi pero mabango pa rin?"

Ang pinaka nakakabitin na tanong:
Schoolboi:
"Bakit si Roman? Bakit hindi ako?"

Shet! Grabe, maxado na ako naadik sa kakabasa sa BLOGS mo... Minsan na oover break pa ako...

Your Fan from the 3rd floor ops site!

by Darkmaster

sorry kung nakikisawsaw ako... idol ko talaga si bookie... galing mag.blog... part 3...

by mister secrecy

napac0mment ako sa sobrang pagkabitin! So excited for part 3...

by jubully

BITIIIIIIIIIIIIIIIN !!! FUCK !!!

by littlejoco

grabe! nakakaloka! nakaka bitin!

nakakakilig sooooooooooobraaaaaaaaaaaaaaaaaa!

BTW,

thanks for the greetings kinilig ako..

  • not in a romantic way* lol!

by rusell

ikaw na talaga ang dyosa ng blogosphere...akala ko ako, yun poala IKAW!

IKAW NA!!!

ehehhe...kiliggg! :P

by soltero

gusto ko na makita sila schoolboi and pashaaaaaaa!

mas nakakakilig kung makikita na namin sila para mas ma-imagine namin yung scenarios

by rusell

Arrrrrrgh! So much for the anticipation! Shit. Shit. Shit! Bitin!!! Cant wait for the 3rd part! Haba ng hair, taray! Clap Clap Clap!!! Ü

by Hazel

kiki mo green!!! hahah love it!!!

by plok_plok

haaaayyyyy.... ang charot! excited na ko what will happen next. please post your next entry na. ;-)

by Ms. Chuniverse

i hate you bookie!!!!! ang ganda ganda mO!!!!!

by nOx

Clap clap clap with STANDING OVATION!

Ikaw na nga! IKAW NA!

Part 3! Part 3! =)

by rumorboy

bitin!!!!!!!!!!!!!!

by chika

excited na ko sa part 3 buquir..:)

haaays lagi akong tumatawa mag-isa sa station ko habang ngbabasa ng blog mo. thanks

-a fan of yours from Maldives

by cielo lunas

grabe kakabitin!!! kainis!

by cadbury

Yeah! BITIN!!!
MORE! MORE! MORE!

by Darkmaster

I love it!

Suspense, Comedy, Love story!

medyo may spice of horror pa pala... at talgang bumabagyo!

at sana may R18 hahaha!!!

by vondraye

kainis nabibitin ako, asan na ang part 3 bookie / kapanapanabik naman ang ending nito, sana lang nde fiction huhu

by Jinjiruks Ikari

Bookie!!!!!!!

"Basang-basa na ang kili-kili ko sa kaba". Hindi lang pala ako nakakaranas ng basang kili kili pag kinakabahan, LOL!

Ngayon naman wish ko lang mabasa kili kili ko......wahhhh ang lamig

miss ko na ikaw,ang mala bear hug ko sayo at pag daitin ni thelma and louise sa katawan mo, LOL!!!!

Love you Bookie :)
MWUAH!!!!

by Mrs. B.

OMG.... please... part 3 na .... plsss......

by Reese

nakakakilig oo but at the same time nakakalungkot.

by chi.

ang ganda ganda mo naman Bookie :D

by ambrosia

wow..kakilig aman toh..
hehe..part 3 n..

by zdahr

shet bookie!!! i super miss u!!! hugs hugs hugs...
i like this 2 entries,my sense i mean, namiss lang kita jan naiimagine tlga kita habng umiinom ka and kinikilig at the same time..i can imagine ur facial expression...hmm...malandi ka!!!miss u much...

by katso

bitin po asan na po ang susunod please.... and post there pictures sana hehehehe more power

by manilaboy

waaaah shit shit shit talaga....

kilig,,

cant wait

by chaddiboi

MY GOD!!!!!!!!!!

yun lang.
bow.

part 3 pleeeeeeeeeeeeeaseeeeeeee..............

by encoder

Pakurot nga sa singit!!!
Balingkinitang-balingkinitan lang ang beeeeeeetch! :)
Kainggit ka. Bwiset.

by aubreybaby

OMFG!!! ang haba ng hair mo teh...
@schoolboi.. sna ako na lng.. =) d ka ba tlga npatol sa babae..? =(

by _biatch_

part 3 please... nakakabitin.. galing mO tlg magsulat..
we cant help reading yOur blogs kapag avail at break kme.. ;)))

by illdie4him

hahaha ang cute ng story!!!
nasan na yung part3? next year pa ba ipo-post?????!!!!

by sayonako

just new here, had just signed up a few hrs ago and i'm having a great time reading your blog.

grabe! sa sobrang haba ng hairerette mo, muntik ng mag hang 'yong netbook ko dahil nakasiksik pala in between the keypads 'yong dul ng bangz mo. he3x!

nakakakilig 'yong story, can't wait to read the part 3.

by 2hot4u24get

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint