A Travellerspoint blog

Isang Eksena Sa Bo's...

rain

bo.jpg

Nag-simulang umulan ng bumaba si Ina Magenta sa taxi.

Inilabas niya ang kaniyang pink and white polka-dot umbrella at patakbong pinasok ang Bo's Coffee.

Lumapit siya sa tabi ko habang sinasara ang payong niya, nakangiti.

Naka-dress ang hitad, conservative. Halos di mo na makita ang boobs niyang higante.

"Kelangan polka dots?" tanong ko sa kaniya habang naupo siya sa tabi ko.

Tumawa siya, "Polka dots din ang panty ko, gusto mo makita?"

"Paano ko makikita eh ang conservative ng suot mo? San ka ba galing and wag kang magsisinungaling na galing ka sa simbahan ha?" tanong ko.

Napansin ko na nag-blush siya sa sinabi ko, and then she changed the subject, "So, what's up? Bakit nag-e-emote ka na naman?"

Huminga ako ng malalim, "Parang ayaw ko na sa Peoplesupport eh."

Tumaas ang isang kilay niya, "Delayed telecast na yata yang reaction mo."

"Actually, ilang beses na ni-replay ito," sagot ko.

Naglabas siya ng isang malaking bibingka na nakabalot sa foil mula sa bag niya, tapos tinanong ako, "Why the sudden emo moment?"

"Di mo ba alam? Aalis na si Trainer Marlon," sagot ko, habang tinatanggap ang hiniwa niyang piraso ng bibingka, may paper plate at plastic fork pang dala ang puta.

"Ha?! Bakit? Kelan?" gulat niyang tanong.

"Last day na niya this coming Monday," malungkot kong sagot.

Tahimik niyang nginuya ang bibingka, nakatingin sa malayo.

"Alam mo, nung sinabi sa akin noon ni Baker Clang na magreresign na siya, ok lang ako. After a week niyang mawala sa office, saka ko naramdaman na super depressed pala ako, and medyo nagtampo pa nga ako na iniwan niya ako. Bugnutin ako noon, pero di ko gets kung bakit," kuwento ko, "Si Trainer Marlon ang nakapag-pa-realize sa akin na kaya pala ako nagkakaganoon eh dahil miss ko si Baker Clang at di ko akalain na iiwan niya ako. And then this happens..."

Tahimik pa rin si Ina Magenta, nakikinig sa akin.

442.jpg

"When Trainer Marlon told me na aalis na siya, parang ang dating, And then there was silence. I swear, tumigil ang puso ko," patuloy ko, "Ang tumatakbo sa isip ko, I can't keep going through this, I can't keep saying goodbye to my friends. Napag-iiwanan na ako ng lahat."

"I've been with this company for almost eight years. Eight fucking years!" sabi ko, "I've been here longer than I've been in my hometown province."

Tahimik pa rin si Ina Magenta, nakikinig sa akin.

"I guess what I'm saying is, ma-mimiss ko talaga si Trainer Marlon. I really can't imagine coming to work without him there. I mean, imagine, si Baker Clang and Trainer Marlon, naka-move on na. Ako na lang ang nandito."

Sumingit na si Ina Magenta, "Pero you still have lots of friends sa office left, di ba?"

I nodded, "And I'm not discounting them, believe me, pero, it's really not the same anymore."

Tahimik uli si Ina Magenta.

0781.jpg

"Both of them felt like family to me, y'know? No, scratch that, they ARE my family now, and that includes you, bitch. I don't know if they know this, pero ganun talaga nararamdaman ko eh," sabi ko, "Ma-drama maybe, pero ganun eh."

Uminom ako ng iced chocolate bago nagpatuloy, "It helps a lot that I'm on speaking terms again with one of my brothers, pero he's a million miles away, and online lang kami nakakapag-usap. But still, I'm grateful Eric is always there for me now. And laking pasasalamat ko rin na andyan ka, baliw kasi tayo pareho eh."

Tahimik pa rin si Ina Magenta.

"Honestly, gusto ko na lumipat ng company, pero I don't have the energy to go thru all the shit of applying," sabi ko, "I don't mind starting over, pero di ko na alam kung saan. Plus, ayoko mag-apply for a higher position, gusto ko agent pa rin ako. Ang kaso, I dunno if there's a company out there who will match the salary I'm getting here."

Tahimik na kami pareho.

Tinignan ko siya, at nagulat ako. Umiiyak si Ina Magenta.

"O, affected ka, miss?" biro ko, naiiyak na rin. Inabutan ko siya ng tissue.

"Gaga, naiiyak lang ako na never kong natikman si Trainer Marlon mo," sagot niya.

Pero I could tell she was hiding something; hindi basta-basta umiiyak ang lukaret na ito eh.

Hinawakan ko ang kamay niya, "Hey, what's wrong?"

Tahimik siya, huminga ng malalim.

"You can tell me anything, you know that, right?" tanong ko.

Tumango siya.

Huminga uli ng malalim.

"Books, the thing is, I'm moving to Davao next week," sabi niya, nakayuko.

Tumigil ang puso ko. Lumakas ang ulan sa labas.

Pinahid niya ang mga luha niya, inangat ang mukha, at tumingin sa akin ng diretso, isang malungkot na ngiti sa mga labi niya, "You see, I've always wanted to be a June bride."

And then there was silence...

  • ******************************************

This one's for you, Trainer Marlon...

I only wish you the best and I'm sure that's what you'll do in your new company.

Nothing but the best from you.

  • ******************************************

183.jpg

Posted by callboi 06:53 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

One always has to know when a stage comes to an end.If we insist on staying longer than the necessary time, we lose the happiness and the meaning of the other stages we have to go through.
-Closing Cycle, Paulo Coelho

Umalis dina ko sa PS this year kahit hindi ako sigurado sa pagresign ko. We all have to move on and start a new life. Good luck sa iyo!

by CJ

Trainer Marlon,

best of luck in your future endeavors. Your group
(whenever i see your pictures) always makes me smile. I hope you would all still be good friends even after your transfer.

Always be the best trainer and friend like what Ive been reading from Bookie's blog.

ingat

by Gio

I almost cried reading this. Not just because Trainer Marl is leaving, but like Ina Magenta, I want to be a June bride, too! Haha!

by chekwa28

awww...bookie, come here..hug kita!(tsaka c marl pa hug) hhehehe :P

by soltero pogi (feeling)

This is just so sad... =(

by rumorboy

Kaiyak naman bookie...

by inton

Whenever I see the both of you on the floor natutuwa ako kasi ang ganda at ang saya ng chemistry niyo. Its obvious that you two are very close. I hate to see that broken up. Chin up, bookie, he'll never leave you.

by bloggista

Kainis naman eh! Hindi ko man lang nakausap or na-kiss (feeling?) si Trainer Marlon! Inagaw mo siya sa kin Buquir!

by dyowa_ni_marlon

Trainer Marlon, dahil sa blog ni Bookie, andaming nagmahal sayo. Pero ang alam ko, even before na-feature ka dito, you were well-loved and liked na sa floor. Idol kita.

by lady_gaga

Parang bagay kayo... pero mas bagay kami.

by Winnie_da_fool

hearts for Trainer Marlon and Bookie!!!

by iheartbookie

@soltero: Pssst! Oi! Layuan mo friend ko! Hahaha

@Gio: Kinilig ako ng slight.

@Dyowa ni Marlon: I never made agaw anyone noh?!

@Winnie: Ummm, niligawan niya ako, pero basted eh.

@bloggista: I hope so.

by callboi

so ang haba sana ng comment ko.. kaya lang ang drama kaya wag na muna. agaw eksena naman sa funny comments dito. :) basta bookie, you are family to me as well. alam mo yan.

by clarissa

bookie!pa-ki sabe ke marl ung kiss ko bago sya umalis!ahahha :)

by nikki

bookie, there are times, ahmmm ay nawala ang iniisip ko hehe

basta ayun sana ok ka lang, more entries more fun! hehe

KUMAGCOW
http://www.kumagcow.com

by kumagcow

waaahhh... sad nman kc alis na some of your friends whom u considers as your faMily na. but then im sure you'll always be together in mind and spirit..ang sarap ng prenship nyo... as i see sa mga blogs mo... be hapi.. kita na lang kyo pag rD nyo...

by yehan0127

Yan din ang naramdaman ko Buquir nung umalis ako ng PS kasi may mga friends pa ako na naiwan dun but i have to find my own way and move on kc i know somewhere out there may naghihintay sa akin :p I know nmn na deep inside Marl he also love you like the way you love him :p

by missindia

ang hindi ko lang ma-gets bookie ay kung bakit hindi ka na-develop kay trainer marlon. hmmmmm.....

by nOx

@nox: at sinong nagsabing hindi ako na-develop? Patay na patay kaya ako sa kanya! He is the sunshine of my life!

by callboi

hey books, i cant help but feel your depression... have you asked yourself that maybe..it stems from a different reason?...that maybe..there is something that you need to do in order for you to move on? not physically move out of PS or hinder your friends from moving out of PS but...maybe with your life? with your family?..ang sakit kase ng sitwasyon mo...we last saw each other 5 years ago..and I mean..ur still there...hindi naman masama na nandya ka parin..look at teens and madam..they're happy where they are even tho nag move on na yung friends nila from PS..so maybe..you need to analyze a few more things going on in your life right now and who knows..the answer is just right in front of you..hope its ok i told you this..lov kita..ur our no. 1 boo-queer *hugs

by hobbit

shet... kaines... kadepress... alala ko nung iwan ako ni george.. PI parang nabutas ung dibdib ko isang linggo akong zero energy grabe!!!
pero bookie, i'm sure makaka move on ka rin... basta regular ang tambay...
God Bless...
ΓΌ

by e_sasha

Woohoo! Best wishes kay Ina Magenta (whose remarks remind me of someone).. Buti pa sya. :)
I envy Marl in a way. He's choosing to leave his comfort zone for an adventure. I plan to do that someday -- pag ready na ko. :)
Bookie, I know you feel the same about PS.

by aubreybaby

Bookie, lipat ka na sa JP morgan! hehehe... ang boring kasi dito.. dali rerefer kita!!

by Reindz

Pag nag mahal ka, dapat your ready to let go.

by jolas

@jolas: Ayun naman.

@Reindz: Saan yan? Malaki ba suweldo diyan? Dami ba pogi?

by callboi

tito marl.. i will miss you! i hope to see you when i get home.. sama ka pa din sa mga escapades ha.. love yah! B :)

by B

Crush ko si Trainer Marlon!

by ikotoki

sad..:(
there is nothing constant in this world but change.

by beau_ice

hi bookie! di ako taga PS pero 1 year na ako nagbabasa ng blog mo. refer lang ng cousin ko who used to work there..anyways ang masasabi ko lang ay I feel for you. ganyan din yung nararamdaman ko sa work when all of my close friends ay nagsipag alisan. feeling ko iniwan tlga nila ako. pero di mo naman sila pwede pigilan kasi kailangan nila eh. kaya eto ako nakapagdecide din ako na mag move on.hanap ng ibang work para naman di ako ma-stress kakaisip na nawala na sila at I was left alone. kaya cheer up! (hehe.pasensya na sa mala emo na comment ko! =))

by chengwah

funny tlga ung kaibigan mo....

by seilxes

Kaya matuto tayo callboi :P

Pag nag mahal, handa ka dapat masaktan.

Marlon and Magenta ay aalis na sa buhay mo ( physically ) pero the love, warmth and shit ay nandun pa din.

Dont be sad, our life should move on. Ready to face more heart aches!

And besides, nandito naman mga fans mo ;)

by jolas

Your pala hindi our hahahaha

by jolas

http://mheemsandotherdisasters.tumblr.com/tagged/Expedia

Is that trainer Marlon din? Is he the same person?

by Louis

We need gwapo hot and trainer here. Dito na lang siya.

by troythefire

ay bakit ganon nung asa PS ako walang gwapong trainer ahehehee!

grabe na iyak ako sa story...said..but look at it in the bright side...God must have a bigger plan for you, you just have to be patient. ^_^

by chinita

hi books, call me anier, im from PS almost a yr na din here , ive started reading your blogs last September pa, you know what, i really couldn't help it, i need to say this, your blogs were my guide sa everyday life ko.. blogs mo parang yung lagi kong inaabangang teleserye, and for this blog, naiyak ako.. para tuloy ako tange!!! mahal ko ang mga sinusulat mo, nawawala ang mga stress ng buhay ko.. kaya mo yan.. we (blogfans) are here for you.. :)

by anier

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint