A Travellerspoint blog

Everytime You Go

The Conclusion

sunny

1s1.jpg

"Wasn't Pasha your anything a few months ago?" tanong ko.

"Jealous?" Schoolboi smiled.

"Cautious," sagot ko.

"Scared?" tanong niya.

"Sobra," sagot ko.

"Me, too," sagot niya.

"Talaga?" tanong ko.

"Oo naman," sabi niya.

"Why?" tanong ko.

Huminga siya ng malalim, "I'm scared that I'll never be over him."

Huminga din ako ng malalim, "I'm scared na I'll never be over Roman as well."

Tumawa si Schoolboi, "See? Bagay talaga tayo."

Tahimik lang ako.

"You really love Roman that much?" he asked.

Tumango ako.

"Sige nga, sino mas pogi, me or him?" he asked, joking.

"Mas pogi ka," sagot ko ng walang hesitation.

"Yes!" sabi niya.

"Pero mas matimbang siya," dagdag ko.

Nagkunyari siyang nanlumo sa sinabi ko.

"What's with him anyway? Why are you so into him?" he asked.

"Ewan, ganun talaga eh. Weird nga eh, everytime I'm with him, sumasakit ang tiyan ko. Alam mo yun, pag magkikita kami, sobrang excited ako, sumasakit ang tiyan ko. Makita ko palang ang medyo may kabaduyan niyang mga damit, sumasakit ang tiyan ko. Marinig ko lang jokes niya, ayan na naman ang tiyan ko. Pwede pala na sobrang love mo yung isang tao, masakit na yung dating. Mali pala sila, ang love, hindi sa puso nararamdaman, sa tiyan pala," I explained, "He's just a friend pero yun nga, I fell for him. Sakit ko naman yata yan eh. Ganun eh. Tanga ako eh. Mahal ko talaga eh."

"So hihintayin mo siyang mahalin ka niya?" tanong ni Schoolboi.

Umiling ako, "Nope, hihintayin kong ma-over ako. Mali yung feelings ko for him eh. I never should have allowed myself to fall for him."

Uminom ako ng tubig kasi naubusan yata ako ng laway sa explanation ko.

"You okay?" tanong ni Schoolboi.

"Yup," ngiti ko.

"Eh bakit naiiyak ka?" tanong niya.

"Sumasakit na naman tiyan ko eh," biro ko.

Tumahimik siya.

"Sorry ha, emo ako," sabi ko.

"S'okay," sabi niya, "I feel the same exact way with Pasha. That's why I was thinking maybe we could help each other out. You know, parang support group."

"Wow, and here I thought deds na deds ka na sa kaseksihan ng mga bilbil ko," biro ko.

Tumawa siya.

"Honestly, I like you, Schoolboi, pero we both know na what we have here, it's just two less lonely people in the world ang drama," sabi ko.

He nodded, "Misery loves company."

Bumuntung-hininga ako, "Akala ko nung high school ako, pagdating ko ng ganitong edad, alam ko na kung paano i-handle ang mga ganitong eksena, pero yun pala, it just gets more complicated. Parang status lang sa Facebook."

"We're nothing but overgrown children, I guess," sabi niya.

"Mas madali ang buhay mo, you're gorgeous, you can have anyone you want," sabi ko.

"Except Pasha's commitment," sabi niya, mahina, "And apparently, kahit ikaw ayaw mo sa akin."

"Ututan kita diyan eh," sabi ko," Alam mong hindi tayo ganyan. Aaminin ko, kinikilig ako sa flowers and dinner and everything, tao lang ako. Pero aminin mo rin, both of us would rather be with someone else tonight."

He smiled sadly.

"Ihatid mo na ako pauwi," sabi ko, tumatayo from my seat, "May pasok pa ako in a few hours."

On the way to my apartment, tahimik kami pareho. Tumutugtog ang kantang "Everytime You Go Away" sa radio niya, one of my favorite songs.

Hinatid niya ako sa pinto ng apartment ko. Malamig ang hangin.

"Thank you for a most wonderfully enlightening evening," sabi ko sa kaniya.

He leaned closer to me, "I believe I owe you a kiss."

Napalunok ako, "Friends lang tayo."

Umatras siya, "If that's how you feel..."

Hinila ko siya pabalik, "Ang ibig ko sabihin, friends tayo kaya dapat ang kiss natin, walang malisya."

"Yes, sir," sabi ni Schoolboi, leaning towards me again, smiling.

Good night, folks. :)

Posted by callboi 04:26 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

OMG!!!
maniwala ka man o hindi bookie, na-teary-eyed ako!!!
i don't know... über nakaka-relate cguro ako...
we love you, bookie!!!
xoxo
ü

by e_sasha

pang teenage dream bookie ah, hahahaha

by jeffuytan

.

by Brenda Mage

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!! panalong panalo lang teh!

i can relate...

i love you bookie!!!

by Ryle

Hi Bookie,

I've been hooked with your blog.. It's simply down to earth, easy to understand. I'm so hooked to the point that me and my friend even went to PS just to have a dinner, hoping to have a glimpse of you (apparently, we only saw Alex, that Italian PBB guy).

You go gurl with schoolboi. Give him a chance to love you, to get over Pasha. Rebound girl/gay? hmmm.. kevs, just go with the flow, you never know where the river will take you.

hush hush* =)

by Mr Hush

I love the way it ended.

by streytako

nakakakilig talaga! babaeng babae lang ah.. haha!

gusto ko yung dulo na imagine ko ang paghila mo sa kanya with full force and everything.

by projectrusell

na intriga lang ako... sino kaya si roman? taga PS ba siya?

by projectrusell

How does this relationship work ba?
Like straight ones I guess... just different characters...
Anyway, good thing he did kiss you... at least you have something to think about after that night... teeheee...

by kumagcow

  • thud*

(nahimatay sa sobrang kilig)

by nOx

Bookie - super touch ako sa comment. Salamat.
Super ganda ng story. Medyo naluha ako. naalala ko lang ang dati kong love story.. But I am super happy sa ending. Nakakatuwa talaga.

by Miguel

I love you bookie!!!

by fulibooked

  • SMILE*

that's what you always give us; smile.

Thanks bookie, for all those words, inspiring stories, kilig moments, and giving us these kind of heartfelt moments in your life.

God bless you more.

by vondraye

akala ko naman kung anu na mangyayari. but still, mabuti na ang ganun. naramdaman ko at nakakarelate ako sa post na ito. thanks bookie for sharing this. tc and God bless always.

by Jinjiruks Ikari

nice..nice ending :) love it!

sana sa lips ang kiss... :D

by supervane

Nakaka-relate ako dun sa sakit sa tyan effect. Hihi

iLike! =)

by rumorboy

parang episode lang ng Your Song.

by echosera

uber sweet!!!!

by hobbit

hahahahah...romantic comedy..

by 3rdsex

hopefully, it's a start for something truly romantic. Bookie, I hope you could get over Roman already.

by takeshi

ako din natawa sa entry tapos na teary-eyed. hindi ako taga ps, i work along ayala pero i'm so happy pag nasasalubong kita om my way to work. nasastarstruck ako :)

by kaye

ang haba haba haba ng hair!! kaingget! lech!

by aubreybaby

hi bookie... wala lang, i've been hooked to your blogs,nirecommend lang ng barkada ko. lagi ko hinihintay yung mga kasunod lagi.i so love it.. sobrang kilig at nakakatuwa... anyway, sana maging kayo ni schoolboi, you'll never know unless itry.. =)

by grief_stricken

♥♥♥
wow!
bilib ako sa memory mo =)

by tuliro

Bookie,

I really love you for being honest. Honest hindi lang bilang isang tao, pero totoo sa nararamdaman mo. Madali lang naman sumang ayon sa gusto ni Schoolboi. Puede syang pang kilig, pang bandera na bf sa mga taong nakakakita sayo, panakip butas sa nararamdaman mo. Pero dahil sa totoo kang tao hindi mo ginawa, pinaliwanag mo sa kanya kung bakit hindi puede and for that mas lalo kitang minahal.

Mahal na mahal kita Bookie and ma mi-miss kita ng sobra.

Love you,

Mrs. B.

PS. Kita parin tayo at mag kape sa kabila ng ayala ave.

by Mrs. B.

I LOVE U BOOKIE!!!

and tama si schoolboi - nde porket gorgeous ang isang tao e nakukuha na lahat ng gusto nya...minsan kung sino ang mahal nya, ayaw naman sa kaniya.... :)

I REALLY REALLY LOVE THIS POST!!!

by soltero

Guys and gals, naririning nyo ba yun????

  • taas nyo kamay nyo tapos sway it left and right*

ALL I WANNA DO IS FIND A WAY BACK INTO LOVE....

hehehe tama sila, isa itong episode ng your song heheh XD

by kumagcow

Hindi ako nanunuod ng Your Song. Ang pinapanood ko lang ay "Ang Pangarap Kong Jackpot".

by callboi

everything becomes irrelevant kapag dumating na ang LOVE sa equation...

by wanderingcommuter.blogspot.com

bitin pa rin... sana may continuation pa to hehehehheh!

by dadichub

I hope marealize ni Roman kung gaano k kaganda inside and out!

by haliparot

I hope marealize ni Roman kung gaano k kaganda inside and out!

by haliparot

Ganun kasi ka cheezy bookie eh heheh XD pero yeah parang pangarap kong jackpot nga haha... =)

by kumagcow

Yes! may pag asa parin ako kay schoolboi..

tenks Mason..

by se7en

give it a try.....

by manilaboy

OMG! Grabe Sobrang na touch ako sa last part.. huhuhu... Naka relate ako... ang ganda talaga ng kwento mo... ganda gandang dalaga oh... ☺

by Darkmaster

it was like a scene from a movie. *sigh*

by hellbent

Hi Bookie!

Congratulations in getting published. Please let me know as soon as it's out so my sis in Cebu can buy copies for us (I'm still in Dubai). Can't wait to read your work.

And so happy that your love life's blooming or becoming colorful.

Keep on sharing, blogging...

by deeprpl5

Super nakarelate ako... and yes my friends are now thinking that I am bipolar... Biglang umiiyak in the middle of work.

;-)
M

by M

nakarelate ako! at ito malupit magagamit ko.."..friends tayo kaya dapat ang kiss natin, walang malisya.".. :)

by patented101

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint