A Travellerspoint blog

Thinking of You

Part 2 of The Date

rain 0 °C

date.jpg

Aaminin ko, si Schoolboi na siguro ang pinakapoging naka-date ko.

On the way to Bonifacio High, while in his car, I kept making kurot myself just to make sure na hindi ako nanaginip (utong ko ang kinukurot ko para may halong kiliti).

"You're very quiet," ang puna ni Schoolboi habang lumiko kami sa McKinley Road.

Tumingin ako sa kaniya, and I couldn't help but gasp a little as I noticed how good he looked tonight.

Actually, scratch that.

He did not just look good in his navy blue long-sleeved shirt.

He looked edible.

Yung tipong pagnaglalakad ka sa mall tapos ito yung naka-akbay sayo, parang feeling mo ikaw na ang pinakamagandang lukaret sa NCR.

Ganun ka-yummy.

Plus, he was wearing my favorite perfume, Kenzo L'eau Par.

Anyway, I didn't exactly know how to respond to what he said so ngumiti na lang ako.

"You don't think this is a good idea, do you?" he asked.

Umiling ako, "Hindi naman sa ganun, it's just that..."

"What?"

"It's just that I don't understand why you're doing this," ang sagot ko, "Nabighani ka ba sa kurba ng ilong ko? Alam mo ba na dito minodel ang Volkswagen?"

He smiled, "I'll tell you over dinner."

Fast-forward sa dinner.

My favorite resto, Mamou's.

mamou.jpg

As we sat down by our table, he said, "Order anything or everything."

"I'll order anything, paki-balot na lang nung everything."

Tumawa siya ng malakas, tapos, tapos, tapos, nahihiya man akong ilagay ito sa blog, pero he reached across the table and hinawakan niya ang kamay ko.

Pinawisan ako. Hinila ko palayo ang kamay ko at nagkunyaring abala ako sa pagbabasa ng menu.

"So what are you going to have?" I asked him, all nonchalant.

I looked up from my menu, and saw him smiling.

"What? May kulangot ba ako sa ilong?" tanong ko.

He shook his head, "No, but I think I better tell you why I asked you out. Why we're having this so far rather awkward dinner."

"It is awkward, isn't it? I'm sorry, it's just that... well, sige, go ahead, ano ba ang dahilan mo at out of the blue eh in-a-aura-han mo ako?" tanong ko.

His face became serious, "Don't be offended or anything but, I think you're waiting for him to love you."

Namutla ako, "Him?"

Tumango siya.

"Sinong Him? Si Jesus Christ?" sagot ko, pinipilit idaan sa biro ang kaba.

Schoolboi didn't smile, "You know who I'm talking about, si..."

"Okay okay, you don't have to say his name," ang sagot ko, "Let's call him Roman, shall we? What about him? And what are you talking about?"

Tumahimik muna siya sandali, habang nilalatag ng waiter ang mga in-order naming food na parang enough na para pakainin ang Sales department ng account ko.

Pag-alis ng waiter, sumagot siya,"Bookie, you'd have to be deaf, dumb, and blind to not realize that you're head over heels in love with Roman."

"I am NOT in love with him," sagot ko, medyo naiinis.

Tahimik lang siya, tapos ngumiti, "Sige, if you admit na in love ka sa kanya, i-ki-kiss kita."

"Mahal na mahal ko si Roman habang buhay", sagot ko agad.

Tumawa kami ng malakas.

"Finally, inamin mo rin," sabi niya.

"Finally, malalaman ko na rin kung totoo ang sinabi ni Pasha na you are the best kisser in Manila raw," biro ko.

Tumawa siya.

"But wait, what do my feelings for Roman have to do with you? Why this date?" tanong ko.

He cut with a knife the steak that was lying on my plate, sabay subo sa akin, "You see, the thing is, alam nating pareho na Roman loves you, but not in the way you love him, am I right?"

Sinubuan ko naman siya ng salad, "Harsh mo ha?"

Nilunok niya ang gulay bago sumagot, "I thought we agreed a long time ago that we'd never lie to each other?"

"Fine fine. Okay sige na, my love for Roman burns with the fire of a thousand suns, samantalang ang love niya sa akin ay pang-watusi lang, what's your point? Wala naman akong inaasahan na mangyari sa amin eh. I'm not like that. Tanggap ko na friends lang kami."

Sinubuan niya ako ng garlic bread, "The thing is, you are stuck on him."

"Stuck?"

"Yes, stuck," pagpapatuloy ni Schoolboi, "You fail to see how many people around you love you."

"Dapat pala i-canonize na ako ng Vatican."

"Sira!," sabi niya, "Laging feeling mo, nag-iisa ka, alone ka, it's you against the world, but that's just not true."

"It isn't?"

"It's not," sabi niya, "I know for a fact that you're closest friends love you very much. Plus there's Pasha and I and Rica."

Uminom ako ng tubig bago sumagot, "So, why the date? You still haven't answered that."

"I'm tired of seeing you like this," sabi niya, holding my hand again and not allowing me to let go, "I guess, what I'm trying to say is..."

"Yes?" I leaned forward.

"What I'm trying to say is, I can be your anything, Bookie," sagot niya.

"My what?" tanong ko.

"Your anything," sabi niya, "Ikaw ang bahala."

My anything.

I drank some water, and answered...

To be continued...

Posted by callboi 12:04 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

part 3 na please.... huweew!! im so excited on "My Anything"

by MNLLOnarev

anu baaaaaaarrr! to be continued na nman? dalagang dalaga ka lang beks..siyet ka! nakakakilig! ahahaha!

by GR

Been waiting for the sequel.

Lo and behold.. PART 2's here!

If Schoolboi can be your anything, can you at least make balot na lang for me his everything!? Bwahahaha.

by redalmighty

Beautifool... I mean Booty call...I mean...ang sarap sarap ng feeling...Guiness book of record for the longest hair in the world.

by Brenda Mage

heto na ang pinaka hihintay! ahahaha! nakaka kilig talaga kahit queue kami patago akong nagbabasa.. haha! after call!

ang ganda mo teh.. haha! anung sikreto mo nakaka inggit ka! sana may ganyan din ako... hihi

im happy for you! favorite part ko yung

"i can be your anything" that is soooooooo sweet!

by shenanigans

whaaaaaaa!!!!!
badtrip ako pero pinaganda mo mood ko..
kinikilig ako..

continue pls
gusto kong malaman kung naging ano mu sya..

by amnion

dali na continue na please : ) kakakilig naman to ng bongga! : )

by Zui

nako ha, baka after a week pa ang pag-post mo ng continuation. wag mo naman patagalin..:D

by hush hush

NAPAKA-ARTE MO BOOKIE!! SHET. =P

<3 <3 <3

by Ishy

been a long time reader here. can't help not to comment kasi sobrang kinilig ako sa past 2 posts mo. hehe. ur's and soltero's blogs keep me company everytime walang mga agents na gumagambala sa pagtatanong, haha... keep it up bookie, and looking forward to part 3.

by chesterbest

Bookie - I can also be ur anything! bwahhahaha :P

aba lumalablyf kna!!!

by soltero

Shets lang!! Tinalo pa ang mga lines ng isang romantic film!

At tinalo mo pa si Rapunzel sa haba ng hair!! =)

by rumorboy

I can't wait for the climax (of the story). Nice build up on the date with schoolboi. What happened to the bouquet of flowers?

by takeshi

This...is...just...FETCH! Kung ako sasabihan ng ganun, pwede na ako mategi-boom! Hahaha!

by chekwa28

hula ko lang ito ha, gagawin mo syang katulong

by mandayamoore

I just have to comment, bookie... I can't help it...
I'm soooooooo inggit!!! and sooooooo excited for you!!!!
Ikaw na!!!!
lav yah!!!
binitin mo na naman kami ni aubreybaby!!!
xoxo

by e_sasha

haayyss..............
parang the twilight saga lang ang installment ng entry ha?
bitin! =)

by kate06202

@mandaya - uhuh, sex slave yan. ahahaha! joke lang idol. lab yu!

by nOx

wow! this is so.. something! pang pelikula! talo pa koreanovela! can't wait for the part 3.

by no_parking

weeeeee...everything? as in!!!waaaaahhhhhh

haba ng hair mo bookie..:)

by nicos

'TEH!! May Kapatid ba yan?!?!? Dumaan ng alabang, daang hari at ngayon and2 na sa amin sa camella ang buhok mo!!! sobra!!

by Ruz

kainggit ka, Yun na!

Bookie heto na talaga. Isuko mo na ang pagkabakla mo sa kanya. Malapit na din ba ang 'first night' nyo?

Ano kaya pakiramdam ni pasha pag nabasa nya to? Sya naman ang everything mo. Panalo ka teh.

by sheytlang

natawa ako dito at napaisip din. My real name is Roman. hahaha. romepedia@blogspot.com // cuisineuer@blogspot.com

by rome

shet bookie! feeling ko sobra na natin talagang close sa posting mo na ito.. I've never been this excited na marinig ang susunod na kabanata.. tsaka teka, add mo na ko sa FB.

by jane

naiiyak ako sa kilig bookie. i am very happy for you. you've been lovable for the longest time kaya it is really high time for you to be loved by schoolboi. go go go bookie!

by vhin

first: what ishy said.

second: what you schoolboi said. (maraming nagmamahal sayo, kahit di nya ko minention. nakooooo pagsabihan mo yan. haha)

imissyou. you have to tell me all of this all over again in person kasi i wanna see your facial expressions. you think stuck ka books? :|

by clarissa

That's it! Anything daw!!!

by fulibooked

bookie, i am so kilig while reading your entry.:) sana may schoolboi rin ako..:) promise, magpapa di virginize na talaga ko pag meron akong boylet na kagaya ni schoolboi..Ü

hindi man tau super close, after back reading all your entries i can say that somehow mejo nakilala na kita. i am so happy for you dai.Ü

since bet mo rin naman si schoolboi, gora na yan te..Ü

can't wait for the continuation...Ü

by ms. avaya

hahahaha kinilig ako dun in fairness... a nice way to start my shift listening to a call after call after call.. Ü aylabet

by hungrypoet

hala, ano itong nabasa ko na "i can be your everything, nagseselos ba si schoolboi kay roman, hala hindi ako mapakali kung ano ang susunod na mangyayari. parang maiihi na ako nito sa sobrang bitin. kaw takala bookie merong element of suspense ka pang nalalaman.

by Jinjiruks Ikari

nahulog naman ako sa upuan ko. SHET!

nga pala, SMILE MORE BOOKIE... nasa Starbucks ka kahapon ang siryos ng fez mo...

:)

by Ryle

ohmigodd!!! im all smiles here..

by mochajave82

WOW! Nakaka kilig... MORE!!!!

by Darkmaster

hay.. I am so happy for you bookie :)
Finally ang lahat ng paghihirap at feeling of emptiness and loneliness.. malalagyan na yata ng tuldok. I can't help but smile now.. super happy talaga ako for you even if we really dont know each other personally :)

by Miguel

Ang haba ng hairlaloo mo gurl. Gusto kong gupitin at gawing tulay from Tanzania to Philippines, hahaha.
Nakakarating na d2 sa Africa ang blog mo 'te.
I'm so happy for you.

by daigo

ahhhhhhhhhhhhhhhh,,,,,,,,,,,,,bitin!!! next na please bookie. i love the "Your anything," sabi niya, "Ikaw ang bahala." kung ako tinanung ni schoolboi ng ganyan, tatalon ako agad sa lap nya at ikikiss ko xa ng major major....hehehe

by alisha

Maybe just maybe this will be one of those things that would make sense... some sort of a turning point in your pink life. I have all praises for writers like you, you made us all await what's next... pero bookie, hope this is not gonna hurt anyone in the process.. sana it will end nice... =) here's hoping it does! Cheers!

by kumagcow

bookie baka naman bandang huli eh mababasa ko, "Anumang pagkakahawig ng mga karakter sa totoong buhay o tao ay hindi sinasadya. Ito ay sadyang kathang isip lamang". Sasakalin kita ng major major!!!! lolz

by Snowy

Hahaha.... Naks! Inlab na ata sayo si schoolboi... :))

by RJ - emosinger

Ano ba namang "Your anything"?! Gagamitin ko nga yan parang effective.

On a serious note. Go Bookie, make him your 1)Companion, 2) boyfriend, 3) but most important of all YOUR FRIEND.

1 and 2 will fade but number 3 will be for as long as you you want him to be.

Whatever it is that you decide on, we are just here to support you and be there for you.

it does not matter if you end up getting hurt what matters most is that you were able to feel special in your own way.

WALANG PAKIALAMAN NG DESISYON, MANGIALAM SASAMPALIN KO PARA SAYO.

Love you po

Mrs. B

by Mrs. B.

waaahh....kinilig ako ng bonggang-bongga! im so happy for you... :) sana eto na nga ang inaantay mo...

ikaw na! ikaw na tlga! :)

by supervane

you made me smile on my birthday! ;) im so happy for you, teh! :)

by al

nampotah!...bitin na naman!

by hobbit

I agree with SchoolBoi. You fail to see how many people love you and you always feel that you are alone. Bookie nandito kami. Ang dami namin oh. We are all just waiting for you to wave back. Love the post, can't wait for part 3.

-Adamsplanet-

by Adamsplanet

Buquir pede bang mag mura dito? ********** dami asterisk hihihihii kakaloka ka sobrang nabitin nmn ako and ayaw ko ng ganito kc kung anu ano naglalaro sa isip ko na scene nyets! Ung PART 3 PAKIBILISAN ayan in all caps can't wait na eh hehehehe :)

by missindia

POTASHET KA BOOKIE!!! napatili ako (konti lang) here at the local internet shop sa malapit sa apartment ko...so so no discreet...hahaha..but anyway I LOVE this post..haba ng hair mo friend...subra ka na ning!...hahaha...my ultimate gay side just came out and its all because of this post! hahaah...we love you bookie, more success and please please please upload part 3...the suspense is killing us!

by LoudObserver

malabo mata ko eh, may nklagay bang disclaimer sa post na to?lol! so hate you bookie, bnitin pa kami. pero TEh, naimagine ko na nag pplay ang "like a virgin" sa utak mo sa part 3..

by DeathGod

Were you thinking of him earlier today? Mejo seryoso ka kasi when I saw you sa Starbucks.. Anyway, cheer up.. Whatever happens to your love story with Schoolboi, be happy..
Looking forward to your next post.. :D

by runner25

OMG.... as in OMG... at isa pang OMG...

by se7en

napaisip ako bigla, naalala ko si pasha..
anung reaction nya?

naicip ko bigla kung anu magiging desisyon mu..
katulong kaya as what madaya said.
o sex slave as of nOx.
hehe..

i wanna know i wanna know..
hmmm..
part three n agad..
daming naghihintay..
:p

by amnion

excited na ko sa part 3.. waaaaaa!

araw araw ako nag che-check ng blog mo bookie

by projectrusell

OMG!!!!!!! My roomie asked me what the hell was goin on... I was shouting like a lil girl!!!!!!! Super kilig!!!!

IKAW NA TALAGA!!!!!

by M

what's your new phone number? e mail me please :)

by Mrs. B

haist..bitin nnmn :( pero super IN LOVE na yata si schoolboi sau teh..grabeh ang hair, ikaw ang nagparelax hindi ako..hehehehe..:)
hi ms. avaya pede bang ako nlng ang schoolboi mo?? :)

by errol

ka tagal naman part thyree....

by tanathuseros

kainissssssssssss.... asan na ang part 3 bookie???????

by purplerheigne

wooooh! :) kilig kilig... hahahha. part3! part3!!! :))

by ineng

Wow kakakilig talaga! Gusto ko tuloy manlalake!!

by Robert Salas

may part3 ba to!?! parang wala yata ah...

by justin08cebu

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint