A Travellerspoint blog

Tops Versus Bottoms...

storm

cherry.jpg

Inuman sa Malate, Thursday night, 4am:

Mainit, maingay, masikip. Malate.

Apat na bakla na nakapalibot sa isang maliit na lamesa. Dalawang bucket ng Strong Ice. Isang maliit na basket ng popcorn.

Tumutugtog ang "California Girls" remix ni Katy Perry mula sa speakers.

Amoy yosi at beer ang paligid.

"Ganun na lang ba lagi? Everytime gusto nating mga bakla magkita-kita para mag-catch-up sa mga kanya-kanyang drama sa buhay, sa Malate ang bagsak natin all the time?" ang pasigaw na tanong ni Daphne, ang friend kong badet na supervisor, habang nagmumuwestra sa mga nagkalat na mga kapwa namin badets na halo-halo ang edad, social standing, at sexual preferences.

Nag-sindi ng yosi si Cecile, isang bruskong 29-year old Sales agent na mahilig sa mga bagets at gym, "Eh san mo gustong tumambay at magpakabangenge? Sa garahe ng bahay niyo? Eh di ba banned forever na ang mga pagmumukha natin dun dahil ayaw ng mudraks mo na makita ang kabadingan mo?"

"I don't know about you guys, pero I think Malate started going downhill years ago," puna naman ni Sophia, anak ng mga mayayamang debotong Born Again christians, "Why couldn't we have just met in Serendra? It's so much cleaner than this place."

Tumawa si Cecile, "Nyeh nyeh nyeh, oy Sophia, tigil-tigilan mo yang EOP drama mo ha, ipagpahinga mo naman ang salitang pax, please lang. Walang masama sa Malate. Ito ang pambansang tambayan ng mga beki."

I teased Cecile, "Who died and made you the PR manager of Malate? Eh dati di ba ayaw mo rin sa lugar na to?"

"Dati yun! Bago ko nakilala si..." sagot ni Cecile, di maituloy ang pangalan.

"Sino? Si Papa Coco mo?" tanong ko, natatawa kasi namumula na si Cecile.

"Banggitin ba? Banggitin ba ang pangalan niya???" ang sabi ni Cecile, binabato ako ng popcorn.

"Why? Aren't you over that pubescent man-boy yet?" tanong ni Sophia, nakataas ang isang bagong ahit na kilay.

Sumagot naman si Cecile, naka-flex ang mga biceps sa kaniyang muscle shirt, "Bakit? Ikaw? Tinigil mo na ba ang kahibangan mo sa family driver niyong si Redentor?"

Nagtawanan kaming tatlo samantalang si Sophia naman ay namumula sa galit.

"Sinong makating pekpek ang nagsabi sayo tungkol kay Kuya Red???" ang nagpupuyos niyang tanong kay Cecile.

"Oh eh di napa-tagalog ka rin, bitch!" tawa ni Cecile.

"World peace, girls, world peace..." ang pagpapakalma ni Daphne, habang sumesenyas sa waiter na maskulado para magdala pa ng isa pang bucket ng beer.

"Matanong ko lang, kamusta na pala si Papa Coco?" I asked Cecile.

"Ayun, lumipat na sa ibang call center," ang sagot niya, "Malamang naghahanap ng sariwang etits."

"Ew, you're so vulgar," sabi ni Sophia.

"Vulgar your face, eh humahada ka rin naman noh," ganti ni Cecile.

"I don't do that," sabi ni Sophia, with all the conviction a Sales agent can muster.

"Doodat-doodat your face," sagot ni Cecile, "Anyways, ayun nga, umalis na si Papa Coco, nasa Ortigas na ang puta. We are officially another used-to-be."

"Pero, bru, bakit? Bakit siya umalis?" tanong ko.

"The truth?" tanong ni Cecile.

Tumango kami. Kahit si Sophia, taimtim na nakikinig. Curious kasi kami kung bakit sila naghiwalay ng landas. In all aspects, perfect si Papa Coco. Hot, smart, malaki ang....... laman ng wallet.

Huminga ng malalim si Cecile, at sinabing, "Pareho kaming bottom eh."

A moment of silence as our brains processed this shocking tidbit of information.

==============================

But before we carry on, for the uninitiated, let me define a couple of terms:

1) Top = bading na mas gustong siya ang "pumapasok" sa pwerta ng kapwa bading.

2) Bottom = bading na "pinapasok" ng Top.

Keri? Sorry kung di PG-13 ha? May nagbanggit kasi sa akin na kulang sa kabadingan ang blog ko, kaya ayan. Imumudmod ko sa inyo ang typical na pinaguusapan namin.

Go na ulit sa istorya.

==============================

Si Sophia ang unang nagbreak ng silence.

"You're both BOTTOMS?" tanong niya, sabay lagok sa Strong Ice. Nauhaw yata ang puta.

Tumango si Cecile.

"Bottom ka? Ikaw?" tanong ni Daphne. Naglabas ng pamaypay si Sophia, pinagpawisan ng husto bigla.

Di ko agad ma-keri ang balitang ito. Si Cecile? Bottom? Eh putsa ang angas ng itsura ng hayop na to eh, parang makinis at mestizong construction worker na sanay magwasak ng hollow blocks gamit ang patotoy niya, tapos bottom pala ang beki.

Tumingin si Cecile sa aming tatlo. Natawa.

"OA kayo ha, jinu-judge niyo ako. Ehanongayon kung bottom ako?" natatawang tanong niya, "There's nothing wrong with being a bottom, you guys of all people should know that."

"Wala naman kaming sinasabing may masama sa pagiging bottom eh," depensa ko, "Pero siguro, super di lang namin in-expect na someone as rugged and, well, manly as you would be a bottom."

"Honga, bru, mukha kang rapist ng mga college girls eh," dagdag ni Daphne, nagpapahid ng pawis sa noo at batok, "Sa itsura mong yan, mga close friends mo lang ang nakakaalam na kumakain ka pala ng buhay na laman. You look like someone who hangs out sa labas ng Assumption College para maghanap ng ma-a-almusal."

Napaisip si Cecile, "Bakit? Lahat ba ng bottoms effem?"

Nagtinginan kami nina Sophia at Daphne.

"Lahat ng kakilala kong bottom, oo, effem sila kumilos," sabi ni Daphne.

"Siguro naman masyado lang tayong nag-ge-generalize," sabi ko, "I'm sure may mga ibang bottoms na hindi kilos bakla talaga. Endangered species nga lang sila."

Umubo ng pa-demure si Sophia, "Well, as we all know, sa mundo ng kabadingan, mas mabenta talaga ang isang beki kapag sinabi niyang top siya at super discreet pa ang kilos niya."

"True yan, bru, the more na pa-mhin ang eksena at drama ng badet, mas attractive siya sa same sex," dagdag ni Daphne.

"Wait, what about yung mga versa?" tanong ni Sophia.

Versa = Versatile. Ibig sabihin, pwedeng top, pwedeng bottom, depende na sa ka-partner nila.

"What about mga versa?" tanong ni Cecile.

"Aren't they in a gray area? How do they look like and what behavior do they exhibit?" Sophia asked.

"Arte naman nito, eh di bakla pa rin sila. Etits pa rin naman ang habol nila, di ba?" sagot ni Daphne, "Feeling ko nga ang hayok ng mga versa eh. Di sila matimo sa isang area lang. Kelangan parehong posisyon kaya nilang gawin."

"Over ka naman," puna ko.

"Over your face," biro niya, "Basta ang alam ko, sa Gay World, Tops are at the top of the food chain."

"Parang unfair noh?" tanong ko, "Bakit? Attractive din naman ang karamihan sa mga bottoms ah! Kung wala ang mga bottoms, pano na lang ang mga tops? Sino ang i-injectionan nila ng semilya? Ang hirap kayang maging bottom. There's so much work to do."

Tumawa si Cecile, "So bottom ka pala, Bookie?"

Namula ako, "I refuse to answer that question on the grounds na I am still a virgin."

Binato nila akong lahat ng popcorn.

Posted by callboi 14:13 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Love this books! So funny and witty as always! Galing!

by john_lloyd

HAHAHAHA! tawa ako ng tawa while reading this. Sana makasama kita maka-inuman kahit isang beses lang!

by wapaks

bookie!!!
sabi ko na tama ang instinct ko eh... right after mo ko batiin sa floor kanina binuksan ko agad ang blog mo...
kebs na sa dami ng ka-cheapang ginagawa ko...
at ayun nga may bago kang entry!!!

kakatawa... may i relate ako talga!!!
TO SET THE RECORD... VIRGIN KA TALGA?
Kasi ang rear ko Channel V pa rin!!! hahaha!!!
parang ouch kasi...kaya eat all you can na lang...

and i must agree unfair naman to say na tops are at the top of the food chain...pantay-pantay lang yan...
walang ita-top ang top kung walang bottomesa!!!
xoxo

by e_sasha

Nacurious naman ako kung sino mga kasama mo.

Hahahahah!

by chekwa28

This entry instantly made my lists of favorite posts of your blog!

Aylavit!!

I've read that there are some that are Aggressively Bottoms and Submissively Tops.

"..submissive has the power... All he has to do is say the safety word and everything stops."
~Gil Grimson, CSI: Las Vegas

I think someone has already posted this quote before.

At na-curious rin ako kung sino sa mga friends mo kasama mo nun. hihi

by rumorboy

I love your blog bookie, but sometimes I can't help but cringe with the fact that most guys around you (or maybe it's just how you project them in your blog) feel they belong to the upper echelons of society just because they're working in a call center. I have worked in a call center and honestly its no different from a sweatshop, only with aircon and people with fake accents. It's fine to be proud with what you're doing in life, but to make it appear that you are in a much higher standing than most people (in this case Malate) I think that is an overkill.

by LOL

@Rumorboy: Kilala mo isa sa kanila, hehehe.

@LOL: I agree, but I also think that people with overblown egos (in this case, like Sophia) are rampant not only in call centers but in different industries as well. I'm sure mas mayabang ang dating ng mga taga-McDo kesa sa mga taga-Tropical Hut, hehehe.

by callboi

like this one! the content of the story really tickles me... I bet most of the BI's will have the idea knowing their status quo! more power to your blog from the far far region of the arabian desert.... - shanejosh(",)

by shanejosh

@Callboi: Ay sekon da mowsyon! Ung mga ganung tao, they can be found anywhere.. and one of the differences is the fake accent like LOL said.. =)

Sino kina Sophia, Daphne, and Cecile un? Pakilala mo! ahaha

by rumorboy

Pa-introduce naman to Cecile, I think I might like him =)

by Ben

@Ben: I need to know you first. :)

by callboi

hahaha love this entry buquez... im curious kung sino sino mga yun. I saw you in malate once may mga kasama pero wala nman ako nakitang brusko. hehehe hhmm baka iba. im interested to know tuloy cecile. hay.. i miss the 5th floor tuloy...

by virgin_boy

ehehe..basta ako Top bwahaha...
so virgin ka pa pla? cno ba hinihintay mong mka devirginize sau bwahahhahaha!:P

love ur reply to LOL btw..hehe :P

by soltero

@Soltero: At my age, and with my, ehem, experiences, well, ang virgin na lang siguro sa akin ay ang left nostril ko.

Pero kung saka-sakaling virgin nga ako, Soltero, sayo siguro ako magmamakaawang magpa-araro.

by callboi

now i know whats the difference between top and bottom.. lol.. lage ko kasing naririnig yan sa mga beki dito sa RD..

may nadagdagan na naman sa aking bekibularyo. ♥

by jonusher

i love this!

while i was reading this entry i had images of the four characters sa kanto ng orosa,

it was like i am reading a one-act play!

by eko

hindi naman lahat ng top eh straight acting...

by toffer

Bwahahahaaaa...my dear friend just introduced your blog (she's also ur friend by the way...=))...Haylaviiittttt!

by Renkki

super laff trip...ni recommend ng team mate/friend ko sa putahan tong blog mo with the assurance na puro kabekihan ang mababasa ko...and she was right...sobra sobra pa LOL

by chocoprinz

♥ your articles callboi..

by charot

Ngaun ko lang nabasa ang mga blogs mo and I love this article/ blog so much!!! Very common topic about us. There's nothing wrong being top/ versa/ bottom. Cguro kung saan ka masaya, GO! kung ayaw mo at napipilitan ka then LeavE!
Hope to read more article! -@ph.aegisglobal.com

by Darkmaster

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint