A Travellerspoint blog

Isang Eksena Sa Isang Condo...

overcast

pasha.jpg

10PM, In a condominium somewhere in Makati:

I took a deep breath before I pushed the doorbell.

My heart was pounding and sobrang pinapawisan ako.

No answer.

I pushed the doorbell again.

I heard running noise from behind the door.

It opened.

Si Pasha.

Even though for some reason he was wearing dark shades indoors in the middle of the night, I could see from his face that he was surprised it was me.

I couldn't see if he was angry, though. Di ko makita ang mga mata niya. Pero walang ngiti sa mukha niya.

"Hi," sabi ko. Kabado.

"Hi," sabi niya. Hindi pa rin nakangiti.

Naiilang ako na hindi ko makita ang mata niya pero di ko naman yata kayang sabihin sa kaniya na tanggalin niya yung shades niya, so ang sinabi ko:

"How are you?"

Nag-kibit balikat siya, "I've been better."

Hindi pa rin siya ngumingiti, at di pa rin niya ako inaalok pumasok.

Sabi ng mother ko, kapag di mo na alam kung anung sasabihin mo, wag ka na lang magsalita.

"You may regret your words, but you will seldom regret your silence," she advised me.

So since wala na akong maisip sabihin, tahimik lang ako na nakatayo sa harap ng condo ni Pasha.

I'm sure it only took a few seconds pero it seemed like an eternity before he acknowledged me again.

He sighed, "What do you want, Buquir?"

"I want to talk to you."

"So talk."

Wala akong masabi. Parang may kung anung bato ang nakaharang sa lalamunan ko.

I felt so bad during that moment. Naiiyak na nga ako eh.

I guess nahalata ni Pasha.

He sighed again, "You might as well come in."

I breathed a sigh of relief.

I went in and sat on his green leather sofa.

"You want anything to drink?" he asked.

"Tubig lang," sagot ko.

He left to get me some water and I took stock of his place.

Nagkalat pa rin ang mga paintings niya sa paligid. Abstract. Di ko ma-gets ang meaning pero magaganda.

Sa pinaka-center wall ng living room niya, merong nude painting niya. Very realistic. Very sexy.

I tried not to stare at it too long.

Bumalik siya after a moment, may dalang isang baso ng iced water.

"Thanks," sabi ko.

Naupo siya sa kaharap na sofa. Nakatingin lang sa akin. Suot pa rin ang dark shades.

"Bakit ka naka-shades?" tanong ko.

"Feel ko lang," sagot niya, walang expression sa mukha.

I nodded, "So, kamusta ka na?"

"You already asked me that," sagot niya.

"Oo nga pala," sabi ko.

Tahimik kami ulit. Nakakabingi.

Di ko na kaya.

Huminga ako ng malalim.

"Nothing happened between me and Schoolboi," sabi ko dire-diretso.

"You kissed," sagot niya agad.

"It was only a kiss," I reasoned.

"It's never just a kiss," balik niya sa akin.

"It was in this case," sagot ko.

"You honestly expect me to believe that you two didn't..." simula niya.

"We didn't," singit ko, "Aaminin ko, I wanted to. I really really wanted to."

"So why didn't you?" he asked.

"Si Roman," sagot ko.

"Bullshit," sagot niya.

Nakatingin lang ako sa kaniya.

"Roman doesn't love you," sagot niya.

Ouch.

"Not the way I love him, yes, I know," sabi ko, medyo galit, "What's your point?"

"Schoolboi likes you a lot," sabi ni Pasha, "Nung kami pa, lagi ka niyang bukambibig."

I didn't know that, so I didn't say anything.

"He has feelings for you," mahinang sabi ni Pasha.

"He likes me a lot," sagot ko agad, "Pero yun lang yun. Dyosko naman, Pasha, tignan mo nga ako at tignan mo ang sarili mo. Para akong PA nyong dalawa. To be honest, I think he was using me, not that I minded. He was trying to get from me the attention he craved from you everyday you two were together."

Tahimik siya.

"He was never okay with the open-relationship thing between the both of you, you know," patuloy ko.

Tahimik siya.

Nainis na ako.

"Pasha, you cannot possibly be insecure about me," tanong ko sa kaniya, "Or even jealous."

"Why not?" tanong niya.

Tinaas ko ang t-shirt ko, showing him my sobra-sa-laking tiyan.

Sa wakas, napatawa ko rin siya.

"Your brain more than makes up for it," sabi niya.

"That's something gorgeous people say to ugly people," sagot ko.

"You're not ugly, Buquir," sabi ni Pasha.

"I'm not you, either," sagot ko.

Tahimik siya for a moment, and then asked me, "You love Roman that much? So much na kaya mong tanggihan si Schoolboi?"

I smiled sadly, "Ganun talaga eh. Mahal ko yung mokong na yun. Pero don't worry, I'm slowly working on getting over him. I'd much rather that him and I remain friends. So for the meantime, I've cut-off all forms of communication with him para mawala siya sa isip ko at ma-over ako sa kaniya."

"Buquir, kilala kita," he said, "Matagal bago ka ma-over sa isang tao. It could take a year. Kaya mo ba siyang tiisin for a year?"

Uminom ako ng tubig bago sumagot, "If that's what it takes..."

He smiled at me, "Ask me again the first question you asked me when I opened the door kanina."

Inisip ko for a moment kung ano yun, and then asked, "How are you?"

He smiled, "I've missed you, bitch."

I smiled, naiiyak, "Na-miss din kita, slut."

Posted by callboi 10:00 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Awww.. Ang tapang mo beks! Pero in all fairness, you managed to make him smile. Iba ka talaga. Wish u all the happiness in the w0rld! :)

by shawty.mary

damn! those exchanges! parang mga implied kicks, upper-cuts, jabs, karate punch at isang malaking HADOUKEN! napa.comment tuloy ako. ang galeeeng mo! hands down grabe!

by jb

hay..ang hirap talaga pag SOBRANG GANDA..hirap mamili no? grabeh..
at dahil jan ito ang awitin ko para sau

"Sana dalawa ang puso mo
hindi na sana nalilito
kung sino sa inyo"♪♫♪♫♪♫♪

hahahaha :)

by errol

While you were describing the location; Yung green sofa part reminded me of Ms Mandaya and what happens there hahah XD

by kumagcow

I wish you happiness bookie wherever this is going to go!

by kumagcow

This is sooooooo magKARIBAL!!!

by chekwa28

very intense. nakaka-tense.

by takeshi

hala noh.... i so wonder what will happen next...

"You may regret your words, but you will seldom regret your silence," - very nice and very true

by Reese

aww ang sweet naman nito. so sasabihin mo din bookie walang nangyari sa inyo ni Pasha, pero come to think me point siya na minsan yung personality ang mas matimbang compared sa looks. haba ng hair mo gurl.

by Jinjiruks Ikari

i am so proud of you!

by janie

parang eksena sa telenovela hhehehheh it reminds me of caludine barreto and angelika panganiban confrontation scenes hahhahha!

by just me

Bookie,

Sini ba talaga si Roman? Bulong mo naman sakin pag nag kita tayo. Parang ka level ba yan ni pumpkin?

Love you po
Mrs. B

by Mrs. B.

Ang ganda ng quote ni Inang Mother mo:

"You may regret your words, but you will seldom regret your silence."

This read felt like I was there sitting in front of you while having the conversation. =)

I really don't like confrontation but I've always liked the outcome after knowing the truth and making amendments.

by rumorboy

Nice... So nice Buquir... You made a fan out of me... Keep on writing!

by melodramatic

@kumagcow- yup yup green sofa in mandaya's house along with the green short..
nagkita n pla si bookie and mandaya?
asteeeg..

taray ni bookie..
ganda ng exchanges ng lines..

by amnion

bwahaha napaka intense ng mga palitan ng usap, parang hiniram kay ricky lee hahaha...

pero seryoso, minsan kung sino tlaga ang gusto mo, sya namang ayaw sa iyo...hayyysst :P

by soltero

Gusto ko din makipagbatuhan ng lines sayo buqui hehe so nice.. Excited na tuloi me sa book mo hihihi

by haliparot

Gusto ko din makipagbatuhan ng lines sayo buqui hehe so nice.. Excited na tuloi me sa book mo hihihi

by haliparot

So Buquir, bakit nga siya naka shades? =) Naka party ba siya?

What a beautiful scene. I can almost taste it.

Kane

by Kane

@kane: Hahaha, no he wasn't high. He was just super-sensitive to light due to his migraine.

by callboi

Heartfelt. And oh, I'll keep your mom's word in mind.

by Ryan

so sweet naman. yan ang friendship.

by Ms. Chuniverse

Aw! Ang cute naman ng story... hehehe! Love it!

by Darkmaster

pumapartee ba si Pasha? di naman siguro. ang galeng parang eksena nila Cherry Pie at Cherry Gil, so cherry. :)

by parteeboi

Thanks Bookie...

for this post, for this blog and for everything.

may you find the peace of mind and the strength of courage to move on with Roman...

God bless you...

by vondraye

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint