A Travellerspoint blog

One Stormy Night... Part 1

storm

the_bed.jpg

Monday afternoon, sa airport:

Naghihintay kaming tatlo nina Schoolboi and Pasha sa may labas ng airport. Mga isang oras na.

Masakit na ang paa ko, and as all my closest friends can attest to, I hate hate hate waiting.

"Where the hell is she?" I said, for like the hundredth time.

Minasahe ni Schoolboi ang mga balikat ko, "Relax, she'll be here."

Napansin kong nakatingin sa akin si Pasha, nakataas ang isang kilay sa pagmamasahe ni Schoolboi.

I took a step forward, para makaiwas sa kamay ni Schoolboi; mahirap na ang mapa-away.

Sayang, ang sarap pa naman magmasahe ng mokong na yun (walang malisya, Pasha, promise hehehe).

After fifteen more minutes of waiting, dumating na rin sa wakas ang iniintay namin.

Nakita niya kaming tatlo mula sa malayo kasi kapansin-pansin naman ang katangkaran nina Schoolboi and Pasha.

Malayo pa lang, sumigaw na ang lola mo.

"MGA BAKLAAAAA!" ang sigaw ng punyemas na si Ina Magenta, kinakaway-kaway pa ang kanyang pink scarf.

Nagtinginan ang mga tao sa airport sa kaniya, at hinanap nila kung sino ang sinisigawan ng lukaret na pasahero.

"Nakakahiya," ang nakangiting bulong ko, habang kumakaway din.

Si Pasha at Schoolboi, tumatawa, kumakaway din, pero mga fuck-you signs ang naka-gesture sa kamay.

Sinalubong namin siya.

Niyakap ko siya agad, "Na-miss kita, bitch!"

Amoy Johnson's Baby Cologne ang puta.

"Anlaki ng pinayat mo!" puna niya sa akin.

"At ang ganda mo lalo!" sabi ko sa kaniya. True, lalong gumanda ang lola mo.

Hiyang siya siguro sa Davao. Or sa etits ng asawa niya.

Either way, blooming ang lola mo.

Tinignan niya si Pasha at si Schoolboi.

"So kayo na uli?" tanong niya sa kanila.

Nagtinginan ang dalawa. Naunang sumagot si Schoolboi, "Nope." Nakangiti naman siya.

Nakangiti rin si Pasha.

Tumingin naman si Ina Magenta sa akin at kay Schoolboi.

"So kayo naman?" tanong niya sa amin.

Parang gusto ko siyang tapakan at that moment, at durugin, pero mabilis lang akong sumagot ng "No!"

Tumawa si Schoolboi at sinabi kay Ina Magenta, "Alam mo, I was missing you a lot awhile ago, pero parang gusto na kitang ibili ng return ticket mo pabalik ng Davao."

Sa kotse, magkatabi kami ni Ina Magenta sa likod, si Schoolboi ang driver, at katabi niya si Pasha.

"Anong pasalubong mo sa akin, bitch?" tanong ko sa kaniya.

"Mamaya, slut, pagdating natin sa bahay," sabi niya, "Dala niyo na ba ang mga gamit niyo? Doon kayo lahat tutulog sa bahay ha? Nomu tayo magdamag."

"Yup, we have everything sa trunk, pero let's pass by Hypermarket to buy the liquor and pulutan," sabi ni Schoolboi, "Tequila ba or Vodka?"

"Tequila AND vodka," sagot namin nina Pasha at Ina Magenta.

Pagkabili namin ng groceries and shit (mga limang bag yata ng alak at pulutan ang nabili namin), dumiretso na kami sa bahay ni Ina Magenta.

Her house is, what's the term? Bahay na bato ba? Yung lumang bahay na parang panahon pa ng kastila pero bagong ayos uli.

Maganda siya at presko, anlalapad kasi ng mga bintana at kahoy na makintab ang sahig. Tapos sa liblib na parte pa ng Antipolo, puro bakanteng lote ang katabi ng bahay niya, kaya mahangin talaga.

Ang tao lang nung dumating kami ay ang katulong niyang si Pearlee, isang maliit na matandang babae na mahilig magsuot ng yellow.

Bago kami makapasok sa pintuan, pinatanggal sa amin ni Pearlee ang mga sapatos at tsinelas namin.

"Bagong plorwaks ang saheg, mga madam," sabi ni Pearlee, nakapamewang.

"Oo na, oo na," sagot ni Ina Magenta, "Oh eto ang groceries, magluto ka ng fiesta."

Umakyat muna kami sa second floor sa bedroom ni Ina Magenta.

"Dito tayong lahat matutulog," ang sabi niya.

Isang malaking bedroom. Isang malaking kama.

Isang kama lang. Malaki, oo, pero iisa lamang. May aircon, oo, pero iisa lang ang kama.

"Where's the guestroom?" tanong ni Pasha.

"Anung guestroom?" talak ni Ina Magenta, "Ang natitirang kuwarto na pwede niyong tulugan dito ay ang kuwarto ni Pearlee, at ayaw niya ng may katabi. Claustrophobic ang puta. Dito tayong apat sa malaking kama ko magnonomu at matutulog."

Nagsimulang umulan sa labas. May kasamang kulog at kidlat.

Nakangiti siya na parang demonyo, "At paglasing na tayo mamaya, mag-Truth or Dare tayo ha!"

Oh, God.

Limang bote ng Tequila.

Dalawang bote ng Vodka.

Tatlong bakla.

Isang babaeng bakla.

At isang malaking kama.

Patay.

To be continued...

Posted by callboi 05:11 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

ay gusto ko yan! na miss ko na si Ina Magenta!

by orly

So Ina Magenta is back?? Vacation lang Books??
I wonder what happened after the drinking session.

by shobe

i knew it! the moment you twitted na nasa coffeebean convergys ka...na walang mga lalaki kasi baka takot sa ulan, i instantly thought "may new post to in a while". excited na kasi ako,mas lalo akong naaliw coz completo ang mga Bakla...ehehe...can't wait for part 2!

by daddysgirl

I can't wait for the truth or dare. Truth and dare dapat. Sabay higop ng sabaw ng nilagang manok ni pearlee.

by takeshi

sana sali ako. apat na bakla lahat at isang babaeng bakla. para may scorer.

by parteeboi

Excited na. This is my second comment buquir. Pero nasimulan ko ang iyong blog long time ago na at binasa ko siya ng tuloy tuloy. Im really a fan. Sana makita kita in person. labyutomats...

by Adrianus

cant wait ano nangyari?

by buendiaboy

OMG!!!
Sinong unang susuka?
abangan!!!
xoxo
ΓΌ

by e_sasha

Superb!!! ang galing mo talaga! cant wait the part 2 bookie...

btw, nagpunta ako ng ayala kahapon I was hoping makita kita dun...ahahaha..na sad ako kasi kahit anino mo di ko nakita!!

pag nakita kita di na ako mahihiyang mag pa autograpg at papictue!!! promise yan!

by Randy

lets swap links.Mine is http://filipinom2m.blogspot.com ..page rank 2.alexa rank 700,000..

i hope you like it..

take care,
stefan

by stefan

OMG! Can't wait for the next part...
HEHEHE! Nakakatawa naman! I love the last part...
"Limang bote ng Tequila.
Dalawang bote ng Vodka.
Tatlong bakla.
Isang babaeng bakla.
At isang malaking kama.
Patay."

Grabe ang daming umiikot na katanungan? LOLX! XD

by Darkmaster

OMG OMG OMG! ORGY ITO!

by lady_gaga

Buquiiiii! Part 2 na please!

by wapaks

Loving this!

by john_lloyd

Books! Ano nangyari??? Part 2 na!

by chris_tian

Naiimagine ko kung gano ka-erotic ang pagsama sama niyo sa iisang kama. MMMF. Yumminess.

by krunker

HAHAHA!
Apat magkasalo? Naglalaro ng jackstone. Joke!
Asan na ang part 2? XD

by Darkmaster

Na miss ko si INa Magenta.... its a delight to have her back... i so looking forward sa sunod na entry

by Reese

BOOKIE! I love this new entry, miss ko na rin si Ina Magenta and Im happy that you still have Schoolboi wrapped around your finger, even though you hate to admit it..anyway just wanted to let you know that I saw trainer Marlon @ Banchetto in Ortigas earlier today, his pictures do him no justice, sobrang pogi nga and he was wearing a fit orange shirt...i wanted to say hi but it would have been awkward, he was standing with some friends and i was hoping you were one of them, i waited for a while but he left after 20 mins, but anyway, i hope to run into you soon! i would so ask to take a picture with you and post it on my facebook! my Peoplesupport twin, or at least that's how i relate to you in my head...hahaha....anyyway great entry, cant wait for part 2!

by LoudObserver

taray!

by ric castaneto

asan na ang part 2? sinong unang nalasing at sumuka?..(malamang ikaw yun bookie) :):)

by errol

hi there! i'm jersey, friend ku c yhuan and trainer marlon, yhuan adv me to check this site and for almost 6 months na mgkasama kmi dto s work sinusubaybayan ku ung mga sinusulat mu dto, i really appreciate this kind of things kahit indi tau mgkakikilala at natutuwa aku s mga sinusulat mu dto, nkakatanggal ng stress kc kapag nababasa ku ung mga sinusulat mu, at until now i'm a valid fans of your blog and i'm hoping that one of these days n mgkakilala din tau soon, hoping that we can be goodfriends also, coach marlon know me because of yhuan, sna one of these days maisama mu aku dto s blog mu, ndi aku gwapo at ndi aku panget, bagay lang mukang bagay, ehehehhe joke! GOD BLESS ALWAYS! take care!

by jersey

@jersey: Hellerns! Ikamusta mo na lang ako kina Yhuan and Trainer Marlon! =)

by callboi

ang sarap sigurong kasama ni bookie...
another fan here... jeje...

by mister secrecy

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint